webnovel

The Lady on the Well (TAGALOG)

作者: emi_san
青春言情
連載 · 28.9K 流覽
  • 6 章
    內容
  • 評分
  • N/A
    鼎力相助
摘要

Did you know that the world glitches? (Taglish) Glitch Series #1: The Lady on the well Steffie accidentally fell on the well. Fortunately, a mysterious man pulled her and saved her life. She noticed that there was something strange as she looked around. "Where the hell am I?! Am I in an another wolrd?!"

標籤
7 標籤
Chapter 1Chapter 1: Knight in Shining Gold and Blue Coat

Ugh. We travelled all the way from Cebu to Nueva Ecija just because dito gustong magpakasal ni Tita Margaret, stepmom ko. Dito kasi ang hometown niya. At syempre, dahil sunod-sunuran si Dad sa kaniya, nandito kami ngayon.

One month na ang nakalipas mula noong nagpunta kami dito, and guess what, nalaman ko na bumili ng mansion si Dad somewhere within Cabiao (a town), at lilipat na kami doon mula sa house ng parents ni Tita. Wth? that means mag-sstay pa kami dito ng matagal! Sa loob ng one month ko dito sa N.E, ginawa ko ang lahat para mapigilan ang kasal nila. Gusto ko nang umalis dito huhu! Malayong malayo ang lugar na ito mula sa lugar kung saan ako lumaki, at kung nasaan ang mga friends ko!

Ilang araw pa ang lumipas, my Dad transferred me into a nearby private school. Sa General de Jesus College, kung saan nag-aaral ang stepsis ko na isang buwan ko pa lang ding nakikilala.

I made so many friends on my first day. Right now, narito kami ng kaibigan ko sa plaza ng San Isidro, eating the snacks we bought from 7-eleven na katapat lang namin.

"Nakapunta ka na ba sa sa munisipyo, Steffie?" Tanong sa akin ni Anya, classmate ko.

"No—"

"Hindi pa siya nakakapunta." Sabat ni Sophia. Siya nga pala ang stepsis ko. Halos same age lang kami.

"She's right, Anya." Sabi ko.

"Edi, ipapasyal na lang kita." Anya insisted.

Tumingin ako sa isang malaking gusali sa tapat ng plaza. Napakaantigo ng hitsura nito at mukhang isang maliit na kastilyo.

"Sige, naeexcite na ako, ang ganda kasi ng exterior e." I said.

"Tara."

Kinuha namin ang basura namin saka tinapon sa basurahan, then, tumawid na kami sa kalsada.

Habang naglalakad kami sa isang maikling hallway na nagsisilbing entrance ng munisipyo ay nakaramdam agad akong kakaibang vibes. Para akong ibinalik sa panahon ng mga espanyol.

Ang unang nakita ko pagpasok namin ay ang luntiang damuhan sa di kalayuan. Lumingon ako sa kaliwa, there, I saw a curved bench. Sa pagtingala ko naman ay may nakita akong portrait. Una kaming nagtungo sa damuhan, sa gitna ng pinakaloob ng gusali. I can see the bright blue sky as I look up. Bukod sa tila balkonahe na may dalawang hagdan sa magkabilang dulo na ginagamit upang makaakyat sa second floor ay naagaw ng isang malaking wishing well ang atensiyon ko. Dali dali akong tumakbo papalapit dito at sinundan naman ako ng dalawa.

"Ang ganda dito diba?" Anya asked.

"Oo, nakakaamaze." I answered.

"Syempre, ipinagmamalaki kaya 'to ng San Isidro." Sophia said, proudly.

Dahil sa sobrang curiosity ko, I decided to look closely. May something na intriguing sa well na 'to. Parang may bumubulong sa akin na alamin ang mga bagay tungkol dito.

"Guys, magccr lang ako ha." Pagpapaalam ni Anya.

"Hintayin ka na lang namin dito." -Sophia

Sobrang focused ako sa well kaya hindi na ko nakisali pa sa kanila. Walang masyadong tao dito na nakakita sa amin dahil mahigit 3 na ng hapon at kasalukuyang nagtatrabaho ang mga ito. Half day kasi kami ngayon kaya nakakagala kami.

Lumapit pa ako lalo sa balon, dinungaw ko ang pinakailalim nito. Masasabi kong sobrang lalim nito because the shadow underwater is too dark.

