webnovel

Kabanata 49: Kaharian ng Pantasya

-----

Makikita ang isang berdeng buwan sa kalawakan at ang liwanag na nagmumula roon ay ang nagsisilbing ilaw ng pulang kalangitan na sumasaklaw sa buong kaharian ng Pantasya. Ang kahariang ito ay binubuo ng siyamnapu't siyam na tribo ng mga halimaw. Nahahati ang kaharian sa tatlong panig at binubuo naman ang tatlong ito ng tig-tatatlumput tatlong tribo ng mga halimaw.

Sa kasalukuyang panahon ay walang nakakaalam kung kailan nabuo ang mga tribo o kung papaano iyon nagsimula dahil siyam na raang taon na ang nakakalipas simula nang mag-umpisa ang Delubyo. Ang naturang Delubyo ay ang naganap na digmaan sa pagitan ng mga tribo at sinaklaw nito ang buong kaharian ng Pantasya. Nakaukit na lamang sa mga gumuhong sibilisasyon ang kasaysayan at mabibilang lamang sa daliri ng isang kamay ang natitirang halimaw na siyang sumaksi sa naganap na malawakang digmaan.

Wala ring nakakaalam kung nasaan na nga ba ang limang halimaw na ito at kung hanggang ngayon ay buhay pa nga ba sila. Tila binura ng lumipas na panahon ang kanilang tinahak na daan at natabunan na ng oras ang mga ebidensyang magtuturo kung nag-eeksist pa ba sila. Ang tanging alam lamang ng mga nilalang sa kahariang ito ay minsan silang gumanap bilang mga haligi upang mapanatiling nakatayo ang kaharian ng Pantasya.

-

Sa isang malawak na kagubatan ay makikita ang mga kabahayang gawa sa punong kahoy. Hindi magarbo at sapat lamang itong tirahan para sa mga nilalang na doon ay namamalagi, maari ring masabi na ang mga kabahayang ito ay ang nagsisilbing pananggalang nila sa tuwing aatake ang mga karatig lugar nilang mga tribo ng halimaw. Tapos na ang malawakang digmaan pero hanggang ngayon ay hindi pa tapos ang alitan sa pagitan ng tatlong pangunahing kaharian.

Sa loob ng pinakamalaking bahay sa pook na ito ay makikita ang tatlong halimaw, nakatayo sila sa mga pagitan ng isang bilog na pinalilibutan ng mga simbolo. Nagliliwanag ang mga iyon at kumikinang sa tuwing papasok ang kanilang mga katribo. Isang portal, kung tawagin ng nilalang na nagbigay nito.

Seryosong nakatitig ang isang halimaw sa portal. Kulay kayumanggi ang buhok niya na umaabot hanggang sa batok, kakatwang may isang hibla ng buhok niya ang kulay ginintuan. Matipuno at matikas ang kanyang katawan, mahaba ang kanyang mukha at may mga labing garabucho. Mahaba rin ang kanyang dalawang kamay na abot hanggang sa lupa kahit na siya ay nakatayo sa kanyang mga mabalahibong paa.

"Amang Hari, ilang araw na ang nakalipas ngunit wala pa rin tayong natatanggap na koneksyon sa ating Huling Prinsesa. Kung maaari sana ay payagan mo akong hamakin ang daan papunta sa kabilang mundo, ako na mismo ang maghahanap sa kanya at ipinapangako kong ibabalik ko siya sa inyong piling, Amang Hari. Pluhuhu."

Nagsalita ang isa sa tatlong halimaw, puno ng pag-aalala ang kanyang boses at kasama na rin nito ang matinding pag-galang sa kanyang Amang Hari. Nawala na rin ang koneksyon niya sa kanyang pinakamamahal na anak ilang araw na ang makalipas at kasabay nito ang pagkawala ng koneksyon ng kanilang Amang Hari sa kanilang Huling Prinsesa.

"Pluhuhu, hindi mo ba naiintindihan ang mga nangyayari Klukhan? Nawalan tayo ng koneksyon sa kanila, masakit man sa damdamin ko at nahihirapan din akong tanggapin pero alam natin sa mga sarili natin na hindi na sila babalik pa!" Pagalit na singhal ng isa pang halimaw.

