webnovel

Chapter 28

Sa kanilang kwarto, habang pinagmamasdan ni Ada ang mukha ni Kent na natutulog ay naisip niya ang ginawa ni Kent sa kaniya kanina. Naiinis siya at nagagalit sa ginawa ni Kent kanina, pero wala naman siyang magagawa, dahil nagseselos ito kay Mark.

 

Naisip niya na maging masunurin na lang sa kagustuhan ni Kent, dahil ayaw na niya muli pang mangyare iyon at magalit sa kanya si Kent. Wala rin naman siyang feelings para kay Mark dahil itinuturing na niya itong kapatid at hindi niya maatim na magsinungaling sa kanyang tunay na nararamdaman.

 

Unti-unting bumigat ang mga pilik-mata ni Ada at dahan-dahang nakatulog.

 

Kinabukasan ay maagang nagising si Kent at inihanda ang kanyang mga gamit, maaga siya ngayon dahil may game match ulit sila ngayon laban ulit sa ibang school.

 

Pagkatapos niyang maghanda at magbihis ay lumapit siya kay Ada na mahimbing pa ring natutulog sa kaman. Dahan-dahan siyang umupo sa gilid ng kama at iniayos ang buhok ni Ada na napunta sa kanyang mukha. Yumuko si Kent at dahan-dahang hinalikan si Ada sa pisngi.

 

Unti-unti naman nagising si Ada at dahang-dahan na nagmulat ng kanyang mga mata. Nakita niyang nakaupo si Kent sa gilid ng kama, nakasuot na ito ng white shirt at uniform na short sa kanyang football team.

 

"Ohh." Mahinang wika ni Ada.

 

"Good morning." Nakangiting bati sa kanya ni Kent. "Mauuna na ako sa school, may laro kami ngayon. Sumunod ka na lang mamaya ah." Sabi sa kanya ni Kent.

 

Tumango naman si Ada, "Okay."

 

"I love you." Sabi ni Kent sa kanya.

 

"I love you too." Tugon naman ni Ada at muli siyang hinalikan ni Kent sa mga labi at ngumiti ng bahagya.

 

Tumayo si Kent at kinuha ang bag at lumabas ng kwarto.

 

Narinig naman ni Ada ang pagsara ng pinto ng kanilang kwarto ay muli siyang natulog dahil alasais palang ng umaga ngayon, mamaya pa siyang 8 ng umaga pupunta sa school.

 

Nang makarating si Kent sa kanilang school ay nakita niya ang iba niyang kateam mates sa field na nag eexercise at nag iistretching. Lumapit siya sa ibang bench na nandoon at nakita naman siya ni Mark na dumating. Binati siya ni Mark, subalit hindi niya ito pinansin at ibinaba niya ang kanyang bag sa bench.

 

Tinawag sila ng kanilang coach at pinag stretching at pinagawa ng exercises at pinatakbo sa field. Kinundisyon muna ng kanilang coach ang kanilang katawan, bago ang laro mamaya.

 

Nagsisimula na rin magsidatingan ang mga estudyanteng manunuod at nag-aayos na din ng kanilang mga gamit ang bawat booths na nakapaligid sa school.

 

Maya-maya pa ay dumating na ang oras ng kanilang game. Tamang-tama naman ang pagdating ni Ada at agad niyang nakita si Joice at nilapitan ito sa kanyang upuan.

 

"Hi Joice!" Bati ni Ada.

 

"Hi sis! Halika, upo ka na, malapit na magstart ang game." Sabi ni Joice.

 

Umupo nga si Ada sa tabi ni Joice. Masaya silang nanuod ng foot ball game. Paminsan-minsan ay tumitingin sa kanya si Kent at napansin din niyang inilalagay nito ang kwentas niya na may singsing sa kanyang labi habang nasa field.

 

"Their wedding ring", at tila ba hinahalikan niya ito.

 

"Tingnan mo, mukhang mahirap ang kalaban nila ngayon, nahihirapan sila makascore." Pag-aalala ni Joice.

