webnovel

Chapter 39

CHAPTER THIRTY NINE

The last use of his Ability

"SO what are we going to do now? We can't even use our abilities because that thing is blocking us." Tanong ni Westley habang nakatingin sa labas na purong itim at puti lamang ang kulay ng paligid.

"It irritates the hell out of me, why can't we use our abilities?" Dugtong pa ni Cali habang naka-upo ito sa sahig na tila bata na hindi napagbigyan ang gusto.

Tumikhim si Raiko kaya naman napabaling ang mata ng lahat sa kanya na naka-upo sa gutter habang nakatingin sa kanyang mga kasamahan, tumayo ito bago sagutin ang mga katanungan ng kanyang mga kaibigan.

"We have to find that thing that blocking us to use our abilities, because it's absorbing our energy and if we don't break that thing. They will take advantage against us especially now that we can't use our ability." Sagot ni Raiko na sinang-ayunan naman ng lahat ng kanyang kasama.

"But how can we find it?" Tanong muli ni Cali, binalingan sya ni Raiko at saka ngumisi na tila alam na nito kung saan matatagpuan ang nilalang na may kagagawan ng paghigop ng kanilang mga kapangyarihan.

"I know where we can find it. It's some kind of tree, but unlike the other tree, it's black and lifeless." Sagot ni Raiko na ikinagulat ng lahat, tumayo si Aron at nilapitan si Raiko na ngayon ay tinatanggal nanaman nito ang benda sa kanyang ulo.

"Put it back, Raiko. Baka magdugo nanaman ang sugat mo sa ulo." Saway sa kanya ni Aron ngunit hindi nakinig sa kanya ang binata bagkus ay inisang hila na lamang nito ang benda na nakakabit sa kanyang ulo at itinapon iyon kung saan.

"I don't need it anymore, Aron. Let's go now, kailangan na nating sirain ang itim na puno na 'yon." Saad ni Raiko at nauna ng maglakad, nakatingin naman ang mga kaibigan nya sa kanya bago napailing si Aron at Westley at sumunod kay Raiko na mabilis na naglalakad papalayo.

"Paano nya nalaman na ang itim na puno ang may kagagawan nito?" Biglang tanong ni Cali habang naglalakad, sandali namang napahinto si Aron at naigilid ang kanyang mga mata bago muling nagpatuloy sa kanyang paglalakad.

Hindi alam ni Aron kung sasabihin ba nito ang kanyang nalalaman tungkol sa mga plano ni Raiko o mananahimik na lamang ito. Gusto man nyang sabihin sa mga kaibigan ni Raiko ay baka ang mga ito lamang ang maging dahilan kung bakit masisira ang mga pinaplano ni Raiko Mihada. Naisip ni Aron na sasabihin na lamang nya ang lahat ng kanyang nalalaman kapag natapos na ang lahat.

Nang walang sumagot sa katanungan na iyon ni Cali ay nanahimik na ang tatlo at sumunod na lamang kay Raiko na nauunang naglalakad. Bumuntong hininga si Aron bago binalingan ng mga mata si Raiko na naglalakad.

I don't know the reason why you're doing this to yourself. Is it because of the accident years ago that's why you're being to hard to yourself?

-

HUMINTO ang magkakaibigan sa tapat ng isang malaking puno na halos tingalain na nila upang makita lamang ang tuktok nito, katulad ng kanilang hinahanap ay isa iyon kulay itim na puno at walang mga dahon na tumutubo dito. May mga katanungan pa sila katulad na lamang kung paano sila nakakasiguro na ito nga ang punong hinahanap nila, ngunit agad din naman iyong nasagot nang makita nila ang ulap na tila pinapalibutan ang malaking puno na iyon.

"Ito na ba talaga 'yon?" Hindi padin makapaniwala si Cali kaya naman binalingan nito si Raiko na nagtatanong ang mga mata, hindi naman sya tinignan ni Raiko bagkus ay nakatingin lamang ang binata sa malaking puno na nasa kanilang harapan.