"Pwede kang magwish diyan, gusto mo itry?" Suggestion ni Sophia.

Whatever. Hindi naman magkakatotoo yun. That is just a myth, di na ko bata para maniwala. Pero dahil wala naman mawawala kapag sunubukan ko...

"Talaga? Okay!" I said, trying to make myself sound excited. Kinapa ko ang wallet ko mula sa bulsa ko saka kinuha ang wallet ko para maghanap ng barya. Shocks, puro buo! I only have bills, and my credit card. "Shet wala akong barya..." Bulong ko.

Seems like Sophia heard it. "Eto... marami akong barya."

Kaagad ko naman inabot ang 1 peso coins na inaabot niya sa akin. "Thanks!" I said.

Hinawakan ko ang coin gamit ang dalawa kong kamay at itinapat ko ito sa aking labi.

Sana hindi matuloy ang kasal ni Dad at Tita Margaret and... sana mahanap ko na ang prince charming ko.

Napangiti ako dahil sa naisip kong hiling. Hay, hindi ko na talaga maitago ang kaharutan ko.

Sabay kami ni Sophia na naghagis ng barya.

"What did you wish for?" I asked.

"Secret! Pag sinabi ko kasi, baka di na magkatotoo." She answered. "Wait, tignan mo, yung barya mo nastuck yata sa pagitan ng bato na 'yun oh! Baka di matupad yung hiling mo!"

"Ha?! Wait lang gagalawin ko para mahulog." Nastuck ngg sa pader ng wishing well na gawa sa bato ang barya. Pero— malay mo hindi ko naman barya yun kasi di ko naman nakita ang eksaktong pagkahulog nito.

Meh. Malay ko ba kung totoo nga na natutupad ang mga wish dito pero... Lahat na yata ginawa ko para lang matigil ang kasal ni Dad pero walang nagyayari kaya dito na lang ako aasa huhu. I know this is stupid pero desperada na ako dahil ayokong pakasalan ni Dad ang babaeng yun na yaman lang ang habol sa kaniya.

Tinry ko abutin ang barya gamit ang kamay ko.

"Mag-ingat ka, baka mahulog ka." Pag-aalala ni Sophia.

Hindi ko siya pinansin. Hay, kung tinulungan niya kaya ako.

"Aaahhh!" Napatili ako nang bigla na lamang akong nadulas ay nahulog sa wishing well. Buti na lang nakakapit ako sa gilid ng well. Nakalambitin ako, at kaunti na lang ay mahuhulog na ako dahil unti unti nang nadudulas ang kamay ko. "Sophia! Help me!" Sigaw ko. Kaagad naman niyang inabot ang kamay ko, at kumapit naman ako ng maigi sa kamay niya.

Maya maya pa ay napahinto si Sophia sa paghila sa akin pataas. Tumingin siya sa paligid na para bang naghahanap ng mahihingan ng tulong. "Shit, bakit walang tao sa paligid? Hindi kita kayang iangat mag-isa!" Aniya.

"Please help me! Wag mo kong bibitawan, ayoko pang mamatay!" I shouted, naiiyak na ako kaya medyo nagcrack yung boses ko.

Matapos kong sabihin ang mga salitang iyon ay natulala si Sophia. Nakatitig lang siya sa akin, and I found it creepy. Kinilabutan ako. Then, tears started falling from her eyes.

"S-sorry, Steffie... Sorry..." Naguluhan ako bigla, bakit ba siya nagsosorry?

"Why? This is not the right time for apologies, p-please pull me!" I answered. Whatever she's apologizing for, I'll forgive her! Just please, don't let me die!

"My wish... this is exactly what I wished for..." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Lalo pa akong kinilabutan dahil sa pagngiti niya habang lumuluha. Please tell me na mali ang iniisip ko? "Please forgive me... I am really sorry"

"Don't do this..."

Unti unti niyang binitawan ang kamay ko, dahilan para tuluyan na akong mahulog. I don't know how to swim pero as long as may mahahawakan ako, kaya kong lumutang.

Unfortunately, nauntog ako sa gilid ng well na gawa sa bato. Nakaramdam ako ng pagkahilo, at unti unti na ring nagdilim ang paningin ko habang akong lumulubog. Nakarinig pa ako ng malakas na tunog bago tuluyang pumikit ang mga mata ko.

Hindi ako makapaniwalang magagawa sa akin 'to ni Sophia. So, her wish is... mawala ako?

