webnovel

Kabanata 17: Kuya Hiraya - Makaryo - Laban!

-----

Hilagang kanluran ng Ag-biyag-kuma High School

Gusali para sa mga Grade 7

Sampung minuto matapos ang countdown.

Makikita sa loob ng isang silid ang nagkukumpulang mga studyante. Magkayap ang iba sakanila at bakas ang takot sa nanginginig nilang mga katawan, basa ang sahig at maamoy doon ang mapanghing samyo ng likidong hindi sadyang tumakas sa mga katawan nila. Umiiyak ang karamihan, sumisigaw at humihingi ng tulong.

"Mga bata, huminahon kayo at tumahan, andito naman si teacher, poprotektahan ko kayo!" Anang isang balu-batang lalaki. Nakasandal siya sa pintuan at pinipigilan niyang makapasok sa loob ang napakaraming mga daga. Mula sa salaming bintana ng pintuan ay sinilip sa labas ng lalaki ang nagtutulakang mga daga, sinlaki ang mga iyon ng isang pusa.

Kulay pula ang mga mata nila at kulay itim ang balahibo. Nakikita ng lalaki ang mga lumulutang na letra sa itaas ng ulo ng mga ito.

[Dagang Mabangis]

Nagtataka ang lalaki dahil bukod sa may lumulutang na mga letra sa ulo ng mga ito, parang hayok na hayok sa laman ang mga daga at hindi rin normal ang laki ng mga ito. Ang silid na lamang na ito ang natitirang may mga tao. Ang mga studyanteng umiiyak sa sulok ng silid na lamang ang mga natitirang studyante sa unang palapag.

"Mga bata, huwag kayong mag-alala! Andito si teacher, huwag na kayong umiyak.." Tumalikod ang lalaki sa pintuan at sumandal doon. Alam niya sa sarili niya na hindi ang mga bata ang kinakausap niya kundi ay ang sarili niya. Sinasabi niya ang mga sinasabi niya para kumbinsihin ang sarili na ayos lang ang lahat.

Dahan-dahang dumausdos ang katawan niya pa-upo. Tila nawawala na sa sarili ang lalaki, bakas na bakas na ang takot sa mukha nito. Nanginig ang lalaki matapos niyang maisip na siya na ang susunod na ngangatngatin ng mga daga.

Dapat ay tumakbo na ako!

Dapat ay hindi ko na sila tinulungan!

Dapat ay sarili ko nalang ang inintindi ko!

Kung hindi lang sana ako nagmatapang!

Kung hindi lang sana ako...

Ting!

Narinig ng lalaki ang pagtunog ng salamin. Isang bata ang nagbato ng isang bagay, napatingin ang lalaki doon at isa iyong cell phone.

"Subukan mong tumawag, guro." Anang batang lalaki. Kapansin-pansin na nakahiwalay ito sa mga batang umiiyak at naka-ihi sa salawal.

"A..ano.. sige." Utal-utal na sagot ng guro at i-dinayal ang numero ng kanyang kaibigan. Tila isang sumpa ang paulit-ulit niyang narinig sa kabilang linya. Sa bawat toot na marinig niya ay lalo lamang lumulubog sa kadiliman ang kanyang pakiramdam.

"Wa...wala, wala na.. walang pag-asa.. wala.."

Ting!

"Guro." Tumuro ang batang lalaki sa bintana. Lumapit ito sa tinatawag niyang guro at gumalaw ang isang upuan. Kusang humarang iyon sa pintuan matapos umusog ng guro. Gumalaw pa ulit ang isa pang upuan at muling humarang sa pintuan.

"Guro." Tumuro ulit ang bata sa bintana. Napatingin doon ang guro at nagtataka at nanlalaki ang mga mata.

"Ba.. bakit? A.anong meron sa bintana?"

Nagtaka ang batang lalaki at tumagilid ang ulo nito. "Andoon siya." Anang bata sa guro.