"Ano naman ang magagawa ng itim na puno? Parang ang magagawa lang naman nito ay higupin ang mga kapangyarihan natin." Dugtong pa ni Cali kaya naman binalingan sya ni Raiko gamit ang malalamig na mga mata nito bago sagutin ang katanungan ni Cali.

"Sa ngayon, wala pang magagawa ang puno na ito. Pero kapag tumagal ito ng ilang oras dito ay magsisimula na nitong gamitin ang mga kapangyarihan natin na nahigop nya para gumawa ng mga masasama sa mundo ng tao." Mahabang litanya ni Raiko at nagpamulsa bago kuling tiningala ang malaking puno na nasa kanilang harapan.

"Ibig sabihin ba non, ang nahigop nyang kapangyarihan ay iyon din ang gagamitin nya? Si Aron, fire and air ang kapangyarihan nya ibig sabihin ba non ay iyon din ang magagamit nya?" Binalingan ni Raiko si Westley na nakaturo pa ang daliri kay Aron, ilang segundo muna itong tumahimik bago dahan dahang tumango bilang sagot sa katanungan ni Westley.

Ibinaba naman ni Westley ang kanyang daliri na nakaturo kay Aron bago napapailing na tila hindi makapaniwala sa kayang magawa ng itim na puno na iyon.

"Then how can we stop it?" Tanong muli ni Westley na ikinatahimik ng lahat, maski si Raiko na sumasagot sa bawat tanong ng kanyang mga kaibigan ay hindi rin sumagot dahil hindi nya sigurado kung tatalab o gagana ba ang naiisip nyang paraan para mapigilan ang itim na puno na magpakawala ng malakas na kapangyarihan.

"Susubukan kong pasukin ang loob ng itim na puno, dito na lamang kayo para kung may hindi magandang mangyari ay nandito kayo sa labas." Saad ni Raiko habang itinutupi nito ang manggas ng kanyang suot na itim na blazer.

Nagkatinginan naman ang tatlo at kita ni Cali kung paano kumuyom ang kamao ni Aron dahil sa sinabi ni Raiko sa kanila, ngunit hindi nya alam kung bakit nagagalit si Aron ngayon. Maaaring dahil iyon sa desisyon ni Raiko na alam nitong delikado ngunit mas gugustuhin pa nitong pumasok mag-isa at iwan sila sa labas.

"No. You'll not enter there alone, we will all go with you." Sagot ni Aron na ikinatigil nilang lahat, mahigit ilang segundo rin ang naging katahimikan sa kanilang apat bago sumang-ayon si Cali at si Westley.

Itinaas ni Westley ang kanyang kamay kaya naman napabaling sa kanya ang kanyang mga kaibigan, ibinaba na nito ang kanyang kamay at ipinasok sa kanyang magkabilang bulsa ng kanyang suot na pantalon bago nagsalita.

"I called Mali, she will be here with Xieke. So, we will go as one." Dugtong pa ni Westley na ikinakunot ng noo ni Raiko sa biglaang pagdedesisyon ng kanyang dalawang kaibigan.

Hindi nya inaalis ang kanyang mga mata kay Aron at segundo ang lumipas bago sumagot si Raiko ng isang mahinang pagtawa na tila nakakatawa ang mga sinabi ng kanyang dalawang kaibigan. Hindi naman nagsalita si Westley, samantalang si Aron ay naningkit ang mga mata habang hindi parin inaalis ang paningin kay Raiko.

"I know what you're planning there, Raiko. And I won't let you do it, i won't." Diretso ang tingin ni Aron sa mga mata ni Raiko habang binabanggit nya ang mga katagang iyon na nakapagpahinto ng bahagya kay Raiko, ngunit segundo lamang iyon at muling natawa ng mahina si Raiko.

