webnovel

Chapter 17

CHAPTER SEVENTEEN

It's just an accident

NAGTUNGO sina Raiko at Xiyue sa labas ng Academy, hindi naman masyadong malayo ang pinuntahan nilang Restaurant at hindi rin ito masyadong magarbo 'di tulad ng ibang Restaurant na napuntahan na ni Xiyue noon.

Na-upo ang dalawa sa pinaka-dulo ng Restaurant, kahit wala naman masyado tao sa lugar ay gusto parin ni Xiyue na malayo layo sa mga tao. Dahil pakiramdam ni Xiyue ay kakainin sya ng mga tao kung makatingin sa kanya, lalo pa't may kasama ito ngayong gwapo na alam ni Xiyue na pagtitinginan talaga.

"What do you want?" Tanong ni Raiko kay Xiyue habang nakatingin sa Menu ng Restaurant.

Hindi sumagot si Xiyue kaya naman nag-angat ng tingin si Raiko sa kanya at noong magtama ang paningin nilang dalawa ay tila hinahabol ang puso ni Xiyue sa sobrang bilis ng pagtibok nito. Agad na nagbawi ng tingin si Xiyue at nagkunwaring binabasa ang Menu ng Restaurant.

Kalma ka lang, Heart. Baka mahalata ni Raiko na nahuhulog na ako. Pagpapakalm ni Xiyue sa kanyang naghaharumintadong puso.

Oo, nahuhulog na si Xiyue kay Raiko. Hindi alam ni Xiyue kung kailan nagsimula. Ang alam lang nito ay tila hinahabol ang puso nya kapag kasama nya ito, at para syang nasa cloud nine tuwing magtatama ang mga mata nilang dalawa ni Raiko, at ang huli ay tila nawawalan ng hininga si Xiyue tuwing makikita nyang nakangiti si Raiko.

"Ano bang masarap? Ikaw na bahala." Sagot ni Xiyue na tila hindi sya naapektuhan ng simpleng mga tingin ni Raiko.

Narinig nitong bumuntong hininga si Raiko at nagsimula ng sabihin ang order nito. Lihim naman na nag-angat ng tingin si Xiyue kay Raiko at pinagmasdan nya itong nakikipag-usap sa Waiter na kumukuha ng kanilang order.

Bakit ba nasasaktan ako kapag nakikita kita? Agad na nag-iwas ng tingin si Xiyue noong tapos ng makipag-usap si Raiko sa Waiter.

Mahinang tumikhim si Raiko upang makuha ang atensyon ni Xiyue, at noong magtagumpay ito ay bahagyang itinagilid ni Raiko ang kanyang ulo at tinitigan si Xiyue na nasa kanyang harapan.

Ramdam naman ni Xiyue ang pamumula ng kanyang pisngi dahil sa klase ng pagtitig nito. Wala itong mabasang emosyon sa mga mata ni Raiko, malamig lamang na tingin ang binabato nito sa kanya ngunit tila iba ang nararamdaman ni Xiyue dito.

"I missed you." Mahinang usal ni Raiko habang nakatingin parin kay Xiyue, nangunot naman ang noo ni Xiyue dahil hindi nito narinig ang sinabi ng binata sa kanyang harapan.

"Huh?" Napakurap kurap pa ito pero imbes na ulitin ang sinabi ni Raiko ay umiling na lamang ito at ipinako ang tingin sa ibang direksyon.

Napanguso naman si Xiyue sa inasta ni Raiko sa kanya. Gusto pa sana nitong marinig ang sinabi ni Raiko ngunit alam nya sa sarili nya na hindi na nito uulitin ang pa ang sinabi na nya.

Bakit ba naman kasi ang bingi ko? Inis na saad ni Xiyue sa kanyang sarili at kulang na lamang ay batukan nya ang kanyang sarili dahil sa pagkainis nito.

Palihim naman na napangisi si Raiko dahil alam nito at nababasa nya ang nasa isipan ng dalagang kanyang kaharap. At alam ni Raiko na pinagdududahan na sya ni Xiyue ngunit imbes na iwasan at layuan nya ang dalaga ay sya na mismo ang lumalapit dito.