"Sino.. wala akong nakikita, si..sinong nandoon?" Nahintakutan ang guro. May kumakalat na sabi-sabi sa gusaling ito na mayroon daw isang batang lalaki na gumagala at nagpaparamdam sa mga guro. Ayon pa sa sabi-sabi ay lagi itong may tinuturo.

"Inay kupo! Arugugugu!" Para bang nasiraan na ng utak ang lalaking guro. Ang kani-kaninang pinoprotektahan nitong pintuan ay pinipilit na niyang buksan.

"Guro."

Lalong tumindi ang takot ng lalaking guro at umigting ang kagustuhan nitong makalabas. Nang hindi nito mabuksan ang pintuan ay siniko niya ang salaming bintana sa harapan niya. Nabasag iyon at agad itong umakyat at nagpumilit na lumabas. Nasugat ang lalaking guro at tumulo ang dugo nito sa pintuan.

"Ahhhh!"

"AAAARGG!"

"TULOOOONG! TULONG! TU... guk.. kuk."

Ilang sandali pa ay nawala na ang pagsigaw ng lalaking guro.

Nagtaka ang batang lalaki sa mga kinilos nito. Lumapit siya sa mga batang umiiyak at kinalabit ang isa doon.

Napatingin ang batang kinalabit sa kung saan pero wala itong nakita. May kumalabit ulit sakanya at lalong natakot ang batang lalaki. Sumigaw ito ng mama at naupo sa lapag. Tumagas ang likido sa lapag at nagdagdag iyon sa mapanghing amoy ng silid.

Sumimangot ang batang lalaki, iniharap nito ang kamay sa direksyon ng pintuan. Nagbukas ang pinto at nagsipasukan ang napakaraming daga. Tila ba nagmamartsa ang mga ito papunta sa naaamoy nilang pagkain. Ilang sandali lang ay maririnig na sa silid ang sigawan at pagdaing. Ilang minuto ang lumipas ay buto-buto na lamang ang natira sa loob ng silid.

Nakatingin ang batang lalaki sa bintanang itinuturo nito kanina "Kuya Hiraya. Kailan mo ako babalikan?"

-----

Timog Kanluran

Sa gusali para sa mga Grade 11

Unang palapag - Amphitheatre

Tatlumpung minuto ang makalipas matapos ang countdown.

Nakabarikada ang mga upuan, mesa, at kung ano-ano pang materyales sa gumagalabog na pintuan. Makikita sa loob ng amphitheatre ang grupo ng mga studyante. Halo-halo ang taon at baitang nila sa skwelahan. May mga naka-maroon, asul, berde at dilaw na uniporme. Kanya-kanyang grupo-grupo din ang kumpol nila.

Ang ilan sa mga ito ay nagtatalo. Ang ilan ay nag-iisip kung bakit at ano ang mga nangyayari. Ang ilan ay hawak ang mga telepono at kapag-kuwan ay maiinis at muling ilalagay ang telepono sa tainga. Ang ilan ay umiiyak. Ang ilan ay tila wala na sa sarili, ang iba naman ay duguan at may mga sugat, pero ang pinakamarami ay ang mga may hawak na kahoy.

Isang lalaki ang nasa harapan nila at nakatingin ito sa gumagalabog na pintuan. Tila nakahandang sumugod sa oras na mabuwal ang iniharang nilang mga materyales.

Sa isang sulok ng amphitheatre.

"Ano na ang gagawin natin Makaryo? Walang signal, hindi ko makontak ang mga parents ko. Anong gagawin natin, ha?" Anang isang binatang lalaki. Naka-uniporme ito na pang Grade 10, si Alun.

Hinawakan ng isa pang studyante sa balikat ng tinatawag nilang makaryo at sinabi, "Makaryo, sabi ko kasi sayo ay sumama tayo sa mga studyanteng tumakbo papunta sa gym! Mas malapit ang gym kaysa sa amphitheatre! Kung doon sana tayo tumakbo, sana ay buhay pa si.. gaak" Napatigil ang lalaking nagsasalita dahil nakatanggap siya ng isang suntok sa pisnge.

