CHAPTER TWENTY EIGHT
Carsten, the follower of God
"YOU deserve to die, Aikoze. Dahil kahit na anong gawin natin, sa mata ng mga tao at ng Diyos ay nakapatay ka parin. But you're my twin, at kahit na gusto kitang patayin ay hindi ko magawa dahil kapag pinatay kita, para ko na ring pinatay ang kalahati ng buhay ko." Maliit na napangiti si Raiko dahil sa sinabi na iyon ng kanyang kambal.
Tumango si Raixon at tinapik tapik ang balikat ni Raiko bago nya ito tinalikuran, huminga naman ng malalim si Raiko bago sya tinignan ang likod ni Raixon na unti unting lumalayo sa kanya.
Swerte si Raiko sa kakambal nya, dahil kahit na nawala ang buong Neamora City ay hindi parin sya nito kayang patayin dahil mas iniisip nito ang pinagsamahan nilang dalawa.
Napatingin si Raiko sa bubong ng isang bahay noong may maramdaman syang tila may nakatingin sa kanilang direksyon, agad na nanlaki ang mga mata ni Raiko noong makita ang isang di kilalang tao na nakatakip ang kalahati ng mukha. Napamura si Raiko at agad na itinulak payuko si Raixon kaya naman nagulat si Aron at napatingin sa direksyon ng mga mata ni Raiko.
Kitang kita ni Aron kung paano tumama sa direksyon nila Raiko at Raixon ang isang patalim at ang mahigit sampu na mga karayom, agad na umiwas si Raiko upang hindi sya matamaan nito dahil sa kanya ang sentro ng ginawang pagatake ng di kilalang lalaki.
"Shit. Xiyue, yuko!" Mabilis na hinila ni Aron ang braso ni Xiyue noong makita nya na humarap ang di kilalng lalaki sa direksyon nila at agad na inihagis ang mga karayom.
Napatingin si Raiko sa kanyang braso na at may isang karayom ang tumama at bumaaon sa kanyang balat, agad na tinanggal nya iyon at saktong pagtanggal ng karayom sa kanyang balat ay ang pagkirot ny kanyang dibdib na tila may dumaloy na kung ano galing sa karayom na tinanggal nito.
"Aikoze!" Agad syang inalalayan ng kanyang kambal at tinignan ang direksyon ng di kilalang lalaki na agad na tumatakbo papalayo.
Mabilis naman ang naging paggalaw ni Aron at matapos nyang masiguro na wala ng karayom ang patungo sa kanilang direksyon ay agad nyang inihanda ang kanyang palad para sa isang gagawing pag-atake sa di kilalang lalaki.
Lumabas mula sa kamay nya ang apoy at hinabol non ang di kilalang lalaki na mabilis na tumatakbo. Sakto namang aksidenteng napatingin si Aron sa kalangitan at nakita ang pamilyar na lalaki na ikinakunot ng kanyang noo.
Ipinagsawalang bahala na lamang nya ang nakita nya dahil baka namamalik mata lamang sya na makita si Terrence na nakatingin sa direksyon nila.
"Raiko!" Napatingin si Aron sa direksyon ni Raiko noong marinig ang pagsigaw ni Xiyue sa pangalan ni Raiko.
Agad na binawi ni Aron ang apoy mula sa kanyang ginawang pag-atake nya at dali sali syang nagtungo sa kinaroroonan ni Raiko na napa-upo na habang hawak hawak ang dibdib nito.
"The needle..." Nahihirapan man ay nagawa parin ni Raiko na magsalita at sabihin kung ano ang mayroon sa karayom na umatake sa kanilang lahat.
"It's called 'Point 7, Cursed Needle'. May nakakamatay na poison ang karayom na agad na aatakihin ang puso at organs ng isang taong matamaan nito. Delikado si Aikoze," naiiyak na hinawakan ni Xiyue ang kamay ni Raiko at ramdam nito ang panginginig ni Raiko.