Sana hindi pa ito ang huli. Sana makaligtas ako.

Mom, please wag mo muna ako sunduin, papaalisin ko pa si Tita Margaret sa buhay namin ni Dad.

Dad, please, don't marry Tita Margaret, and don't trust Sophia.

Sophia...

My last breath... hindi ko na kayang pigilan ang paghinga ko. I opened my mouth, yeah, I guess this is the end. Naramdaman kong unti unting pumasok ang tubig sa katawan ko.

I'm drowning... and dying.

Pero bago pa man ako tuluyang mawalan ng malay ay naramdaman ko na bigla na lang may pumalupot sa kamay ko at unti unti ako nitong hinila pataas.

The next thing I knew, is... Nakahiga na ako sa lupa at muli nang nakakahinga. Napaubo ako at luckily, lumabas na ang na nahigop ko dahil sa pagkakunod.

As I opened my eyes, sobrang weird ng nakita ko. I saw the moon above me, it's a fool moon ang it's shining brightly. Diba hapon pa lang?

I looked around to look for Sophia pero hindi ko siya nakita. Everything is different. Wala na ako sa munisipyo ng San Isidro... ang nakikita ko na lamang ay isang napakalawak na hardin. Ang tanging pamilyar na lang sa akin ay ang wishing well kung saan ako nahulog.

"Maayos na ba ang iyong pakiramdam?" Tanong sa akin ng isang lalaki. Laking gulat ko nang bigla niya akong inalalayan upang makaupo. Kaagad naman akong lumayo sa kaniya. Seems like this guy... saved my life.

"Sino ka?!" Sigaw ko.

Itinapat niya ang hintuturo niya sa labi niya, "Shush, Wag kang maingay."

"Sagutin mo muna ang tanoajsjjdjek—" tinakpan niya ang bibig ko using his hands.

"Baka may makarinig sa iyo at makagawa ka pa ng gulo?" He asked.

"Bakit? Anong lugar ba 'to?" Pabulong kong tanong, mahirap na baka totoo ang sinsabi niya.

"Sa palasyo ng ikaapat na prinsipe."

Pfft. Kahit nanghihina pa ang katawan ko dahil sa nangyari kanina ay nagawa ko pang pigilin ang tawa ko. Nabagok ang ulo ko kanina pero hindi pa naman nasisira ang ulo ko para maniwala sa taong 'to.

"May nakakatawa ba sa aking sinabi?" Aba't nagtanong pa talaga siya.

"Lol. Nababaliw ka na yata. Akala mo ba papaniwalaan kita?" Sabi ko.

Mukha namang naguluhan lang siya sa sinabi ko.

"Bakit ka ba narito? Paano ka nakapasok sa palasyo ng prinsipe?"

Paano nga ba ako nakarating sa lugar na 'to? At bakit ang lalim ng pananalita ng lalaking 'to?

"H-hindi ko alam." Sagot ko. "I fell on the well, that's the only thing I can remember."

"Woah. Nakapagsasalita ka ng ingles? Tanging mahaharlikang pamilya lamang ang nakapagsasalita ng wikang iyan."

"Anong ibig mong sabihin?"

Titingnan ko siya mula ulo hanggang paa. Kakaiba ang damit na suot niya. Saan ko ba nakita ang ganoong style ng damit? Sabihan na akong nababaliw pero sa tingin ko, nagtime travel ko. Sigurado akong hindi ito spanish colonial period, dahil hindi naman siya nakabarong. Pero tagalog naman ang salita niya. Ang gulo.

"Base sa iyong kasuotan at pananalita, galing ka sa isang nobleng pamilya. Anak ka ba ng isang Duke? Count? Marquis?" Nalito ako lalo dahil sa tanong niya. Tumingin ako sa suot ko, nagulat ako dahil tama siya. Gosh, I am wearing a super fancy dress! "O di kaya naman ay..." Hinawakan niya ang espada mula sa kaniyang tagiliran at bahagya itong hinugot. "...isa kang espiya na ipinadala ng kabilang imperyo."

"H-hindi, nagkakamali ka ng i-iniisip." Nakaligtas nga ako mula sa pagkalunod pero mukhang mamamatay rin ako sa pamamagitan ng espada ng lalaking ito.

