webnovel

DoL 1

CLAIRE's POV

Hmm... napamulat ako at napalinga-linga kung nasaan ako. I'm still sa bahay at nasa room ko ako so that only mean na isa lang itong dream.

Bumangon ako at doon ko lang napagtanto na basa ako ng pawis and must be because of my dream.

I'd say that dream is a noghtmare yet not at the same time.

It's been a decade ng mapanaginipan ko ulit ang pangyayaring iyon. Always ako binabangnungot gabi-gabi at di makalabas ng di nangangamba o inaatake ng trauma kaya iniluwas ako ni dad ng bansa.

For six years di ako nakaapak ng Pinas because of my fears then later, four years na akong labas-masok ng pilipinas after ko malabanan ko ang trauma ko.

24 na ako at ngayon lang ulit ko napanaginipan ang nangyari noon...

Yes, nangyari because that happened at matagal ko ng nakalimutan at ayaw ko ng alalahanin pa ito!

After all who would want to recall a memory kung saan ako nahostage ng ng lalaking pumatay sa isang senator noon?

Yon lang natatandaan ko noon but now may iba na sa panaginip. Buo ko na itong napanaginipan ng di nagigising.

Now I remember di ako maliligtas at mabubuhay if it were not for that kid.

Napaitingin ako sa window kung saan nakapasok ang sinag ng araw kaya bumangon na ako at lumabas sa sarli kong balkunahe.

Now I'm here sa Pilipinas at kadadating ko lang two days ago.

I forgot about that kid even the kid's face I can't even remember it.

Hmm... that's why pala kaya nagtataka ako at ang pamilya ko why that old little denim jacket is very important to me.

Griffin J...

That was what written at the back of that little jacket at may may nakaukit din doon na larawan ng isang mythologic creature ng griffin.

It must be a custom made denim jacket or di lang talaga sa akin sinabi ng batang iyon ang pangalan nya...

Natawa ako sa isiping iyon because at the very early age napakamahinalang tao na nya kaya ang cold ng pakikitungo nya sa akin base na rin sa napanaginipan ko.

How is that kid now?

Nalungkot ako ng maalala kong that kid is an orphan and has no relatives anymore...

Nanlaki ang mga mata ko when I realized something...

I'm such a stupid and ungreatful person! Ni hindi ko sya binalikan at pasalamatan man lang!

Napahawaka ako sa dibdib ko at medyo nagpanic ako when I can't find the necklace na bigay sa akin ni grandma.

"Wait!" Patakbong lumapit ako at pigil sa kanya.

This time nakikita ko na ang iritasyon sa mata nya na nagsasabing 'ano na naman ba?' at 'bilisan mo aalis na ako' look.

Agad kong inalis ang kuwentas ko... my precious one... a diamond sapphire tear shaped one and it was laced in a white gold lace.

"Here... take this." Sabi ko sa bata.

But the kid only looked at me then turn around to walk away.

"Di na kailangan." Rinig kong sabi nya.

"Claire!" Rinig kong may tinatawag na ako sa likod ng akma akong magsasalita sa bata.

Hinawakan ko ulit ang kamay nya bago pa ito makalayo.

"Take this... and I'll be back for it." Sabi ko na lang at nagbigay ng isang halik sa pisngi ng bata.

"That's a promise!"

Agad na akong patakbong iniwan sya patungo kina dad and mom.

I groan in shame ng bigla kong maalala ang isang pangako kong binitawan sa bata.

Ano na lang iisipin nya? Na isa akong walang isang salita?

And the way that kid looks I'm sure... that kid took me seriously.

Nah... ibininta na nya siguro ang necklace matagal na.

Natigilan ako sa sabi ng isip ko then the kid's emotionless black eyes flashed in my mind kahit na di ko pa rin maalala ang mukha nya but the kid's eyes left an impression in me ng makita ko roon ang lungkot sa mga ito noon.

Sigurado akong hinintay nya ako roon! And I'm sure of it!

Yeah... but it's been ten years na Claire, duh!

Knock!

Knock!

Nagpukaw sa akin at narinig ko na lang ang pagbukas ng pinto sa loob.

"How many times do I have to tell you na wag na wag kang papasok ng room ko after you knock ng di ko sinasabi Jillian?" A bit irritated kong sabi sa taong pumasok.

Pero ang sunga parang walang narinig.

"Ms. Claire malamig ang panahon para lumabas ka ng balkunahe ng ganyan ang suot mo." Sabi nya. "And just making sure na gising ka na o di kaya ay tumakas ng pagkaaga-aga."

"You..."

I don't know should I be angry or what sa taong ito!

Jillian has been my bodyguard for almost three years na at sya lang ang tumagal sa akin ng di nagrereklamo ano man gawin ko.

Be it na tumakas ako, ibully ko sya, o kaya gawing alalay ko di sya nagsalita man lang kay dad or sa mom ko.

Minsan ko na syang kinumpronta at inis na inis ko syang tinanong kung bakit di man lang sya nagreklamo o nagagalit sa mga pinaggagawa ko.

Oh... that left me speechless at mas nainis sa kanya sa mga sagot nya tuwinang nagtatanong ako.

"It's my work can't complain for it."

"I'll adapt ms. Claire."

"I'll improvise myself ms. Claire don't worry..."

"You won't change magreklamo man ako sa parents mo baka mas lumala pa nga pag nagkataon na ireklamo kita ms. Claire."

Kibata-bata pa nya sa akin at babae pa naman sya at sigurado akong uneducated o di sya nakapagtapos pero kung magsalita parang ipinamumukha nyang ako pa ang walang pinag-aralan sa aming dalawa!

And her last answer set me off kaya it turned the other way around.

