webnovel
avataravatar

KABANATA 27

Kinabukasan..

Naimulat ko ang aking mga mata ng tumama sa akin ang sikat ng araw na nagmumula sa bintana na hindi ko masyadong naisara dahil na din sa naramdaman kong antok.

**__**

"Napakaganda diba?"

Nilingon ko si dairus ng magsalita ito habang nakatitig parin ito sa kabuuan ng dalampasigan.

"Ngunit mas maganda ang binibining kasama ko.."

Halos mapaiwas ako ng tingin dahil sa inihabol nitong turan.

Pasimple ko namang nilingon sina thylandier at nathalia na nasa gilid na namin ngayon.. Nanatili lang silang tahimik at nakatitig din sa dalampasigan wala ni isang nagbalak na magsalita sa kanila.

"Kung nasasaktan ka.. Maari ka namang tumingin sa akin o sa dalampasigan."

Hindi ko napansin na napatitig na lang ako kay dairus habang panay ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.

"Pigilan mona ang iyong nararamdaman sa kanya.. Masasaktan ka lang!!"

Nakangiti nitong tugon sabay tingin kina thylandier at nathalia na walang balak na magusap.

"Kung ipagpapatuloy mo pa rin ang paghanga na nararamdaman mo para sa aking kaibigan ikaw at ikaw lang ang masasaktan bandang huli, binibining isabel."

Napayuko na lang ako dahil sa sinabi nito.. Tama naman talaga si dairus. Una pa lang dapat ay hindi na ako nakaramdam ng ganito sa kanya.. Una pa lang dapat umiwas na ako sa nararamdaman ko para kay thylandier.

"Nais kong kalimutan natin ng sabay sina nathalia at thylandier.. N-nais kong ibigay sa iyo ng buong buo ang tiwala at pag-asa."

Sa pagkakataon na ito hindi ko namamalayan ang pagtulo muli ng luha ko habang nakatingin sa mga mata ni dairus. Gusto kong maramdaman yung kakaibang pakiramdam kay dairus at gusto kong mawala yung sakit na dulot naman ni thylandier sa akin.

"Dairus!! M-maniniwala kaba sa akin kapag sinabi kong nakatakda mang ikasal sina nathalia at thylandier hindi parin magbabago ang nararamdaman ninyo para sa isa't isa."

"Nasasabi mo lang iyan dahil may nararamdaman ka na para sa aking kaibigan.. Para sa akin nagbabago din ang pagtibok ng puso ng isang tao kapag may iba na silang pinipili. Pipiliing mahalin hanggang sa magwakas ang sakit na nararamdaman para sa na'unang mahalin."

**__**

Tama si dairus!!! Tama sya sa sinabi nyang may nararamdaman pa nga ako kay thylandier na hindi naman na ako kilala ngayon..

"Ate Isabel.."

Halos mapatalon ako sa kama ng biglang sumigaw si amanda. At ngayon ko lang napagtanto na may nakahawak sa likuran ko kung saan nakaalalay ito sa akin.

"Ayos ka lang ba binibining Isabel?"

Napabitaw ako kay dairus ng makitang sumenyas at nakangiting kapatid nito.

"A-ayos lamang ako, Ginoong Dairus.."

Nakakahiya ka self!!

Nakayuko akong lumabas ng aking silid at nagtungo sa labas ng bahay na tinitirhan ng magkapatid na lopez.

Naghilamos na ako matapos kong bumbahin ang bombahan na gamit nila.

"Nariyan ba si dairus?"

Halos manigas ako ng makilala ko kung sino ang nakatayo sa likuran ko ngayon at nagtatanung.

"M-magandang umaga G-Ginoo.. N-nasa loob si Ginoong Dairus!"

Tinalikuran kona ito at ipinagpatuloy ang paghihilamos kong naudlot dahil sa pagdating nito.

"Maari ba tayong mag-usap.."

Bigla ko na lang nahawakan ang dibdib ko dahil sa tanung nito.

' Pigilan mona ang iyong nararamdaman sa kanya.. Masasaktan ka lang!! '

Tama si dairus!! Masasaktan lang ako kung patuloy kong i-kekeep ang nararamdaman ko sa lalaking ito.

"N-nasa loob po si Senior dairus.."

Muli kaming natahimik sa isa't isa hanggang sa tumikhim ito.

"A-ang totoo niyan ay ikaw talaga ang pinunta ko dito, binibini."

Halos kumabog ng malakas ang puso ko kaya naman napahawak na lang ako sa dibdib ko dahil sa nararamdamang ito.

"M-may kailangan kaba g-ginoong thylandier?"

Kinakabahan ngunit hindi ko pinapahalata sa kanya ang kaba na nararamdaman.

"Naniniwala na ako sa iyo.. Ang sabi mo ay sina ama at ang ama ng magiging asawa ko ang tutulong sa akin."