Kinuwelyuhan ni Makaryo ang kaibigan niya, "Sa tingin mo ba ay ginusto kong kainin ng mga halimaw si Dumangin, ha Biloy? Sa tingin mo ba ay ginusto kong iwan si Laryo? Kung hindi dahil kay Laryo ay wala na rin tayong tatlo! Patawad Biloy at wala akong nagawa, wala akong kwentang lider!" Pinagsasampal ni Makaryo ang sarili matapos itong magsalita.

Tila nawala ang inis ni Biloy, tama ang lider nila. Hindi nila lahat ginusto ang mga nangyari. Biglaan na lamang na may mga halimaw na pumasok sa silid-aralan nila matapos ang isang countdown. Noong una ay hindi nila ito pinansin at parang naging isang biro, pinagtawanan pa nila ang countdown at manghang-mangha sila sa napakalaking kamay sa kalangitan.

Kung alam lamang nila na ganoon ang mangyayari at agad silang naghanda ay hindi sana sila nanatili sa loob ng silid.

Galing sila sa gusali na para sa mga Grade 10. Lima silang nakatakas matapos magkagulo sa loob ng silid-aralan nang pumasok ang isang halimaw. May mahaba itong mukha at matatalas na mga ngipin. Mahaba rin ang dila nitong nakalawit. Sintalas ng bagong hasang kutsilyo ang mahaba rin nitong mga kuko.

Maswerteng nasa dulo sila ng silid nang mangyari ang sakuna. Nag-umpisang pumatay ang halimaw sa pinakaharapan, agad nilang binuksan ang pintuan sa likuran ng silid at tumakbo sila patakas. Isa pang halimaw ang sumalubong sa kanila at sinunggaban noon ang isa nilang kasamahan at kinain ito sa harapan nila mismo. Kung hindi pa sila sinigawan ni Makaryo ay isinunod sana sila na kainin ng halimaw. Nang makatakbo sila paalis sa gusali ay may isa pang halimaw na sumugod sa grupo nila.

Doon ay nasaksihan nila ang katapangan ng pinakabata nilang miyembro. Sumigaw ito na sana ay sinabi niya na gusto niya ang isa nilang kaklase bago tumakbo sa direksyon ng halimaw. Sumigaw ito muli na tumakas na sila at lalabanan niya ang halimaw na siya rin nilang ginawa.

Balak nilang sumama sa mga nagtatakbuhang studyante papunta sa gym pero pinigilan sila ng kanilang lider at napilitan silang tumakbo papunta sa ibang direksyon. Ngayon ay nasa loob sila ng amphitheater at naghihintay ng himala.

"Kailangan nating maka-isip ng paraan para labanan ang mga halimaw sa labas. Kung hindi natin gagawin yon ay kamatayan lang ang naghihintay sa atin dito. Huwag niyong asahan na mapapatay ng mga iyon ang mga halimaw, hindi tatalab ang kahoy nilang mga gamit, kailangan natin ng mas matibay na sandata!" Ani Makaryo sa dalawa niyang kasama.

"Makaryo, marami tayo rito at pwede tayong magtulong-tulong!" Suhestyon ni Biloy.

"Nag-iisip kaba? Tingnan mo ang mga itsura ng mga yan! Maski magtulong-tulong pa ang mga yan laban sa ating tatlo ay hindi nila tayo kayang talunin. Ang kailangan natin ay sandata!" Napatingin si Makaryo sa paligid. Dumako ang tingin niya sa isang sulok, doon ay nakita niya ang mga sirang piraso ng mga bakal na upuan. Itinuro ni Makaryo sa mga kasama niya ang natuklasan niya.

Ding!

[Congratulations!]

-You have earned a title: One Who Seeks a Path Forward

Ding!

[Title: One Who Seeks a Path Forward]

-In this new world, those who seeks to move forward are given strength to fight for survival.

[Effects]

-Bonus to all stat +5.