Naisip nito na sira na ang plano nya dahil simula't sapul noong lumapit ulit sa kanya si Xiyue ay alam na nyang hindi na nya matutuloy pa ang balak nitong paglayo sa dalaga. Kaya naman ngayon, ay titigilan na nya ang katangahan na iyon.

Tahimik ang dalawa hanggang sa dumating na ang in-order ni Raiko na pagkain nila. Ngunit hindi rin makakain ng maayos si Xiyue kahit na nagugutom na ito. Paano ba naman kasi, ramdam na ramdam ng dalga ang mga tingin sa kanya ni Raiko na tila ba kinikilatis ang buong pagka-tao nito. Naiilang tuloy si Xiyue.

Sumulyap si Xiyue kay Raiko at nakita nya na nakatingin parin sa kanya ang binata. Napaiwas tuloy agad ng tingin si Xiyue. Bumilis nanamn ang tibok ng puso ng dalaga, kinakabahan kung bakit nakatingin si Raiko sa kanya.

Binaba ni Xiyue ang hawak niton tinidor at sumandal upang makipagtitigan din kay Raiko.

"Ano ba, Raiko?" Tinagilid nito ang kanyang ulo at lalo lamang tinititigan ang dalaga.

Imbes na sumagot si Raiko ay nagtalumbaba lamang ito dahilan upang mailang lalo ng sobra-sobra si Xityue.

Lintek. Bakit ba sya nakatitig ng ganyan? Di ba uso sa kanya ang hiya?

"What's the reason why you always following me?" Tanong ni Raiko habang hindi parin inaalis ang mga mata sa mukha ni Xiyue.

Alam ni Raiko na naiilang na si Xiyue sa kanya pero ito parin sya at nag-e-enjoy sa reaksyon ng dalaga sa harapan nya.

Napakurap kurap si Xiyue dahil sa tanong ni Raiko. Pero kalauna'y napairap ito sa kawalan.

Tignan mo 'to. Alam nya pala na nakasunod ako palagi sa kanya, pero hindi man lang nya ako nililingon noong mga oras na iyon. Patay malisya lamang sya.

"I told you, and I'll tell you again, stay away from me." Napaiwas ng tingin si Xiyue dahil ito nanaman si Raiko at pinapalayo sya.

Hindi nya maiwasang hindi masaktan dahil sa sinabi ni Raiko na iyon.

Talagang pinagdiinan pa nito ang mga katagang kanyang sinabi at parang pinapamukha sa dalaga na wala talagang pag-asa na mas makilala pa sya nito.

Kung gusto nyang umiwas ako sa kanya, bakit sya nagyaya na lumabas kami? Gago ba sya?

"Gago ka ba, Raiko? Gusto mo kong paiwasin sayo, pero nagyaya kang lumabas. Syempre, imbes na titigil na ako dahil alam kong wala na akong magagawa para mapalapit sayo, dahil sa ginawa mo pinaasa mo ako." Hindi na maiwasang hindi mainis ni Xiyue.

Bakit ba sya ganito?

Tumaas lamang ang kilay ni Raiko, pero hindi nakalusot sa paningin ni Xiyue ang pag-angat ng gilid ng labi nito.

Lalo lamang nakaramdam ng inis ito sa binata, sa isip isip  nito ay seryoso sya taposbngi-ngisi ngisi lang si Raiko sa kanya.

"Hirap naman kasi sayo, ako na nga itong lumalapit, tinataboy mo pa ako. Para akong may ketong kung paiwasin mo ako sayo. Ano bang ginawa ko, huh?"

"Sinabi ko bang lumapit ka sa akin?"

"Putangina naman, Raiko. Sa tingin mo ba, gusto ko yung ginagawa ko, huh? Bakit ba naman kasi pag kasama kita, yung nararamdaman kong pangungulila sa di ko alam, napupuna." Hindi na maiwasang hindi sumigaw ni Xiyue dahil sa sobrang inis nya sa binata.

Bahagyang nagulat si Raiko sa pagsigaw na iyon ni Xiyue sa kanya, at hindi iyon nakaligtas sa mga mata ni Xiyue. Hindi na lamang pinansin iyon ng dalaga dahil nangingibabaw ang inis na nararamdaman nya kay Raiko.