"Let's go." Agad na nagtulong ang dalawang lalaki sa pagbuhat kay Raiko na nanghihina na, habang si Xiyue naman ay umiiyak na dahil sa sobrang pagaalala na nararamdaman nya kay Raiko.
-
"WHAT happened?" Agad na bungad ni Maestra noong makita nya si Raiko na nakahilata sa kama, wala na itong malay at alam ni Raixon na habang tumatagal ay lalong lumalala ang poison na dumadaloy sa katawan ng kanyang kambal.
"He's poisoned by point 7 Cursed Needle. Kung hindi matatanggal ang poison sa dugo ni Raiko, dadaloy 'yon sa puso at utak nya at maaaring maging dahilan ng pagkamatay ni Aikoze." Sagot ni Raixon habang nakatingin sa walang malay na kambal nya.
"Damn it. Point 13 down to 8, kayang kaya pang gamutin at tanggalin ang poison ng simpleng healing ability lamang. But... Point 7? Only the elite ones can heal it." Dagdag pa ni Raixon na halata ang inis sa boses dahil sa kaisipan na maaaring planado ng kung sino ang lahat.
Na maaaring sinadya na point 7 ang ibato sa kanila dahil tanging mga nasa Elite lamang ang may kakayahang gamutin at tanggalin ang Poison na gawa ng Cursed Needle. Ngunit sa kaalaman din na iyon ay may mga tanong lamang na dumagdag sa kaisipan ng lahat.
"And only the elite ones can make this kind of poisonous needle." Dagdag ni Aron na lalo lamang nagpagulo sa kaisipan nilang lahat.
Maraming nabuong tanong sa kanilang isipan, lalo na ang kambal ni Raiko na si Raixon habang nakatingin kay Raiko ay nag-iisip ito kung sino ang maaaring makagawa ng pag-atake sa kanila. Dahil simula palang noong ipinanganak silang dalawa ni Raiko ay wala ng nagtangkang saktan sila dahil alam ng lahat ang kayang gawin ng kanilang kapangyarihan, bukod pa doon ay dahil kabilang ang kambal sa Elite.
Kaya malaking kaisipan para kay Raiko ang naging pag-atake na iyon ng di kilalang tao. Isa lamang ang nasa isipan ni Raixon.
Hindi lamang si Jin ang kanilang kalaban, kundi mayroon pa at nasa Elite iyon.
-
HUMINTO si Aron sa harapan ng isang malaking puno, pinagmasdan nya muna ng saglit ang kabuuan ng puno bago ito lumingon sa paligid upang makita kung bukod sa kanya ay may iba pa bang tao na naroroon. Noong masigurado ni Aron na walang ibang tao ay nagbalik sya ng mga mata sa malaking puno.
"Carsten, I know you can hear me. Come out." Saad ni Aron at hindi inalis ang mga mata sa malaking puno, akma pa sanang magsasalita ulit si Aron noong mapahinto sya at agad na napatakip ng kanyang mukha noong umilaw ang puno.
Ilang segundo ang naging pag-ilaw noon bago tuluyang nawala. Tinanggal ni Aron ang kanyang braso sa harapan ng kanyang mukha at tinignan ang kabuuan ng puno, lumabas naman ang hinahanap at sadya ni Aron kaya naman nakahinga sya ng maluwag.
"Why are you here?" Tanong ni Ten kay Aron habang ang mga mata ay nakatingin ng diretso kay Aron.
Umayos naman agad ng pagkakatayo si Aron at tinitigang mabuti si Ten na ngayon ay nakatingin parin sa kanya gamit ang mga matang walang emosyon.
"Raiko is poisoned. At ang mga kabilang lamang sa Elite One ang magagawang tanggalin ang lason na nasa katawan nya." Ten tilted his head.
"At sa tingin mo ako ang makakatanggal ng lason sa katawan nya?" Tanong ni Ten kay Aron na agad naman nitong ikinatango.
