webnovel

Chapter 13

 

Nagpaalam si Ada sa kanilang Lolo at mga magulang, at nakita niyang nakatayo si Kent sa kotse, tinitigan niya ito. Habang papalapit siya, lumapit siya sa kanya. Tumigil si Ada nang makita niyang nakatitig ng masama si Kent sa kanya.

 

"Wala ka bang mahabang palda?" Tanong ni Kent at yumuko siya at sapilitang ibinababa ang palda ni Ada.

 

"Ito ang ibinigay sa akin ng paaralan." sabi ni Ada habang nakacross ang kaniyang mga braso.

 

"Mamaya humingi ka ng mas mahaba diyan. Kitang-kita na ang mga hita mo eh." Sabi ni Kent at tumalikod sa kanya.

 

"Ganito talaga ang sukat ng palda ko." Ipinagtanggol ni Ada ang sarili.

 

"Tsk! Basta humingi ka ng bago!" Sabi ni Kent at pumasok sa kotse.

 

"Okey fine!" Pagkatapos ay pumasok na din siya sa loob ng kotse.

 

Pagdating nila sa paaralan, mabilis siyang bumaba sa kotse. Nagmamadali si Ada na bumaba sa kotse habang walang nakakita sa kanya. Nakababa na siya at nagsimula ng humakbang ay bigla siyang napahinto nang biglang may tumawag sa kanya.

 

Bigla, isang tawag ang huminto sa kanyang paglalakad.

 

"Ada!" Tinawag siya ni Joice.

 

Dahang-dahan namang lumingon sa likuran si Ada at pilit na ngumiti.

 

"Hi Joice!" sabi ni Ada.

 

"Sino ang naghatid sa iyo? Ikaw ah, lumilevel-up ka na ngayon! Mamahaling sasakyan pa ang naghatid sayo." sabi ni Joice.

 

"Ahm.." Hindi alam ni Ada kung ano ang isasagot.

 

"Iyan ba ang kotse ng Mommy mo? Sa susunod na umuwi tayo, isama mo ako ah." Sinabi sa kanya ni Joice.

 

"Oo! Kotse ni Mama." Pagsisinungaling ni Ada.

 

"Okey. Tara, pasok na tayo!" Yaya ni Joice sa kanya at sabay silang pumasok sa school.

 

Pagdating nila sa silid, napansin niya na wala pa roon si Kent. Inorganisa ni Ada ang notebook at ballpen. Ibinalik niya ang notebook na hiniram niya kay Joice.

 

"Joice, ito na ang notebook na hiniram ko sayo. Salamat ah!" Nakangiting sabi ni Ada.

 

"Okay, you're welcome." Sagot naman ni Joice.

 

Nang bumalik si Ada sa kanyang upuan ay nakita niya ang pagpasok ni Kent na para bang slow-motion na naglalakad papasok sa room. Napakagwapo ni Kent habang sinisinagan ng araw ang kanyang makinis na mukha. Pati ang mga kaklase nila ay napahinto at napatingin sa kagwapuhan ni Kent na tila pa ba nagnining-ning sa sinag ng araw.

 

Hawak ni Kent ang kanyang bag sa kanyang balikat habang naglalakad. Ang kanyang polo shirt ay bahagyang nakabukas ang dalawang botones, kaya naman nakikita ang kuwintas niya na may singsing. Ang kanyang magagandang mata ay nakatuon sa mga mata ni Ada. Hanggang sa makaupo si Kent.

 

"Hi Kent!" Binati ni Joice si Kent ng masaya.

 

Ngunit umupo lang si Kent sa silya, at binalewala ang bati ni Joice at Ada.

 

"Sigurado ako, nasa bad mood na naman siya." Bumulong ni Joice kay Ada.

 

"Siguro nga." Sagot na bulong ni Ada at maya-maya pa ay ang kanilang Guro ay dumating na at nagturo.

 

Sinabi ng kanilang guro na malapit na ang kanilang pagsusulit at kailangan na nilang magreview. Agad siyang nag-text sa Kent sa klase.

 

"Kent, magreview tayo mamaya, turuan mo ako." Text ni Ada.

 

"Hindi ako pwede, may practice kami mamaya ng football." Sagot ni Kent.

 

"Ah, ganun ba? Hihintayin kita." Agad na sagot ni Ada.

 

"Tsk! Huwag mo na akong hintayin." Sagot ni Kent.

 

Tumango si Ada para basahin ang huling teksto ni Kent.

 

"Bakit naman ayaw niyang hintayin ko siya? Hmp!" sa isipan ni Ada, habang nakatingin nang husto sa likod ni Kent.

 

Pagkatapos ng klase agad na tumayo si Kent at umalis na. Nilapitan ni Joice si Ada habang palabas siya ng silid.

 

"Ada, uuwi ka na ba? Narinig ko na may football practice daw ngayon sila si Kent, tara manuod tayo." Yaya ni Joice.

 

"Ha, may kailangan akong dapat gawin eh." sabi ni Ada.

 

"Ano?" sabi ni Joice.

 

"Manghihingi ako ako ng bagong uniform." sabi ni Ada.

 

"Uniform?" tiningnan ni Joice ang uniform niya. "Okay, pa naman ang uniform mo ah, anong probleman?" Tanong ni Joice.