"What do you mean I'm planning something?" Natatawang tanong ni Raiko at humalukipkip pa bago nagtaas ng isang kilay sa kanyang kaibigan.

Bumuntong hininga naman si Aron at ibinaba ang mga mata sa kanyang sapatos, ngunit bago nya maibaba iyon ng tuluyan ay nakita ni Raiko kung paano magliwanag ang magkabilang mata ni Aron kaya naman nagsalubong ang kanyang kilay. Hindi iyon napansin ng dalawa dahil kapwa nakatingin ang mga ito kay Raiko.

You forgot that I'm also a level 5, i can read minds and you're not exempted. I know that you go to the Holy tree to ask for help, and i also know that your ability to control anything is only temporary because sooner or later, Ten will--. Hindi na naituloy pa ni Aron ang mga sinasabi nya kay Raiko gamit ang isipan nito nang hindi na nito mabasa pa ang nilalaman ng isipan ni Raiko.

Nagtaas ng mga mata si Aron upang tignan si Raiko at nakita nito na bahagyang nakaawang ang labi ng binata na tila hindi makapaniwala sa nagawa ni Aron sa kanya. Tumango tango si Raiko at nagtaas ng dalawang kamay na tila suko na sa kanya.

"Okay, fine. Just fvcking shut up, Aron." Sumilay ang isang maliit na ngisi sa labi ni Aron nang pumayag at sumuko na si Raiko sa desisyon nito.

"Let's just wait for Mila and Xieke." Saad ni Aron at tinanguan si Raiko na tila inaasar pa ito, nagbuga na lamang ng buntong hininga si Raiko at tinalikuran ang kaibagn.

Bahagya namang natawa si Aron dahil sa ginawa na iyon ni Raiko, samantalang ang dalawa ay hindi maintindihan ang mga pinagsasabi ni Raiko dahil hindi naman nila kayang basahin ang isipan ng isa't isa dahil Level 3 at 4 lamang ang mga ito.

-

"What took you so long?" Inip na tanong ni Raiko sa kararating lamang na si Mali, kasama nito si Xieke na walang imik na nakatingin sa kanilang magkakaibigan.

Dumako ang paningin ni Raiko kay Xieke, nagkatinginan ang dalawa ng halos ilang segundo rin bago nagbawi ng mga mata si Raiko at ibinalik ang mga mata kay Mali na napakamot sa kanyang ulo.

"Sinamahan ko lang si Ten na pumunta sa Portal patungo sa Mansion De Sancir, i also talk to Raixon and i told everything. Hahanap daw ng paraan si Raixon and he will be here in an hour." Sagot ni Mali sa katanungan ni Raiko sa kanya, tumango tango naman ang binata at humalukipkip bago muling binalingan ng mga mata si Xieke na nakatingin din sa kanya.

"Alam ko na hindi tayo magkasundo, but I'm asking your help to help us protect the city--no, not just one city but the whole world from this happening. " Saad ni Raiko na ang tinutukoy ay ang hindi nila pagkakasundo ni Xieke dahil parehong mainitin ang kanilang ulo kaya tuwing sila ay magkasama ay laging nagkakaroon ng pagkakainitan.

"Blah Blah Blah. Stop talking nonsense, Raiko. You know I'm always in if it's about protecting something." Sagot naman ni Xieke at ginaya ang pagkakahalukipkip ni Raiko na bahagya nitong ikinatawa dahil umasim ang mukha ni Raiko.

"O, tama na yan. Baka pag tumagal pa ito marinig na namin ang di dapat marinig," Saad ni Mali.

"Isa pa pala Raiko, mag-ingat kayong apat dahil may mga kinuhang kaluluwa ang itim na puno na maaari nyang gamitin laban sa inyong apat." Dugtong pa ni Mali at hinila na si Xieke papalayo sa kanila, napapailing na lamang si Westley samantalang si Aron ay masama ang aura na nakatingin sa direksyon ni Mali.