-Gain the rare passive skill: Go beyond.

[Misc]

-Rare passive skill: Go beyond +10 to all stats

-Find what lays beyond yourself to level up the skill.

Napatigil si Makaryo dahil may mga screen siyang nakita. Binasa niya ang mga iyon at napatingin ang dalawa niyang kasama.

"Anong sinasabi mo Makaryo?" Tanong ni Alun, nagtaka ito dahil tila galing sa isang online game ang mga naririnig niyang termino. Alam ni Alun na hindi naglalaro ng online games si Makaryo, kaya naman nang banggitin nito ang mga pamilyar sakanyang termino ay napa-isip siya bigla.

Naalala niya ang system announcement na binalewala niya.

"Nakatanggap daw ako ng isang title at may mga bonus stats pa akong natanggap atsaka isang rare na passive skill. Ano tong mga to Alun? Hindi ko maintindihan." Takang salaysay ni Makaryo sa mga kasamahan, nabaling ang tingin niya kay Alun. Si Alun ang may alam sa mga ganitong bagay.

"Nasa loob ba tayo ng isang online game?" Tanong ni Alun sa mga kasama.

Nakarinig siya ng isang tunog, pamilyar din ang tunog na iyon, tunog iyon ng isang notification. Binasa ni Alun ang laman ng notification at sinubukan niya ang isa sa mga nakalagay dito.

'Status' Bigkas ni Alun sa sarili. Nakita niya ang status screen niya.

[Status Screen]

Name: Alun Kagiliran

Level: 1 (exp: 000/100)

Race: Human

Gender: Male

Title: --

Health points | regen: 98/100 | 0.005/s

Mana | regen: 100/100 | 0.005/s

stamina | regen: 87/100 | 0.005/s

Attributes:

Strength: 10

Agility: 10

Vitality: 10

Inteligence: 10

Active Skills:

None

Passive Skills:

None

Current Status:

Healthy

Points to be distributed: 00

"Sabihin niyo sa sarili niyo ang status, dali!" Sabi ni Alun sa mga kasama niya.

Nanlaki ang mga mata nilang tatlo.

"Nasa loob tayo ng isang online game!" Sigaw ni Biloy.

Napatingin ang karamihan sa mga studyanteng malapit sakanila.

"NASA LOOB TAYO NG ISANG ONLINE GAME!" Mas malakas na sigaw ni Biloy at umalingawngaw iyon sa loob ng amphitheater.

Isa-isang naglakihan ang mga pares ng mga mata ng bawat studyante.

"Oo nga, tama! Nakatanggap ako ng notification at may nakikita akong status screen! Nasa loob nga tayo ng isang online game."

"Ano to, Gigi, ipaliwanag mo naman sa akin."

Ilang sandali pa ay napagtanto na ng lahat ang mga nangyayari.

BLAAG!

Nabuwal ang harang na ginawa ng mga studyante. Nakita nila doon ang mga halimaw. Karamihan sa mga iyon ay maliit at may iilang kasing tatangkad nila.

"Pumulot kayo ng kahit na anong pwedeng gamitin para labanan ang mga yan!" Sigaw ng isa sa mga studyante na siyang sinunod naman ng karamihan. Napangiti ang studyanteng iyon dahil nakatanggap siya ng isang title.

Nagbagong bigla ang takbo ng mga nangyayari, ang kani-kaninang takot na takot na mga studyante ay nakahanda nang lumaban. Bakas pa rin ang takot sa mga mukha at mata nila pero may iilang mga online game addicts ang nagning-ning ang mga mata. Matutupad na ang kanilang mga pangarap na magpakawala ng mapaminsalang salamangka o maging isang magiting na kabalyero o maging isang matinik na assasin.

Nagkatinginan ang tatlong magkakaibigan at pinagtama nila ang kanilang mga kamay, nag kamayan at pinagtama ang mga kamao.

"Para kay Dumangin at Laryo!"

"Tama, para kay Dumangin at Laryo!"

"LABAN!"

下一章