Muli kong naramdaman ang kakaibang sakit na nagmumula sa dibdib ko ng marinig ko sa kanya ang salitang 'magiging asawa ko' .. IBIG SABIHIN MAARING TANGGAPIN NA NYANG SI NATHALIA NA ANG MAPAPANGASAWA NITO BALANG ARAW.

Hindi ba't ako ang nagtakda kay nathalia at dairus noon na pinalitan naman ni thylandier ngayon. Hindi ba't heto ang plano ko? Plano kong tanggapin ang lahat para lang mailigtas ko sa tadhana si thylandier.

"M-maraming salamat sa iyong pagbibigay ng lakas ng loob at pag-asa sa akin.. Sinabi ni hukom sibestero sa akin na isa ka sa dahilan kung bakit nagdesisyon siyang pansamantalang magimbestiga para sa aking kaso at sa kaso ni Patricio."

Napalingon na ako ng magpasalamat ito sa akin.. Hindi ko inaasahan!!

"W-wala iyon g-ginoong thylandier... G-ginagawa ko lamang ang tam——"

"Thylandier narito ka pala!! Ano ang iyong pakay?"

Napaatras ako ng kaunti dahil sa pag dating ni dairus.

"Narito ako upang——"

Mabilis kong sinenyasan si thylandier na pumunta sya dito para sa kanyang kaibigan na si dairus.

"Upang—— Upang anyayahan kang kumain ng pansit sa pansiterya ni manang edna sa kabilang daan.."

Nakahinga naman agad ako sa naisagot nito..

"Mauuna na ako sa loob ginoong dairus at ginoong thylandier.."

Dali dali kong sagot at hindi na hinintay pa ang magiging sagot ng dalawa.

"Ate isabel bakit namumula ka?"

Nanunuksong tanung ni amanda kaya napahawak na lang ako sa magkabilaang pisnge ko dahil sa naramdaman kong pagiinit nito.

"W-wala amanda.."

Nagmamadali akong pumasok sa silid ng marinig ang tawa nito na nagpakabog pa sa aking dibdib..

Kailangan ko ng makibalita kay hukom sibestero!!

***   ***

Hapon na ng marating ko ang opisina ni hukom sibestero na kalapit sa kwartel kaya naman mas lalo kong itinago ang mukha ko gamit ang tela na pangsaklob..

"Nariyan poba si hukom sibestero?"

Ginawa kong panglalaki ang boses ko habang nagtatanung sa isang matandang lalaki na nakatalikod pa sa akin na nakatayo din sa tapat ng opisina ni hukom sibestero.

"Ang hukom sibestero ba,iha.?"

Napakamot pa ng ulo ang matandang lalaki. Paano nya nalamang babae ako?

"Kanina pa sinundo ng bagong heneral ang hukom.. Ang pagkakarinig ko ay nais makausap ni Senior patricio ang hukom sibestero."

Napakunot ang noo ko dahil sa sagot nito sa akin.. Sinundo ni Patricio si hukom sibestero? Ano naman ang pakay nito. Don't tell me may pinaplano si patricio kay hukom sibestero kailangan ko agad syang makita.

"S-SALAMAT PO!!!"

Tatalikuran ko na sana ang matanda ng mahawakan nito ang braso ko.. Sobrang higpit ng pagkakahawak nito para bang babaliin na ito..

"Pakiwari ko'y hindi ka taga dito,iha."

Nakatitig lang ito sa akin kaya naman mas hinigpitan ko ang aking mukha na natatakpan ng talukbong.. Baka kase mamukaan ako nito

"Nanganganib ang iyong buhay, iha. Kung patuloy kang mananatili dito ay mas lalo kang mahihirapang makaalis."

Nanlalaki at para bang nawawala ang panlasa ko dahil sa kabang namumuo sa aking dibdib.

"Hanapin mo ang daan paalis sa lugar na ito at h'wag ka ng bumalik pa sapagkat patuloy kang hahabulin ng mga taong magpapahirap sa iyo.. Piliin mo ang iyong buhay hayaan mong magpatuloy ang buhay ng iba."

Mabilis kong nabawi ang braso ko at napatitig lang sa kanya. Hindi ko alam na unti unti akong nanghihina dahil sa tumalim ang seryoso nitong mukha.

"Hayaan mong maging trahedya ang kahahantungan ng lugar na ito.. Hayaan mong may mga taong mawawala sa mundong ito kung saan ang mga tao sa lugar na ito ay sobrang higpit.."

Mas lalong tumalim ang titig nito na syang pag atras ko.

"Hayaan mong mamatay ang mga taong dapat ay mamatay sa lugar na ito.."

Biglang tumaas ang gilid ng labi nito habang tumatalim ang mga tingin nito sa akin.

"Wala ka ng magagawa para sa heneral na iyon... Mamamatay sya sapagkat ikaw ang gumawa nun sa kanya.. Hindi na mapapalitan ang nakatakda sa kanya."