"Let's go, Aron." Napapitlag si Aron dahil bahagya syang hinampas ni Raiko sa balikat nito, binalingan nya si Raiko at nakita nya kung paano magtaas ng isang kilay si Raiko na tila nagtatanong kung anong problema.

Tumango naman si Aron at nauna ng maglakad, samantalang ay nakatingin naman sa kanya si Raiko na tila nagtataka kung bakit bigla na lamang ganoon ang inasta ng kanyang kaibigan. Napapailing na lamang si Raiko bago nya sinundan si Aron kasabay sila Cali at Westley na papasok sa loob ng itim na puno.

Hindi alam ni Raiko kung anong naghihintay sa kanilang apat sa loob ng itim na puno, pero isa lamang ang nasisiguro ni Raiko. Kailangan nilang mag-ingat dahil masyadong tuso ang itim na puno, lalo pa't may mga kaluluwa ng tao ang nasa loob nito, lalo pa't ngayon na hindi sila makakagamit ng kanilang kapangyarihan ay kailangan nilang magdoble ingat.

-

HUMINTO ang apat na magkakaibigan nang makaramdam sila ng tila may nilalang na nakasunod at nakamasid sa kanila, pare-parehong nakiramdam ang mga magkakaibigan sa kanilang paligid habang si Raiko naman ay kumuyom ang kamao nang may maramdaman sa itaas ng kanilang ulo. Mabilis na tiningala iyon ni Raiko at sakto namang nakaiwas ang binata sa ginawang pag-atake ng itim na anino.

"Be careful. They're souls, we can't kill or hurt them." Pagpapaalala ni Raiko sa kanyang mga kasama at muling umiwas sa isa pang ginawang pag-atake ng itim na anino.

Tiningala ni Cali ang itaas nang may maramdaman sya na tila may malalaglag, mabilis syang umiwas sa dalawang aninong nagtangka atakihin sya. Samantalang si Westley at Aron ay patuloy sa pag-iwas at pagsalag sa bawat ginagawang pag-atake ng mga anino, dahil kahit na atakihin nila ang mga itim na anino ay hindi naman iyon tumatama dahil iyon ay tumatagos lamang. Kaya walang ibang magawa ang apat na magkakaibigan kundi ang umiwas at pigilan ang ginagawang pag-atake ng mga ito.

Patuloy lamang ang ginagawang pag-iwas ni Raiko habang pinagmamasdan ang mga ginagawang pag-atake sa kanila ng mga itim na anino. Agad na nagback flip si Raiko nang may umatake sa kanya na may hawak na mahabang kutsilyo, pagbagsak ni Raiko sa sahig ay binalingan nito ang mga kasama nya upang matignan kung ayos lamang ba ang mga ito. Nakahinga sya ng maluwag nang makitang wala namang nasaktan sa kanyang mga kaibigan ng mga anino na may hawak na iba't ibang armas.

Pumikit si Raiko at nagseryoso, ilang segundo pa nyang ginawa iyon habang patuloy na umiiwas nang umangat ang gilid ng kanyang labi at mabilis na hinawakan ang armas nya na kalalabas lamang. Binalingan nya ang mga kaibigan nya na nakatingin sa kanya na tila hindi makapaniwala na napalabas ni Raiko ang kanyang armas.

"How did you summon your weapon?" Hindi makapaniwalang tanong ni Aron kay Raiko, ngumisi lamang si Raiko bilang sagot at nag-shrug bago muling nagpatuloy sa kanyang pag-iwas at pagsangga sa mga ginagawang pag-atake ng mga itim na anino.

"I also summoned mine." Mahinang saad ni Westley habang hawak na nito ang armas nya.

Isa iyong uri ng mahabang espada na kapag inactivate ay nagiging tila lubid iyon ngunit hindi tulad ng lubid ay matalas iyon na kayang makahati ng parte ng katawan ng tao. Napangiti si Westley bago nya inactivate ang kanyang armas at katulad nga ng inaasahan ng kanyang mga kasama ay naging kasing lambot iyon ng lubid.