 

"Oo nga, sana manalo sila." Sabi ni Ada.

 

Tinuro naman ni Joice ang mga estudyante na mula sa ibang school ang humahanga din kay Kent. Nagchecheer sila sa koponan nila Kent at kay Kent mismo.

 

"Tingan mo yun ibang estudyante galing sa ibang school, mukhang kinikilig din kay Kent." Sabi ni Joice.

 

Tumingin naman si Ada sa itinuturo ni Joice, "Oo nga." Maikling sagot ni Ada.

 

Sa tuwing natatamaan ni Kent ang bola ay ubod ng lakas ito magsipag-tili at sigaw para kay Kent.

 

"I love you Kent!" Sigaw nila.

 

Napansin naman sila ni Kent at lumingon sa kanila at lalo pa itong nagsitilian ng lingunin sila ni Kent.

 

"Aaaaahhh!" Sabay-sabay itong nagsitilian, samantala ay nairita naman si Kent sa mga tili nila at napa-iling na lamang ito.

 

Maya-maya pa ay sumapit ang break time ng kanilang laro, pinagpahinga muna ang mga players at umupo sa bench.

 

Samantala, lumapit naman si Mark sa upuan nila Ada at Joice, nang makita ni Ada na papalit si Mark sa kanilang pwesto ay agad siyang nagtago sa likuran ni Joice.

 

"Hi Ada, Joice!" Nakangiting bati sakanila ni Mark.

 

"Hi Mark! Goodluck sa game ninyo." Sabi ni Joice.

 

Napansin naman ni Mark na nagtatago si Ada sa likuran ni Joice.

 

"Ada, ano ba ang ginagawa mo? Kinakausap ka ni Mark." Sabi ni Joice kay Ada.

 

Pero kumaway lang si Ada at itinago parin ang kanyang mukha sa likod ni Joice. Ngumiti na lamang si Mark, naisip niyang baka ayaw pa siya makita ni Ada dahil sa pagtatapat niya kagabi.

 

"Sige, balik na ako sa team." Paalam ni Mark sa kanila.

 

"Okay, sige." Nakangiting sabi ni Joice at kumaway din siya kay Mark.

 

Napansin naman ito ni Kent na nagtago si Ada sa likod ni Joice at hindi kinausap si Mark, habang umiinom ng tubig ay sinabi ni Kent ng mahina.

 

"Good girl!" Pagkatapos ay ngumiti siya at uminom ulit ito ng tubig.

 

"Oh, umalis na siya, bakit ka nagtago?" Tanong ni Joice kay Ada.

 

Dahan-dahan naman na umupo ng maayos si Ada at tumingin sa paligid.

 

"Ayoko lang siya makita." Sagot ni Ada.

 

"Ah, dahil ba sa pagtatapat niya sayo kahapon?" Tanong ni Joice.

 

"Yes." Maikling sagot ni Ada at naintindihan na ni Joice kung bakit bigla itong nagtago.

 

Pagkatapos ng break time, ay nakascore si Kent. Samantala ang kanilang kalaban ay nahihirapan paring makascore. Nakuha ulit ni Kent ang bola, subalit ito ay nablocked ng kalaban, pero sa pagtutulungan ng buong team ay muli silang nakascore.

 

Agad na nagsigawan ang mga nanunuod dahil lamang na ngayon sila Kent ng dalawang points!

 

Pagkatapos ay hindi na muli pang nakascore ang kalaban at muling nanalo ang team nila Kent.

 

Masayang natapos ang laro at madali namang nagbigay ng mga balota sila Ada at Joice sa mga estudyanteng nanunuod bago pa mag-alisan ang mga ito.

 

Samantala, habang nagpapahinga ang team nila Kent sa may bench, ay may lumapit na mga estudyante na taga ibang school. Nakilala ito ni Kent, yun kanina pa sigaw ng sigaw sa kanya.

 

Nahihiyang lumapit ito kay Kent at nagpakilala.

 

"Hi Kent, I'm Carol." Pakilala ng isang babae na makapal ang make-up at inilahad nito ang kamay sa harapan ni Kent.