Bumuntong hininga si Ten bago yumuko at nag-isip. Oo nga't kasama sya sa Elite One at may kakayahan syang tanggalin ang lason sa katawan ni Raiko, ngunit may problema kung gagawin nya iyon.
Hinarap nyang muli si Aron at saka nagsalita.
"I can remove the poison inside his body, pero hindi ko kayang tanggalin ang mga naiwang toxins sa katawan nya." Pag-amin ni Ten na ikinatigil ni Aron. Nangunot ang noo ni Aron na tila hindi naniniwala sa sinasabi ng taong nasa harapan nya.
"What do you mean?" Bumuntong hininga muli si Ten at naglakad lakad na sinundan naman agad ni Aron.
"Kung hindi matatanggal 'yon, anong mangyayari kay Raiko?" Sunod na tanong ni Aron kay Ten na naglalakad parin habang si Aron naman ay nakasunod lamang sa kanya.
"He will die." Mahina ngunit sapat na para marinig ni Aron na talaga namang ikinatigil nito sa paglalakad, ganoon din si Ten at tinignan si Aron.
"W-What?" Hindi makapaniwala si Aron habang kunot ang noo na nakatingin kay Ten na seryoso lamang na nakatingin sa kanya.
Bumuntong hininga si Ten at inilagay ang kanyang kamay sa magkabilang bulsa ng kanyang suot na hoodie, tumingin sya sa paligid bago muling ibinalik ang mga mata kay Aron na halatang hindi parin makapaniwala sa sinabi nya kanina sa maaaring mangyari may Raiko kapag hindi natanggal ang naiwang toxins sa kanyang katawan gawa ng lason.
"Pero may tiyansa pa naman na mailabas iyon ng katawan nya dahil may kakayahan naman si Raiko sa Blood circulating, kaya malaki parin ang posibilad na maligtas sya." Sagot ni Ten kaya naman napatango si Aron dahil sa sinabi na iyon ni Ten sa kanya.
Oo nga pala, muntik na nyang makalimutan na Vector Manipulator pala si Raiko. At dahil dumadaloy ang dugo sa katawan nya ay maaari nyang matanggal ang naiiwan na toxins na gawa ng lason.
Nagpatuloy sa paglalakad sina Ten at Aron patungo sa kinaroroonan ni Raiko. Sumulyap si Aron kay Ten na tahimik lamang na naglalakad sa kanyang gilid dahil may naalala sya kanina sa naganap na pag-atake.
"I saw you earlier," bahagyang natigilan si Ten dahil sa biglang sinabi na iyon ni Aron sa kanya, tingnan nya ito bago muling nagpatuloy sa paglalakad.
"Alam ko na ikaw ang pinadala ng Diyos para bawiin ang mga kapangyarihan ng isang tao kapag dumating na sa punto na nasobrahan na sila sa paggamit nito. Sabihin mo sa akin, Carsten. Babawiin mo na ba ang kapangyarihan ni Raiko Mihada?" Tuluyan ng natigilan si Ten dahil sa sinabi ni Aron na iyon.
Napabuntong hininga si Ten at sa isip isip na wala na syang magagawa dahil alam na ni Aron ang lahat, at wala naman sigurong masama kung sasabihin nya ang totoo kay Aron, hindi ba?
"Yeah. Dahil sa aksidenteng nakasangkutan nya noon na ikinamatay ng libo libong tao, napag-utusan akong bawiin ang kapangyarihang meron si Raiko Mihada." Pag-amin ni Ten na ikinatiim ng bagang ni Aron.
Huminga ng malalim si Aron upang mapakalma ang kanyang sarili dahil sino ba naman sya para mapigilan ang nais na gawin ng nakakataas? Hindi nakapagsalita si Aron dahil hindi na ito nakabawi pa, kaya naman nagsimula na ulit maglakad si Ten habang si Aron naman ay nakatingin lamang sa kanyang likod na unti unting lumalayo.
•