Nagising ako sa silaw nang liwanag sa ceiling na akala ko ay langit na. Nagtaka naman ako kung bakit hindi ko maigalaw ang katawan ko ay yon ang hindi ko alam. Kung kailang minamalas ka at na hospital ako nang wala sa oras.
Hindi ako makapaniwalang eto ang bubungad sakin nang walang kwentang kalaban. May naririnig akong usapan sa mga paligid ko. Ngunit nag a adjust pa ang mata ko ay unti unti pa lang itong umilinaw.
Nang makita ko ang pagsilip ni Desiree ay nagsilapitan sila sa akin at tinanong kung ano ang pakiramdam ko. May naririnig din akong tumakbo palabas at gusto kong matawa dahil alam kong si Desiree iyon.
Nang dumating ang Nurse at Doctor ay chineck nila ako. Lipad ang isip ko ngunit ang narinig ko lamang ay mabuti na lang at tumama ang bala sa may balikat ko at hindi sa mga spinal cord or etc kung hindi ay death on arrival na ako.
"Anong pakiramdam mo?" Tanong sa akin ni Daven hindi ko maiwasang Irapan sya dahil sa emotionless na itsura nya.
"Ok lang ako." Mabuti na lamang at may boses ako. Whoo.
May naririnig akong hikbi nang isang tao. Inilalayan nila akong iangat ang higaan ko upang mag mukhang nakasandal ako. Nilingon ko iyon at nakita kong umiiyak pa rin na parang bata si Veil. Kaya naman natawa ako ngunit napatigil din dahil sa lintik na likod ko.
Huminga ako nang malalim at nararamdaman kong hinihigit ni Kuya si Veil. Kaya naman nang mag mulat ako ay siyenyasan ko siyang lumapit dito.
"Come here." I pouted na ikinatawa naman nya.
Nagmadali naman syang lumapit sa akin at niyakap ako sa beywang ko at para bang maiiyak ulit.
"I'm sorry, Ate." Hiniwakan ko naman ang buhok nyang malambot at pilit na pinapatahan.
"Shh, Don't blame yourself." Ginawa ko na tuloy syang parang baby ko. Mahal na mahal ko talaga ang mga kapatid ko kahit na minsan ay hindi kami nagkaka sundo.
Natuwa naman ang mga magulang ko sa ina akto ni bunso. Himala at pumayag na rin syang mag pa check up. Hinalikan ko sya sa noo at pinang gigilan ko ito.
Niyakap ko rin si Leigh, Mommy, Daddy, Veil at Kuya. Si Desiree ay lumabas na muna. Natatawa talaga ako sa babaitang iyon dahil mukhang iba na sya ngayon.
"Honey, Bibili lang kami ng pagkain mo." Hindi sila matahimik kahit may prutas na sa gilid ko. Tumango na lamang ako bilang pag sang ayon.
Marami ang bumisita at naka usap ko na rin sina Desiree at kambal. Panandalian ay umuwi rin agad sila. Yung tatlong kapatid ko ay hindi umalis sa tabi ko. Matapos nang pagkain ay kasabay naman nang pag katok nang pintuan.
Nagtataka ako kung bakit parang gulat ang mga mukha nila. Pagsilip ko ay si Scott iyon. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko lalo na nang masilayan nya ako. Gusto ko na naman umiyak pero pagod na ako. Lahat ng luha ay inilabas ko na noon pa man. Kung kailan magiging ok na ako tsaka sya magpaparamdam.
Nung oras na gusto kong kausapin sya ay hindi ako pinag bigyan nang tadhana. Ngayon naman sa sitwasyon ko pang ito bigla syang nagpakita. Ano naba ang nangyari at parang mag isa pa sya.
Susugurin sana sya ni Kuya at Veil nang awatin sya nang mga magulang namin. Pinilit muna nilang lumabas kahit ayaw nang dalawa kong kapatid ay naintindihan naman ng magulang ko kaya naman parang natulala pa sya sa sitwasyon ko ngayon.
Sumandal ako at pumikit. "Kung gusto mong makipag usap ay magsalita ka. Mag explain ka." Buntong hiningang sambit ko at nag chill panandalian.