webnovel

Chapter 32

Lyn's PoV

Sinalubong ako ng halik ni My love sa labi at sa paghawak ng beywang ko at inilapit ako nito sa kanya. Nagkiss kami ng smack at humarap na kami sa katapat naming si Krisha at Lexord.

Ganun na lang ang gulat namin ng lumalalim na ang halikan ng dalawa kaya agad kong nasipa si Krisha sa ilalim ng lamesa na ikinatigil naman ng dalawa.

"Mahiya kayo, nasa Cafeteria kayo wala sa kwarto, kaya huwag masyadong PDA, please lang." Paki usap ko sa dalawa na ikinatango naman nila.

"Don't mind them, Love." Sambit ng katabi kong si Israel na akmang hahalik din ngunit hinarang ko na ang kamay ko sa mukha nya na ikinatawa naman nito.

Bumalik na si Chloe at France na may order na pagkain kasabay ang ilang waiter sa likod nila.

Sabay kaming nagdasal bago magsimulang kumain ng sabay sabay, sa pagkakataong ito ay kakaiba ang ihip ng hangin dahil sa sobrang tahimik at wala ni isang nagsasalita.

Siguro ay mga gutom na ang mga ito, lalo na ang dalawang nasa harap ko ay kulang na lang kainin nila ang isa't isa, I mean halos maubos na ang kanin at ulam nila.

Nang matapos ay nagsibalikan na kami sa classroom habang nai kwento ni Krisha ang halikan nila sa cafeteria. Ang bruha ay hindi na nahiyang I kwento at todo kilig naman ang isa na ikinairap ko na lang.

Matapos ang klase ay naghiwa hiwalay na kami. Dahil isasabay ko pa si My Love na ay isang boyfriend ko na.

Habang naghihintay ako sa may bench ay may nakita akong isang anino na konting malapit sa akin at agad naman aking kinabahan dahil nararamdaman ko na ito noon pa man.

Noon pa man gusto ko nang maniwala na matagal ng nanganganib ang buhay ko sa takot at hindi pa rin malaman kung sino ba talaga ang nasa likod nito.

Nang may yumakap sa likod ko ay nawala ang anino at kaba ko.

"What's wrong?" Tanong sakin ni my love dahil nahalata nito ang reaksyon ko.

"N-nothing.. Let's go." Sabay halik ko sa labi nya na ikinagulat nito at agad ding ngumiti ng pagka tamis tamis sakin.

Habang naglalakad kami pauwi dahil magkapit bahay lang naman kami ay sabay na rin kami umuwi. Nararamdaman ko ang bawat lakad namin ay may sumusunod sa amin.

Nagulat na lang ako nang itulak ako ni Israel sa dilim at tumama ang likod ko sa pader at agad akong hinalikan nito na syang ikinabawi ko naman at hinalikan din ito pabalik.

Matapos ang ilang segundo ay niyakap ako nito ng mahigpit.

"Alam kong kahit hindi mo sabihin ay nalalaman ko Irish. Mahal na mahal kita at hindi ako papayag na mawala ka sa buhay ko." Gulat ako sa sinabi nito at kasabay ng pag tulo ng luha ko ang aking naisagot.

"If you die, I'll die. I don't want to lose you too, my love." Kinalas ko ang pagkakayakap sa kanya at hinalikan ito sa labi.

下一章