Lumapit ako sa kanya nang tumigil siya sa gilid. Nang matapos ang pag uusap nya ay tiningnan lang ako nito nang walang kwenta.
"Kailan kaba ngingiti?" Pairap na sambit ko.
"Nandito ka lang ba para sabihin iyon?" pilosopong tanong nito.
"Did u eat my cook, yesterday morning?"
"No!" Agad na sagot nito na ikina lungkot ko.
"Hmm, okay. Don't worry last na iyon." Napa buntong hininga naman ako bago tumingin sa kanya. "Hindi ko na ulit gagawin." Pilit na ngiti ang binigay ko sa kanya bago umalis.
Nilaro laro ko ang lollipop at pa model na naglakad. Nang sumapit ang tanghali ay kumain na muna ako sa cafeteria dahil sa nalalapit na intrams ay pinaghahandaan ito.
Kumain ako nang adobo nang mabilisan bago magpaalam sa mga kaibigan ko.
"Ingat ka." Chloe and Krisha
"Salamat."
Nag dala ako nang payong upang hindi mainitan at sinuot ang shade. Nang matanaw ko si Nerd ay kumaway ako dito upang magpaalam.
"Where are you going?" Nagugulat akong napatigil sa pagka lakad at tiningnan siya.
"Check up, sama ka?" Ngunit agad ako nitong tinalikuran at napa irap na lang amo sa hangin bago lumabas nang gate.
(Hospital)
"We need to protect your sister ma'am. Dahil sa kanyang nangyari nga kahapon na kinuwento nyo ay masyadong delikado sa kanya ang mga bagay na ipinapakita nang ibang tao sa kanya. Nang dahil doon ay bumalik ang hindi na dapat binabalik. Dahil masyadong delikado ito sa kanya. Kaya po sana ay huwag na muna siyang palabasin at hayaang maipahinga ang utak nya." Mahabang paliwanag nang doktor na ikina inip ko.
Blah blah blah and then done.
"Thank you doc." Sambit ni Ate at sabay na kaming lumabas
"Narinig mo naman siguro ang paliwanag nang doctor mo!?" mataray na wika nya.
"I know." At nauna nang maglakad sa kanya.
Pagka bukas nya nang kotse ay pumasok ako at umidlip dahil pupuntahan nya ang bf nya sa mall panandalian.
Nang makaramdam ako nang paghinto ay nagising ako. At hindi rin nag tagal ay magkasama na ang dalawang love birds.
Pumasok si Ate sa driver seat. "Lumipat ka sa kabila at dyan si Andrew." Mataray na sambit nito na ikinagulat ko.
"Seriously?!" Asik ko sa kanya.
"Mukha ba akong nagbibiro?" Napa irap na lang ako at padabog na bumaba at lumipat sa kabila.
Narinig ko ang paghalakhak ni Andrew kaya naman inirapan ko na lang ito. Makakabawi din ako sayong gunggong ka!