"Bigla ka na lamang sumulpot sa kaharian ng prinsipe sa gitna ng hatinggabi at higit sa lahat, pumasok ka sa hardin. Hindi mo ba alam na ito ang paboritong lugar ng prinsipe at bukod sa mga hardinero at ilan sa kaniyang mga gwardya ay siya lang ang maaaring pumasok dito?" Paliwanag niya. "Hindi mo ba alam na kamatayan ang parusa sa ginawa mo?" Napalunok ako. Mas gugustuhin ko pang malunod kaysa pugutan ng ulo ng lalaking 'to.

"K-kung ganoon, bakit nandito ka? I-isa ka bang h-hardinero— hindi, gwardya?"

Bahagya siyang natawa. Natawa siguro siya dahil sa nauutal kong boses.

"Tama ka, Isa akong gwardya."

Aaaaaaaaahhhhhh! Bakit pa niya ako niligtas? Para patayin?

"I-ikaw na ang nagsabi na baka galing ako sa n-nobleng pamilya, k-kaya hindi mo ako pwedeng patayin." I said. Sana convincing!

"Saang pamilya ka ba nabibilang?"

Ack. I need to think of a lie na makapagliligtas ng buhay ko!

"The truth is... I can't remember a-anything." I lied. Sana paniwalaan niyaaaa! Yumuko ako para hindi niya makita ang facial expression ko. I shivered dahil sa sobrang lamig, basang basa pa rin kasi ako.

Nagulat ako nang bigla niyang ipinatong sa akin ang suot niyang coat na may gold linings, parang royal knight ang datingan.

"Sumunod ka sa akin." He said, muka namang naawa siya sa akin. "Wag kang gagawa ng anumang ingay na ikabubulabog ng iba pang mga gwardya."

Sinubukan kong tumayo pero nanghihina pa ang mga tuhod ko kaya natumba ako kaagad.

Mas lalo ko pang ikinagulat ang pagbuhat niya sa akin. Princess carry. Aaaaaaah!

Nakatitig lang ako sa kaniya habang buhat buhat niya ako. Ang ganda ng postura niya at talagang nakachin up.

"Maari bang huwag mo akong titigan? Balak mo ba akong tunawin?" Pabiro niyang sambit. Kaagad naman akong umiwas ng tingin.

Ilang sandali pa ay napukaw ng isang malaking palasyo ang paningin ko. Hindi ko ito napansin kanina. Namangha ako dahil sobrang realistic nito at sobrang laki. Napakaganda nitong tingnan.

Nakatitiyak ako, na hindi panaginip ang nanyayari sa akin ngayon... everything feels so real yet so dreamy.

"Nasaan ba ako? I mean, what country?" Tanong ko. Napahinto naman sa siya paglalakad.

"Narito ka sa Imperyo ng Filiphia, na pinamumunuan ni Emperador Felipe IV."

WAIT.

DID I JUST...

TRANSMIGRATED

INTO

AN ANOTHER WORLD?!

你也許也喜歡

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · 青春言情
4.7
303 Chs

TELL ME YOUR NAME (Filipino)

A Story of Choice Imagine finding yourself at the crossroads of fate, torn between two paths. One leads to the person you love deeply—someone who has captured your heart and soul. The other path leads to the person who loves you more than anything, someone who would do anything to make you happy. What will you do if fate forces you to choose? Will you follow your heart, or will you choose the person who treasures you most? It's a story of choice, where love and loyalty collide, and no decision comes without sacrifice. A Story of Drama Trust is a fragile thing. What if the person you trusted with your life, turned out to be the one who wanted to end it? Betrayal cuts deep, and when it comes from someone you never expected, it shatters your world. What will you do when the mask comes off, and the truth is revealed? Will you confront them, or will fear keep you silent? This is a story of drama, where trust is broken, and survival depends on your next move. A Story of Action Learning to fight is one thing, but fighting for love is a battle of a different kind. When the world around you is in chaos, and your heart is caught in the storm, will you have the strength to hold on to love? Or will the struggles and dangers force you to let go? In this story of action, love is put to the ultimate test. The fight isn't just against the enemies outside—it's also against the doubts within. A Story of Love At the heart of it all, this is a story of love. Love in all its forms—complicated, beautiful, painful, and true. It's about the choices we make, the trust we give, the battles we fight, and the love we hold on to, no matter the cost. In the end, it's love that defines us and drives us, even when fate, betrayal, and danger stand in our way. Please enjoy reading!

MissKc_21 · 青春言情
分數不夠
127 Chs