Tumayo si Xiyue at dinuro-duro si Raiko na ngayon ay gulat parin ang mukha. Huminga ng malalim ang dalaga bago pumikit, binaba nito ang daliri nyang naka-turo kay Raiko.

"Bahala ka nga dyan!" Padabog itong lumabas ng Restaurant.

Hindi na nya nilingon pa si Raiko dahil alam naman nya ang kanyang gagawin kapag lumingon sya kay Raiko. Alam nyang babalikan nya si Raiko sa oras na balikan nya ng tingin ang binata.

Samantala, si Raiko naman ay nakatingin lamang sa papalayong bulto ni Xiyue. Hindi parin ito makagalaw dahil sa pagsigaw sa kanya bigla ne dalaga. Lihim na napangiti si Raiko bago tumayo.

"Damn it. Did i pissed her?" Nakangising tanong ni Raiko sa kanyang sarili habang tinatahak ang daan kung saan nya nakitang nagtungo ang dalaga.

Noong makalayo-layo na si Xiyue ay para itong baliw na napangisi at hindi nito maiwasang hindi matawa ng mapakla.

Natatawa ito sa ginawa nya. Sinigawan lang naman nya ang lalaking gusto nya pang makilala ng husto. Ngayon, tanong nya sa sarili nya kung paano na nya ito makikilala kung nainis sya dito at nasigawan pa nya ito.

Napa-upo na lamang ito sa kalsada na parang batang nawawala dahil sa sobrang inis na nararamdaman nito sa kanyang sarili.

Nanunubig na ang mga mata nito noong may pares ng sapatos ang huminto sa kanyang harapan mismo, napatingala si Xiyue upang tignan sana iyon at laking gulat nito noong makilala kung sino ang nagmamay-ari ng pares ng sapatos.

"Ba't ka naka-upo dyan? Tayo." Saad ni Raiko habang nakatingin ng diresto sa mga mata ni Xiyue.

Napalunok naman si Xiyue at agad na tumayo noong makita ang madilim na aura ang bumabalot kay Raiko. Noong makatayo na ito ay halos hanggang leeg lamang sya ni Raiko at kailangan pa nyang tingalain ito para lamang matignan ng diretso.

Tumikhim si Raiko kaya naman napaangat ng mga mata si Xiyue sa kanya. At napaawang ang mga labi ni Xiyue noong makita na lumamlam ang mga mata ni Raiko at hindi na iyon katulad noon na walang emosyong pinapakita.

"Sorry," paghingi ng tawad ni Raiko kaya naman tuluyan ng napaawang ang mga labi ni Xiyue.

Napakurap kurap sya samantalang ang binatang nasa harapan nya ay hindi kumukurap na nakatitig sa kanya.

"Huh?"

Nag-iwas ng tingin si Raiko at nagbuga ng buntong hininga. Hindi nya alam kung paano at ano ang sasabihin nito sa dalaga. Wala syang ediya, ang gusto lamang nyang gawin ay yakapin ng mahigpit si Xiyue.

"Sorry. Hindi na kita pipiliting lumayo sa akin, kung ayaw mo." Napangiti si Xiyue.

Hindi ito mapakaniwala sa sinabi ni Raiko, ngunit alam nya sa sarili nya na sobrang saya nya.

Ganon din naman ang nararamdaman ni Raiko, pero sa kabila ng kasiyahang nararamdan ni Raiko ay may konting pangamba parin itond nadarama.

"Talaga? Hindi mo na ako pagbabawalan na lumapit sayo?" Tuwang tuwa na tanong ni Xiyue, mabagal na tumango naman si Raiko kaya naman sa sobrang tuwa ay agad nyang niyakap si Raiko.

Natigilan naman si Raiko sa pagyakap sa kanya ni Xiyue ngunit kalauna'y napangiti rin at gumanti ng yakap sa dalaga. Na-miss nya itong yakapin, at ngayong nakayakap na ito sa kanya ngayon ay palalagpasin pa ba nya iyon? Malamang, hindi.

Damn it. I think i need to change my Plan. It's time for Plan B.