 

"Hi, and I'm Diane." Pakilala din ng isa na kasama nito at inilahad din ang kamay sa harapan ni Kent.

 

Tiningnan lang ni Kent ang mga kamay nila at nagpatuloy siya sa pag-inom ng kanyang tubig. Hinanap ng mga mata ni Kent si Ada at nakita niya itong namimigay ng balota sa mga estudyante.

 

"Kent, meron pala kaming sasabihin sayo." Sabi ni Diane.

 

Tumitig sa kanila si Kent, "Say it."

 

Nagkahiyaan pa ang dalawang estudyante at nagbulungan at nagturuan kung sino ang magsasalita.

 

"Inaamin ko na. A-ako yun sumigaw sa rooftop nung Monday!" Pinagmamalaking sinabi ni Carol sa harapan ni Kent.

 

Narinig naman ito ng iba niyang kateam mates at ibang estudyante na nakapaligid sa kanila.

 

Tumaas naman ang kilay ni Kent at tiningnan ang babae mula ulo hanggang paa. At huminga ng malalim bago nagsalita.

 

"Are you sure?" Tanong ni Kent sa babaeng nasa harapan niya.

 

"Yes, I am!" Muli nitong pag-amin.

 

Lumapit naman si Alfred at iba pang estudyante.

 

"Teka, narinig ko na siya yun sumigaw sa rooftop. Teka, ikaw ba talaga yun? Paano mo mapapatunayan na ikaw nga yun?" Tanong ni Alfred.

 

Huminga ng malalim ang babae at sumigaw ito.

 

"I love you Kent! I love you! I love you Kent!" Sigaw ni Carol.

 

Dumami naman ang mga estudyanteng nakapaligid sa kanila ng marinig ang pagsigaw ng babae.

 

"Enough!!!" Galit na sigaw ni Kent sa kanya.

 

Tumayo siya at tinitigan ng masama si Carol na tila ba gusto na niya itong sakalin.

 

"Wag mo kong lokohin! Kilala ko kung sino ang babae sa roof top!" At galit na dinuro ni Kent si Carol, "At hindi ikaw yun!"

 

Nakakahiya ang ginawa ni Carol na umamin na siya ang bababe sa rooftop.

 

"Let's go bro." Yaya ni Kent kay Alfred sabay dampot sa kanyang bag at lumakad papalayo, sumunod naman si Alfred at ibang team sa kanya pagkatapos tingnan ng masama si Carol.

 

Pinagtinginan si Carol ng mga tao doon at talagang nakakahiya ang ginawa nila, at narinig nila ang mga sinabi ng mga tao sa paligid.

 

"She's a liar! Hindi naman pala siya yun!"

 

"Akala siguro nila maloloko nila si Kent! Ambisyosa!"

 

At kung anu-ano pa ang mga masasakit na salita ang sinabi ng mga ito sa kanila. Hanggang sa tuluyan ng pumatak ang luha ni Carol.

 

"Sis, tara na, alis na tayo dito, pinagtitinginan na tayo ng mga tao." Bulong ni Diane sa kanya.

 

Pagkatapos ay dahan-dahan silang humakbang papalayo, habang pinagmamasdan parin sila ng mga estudyante.

 

"Seryoso? Nagpunta lang siya dito para ipahiya ang sarili niya." Sabi ni Joice habang umiiling-iling.

 

"Well, baka may gusto lang talaga siya kay Kent." Sagot ni Ada.

 

"Talagang gusto niya si Kent, hindi niya dapat naisip na magsinungaling. Katulad lang niya si Charm na sinungaling, hmp!" Naiinis na sabi ni Joice.

 

"Hay, ito naman, maiinit na naman ang ulo mo. Tara, kain tayo ng ice cream para lumamig naman yan." Yaya ni Ada sa kanya.

 

"Okay sige, magandang idea nga yan." Sagot ni Joice.

 

Pagkatapos ay pumunta nga sila sa canteen.

 

下一章