"Damn it. How?" Inis na tanong ni Cali habang nagseseryosong palabasin ang kanyang armas, ngunit kahit na anong subok ni Cali ay hindi nya magawang palabasin ang kanyang armas.

Tumalon sabay yuko si Aron nang umatake ang dalawang itim na anino sa kanya, tagumpay na naiwasan naman ni Aron iyon ngunit nagkaroon sya ng daplis sa gilid ng kanyang pisngi. Umagos ang dugo ngunit hindi na ininda iyon ni Aron bagkus ay sunod sunod ang ginawang pagtalon ni Aron habang ang mga mata nito ay nakapikit.

"Magseryoso kayong lahat ngayon, sa inyo nakasalalay ang kaligtasan ng lahat." Saad ni Raiko bilang isang paalala kaya naman sabay sabay na napabaling sa kanyang direksyon ang mga kaibigan nya dahil sa sinabi ng binata.

Nakasalalay sa kanila ang kaligtasan ng lahat, alam nila iyon. Ngunit tila may napansin ang mga magkakaibigan na kakaiba kay Raiko nang sandaling sabihin ng binata ang mga katagang iyon, lalonpa't hindi nya sinama ang kanyang sarili bagkus ang kanyang mga kaibigan lamang. Nagkatinginan si Cali at Westley, umiling na lamang si Westley na tila sinasabi na hayaan na lamang muna si Raiko. Bumuntong hininga si Cali at binalingan si Aron at sakto namang lumabas ang armas ng binata.

Katulad ng kay Westley ay isa rin iyong tila lubid na tinatawag bilang Whip Blade dahil sa matulis nitong dulo na kayang humati ng kahit na anong parte ng katawan. Umangat ang gilid ng labi ni Aron nang mahawakan nito ang kanyang armas at naging mas mabilis pa ang ginagawa nitong pagsalag gamit ang kanyang armas.

Napanguso naman si Cali dahil napalabas na ng lahat ang kani-kanilang mga armas ngunit ang kanya ay hindi man lang nya mahawakan dahil hindi nya alam kung paano nya iyon mapapalabas ng hindi ginagamitan ng kahit na anong kapangyarihan.

"Focus, Cali. You can summon it, focus." Huminga ng malalim si Cali at sinunod ang sinasabi ni Raiko sa kanya, ipinikit nya ang kanyang mga mata at pinakiramdaman ang kanyang paligid.

Muli syang napadilat nang may maramdaman syang aatake sa kanya, masyado nyang malapit ang itim na anino sa kanya kaya hindi na nakagalaw pa si Cali upang iwasan iyon. Nawala ang anino kaya naman napatingin sya sa kanyang gilid at nakita si Raiko na hinihingal na tinanguan sya. Ngumiti sya kay Raiko at saka muling nagseryoso.

Ganoon parin ang ginagawa ng tatlo, pinoprotektahan nila si Cali na nagseseryosong palabasin ang kanyang armas. Sinasangga nila Westley, Aron at Raiko ang bawat pag-atake na tatama kay Cali. Dumiin ang pagkakapikit ni Cali sa kanyang mga mata at humigpit din ang pagkakakuyom ng mga kamao nito. Muli syang napadilat at mabilis na sinalo ang kanyang armas nang napagtagumpayan nya itong palabasin.

Sakto namang bumagsak si Westley sa sahig at tumilapon ang armas nito, may isang anino ang papalapit kay Westley at hindi tulad ng ibang anino ay mas malaki iyon at mas malakas ang armas na hawak. Mabilis na humugot si Cali ng palaso at mabilis na inilagay iyon sa kanyang pana, mabilis nyang pinakawalan ang palaso at tumama iyon sa anino na agad ding nawala.