Maging siya man ay naninibugho sa mga nangyari ngunit ano ang magagawa niya? Hindi niya pupwedeng iwanan ang tungkulin niya, gustuhin man niyang siya na mismo ang pumasok sa portal ay hindi iyon papayagan ng kanilang Amang Hari.

"Nawala ang koneksyon ko sa iba pang katribo, magtawag kayong muli ng tatlo pa." Anang halimaw na tinatawag nilang Amang Hari.

Napatigil ang dalawa at nagpakawala sila ng tunog. Ilang sandali lamang ay nagbukas ang pintuan papasok ng silid, pumasok sa loob ang tatlo nilang mga katribo at sinenyasan nilang mag-antay ang dalawa. Naglakad papalapit ang isang halimaw at huminto ito sa harap ng portal.

"Antayin mo ang dalawa mo pang katribo bago kayo umalis sa silid ng portal, pagdating mo sa silid ay mararamdaman mo ang koneksyon mula kay Klapuhan, ang inyong komander. Maghanda ka na para pumasok sa loob ng portal. Pluhuhu." Bilin at utos ng halimaw na unang nagsalita kanina. Gumalaw ang mga tainga niya at nagsimulang umilaw ang portal kasama ng pagliwanag ng buong silid.

"Pluhuhu, naway gabayan ka ng ating Bathala." Anang Amang Hari, lumuhod ang halimaw at nang tumayo siya ay pinasok niya ang portal.

Bushung!

"Hintayin ninyong pumuti ang portal atsaka kayo papasok.. anong nangyari? Amang Hari, nawala kaagad ang koneksyon niya sa akin. Anong ibig sabihin nito?" Nagtataka at nag-aalala ang halimaw sa nangyari, kakapasok pa lamang ng kanilang katribo ay nawalan na ito ng koneksyon mula sa kanila.

"Pluhuhu! May umaatake sa ating portal, masama ito. Amang Hari, pakiusap ay payagan mo na akong pumasok sa kabilang mundo! Hindi ko na kayang tiisin pa ang ganito!" Lumuhod ang halimaw at nagmakaawang ibigay na ang pahintulot sakanya.

"Sa tingin ko ay ito ang takdang panahon para makita ko kung ano ang nasa kabilang mundo. Ako na mismo ang susunod na papasok, ano man ang mangyari ay responsibilidad ko bilang Amang Hari ninyo na protektahan ang ating portal. Matagal ko na itong pinagdesisyonan, huwag niyo na akong subukang pigilan. Humayo kayo at sambahin ang ating Bathala. Nawa'y gabayan niya tayo sa ating paglalakbay."

Wala nang nagawa pa ang dalawang halimaw, ang Amang Hari na mismo ang may gustong magpunta sa kabilang mundo. Tumulo ang mga luha nila at magkasabay silang lumuhod, "Amang Hari, nawa'y gabayan ka ni Bathala sa iyong paglalakbay."

Lumipas ang ilang sandali at muling pumuti ang portal. Nilingon ng Amang Hari ang kaniyang mga katribo at muling dinala ang tingin sa portal. "Mahabaging Bathala, ako ay nagsusumamo. Sana ay ligtas ang aking anak."

Bushung!

---

"Yow mother fucker there's another one... ha? Oh my. Hey, I finally meet you. Bitchprincess come greet your old man."

Nakarinig ang Amang Hari ng mga hindi niya maintindihang salita. Nilibot niya ang tingin niya sa paligid at nakita ang mga bangkay ng kanyang mga katribo. Nagdilim ang paningin niya at tinitigan ang nilalang na nagsalita.

"Woa woa woa, there's so much hate coming from you. Nagfafarm lang kami huwag kanang magalit, see this? Niligtas ko ang anak mo, now.. pengeng loot or kahit na anong item."