Patuloy akong umaatras dahilan para manginig ang buong katawan ko..

"Hindi mona mababago ang nakatakda sa heneral na iyong iniibig.. Kung ako sayo ay bumalik kana sa iyong tunay na pinanggalingan at wag ka ng babalik sapagkat ginugulo mo ang takbo ng mundong ito."

Sa pagkakataong ito ay tinalikuran kona ang matanda at tuluyan na syang iniwang mag isa. Hindi ko alam kung paano ko narating ang kwartel habang ako'y nakatakip parin ang mukha.

Isang tunog ng baril ang umalingaw ngaw sa loob ng kwartel na syang nagpabalik sa ulirat kong natutulog.. Para bang nasa isang panaginip ako at nabalik lang ang ulirat ng makarinig ng kakaibang tunog.. Tunog na alam kong nakamamatay.

Patakbo akong pumasok sa kwartel ng makita ko ang uwang ng pinto.

Halos napahawak ako sa bibig ko ng masilayan si hukom sibestero na nakaluhod sa lupa at nakahawak sa kaliwang binti nito na tinamaan ng bala.

Muling kinasa ni Patricio ang hawak nyang baril at itinutok sa sintido ni hukom sibestero.

"Hindi moba ituturo sa akin kung saan ko matatagpuan ang binibining iyon? Alam kong alam mo kung saan tumutuloy si Isabel."

Napakunot ang noo ko ng marinig ko ang pangalan ko sa bibig ni Patricio.. Hindi ko tuloy alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko ngayon!! Hindi naman ako isang tauhan sa nobelang ito.

"Kahit patayin mo ako hindi mo makukuha ang gusto mo patricio .. Hindi hahayaan ng mga taong iyon na mapunta sayo ang binibining pinahahalagahan nila."

Bigla akong natulala sa nakabibinging tunog ng baril.. Hindi ko namalayang nasa gitna na ako at tuloy tuloy ang pagdausdos ng tela na nakatalukbong sa ulo ko.

"H-hayaan mong mabuhay si hukom sibestero, Patricio."

Napatingin silang dalawa sa akin.. Kitang kita ko sa mga mata ni hukom sibestero ang paghihinayang at takot samantalang nakangisi sa akin ang bagong heneral na si patricio.

"H'wag mo syang papatayin.. A-ako ang kailangan mo diba? H'wag mo ng idamay si hukom sibestero."

"Isabel ano ang ginagawa mo dito? B-bakit ka nagpakita?"

Tinakbo ko ang kinaroroonan ni hukom sibestero at lumuhod sa kanyang harapan upang mapantayan ito.

"Narito ako upang iligtas ka hukom sibestero.."

Deretsyo lamang akong naka tingin sa mga mata nito.

"Hindi mona ako maililigtas.. Hayaan mong mamatay ako sa lugar na ito. Handa ako sa magiging kahihinatnan nito sapagkat inasikaso ko ang ibedensyang nagpapatunay na walang kinalaman si heneral thylandier sa ano mang rebellion."

Nakangiti ngunit may lungkot sa mga mata nito na nagpapatunay na handa man syang mamatay ngunit nais parin nyang mabuhay..

"Naniniwala akong may paraan para mailigtas sa hindi makatarungang kamatayan ang dating heneral.. N-naniniwala ako sayo, Isabel."

Napaangat ang ulo ko ng hawakan ako ng dalawang guwardiya civil habang nakaharap si patricio sa mismong harapan ni hukom sibestero.

Ikinasa nitong muli ang hawak nyang baril at itinutok sa sintido ni hukom sibestero.

"Magdasal kana hukom sibestero.."

"H'wag mong sasaktan si hukom sibestero nagmamakaawa ako sayo patricio."

Nagpumiglas ako sa dalawang guwardiya civil at lumuhod sa harap ni patricio upang magmakaawa.. Heto na naman ako?? Gagawin ko na naman ang lahat para sa kanila.

"Patricio... Gagawin ko ang lahat ng gusto mo wag mo lang patayin si hukom sibestero."

Muli kong pagmamakaawa sa kanya.. Ayaw kong mawala na lang bigla si hukom sibestero dahil sya lang ang hukom na nakakapagbigay ng patas sa mga taong napagbibintangan.. Sya ay ibang iba sa mga hukom na ginawa ko kaya hindi dapat sya mawala sa nobelang ito.

Unti unti kong naramdaman ang mahigpit na pagkakahawak ni hukom sibestero sa aking kamay kaya naman unti unti ko din itong nilingon.. Ganun na lamang ang lungkot na bumalot sa puso ko ng sinenyasan ako na h'wag ng makialam pa..

"Isabel!! Hangga't maaga pa ay tumakas kana.. hayaan mo na ako."

下一章