Napatingin ang tatlo kay Cali at sabay sabay na tumango. Napalabas na ni Cali ang kanyang armas na kung tawagin ay Kiss of death dahil sa makapangyarihang spell ang nababalot sa bawat palasong binibitawan ng pana.

"Let's do this." Saad ni Cali na ikinatango ng lahat.

Agad na pumwesto ang apat sa kani-kanilang mga pwesto, at bumilang ng tatlo sa kani-kanilang isipan bago sabay sabay na umatake patungo sa mga itim na anino na tila hindi nauubos sa sobrang dami.

-

ISANG malademonyong pagtawa ang sumalubong sa apat na magkakaibigan matapos nilang mapagtagumpayan na makapasok sa loob ng itim na puno. Inilibot ni Raiko ang kanyang mga mata sa kabuuan ng lugar, madilim iyon at amoy na amoy ang tila kalawang na alam nilang lahat na iyon ang amoy ng dugo. Hindi nila inaasahan na ganoon ang sasalubong sa kanilang magkakaibigan, ngunit ang mas hindi nila inaasahang makita ay ang katawan ni Vier sa loob ng itim na puno.

Tinitignan pa lamang ni Aron ang katawan ni Vier ay alam na nito na wala ng buhay ang binata, akma pa sanang lalapitan ni Aron ang katawan ni Vier nang makarinig silang muli ng malakas na pagtawa na naging dahilan ng paghinto ni Aron sa kanyang binabalak na gawin.

"Katulad nga ng inaasahan ko ay mabilis kayong makakapasok sa itim na puno kahit na hindi kayo gumagamit ng kapangyarihan. Nakakatuwa." Saad ng isang boses na pamilyar silang lahat, tumiim ang bagang ni Raiko ganoon din si Aron nang makumpirma nila kung kanino galing ang boses na iyon.

Humigpit ang pagkakahawak ni Raiko sa kanyang armas, maski si Aron ay mahigpit na hinawakan ang kanyang armas at naghanda kung sakaling gagawa ng isang pag-atake si Vier. Muling tumawa si Vier na tila natutuwa sa mga nakikita nitong reaksyon ng magkakaibigan.

"Huwag kayong mag-alala, wala akong gagawing masama sa inyo." Natatawang saad ni Vier na tila isang kakatwa ang ginagawang paghahanda nila Aron at Raiko kung sakali mang gumawa ng isang atake si Vier.

"Hindi ko lang alam kung ano ang gagawin ng itim na puno na ito, pero base pa lamang sa paghigop nya sa kapangyarihan nyo ay mayroon pa syang mas malakas na magagawa laban sa inyo." Naningkit ang mga mata ni Raiko dahil sa sinabi ni Vier, natahimik naman ang tatlo nyang kasama at napakuyom sa kani-kanilang kamao.

"Tama nga ang desisyon ko na sa kanya ako humingi ng tulong, ngayon ay wala na kayong magagawa kundi ang manood kung paano unti unting sakupin ng itim na puno ang buong mundo. Wala kayong magagawa upang mapigilan iyon dahil hindi nyo maaaring magamit ang mga kapangyarihan nyo. Nakakatawa, hindi ba?" Hindi sumagot si Raiko ngunit halos dumugo na ang labi nito sa sobrang pagkakatiim ng bagang nito.

Napalingon si Aron nang maramdaman ang pagbilis ng paghinga ni Raiko na tila nagpipigil na sugudin ang walang buhay na katawan ni Vier dahil sa sobrang galit na nararamdaman. Hindi nila masisisi si Raiko kung nagagalit ito ngayon dahil sobra na ang ginagawa ni Vier upang makapaghiganti lamang, nadamay pa ang mga inosenteng tao sa kagustuhan nitong makapaghiganti sa kanila.

"Do you really think that I'll not do anything to stop this? You're wrong." Nagulat si Aron dahil sa sinabi ni Raiko, hindi nya inaasahan ang sinabi na iyon ng kanyang kaibigan at maski sila Westley at Cali ay bahagyang nagulat sa sinabi ni Raiko na iyon.

