webnovel

Chapter 6

Maagang nagising si Ada, para mag-ayos ng mga gamit. Sinabi na din niya sa kanyang parents ang nangyare, na pinapalipat na siya ni Don Manuel sa malaking bahay nito. Tuwang-tuwa ang mga ito sa kanyang balita, pero siya ay malungkot, dahil alam niyang magbabago ang kanyang simpleng buhay kapag lumipat na siya sa Mansyon.

Nagring ang cellphone nya, tiningnan niya ito pero hindi nakasave sa phonebook nya kung sino.

"Hello!" sagot ni Ada.

"Ready ka na ba?" wika ni Kent.

Nabosesan naman ito ni Ada.

"Oo, wait lang." pagkababa niya ng phone ay may kumatok sa pinto.

Pagkabukas niya ay si Kent ang nakita niya.

"Oh, andito ka na pala, tumawag-tawag ka pa!" wika ni Ada.

"Syempre, chinecheck ko lang kung gising ka na." wika ni Kent at sabay upo sa may kama ni Ada.

"Eh, ano pang inuupo-upo mo dyan? Tara na!" wika ni Ada.

"Ok!" agad namang tumayo si Kent at tinulungang magbuhat ng gamit si Ada.

Pagkarating nila sa mansyon ay agad silang sinalubong ni Don Manuel at mga kasambahay. Tuwang-tuwa ito nang makita si Ada.

"Maligayang pagdating Iha!" masayang bati nito.

"Magandang umaga po Don- eh Lolo! " nakangiting wika ni Ada at nagmano siya dito.

"Sige Iha, magpahinga ka muna. Apo, ituro mo sakanya ang inyong kwarto!" utos nito kay Kent.

Pagkatapos ay naglakad na si Kent paakyat ng hagdan sa taas. Sumunod naman siya dito, habang iniisip "ang inyong kwarto?" sa isip-isip ni Ada.

Nakita niyang binuksan ni Kent ang nasa kaliwang pinto na nasa bandang dulo. Dahan-dahan namang pumasok si Ada. Malaki ang kwartong iyon, na may kulay na blue at white, may sarili itong sala at sa kanang bahagi ay ang pinto ng bathroom. Sa bandang kaliwa naman ay ang damitan, pagbukas niya ay meron na itong laman na mga mamahaling damit ng pangbabae at pati mga accessories ay andodoon. Paglakad niya pa ay nakita na niya ang kama na malaki, sa gilid nun ay ang bintana at terrace na makikita ang garden sa baba.

Napaupo muna si Ada sa upuan na nadun sa terrace. Dahil magagandang pagmasdan ang mga iba't-ibang kulay ng mga bulaklak.

"So, you also love flowers?" wika ni Kent habang nakatayo at lumakad papalapit sakanya.

"Ah, oo. Ang ganda kasi, nakakawala ng pagod o stress." wika ni Ada.

"Tama nga si Lolo. Girls love flowers!" wika ni Kent, habang tumayo si Kent sa may terrace.

"Alam mo ba, kahit naunang nawala si Lola, hindi yan pinabayaan ni Lolo na malanta! Dati nung nakakalakad pa siya, araw-araw niya yang dinidiligan at tinataniman." kwento ni Kent.

"Matanong ko nga Kent. Ano ba sakit ng Lolo mo?" tanong ni Ada.

"Iba-iba na sakit ni Lolo, diabetis, highblood, halos lahat na, kaya tinapat na kami ng Doktor na, sandali na lang namin makakasama si Lolo." malungkot na wika ni Kent.

"Eh, yun parents mo nasaan?" tanong ulit ni Ada.

"Nasa abroad, lagi naman silang busy eh. Mula pagkabata ko, kala Lola at Lolo na ako lumaki. Kaya sanay narin ako na wala sila!" wika ni Kent.

"Ah ganun ba?" wika ni Ada.

"Eh, ikaw? Nasan ang parents mo?" tanong din ni Kent.

"Ah, ayun nasa kabilang City, busy din sila sa maliit na negosyo namin. Kaya, halos wala din sila sa bahay." wika ni Ada.

"Buti pinayagan ka nilang tumira mag-isa." wika ni Kent.

"Hindi noh! Tumakas lang ako sa amin!" wika ni Ada.

"Ah, kaya pala.." wika ni Kent.

"Kaya pala ano?" tanong ni Ada.

"Kaya pala mag-isa ka." wika ni Kent.

"Ah." wika ni Ada.

Maya-maya pa ay may narinig silang katok, si Ada na ang nagbukas ng pinto. Nakita niya ang dalawang katulong na dala-dala ang kanyang mga gamit, pinapasok niya ito.

"Naku, ako na lang po ang mag-aayos niyan!" wika ni Ada.

"Hindi na po Madam, kami na po bahala na mag-ayos ng mga gamit nyo." wika ng isang kasambahay.