 

"Oo, pero ayaw ng Papa ko na masyadong maikli ang palda ko." sabi ni Ada.

 

"Ah ganun ba, sasamahan na lang kita. Pagkatapos ay pumunta tayo sa field para manuod ng practice." sabi ni Joice.

 

"Okey, sige." Sang-ayon ni Ada at magkasama silang nagpunta sa Admin para humingi ng bagong uniform.

 

Pagkatapos nilang makuha ng bagong uniporme, dumiretso sila sa field.

 

Habang papunta sila sa field, napansin ni Ada na maraming mag-aaral ang nanonood ng laro. Marami ring estudyanteng sumisigaw at nagchecheer para kay Kent. Mukhang isang tunay na laro, ngunit ito lamang ay isang pagsasanay.

 

"Nagsisimula na, tara bilisan natin." Yaya ni Joice at hinila ang kanyang mga braso habang naglalakad.

 

Nagpalinga-linga sila para makahanap ng magandang pwesto at upuan. Subalit sa hindi inaasahan, ay tinamaan sa ulo si Ada ng bola.

 

"Ada!!!" Nagulat si Joice ng makitang nasapol sa ulo si Ada.

 

Bumagsak si Ada at napaupo sa damuhan.

 

"Outchh!" Sabi ni Ada habang hawak-hawak niya ang kanyang ulo.

 

Agad tumakbo sa kanila ang lalaking nakatama kay Ada.

 

"Pasensya na Miss, hindi ko sinasadya." sabi niya kay Ada.

 

Nang makita ito ni Kent, agad siyang tumakbo papunta kala Ada at nagalit.

 

Sumunod ang iba pang mga manlalaro at pansamantalang itinigil ang laro.

 

"Okey ka ba? Sinabi ko sayo na huwag kang pumunta!" Sinabi sa kanya ni Kent habang nakatingin siya sa kanyang ulo.

 

"Ayos lang ako. Niyaya ako ni Joice na manuod." sabi ni Ada.

 

"Oo, hiniling ko sa kanya na makasama ko siya. Huwag ka sanang magalit." Sagot naman ni Joice.

 

"Okey ka lang ba? Puwede kitang dalhin sa Clinic, kung gusto mo." sabi ng lalaki na nakatayo sa harap ni Ada.

 

"Ayos lang ako, huwag ninyong isipin ito." sabi niya at dahan-dahang tumayo si Ada, na sumusuporta sa kamay ni Kent.

 

Pagkatayo niya ay napagmasdan niya ang mukha ng lalake na nakatayo sa harap niya. Pamilyar ang mukha nito, agad siyang nagtanong.

 

"Sandali, kamukha mo si Mark, ikaw ba si Mark?" tanong ni Ada.

 

"A-Ada?" pagkumpirma niya at ngumiti siya sa kanya. "Ako nga si Mark, Ada."

 

"Mark! Kamusta na?" masayang wika ni Ada.

 

"Okay lang. Nag-aaral ka rin ba rito?" tanong ni Mark.

 

"Oo." sabi ni Ada.

 

"Kilala niyo ba ang isa't isa?" tanong ni Kent sa kanila habang nakatingin sa kanilang dalawa.

 

"Oo, kaibigan ko siya noong bata pa kami." Masayang sumagot si Mark, habang nakatitig kay Ada.

 

"Kababata?" muling tinanong ni Kent si Ada.

 

"Oo, yun picture." Sinabi ni Ada kay Kent para maalala nito.

 

"Ah, okey." Sabi ni Kent ng maalala nito at agad na siyang lumakad palayo at bumalik sa laro.

 

"Sige na Ada, see you!" sigaw ni Mark habang tumatakbong pabalik din sa laro.

 

Masama ang pakiramdam ni Kent ng makitang iba makatitig si Mark kay Ada. Nabalisa naman si Ada sa ikinilos ni Kent, naramdaman niyang parang nagalit ito.

 

Natagpuan nina Ada at Joice ang kanilang upuan at pinanuod nila ang laro hanggang matapos ito.

 

"Ada, okey ka lang ba?" Nag-alala si Joice.

 

"Oo, okey lang ako." sagot ni Ada.

 

"Mukha kang may bukol sa ulo." Sabi ni Joice habang hawak niya ang ulo ni Ada.

 

"Hayaan mo na, bukol lang naman." Nakangiting sabi ni Ada.

 

"Ang taong iyon, kilala mo ba siya?" tanong ni Joice.

 

"Oo, kaibigan ko siya noong bata pa ako, matagal na naming hindi nagkikita." sabi ni Ada.

 

"Ganun ba? Katulad din niya si Kent na magaling maglaro ng football at may itsura din." Nakangiting paglalahad ni Joice.

 

"Ah, oo nga." Maikling sinabi ni Ada.

 

"Maganda rin siyang ngumiti." Sabi ni Joice nang nakangiti.

 

Magiliw nilang minasdan ang laro. Paminsan-minsan ay nililingon sila ni Kent. At kapag ang coach ay nagbibigay sa kanila ng oras upang magpahinga, si Kent ay lumapit sa kanila at binigyan si Ada ng nagyeyelong mineral na tubig para sa kanyang ulo.

 

"Oh, ilagay mo ito sa iyong ulo." Sabi ni Kent at iniabot ito kay Ada.

 

"Salamat." Sabi ni Ada at umalis na si Kent.

 

 

下一章