-

Naglalakad si Xiyue sa gilid ng kalsada, pabalik na sana ito sa City Academy. Pero naisipan nyang dalawin muna ang kaibigan nya na matagal na nyang hindi nakikita simula noong lumipat ito ng paaralan ng biglaan.

Gustong i-kwento ni Xiyue kay Farrah kung anong meron sa City Academy, at ang tungkol sa panaginip nito.

Hindi na sumabay si Xiyue pabalik sa City Academy kay Raiko dahil may pupuntahan pa sya, kaya naman na-una na sa kanya ang binata. Yun ang pagkakaalam nya.

Ngunit, paliko na sana si Xiyue para makapunta sa kabilang kanto noong mapahinto ito dahil sa boses ng isang bata. Malakas iyon, at mukhang may kaaway. Naglakad si Xiyue patungo sa kinaroroonan ng boses, pero hindi ito nagpakita.

Sinilip muna nya kung sino ang kaaway ng bata. At ilang beses na  napakurap si Xiyue noong makita nito kung sino ang inaaway ng bata. Alam ni Xiyur na ng bata ang nang-aaway, hindi naman kasi sumasagot o kumikibo si Raiko sa bata.

"Bad ka! Masama ka! Mamamatay tao ka! Umalis ka dito!" Lalabas na sana si Xiyue sa pinagtataguan nito upang sana awatin ang dalawa dahil sumugod ang bata at sinasapak sapak na nito si Raiko.

Nangangamba si Xiyue na baka maubusan ng pasensya si Raiko sa bata at bigla na lamang nyang gantihan at tumilapon ang bata, kawawa naman. Mainitin pa naman ang ulo ni Raiko. Akala ni Xiyue ay kung ano na ang gagawin ni Raiko sa bata noong lumuhod ito upang magkapantay sila ng tangkad.

"You're a villain! You're a bad person! Umalis ka!" Nagsisigaw parin ang bata habang hinahampas ang dibdib ni Raiko.

Pero parang wala lang iyon sa kanya, bagkus, hinawakan nya ang kamay ng bata para patigilin.  Noong huminto ang bata, nilagay ni Raiko ang palad nya sa kanyang tuhod.

Umangat ang balikat ni Raiko kaya alam ni Xiyue na bumuntong hininga ito. Yumuko si Raiko at nanlamya ang mga mata ni Xiyue sa hindi nito inaasahang tanong na lumabas sa bibig ni Raiko.

"Why do they always call me villain? Am i that bad?"

Nagtago agad si Xiyue. Napasandal sa pader, bumibilis ang paghinga nito. Nararamdaman na nya ang pag-iinit ng gilid ng mga mata nito, hindi dahil sa tanong ni Raiko.

Kundi dahil nakumpirma ko na na si Raiko Mihada ang nasa panaginip ko.

Is it cheers of joy? Pero bakit parang ang sakit? Ang bigat bigat ng nararamdaman nya?

Gusto na nyang tumakbo at umalis sa kinatatayuan nya pero parang may kung anong bumubulong sa kanyang isipan na pakinggan pa ang mga sasabihin ni Raiko sa bata.

"Hindi ko naman sinasadya 'yun, pero alam ko na kahit anong paliwanag ko sa mga tao, hindi magbabago ang tingin nila sa akin." Tumahimik ng kaunti si Raiko at narinig na lamang ni Xiyue ang mapakla nitong pagtawa. Sumilip ulit ito at nakita na naka-upo na si Raiko sa sahig habang nakatayo naman ang bata sa harapan nya.

"Nakakatawa. Dahil sa isang pagkakamali na nagawa ko, lahat ng pinaghirapan ko para sa kanila, naglaho sa isipan nila." Iyon ang huling narinig ni Xiyue dahil tumakbo na ito papalayo doon.

Hindi na nito kinaya, kapag nagtagal pa ito doon at nakinig ng mga sinasabi ni Raiko ay hindi na nya mapipigilan pa ang sarili nya na mapa-iyak.

Ramdam na ramdam ni Xiyue sa boses ni Raiko na halatang nanghihinayang ito, at may galit na namumuo sa pagkatao nito. Marahil dahil lahat ng paghihirap nya para sa mga tao, nawala at tinuring syang masama.

AN: Aww. Sakit sa mata😩

下一章