Imbes na ang sya ang mainis at magreklamo sa mga pinaggagawa ko tulad ng mga naging iba kong bodyguards dati... ako ang patakbong lumapit kay dad at nagreklamo sa kanya.

Pero ang magaling kong ama tinawan lang ako at nakahanap na raw sya ng matatapatan ako ng di nagrereklamo.

"But dad! That girl is entering in my room without my pahintulot ng ganon-ganon lang! What if pumasok sya at naabutan nya akong nakahubad, ha? Naisip mo na ba yon?" Reklamo ko kay dad kahit na alam kong nasa tabi at likod lang si Jillian dahil gusto kong iparinig ito sa kanya at hiyain sya sa dad ko.

Paglingon ko sa kanya she only has a blank look sa face nya unlike my previews bodyguards dati na makikitaan mo ng emosyon ang mukha nila pag nilalait o minamaltrato.

"You need to find another bodyguards for me dad!"

"Well, I can't hija... sya lang tumapat at nasasabayan ka sa lahat ng kalukuhan mo Claire." Mahinahong sabi ni dad sa akin.

"Dad!"

"Naku sis walang mawawala sayo masilipan ka man lang ni Jillian after all she is a girl like you, unless... naku sis ha baka sa team ka na namin kaya ayaw mong makita ni Jillian ang sexy mong body." Natatawa at mapanuksong sabi ni Alfred na kakapasok lang nya sa dining room.

"Fred!"

"Don't give me that look sis rinig hanggang labas ang boses mo." Naupo na lang sya sa harap ko sa other side ng table.

"Hm? Mukhang mainit na naman ulo ng princess natin ah..." sumunod sabi ni Sam na kakarating lang din. "Another complain para kay Jill?"

Tawa at tungo lang ang sagot ni Fred ang nakakatanda naming kapatid.

"What is it this time na naman reklamo mo Claire kay Jillian, anak?" Tanong ng kakarating lang ni mom after Samuel kasama si Oscar.

"Mom..." tumayo ako at humalik sa kanya ganon din ang mga kuya ko.

I don't call them kuya anymore nasanay na ako sa gawi ng mga tao sa ibang bansa kaya name na nila ang tinatawag ko and not adding kuya in it puwera lang kung naglalambing ako o di kaya I need something from them.

"Baka raw masilipan sya ni Jillian mom." Sagot ni Fred sa tanong ni mom.

"Hmm..." tanging sabi lang ni mom. "She is a girl too though anak. She has what you have naman 'nak, unless you're a lesbian or bisexual kaya ka nagkakaganyan."

Natawa silang lahat sa sabi ni mom even dad chuckled at my "silliness"... note my sarcastic remark.

"Mom! Di no baka si Jillian pasok ng pasok sa room ko without my pahintulot kasi, eh!" Tanggi ko sa birong sabi ni mom.

"Pag nilock ko kasi ang door ko she has the spare key and when I added a chain locker on my door muntikan na nyang sirain ang pinto ko. And there's another time na napagkamalan ko pa syang akyat-bahay gang dahil sa balkunahe sya dumaan! My god! She a girl for pate's sake!"

"Right, she is a girl Claire so your excuse is a lame one if you want dad to fire her at palitan sya ng bagong bodyguard. You're just annoyed and irritated dahil di mo sya matakasan o mapaalis man lang." As a matter of fact na sabi ni Oscar.

"Yon oh! Tumpak na tumpak na yon sis!" Napahalakhak na sabi ni Fred.

Ako naman inis na inis sa sagot ni Oscar pero wala akong maisagot because it really is a lame excuse para mapaalis si Jillian lalo na ng ibulgar ni kuya ang dahilan ko for wanting Jillian out as my bodyguard (take note personal bodyguard ko sya kaya di sya mautusan ng ibang guards at kay dad lang nagrereport).

"And you can't blame her Claire dahil ilang beses ka na ring tumakas ng bahay mapadito ka man o sa Cali ng dis-oras ng gabi based sa mga naririnig ko."

I sighed in defeat when I recall the first year na naging bodyguard ko sya. She is barely eighteen that time still a teenager sa mga mata ko at sa ibang katrabaho nya dito kaya walang sumeryoso sa kanya.

I don't know where dad got her dahil sya mismo ang naghire sa kanya even the usual security/bodyguards agency na kinukunan namin ay di sya kilala only dad god knows saan sila nagkakilala.

Until now people around me think that she is my PA o di kaya ay personal maid, even my family and I thought so, except for dad who assigned her as my personal bodyguard para walang makapalag at ipatanggal sya sa trabaho.

Tingin naming lahat naawa at gustong tulungan ni dad si Jillian kaya walang nagsalita lalo na't nababantayan nya ako ng maigi at maayos kesa mga naging ibang bantay ko noon bunos na lang ang di mareklamohin nyang ugali.

But this bitch made me look I'm the bad guy here simula ng magtagal sya. Di nga sya nagrereklamo but everybody take turns to sermon me na maging mabait sa Jillian na ito!

"When will you change Jill?" Inis kong tanong sa kanya. "Labas-masok ka na sa room ko kelan mo gusto!"

"Hmm..." sagot lang nya at nakatitig kung saan.

"What?" Inis kong tanong ulit dahil parang wala lang para sa kanya ang tanong ko.

"Dad mo pinapatingin ka if gising ka na." Sagot nya pero di pa rin nakatingin sa akin.

"Now you see me... get out!" Nanggagalaiti kong sabi.

"Hmm... kanino-"

"Get out!"

Walang pasabi na syang lumabas. This girl really can be irritating when she wants to be!

Tiningnan ko kung ano tinitingnan nya and there I saw the for kids denim jacket.

下一章