Nakita ng Amang Hari na hawak hawak ng nilalang ang kanyang anak, wala parin ang koneksyon nilang dalawa dahilan para magtaka siya. Pinakawalan ng nilalang ang kanyang anak at nagningas ang mga mata niya nang makitang pinalo noon ang puwetan ng kanyang pinakamamahal na prinsesa.

"Amang Hari, siya ay aking panginoon. Pakiusap ay huwag kayong magtunggali. Pluhuhu."

Nang marinig ang mga sinabi ng kanyang pinakamamahal na anak ay lalong tumindi ang nararamdaman niyang poot. Tinitigan niya ang kanyang anak at nag-iba ang kulay ng mga pisnge nito. Nalaglag ang panga niya dahil alam niyang iyon ang indikasyon ng tunay na pag-ibig para sa kanilang uri.

"Pluhuhu! Hindi maari, isa itong kalokohan.. mali ata ang portal na pinasok ko.. hindi.. tama.. isang panaginip lamang ito. Huling Prinsesa, antayin natin ang pagbubukas ng portal at tayo ay muling babalik sa kaharian ng Pantasya." Dahan-dahang nilapitan ng Amang Hari ang kanyang anak, ngunit napatigil siya nang bigla na lamang niyang maramdaman na may bumunot sa ginintuan niyang buhok.

"Nice, got it. Sit!"

Para bang may napakabigat na puwersang humatak sa katawan ng Amang Hari, napaupo siya sa lapag at nakatangang tinitigan ang nilalang na kumuha sa kanyang ginintuang buhok. Ang bagay na hawak hawak ngayon ng nilalang ay ang pinaka-importanteng parte ng kanilang uri at lalong lalo na sa isang gaya niya na may pinakamataas na katungkulan sa tribo. Isa itong sagradong bagay na kahit na kailan man ay hinding hindi niya pinabayaang makuha ng mga kalaban nilang tribo.

Ngunit sa isang iglap lamang ay napunta na ito sa mga kamay ng nilalang na umakit sa kanyang pinakamamahal na anak. Lumapit sakanya ang akala niya'y yumao nang prinsesa, niyakap siya nito at nagtama ang kanilang mga noo.

"Anak ko, ligtas ka. Pluhuhu, ang importante ay ligtas ka. Wala na akong iba pang mahihiling kundi ang kaligtasan mo kaya't kahit na ano pa man ang mangyari sa akin ay tatanggapin ko na ito." Masayang niyakap ng Amang Hari ang kanyang anak.

"Huwag kang mag-alala Amang Hari, hindi kalaban si Panginoon. Tinulungan niya akong lumakas at kaya ko nang gamitin ang pinakamalakas nating kapangyarihan. Amang Hari, ang nakasaad sa propesiya ay may katotohanan, sa mga kamay niya ay nakamit ko ang pinakamatagal na na hiling ng ating tribo!" Puno ng tuwang pagbibida ng Tikbalang Princess sa kanyang Amang Hari.

-

Matapos tumalon ni Ma-ay sa bisig ni Hiraya ay kinurot kurot niya ang pinsge nito habang nagsasalaysay, "Babyboy, look at them. Sabi ko naman sayo hindi na natin kailangang patayin ang Tikbalang King eh, see? Magkakaroon na tayo ng sarili nating hukbong sandatahan. At mga level 15 hanggang level 25 pa sila!"

"Yeah I guess so.. shiz, ginagawa niyo nanaman akong hotdog sandwich. Enough already, Makaryo at Magdalaya.. kolektahin niyo lahat ng loots, Angeli binatawan mo na ako, go get those skill books they dropped."

Napatingin ang Amang Hari sa nilalang na tinatawag ng anak niya na Panginoon. Pinanood niya itong magsalita at sinunod naman ng mga iba pang nilalang ang bawat itinuro niya. Napaisip siya bigla, totoo ba ang propesiya? Matagal na at halos wala nang naniniwala patungkol sa propesiyang binitawan ng kanilang yumaong mga ninuno. Kung totoo man ang propesiya ay bakit sa katauhan pa ng nilalang nato iyon magkakatotoo.

