webnovel

BARAKO BOYS ( SI CHRISTIAN )

Alas 1:30 pm na kami ng hapon nang nakarating sa bahay nila Tita Sonya. Di ako makapaniwala sa nakita ko, ang bahay nila ay malamansyon sa laki at ganda. Sa sala may napakalawak, mataas ang bahagi ng kisame na may magandang chandelier sa gitna at sa mga gilid na ito may apat na ceiling fan. Maganda ang sofa at napakalambot upuan. May malaking flat tv sa harap nito, sa tingin ko ay nasa 80 inches ito. Sa baba nito ay may xbox na mukhang kakagamit lang at hindi pa iniligpit. Sa kanan ko ay may isang malaki pang pintuan na sliding patungong pool sa likod, aninag kasi dito ang bahagi ng pool sa kinaroonan ko. Maganda rin ang pagkakadesign ng kanilang hagdan at may redcarpeted vinyl na naka fixed sa gitna ng bawat baitang nito. Napagod din ako sa kakalibot ng aking mga mata sa napakagandang bahay nila Tita, at nakakapagod din kasi ang magtype ng mahabang diskusyon sa istoryang ito.

" Hijo, gusto mo bang magmeryenda?". Panimula ni Tita Sonya sa akin. Ang tahimik ko kasi. " A-ah e-h, ok lang po Tita wag po muna busog pa ako..". Sagot ko. " Wag ka mahiya dito Leo, hindi ka naman iba sa amin at isa pa. Pamangkin kita, mabait na pamangkin kaya kung ano man ang meron dito na pag aari namin ay pag aari mo na rin.". Nakingiting sambit ni Tita. Natouch naman sa sinabi nya, medyo nawala ang aking hiya sa sinabi nyang iyon. Imbis na kaba ang nanaig sa akin ay saya ang pumalit dito. " Maraming salamat po Tita napakabait nyo talaga". Sagot ko, tumayo ako sa kinauupuan ko sabay yakap sa kanya. Sa ganoong pagyayakapan namin, may biglang nagsalita mula sa itaas sa terrace ng bahay nila. " Ma, si Leo ba yan?". Tinig ng isang lalaki sa terrace sa itaas. " Napalingon kaming dalawa ng Tita sa lalaki. " Christian, you're here. Yes he is!, naaalala mo pa ba sya?". Si Tita ang sumagot. Si Christian, di ko akalain na magkikita pa kami pagkatapos ng mahabang panahon. Si Christian ang pinakaclose ko sa lahat na lalaking magkakapatid, bale lima silang lalaki. Ang panganay ay ang Kuya nilang si Matthew, siguro nasa 27 taon na sya ngayon. Ang pangalawa ay si Kuya Lance nasa 25 taong gulang. Pangatlo si Gabriel 23 o 24 yata sya. Pang apat ito si Christian at ang bunso ay si Mark na kasama ni Tita na sumundo sa akin sa probinsya, nasa 16 taon na sya. Ang huling kita ko sa kanilang lahat ay yung nasa 10 taong gulang pa lang ako, kalaro ko si Christian sa probinsya at lagi kami sa sakahan sa tubuhan naglalaro. Mantakin mo, kakulay ko lang sya dati. Pero ngayon, ang kulay nya ay singputi ng isang gatas na may cream kumpara sa akin na kulay kape. Napakagwapo at maangas ang tindig, nakakalibog ang porma nya sa lagay nya, lalaking lalaki ang kilos at boses. Kasing edad ko lang si Christian pero mas matangkad sya sa akin. Maganda rin ang katawan at mukhang banat sa pag gigym, samantalang ako naman at banat sa pagtatrabaho.