Sandaling nanahimik si Vier ngunit mabilis din na sumagot kay Raiko.

"Ano naman ang magagawa ng isang tulad mo na walang lakas upang labanan ang kapangyarihang taglay ng itim na puno? Kahit ikamatay mo pa, wala kang magagawa." Sagot ni Vier na ikinangisi lamang ni Raiko, hindi nya pinansin ang sinabi na iyon ni Vier at hinarap ang kanyang mga kaibigan.

"I'll do anything to save this city, to save this whole world even if it costs my life, I'll still do it." Mahina ngunit sapat na upang marinig ni Vier at ng iba pang kasama ni Raiko na nagpatahimik sa kanilang lahat.

Nawalan ng emosyon ang mga mata ni Aron habang nakatingin kay Raiko dahil alam ni Aron sa sarili nya na wala syang magagawa para pigilan si Raiko sa nais nitong gawin. Kaya ba ni Raiko? Iyon ang tanong na nabuo sa isipan nilang lahat habang pinagmamasdan si Raiko na inalis ang kanyang suot na blazer.

Tumiim ang bagang ni Aron at mabilis na pinigilan si Raiko sa nais nitong gawin, isang matalim na tingin naman ang ibinigay sa kanya ng binata.

"Nababaliw ka na ba? Mamamatay ka sa gagawin mo!" Hindi maiwasang hindi sumigaw ni Aron dahil sa nararamdamang frustasyon marahil na rin siguro sa pagdedesisyon ni Raiko ng biglaan at hindi man lamang nito tinanong kung ayos lamang ba sa iba ang gagawin nya.

"Call me crazy or whatever you want to call me, Aron. Mamamatay rin naman ako, kaya bakit papatagalin ko pa? Walang mangyayari kung hindi ko susubukan, Aron. At wala ring mangyayaring pagbabago ng isipan ko kahit na anong sabihin mo." Malamig na sagot ni Raiko na ikinatahimik ni Aron. Hinagis ng binata ang kanyang suot na blazer sa sahig at huminga ng malalim.

Nawala naman na si Vier sa paligid. Samantalang ang magkakaibigan naman ay hindi parin makapaniwala kay Raiko at sa nais nitong gawin. Delikado ang gagawin ni Raiko, dahil walang kasiguraduhan kung kaninong kapangyarihan ang makukuha nya o magtatagumpay ba si Raiko na makakuha ng kapangyarihan lalo pa't hinaharangan ng itim na puno ang kahit na anong kapangyarihan.

Muling huminga ng malalim si Raiko at ipinikit ang kanyang mga mata, sinusubukang humanap ang kanyang presensya ng kahit na anong kapangyarihan na malapit sa kanya. Ngunit ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin ito nakakahanap ng kahit ni isang kapangyarihan man lang.

"This will not work." Mahinang saad ni Aron at lalapitan na sana si Raiko upang patigilin na sa kanyang ginagawa dahil minuto na rin ang lumipas nang mapatigil si Aron dahil sa biglaang pagbukas ni Raiko sa kanyang mga mata.

Napakurap kurap si Aron at tila hindi makapaniwala sa kanyang nakikita na pagbabago ng kulay ng mga mata ni Raiko Mihada, napangisi naman si Raiko dahil nagtagumpay syang makahanap ng enerhiya na makakapagbigay sa kanya ng kaunting kapangyarihan. Ngunit hindi lamang iyon ang ikinangiti ni Raiko, iyon ay dahil ang kanyang kapangyarihan mismo ang nahanap ng kanyang katawan kaya naman mas mapapadali ang kanyang pagpapalakas doon.