"Oh sige, tutulungan ko na lang kayo." wika ni Ada.

Samantala, si Kent naman ay bumaba muna at sila Ada at mga katulong ay naiwan sa kwarto.

Nang matapos sila Ada sa pag-aayos ng mga gamit ay niyaya na siyang kumaen ng katulong. Sabay-sabay ulit silang kumaen nila Don Manuel at Kent. Medyo naninibago pa ng kaunti si Ada, sa set-up na ganun ang pang mayaman na lamesa, pero sabi niya sa sarili ay masasanay din sya, kapag matagal na siyang nakatira dito.

"Kamusta Iha, nagustohan mo ba ang kwarto? Kung meron ka pang gustong ipaayos o ipabili, sabihin mo lang ah, wag ka mahiya." wika ni Don Manuel.

"Maganda na po yun kwarto, ok na po para sa akin!" wika ni Ada.

"Ah sige, mabuti kung ganun. Mamaya, ibibigay ko sayo ang card mo, kung meron kang gustong bilhin gamitin mo lang yun." wika ni Don Manuel.

"Naku, wag na po, pinapadalhan naman po ako ng allowance ng Mama ko eh." pagtanggi ni Ada.

"Iba naman ang galing sa Mama mo at galing sa Lolo. Sige ka, magtatampo ako sayo, kapag hindi mo tinanggap yun. Basta sabihin mo lang kung ano gusto mo ah." wika ni Don Manuel habang hawak ang kamay ni Ada.

"S-sige po Lolo." tumango na sagot ni Ada.

"Pinapaayos ko na ang mga papeles at mga dapat ihanda sa kasal nyo. Pasensya ka na Iha kung simple lang muna ang gagawin nating kasal, dahil isesekreto lang muna natin ito sa iba. Kapag naging maayos na ang lahat, tsaka na lang ulit kayo magpakasal ng bongga ni Kent." wika ni Don Manuel.

"Ah ok lang po yun Lolo." wika ni Ada.

"Kent, tinawagan mo na ba ang Mommy mo at mga Tita mo?" tanong ni Don Manuel.

"Yes po Lo, nakausap ko na po si Mommy, darating daw po sila pati sila Tita Raquel. " wika ni Kent.

"Ah, mabuti kung ganun." wika ni Don Manuel at nagpatuloy na sila sa pagkaen.

Pagkatapos nila kumaen ay niyaya siya ni Kent na mag swimming sa pool.

"Tara swimming tayo!" wika ni Kent.

"Ha, hindi kasi ako marunong lumangoy eh." wika ni Ada.

Habang nagsasalita si Ada ay naghubad ng pang itaas si Kent sabay hinila niya si Ada sa pool.

"Aaahhhh!" sigaw ni Ada.

Nagkakawag naman si Ada, mabilis na kumapit siya sa balikat ni Kent. Si Kent naman ay tawa ng tawa sa nakitang reaksyon ni Ada.

"Hahaha...hahaha." malakas na tawa ni Kent.

"Papatayin mo ba ko? Sinabi ko na sayo na hindi ako marunong lumangoy!" inis na sabi ni Ada habang kapit na kapit parin kay Kent.

"Bakit ka natatakot? Andito naman ako eh!" wika ni Kent.

Bigla silang nagkatitigan ni Kent, masyado pala silang malapit sa isa't-isa. Habang nakakapit siya ng mahigpit kay Kent, naramdaman niyang yumakap ang kamay nito sa kanyang baywang, si Kent na unang nagsalita.

"Sige, dadalhin kita sa medyo mababaw." wika ni Kent.

"Oh, sige." wika ni Ada.

Pagkatapos ay unti-unti na syang bumitaw kay Kent, nang makarating sila sa medyo mababaw. Nakatayo lang si Ada sa may gilid ng pool, habang si Kent ay langoy ng langoy.

Pinanunuod na lamang ni Aya si Kent, magaling ito lumangoy. Maya-maya pa ay napansin niyang nagdala ang mga maid ng snacks nila ni Kent sa may lamesa at towel nila. Medyo nilalamig na si Ada kaya naisipan na niyang umahon.

Subalit habang umaahon siya ay napadulas siya sa tiles kaya nahulog ulit siya sa pool, nasalo naman siya ni Kent at saktong nagtama ang kanilang mga labi! Nagulat naman si Ada sa nangyare.

"Ano ba?!" sigaw ni Ada habang itinulak si Kent.

"Buti nga sinalo kita dyan eh!" sagot ni Kent.

"Hmp!" galit na titig na lang ang naisagot ni Ada at muli syang umakyat para umahon. Kinuha kaagad niya ang towel na nakalagay sa may upuan.

"Nilalamig na ko, mauuna na ko!" paalam ni Ada kay Kent.

"Oh sige!" sagot naman ni Kent.

Pagkatapos ay dumiretso na si Ada sa loob ng bahay para maligo.

下一章