Sino ba siya? Ano ba siya? Maraming katanungan pa ang pumasok sa isipan ni Tikbalang King Amang Hari ngunit wala sa deskripsyon ng propesiya na isang Tao ang magliligtas sa Kaharian ng Pantasya. Ang buong akala nila ay isa sa mga magiting na mandirigmang halimaw ang gaganap at tutupad sa propesiya.

Ilang henerasyon na rin ang lumipas kaya ang iba sa mga tribong nasasakupan ng Kaharian ng Pantasya ay hindi na naniniwala pa sa propesiyang iyon, iilan na lamang silang mga martir at pinapanatili at pinapangalagaan ang nakasaad sa propesiya. Ang propesiya na siyang magliligtas sa kanilang mundo, ang propesiya na magsisilbing pag-asa nila upang makalaya sa malupit na mga kamay ni Sitan. Ang nilalang na siyang sisira at gugunaw ng kanilang mundo.

"Hey bitchking Nuno, come here and greet this daddy. Bilisan mo tangina dali! Good dog, now, now, now.. Kausapin mo yan at pagkatapos ay magreport ka sakin. Madami pakong ekperimentong gagawin, Esing.. tara."

Pinanood ng Tikbalang King ang nilalang na tumakbo papunta sakanya, isang nilalang na akala niya ay pumanaw na. Isa ang nilalang na ito sa mga pinuno na kanyang mga karatig tribo, ilang araw na ang lumipas nang mabalitaan nila na naubos na ang kanilang lahi. Isang sumpa na dala ng portal, sa oras na masira ito ay kamatayan ang kapalit, at hindi lamang buhay ng Hari ang kukunin. Kasama ang mga buhay ng kanyang nasasakupang tribo, gaano man karami at gaano man kalakas ang mga ito, sa oras na masira ang portal ay walang makakatakas sa dalang sumpa nito.

"Kamusta kaibigang tikbalang, ginabayan ka ni Bathala at nakasalubong mo ang Poon. Maligayang pagdating dito sa kabilang mundo, totoo ba ang sumpa?"

Tumango at nagtaka ang Tikbalang King dahil kakaiba ang paraan ng pagbati ng kaibigan niyang duwende, pero ginaya niya ito at pinagtama nila ang kanilang mga kamao. Kakatwa nga lang dahil wala pa sa kalahati ng kamao niya ang kamao ng duwende king pero nang magtama ang mga iyon ay nanlaki ang mga mata niya.

"Haaay, wala na akong magagawa kung ganoon nga ang nangyari. Pero kasama ko na ang Poon at malayo na ang lakas ko sa lebel ng nakaraang sarili ko. Naramdaman mo ba?"

Tinitigan ng Tikbalang King ang kamao niya at nasaksihan ang ilang baling daliri niya. Nagdikit lamang ang mga kamao nila pero naramdaman niya ang dala nitong puwersa, "Paanong tumaas ang lakas mo kaibigang Duwende? Ito ba ang kapangyarihang bigay ni Sitan? Pluhuhu."

"Sitan? Darating ang panahon at ako mismo ang pupugot sa ulo ng Sitan nayon. Isinama niya ang tribo ko sa mga nakatanggap ng Portal, pagbabayaran niya ang pangloloko sa akin at sa tribo ko. Kasama ng Poon ay magpapalakas ako at hindi magtatagal ay muli kaming maghaharap ng diyos-diyosang halimaw na yon."

Nakita nang Tikbalang King ang resolusyon sa mga mata ng kaibigan niyang duwende, tumingin siya sa kanyang anak at naalala ang mga sinabi nito kanina na nakamit na niya ang matagal ng inaasam ng kanilang tribo. Iyon ay ang lebel ng kapangyarihan ng kanilang Anito, ang Ika-unang Tikbalang.

Kung ganoon ay siya nga talaga ang nilalang na nakasaad sa propesiya.

Ang nilalang na magliligtas sa Kaharian ng Pantasya at ang tatapos sa paghahari-harian ni Sitan.

Sitan, bilang na ang maliligayang araw mo.

Sneak peek sa mundo ng mga halimaw.

ItsMagicPencilcreators' thoughts
下一章