"I'm done. Let's get out of this tree, at sa labas ko na gagawin ang maaaring makapagpatigil sa itim na puno." Saad ni Raiko at nagsimula ng maglakad. Hindi agad nakasunod sa kanya ang kanyang mga kaibigan dahil hindi parin ito makapaniwala sa nagawa ni Raiko.

He really did it. Sa isip isip ni Aron bago sya sumunod kay Raiko. Ngunit kahit na nagawa ni Raiko na makahanap ng enerhiya ay magagawa ba nitong gawin ang maaaring makapagpahinto at makapagpaputol sa mga masasamang plano ng itim na puno?

-

"Paano nagawa ni Raiko na mahanap ng kapangyarihan ngayon na hinihigop nga iyon ng itim na puno?" Binalingan ni Xieke si Mali gamit ang kanyang walang emosyong mga mata bago sunod na binalingan ang tatlong kaibigan ni Raiko na kalalabas lamang sa loob ng itim na puno.

Tumayo si Xieke at inilagay sa bulsa ang kanyang magkabilang palad, tiningala ni Xieke ang itim na puno bago nya sunod na tinignan ang isang building kung saan makikita ang isang binata na nakatayo sa tuktok ng building. Ipinikit ni Xieke ang kanyang mga mata.

"Nagagawang higupin ng itim na puno ang lahat ng kapangyarihan ng mga immortal, ngunit dahil ang kapangyarihan ni Raiko ay Vector, basta't may nararamdamang kahit na anong eneryhiya ang katawan ni Raiko ay kayang kaya nya iyong gamitin upang gawing isang atake. That's what the Vector Manipulator is. Hanggang may gravity, kaya nyang kontrolin ang kahit na ano." Mahinang sagot ni Xieke habang ang mga mata ay nakapikit parin.

Natahimik naman ang lahat dahil sa sinabi na iyon ni Xieke. Alam nila na Vector Manipulator si Raiko, alam nila na malakas ang kapangyarihan ni Raiko ngunit hindi nila alam na ganito iyon kalakas.

"I can't read what's his mind now, marahil nilagyan na nya iyon ng barrier kaya hindi ko malaman kung ano ang susunod nyang gagawin." Nanlaki ang mga mata ni Aron dahil sa idinugtong ni Xieke, mabilis nyang tiningala si Raiko at sinubukang basahin ang isipan nito ngunit katulad nga ng sinabi ni Xieke ay hindi na nito magawa.

Nilagyan na ni Raiko ang kanyang isipan ng isang barrier upang hindi malaman o mabasa man lang ng mga kasama nya ang iniisip nya.

"Pero kung pagbabasehan ang pwesto nya ngayon at sa kinikilos nya, he's planning to use the whole planet's energy and use it in one attack." Dugtong pa ni Xieke bago muling umupo sa gutter ng kalsada, binalingan ni Xieke si Aron na nakatingala parin kay Raiko.

"Hindi pa nya nagagawa o nagagamit iyon. At kung magkamali si Raiko," sandaling tumigil si Xieke sa kanyang pagsasalita at sandaling binalingan si Raiko na nasa itaas ng building.

Kitang kita mula sa kinaroroonan nila Xieke na itinaas na ni Raiko ang kanyang magkabilang kamay hudyat na gumagawa na ito ng kilos upang gawin na ang kanyang plano.

"His body will crushed into pieces." Dugtong ni Xieke na ikinatahimik ng lahat, ilang minuto rin ang itinagal ng katahimikan na iyon bago tumayo si Xieke at itinaas ang kanyang kamay dahilan upang mapunta sa kanya ang atensyon ng lahat.

"But let's trust Raiko, he can do it. Isa pa, hindi sya tatawaging Human with the God's power kung hindi nya magagawa ang simpleng bagay na ito." Isang maliit na ngisi ang ibinigay ni Xieke sa mga kasama nya na tila sinasabi nito na sigurado syang magagawa ni Raiko ang plano nito ng hindi sya mawawalan ng buhay.

Let's trust him. I know he can do it.

下一章