Bumalik ang aking ulirat ng maramdaman ko ang biglang pagtapik sa akin ni Christian, nakababa na pala sya galing sa itaas ng hindi ko namamalayan. Ang lalim kasi ng iniisip ko, at dumagdag pa ang paghanga ko sa itsura nya ngayon. " Bro! Long time no see!!". Nangiting sambit sa akin ni Christian sabay akbay at tinapik ang aking tiyan. " Woah?. Is this abs Bro?". Dugtong pa nya habang hinimas himas na nya ang aking tiyan pero binitawan naman agad nya ito. Bigla akong nalibugan sa ginawa nyang iyon. " A-ah oo, kamusta Bro? Laki na ng pinabago mo ah, di ko akalain na mas tataas kapa ng ganyan! Dati rati lang naglalambitin pa tayo sa puno ng mangga sa probinsya saka magtatakbuhan sa tubuhan". Ang pagpuri ko kay Christian. Sabay naman ang aking tawa, di na ininda ang hiya natawa na rin naman ang Mommy ni Christian sa aking sinabi. " Oo nga! Namiss ko iyon..". Tawang tawang saad ni Christian. " Oh paano? Christian son, samahan mo si Leo sa kanyang kwarto. If you want to eat, wag kang mahiya hijo. Baling sa akin ni Tita, tumango naman ako. From now on. You will be the part of this family.". Pagsingit pa ng Mommy ni Christian. At pagkatapos noon ay umalis na sya at dumeretso sa kanyang kwarto upang maligo dahil may appointment pa pala sa araw na ito. Ako naman ay sinamahan na ni Christian sa aking gagamiting kwarto.

-----

" Bro! Ano na palang pinagkakaabalahan mo doon sa probinsya?". Pagbasag ni Christian sa katahimikan namin ng nasa kwarto ko na kami. " E-eh halos wala naman pinagbago..". Sabay ngiti. " Ako na yung nagiging katulong ni Itay sa panggagapas ng tubo.". Dugtong ko pa. " So, why you are here?". Ang tanong ni Christian at talagang inenglish pa ako. " Uhmm.. I'm ano ahmm.. dito nako mag aaral". Natawa naman si Christian ng malakas sa inasta kong sagot. Ako rin ay natawa sa sarili. Doon ko na rin pinuna ang kanyang malaking pagbabago sa kanyang katauhan. " Grabi Bro! Di ko akalain na ganyan ang magiging itsura mo paglipas ng maraming taon, noong huli kong natatandaan ay patpatin at lampa ka pa noon tapos maitim. Pero ngayon, tignan mo? Siguro marami ka nang naging babae ano?". Sarkastikong biro ko kay Christian. " Naku, naku Bro? Kung alam mo lang kung gaano kahirap ang pinagdaan ko para maging ganito ako. Ikaw nga diyan eh! Tingnan mo? Turo sa aking katawan noong nakahubad na ako at magbibihis ng damit pambahay. Walang halong kemikal, lahat natural! Sabay tawa ng malakas. Wala ng problema sayo kundi ang balat mo nalang!". Sabay tawa ulit ng malakas. " Uy! Hindi biro ang sumuong sa kalagitnaan ng initan, saka kahit ganito ang balat ko. Makinis pa rin yan!". Kuskos sa aking balat, nagtawan kaming dalawa. Habang pinagmamasdan sya sa kanyang paghalakhak. Ang mga ngiti nya ay ang sarap pagmasdan, at istura nyang malaartista sa kagwapuhan. Di tuloy maiwasang may maglarong kalibugan sa aking isipan. Sa ganoon nyang posisyon na nakasalampak sa higaan ko suot nya ay isang jersey na pang itaas na may kulay puti at pula saka shorts na kulay puti. Parang ang sarap nyang sunggaban at dakmain ang kanyang naninigas na sandata at laru laruin ito. Bigla namang pumasok sa isipan ko si Makoy, yung sinenyas nya sa sakin noong nakasakay na ako ng kotse. Bigla akong natawa.

Nagpaalam na si Christian sa akin dahil sinundo sya ng kanyang mga kabarkada sa basketball. Kahit niyayaya nya akong sumama ay mas pinili ko nalang ang manatili sa kwarto para magpahinga na rin.

Habang nakahiga ako ay iniisip ko ang mga mangyayari sa unang araw ng ang aking pagpasok sa eskwelahan. May halong kaba at excitement akong nadarama. Kaba - kung saan ay kung paano ako makikihalubilo sa mga taong laki sa Maynila, at excitement - kung saan naman ay ang mararanasan ko na rin ang makapagtapos ng pag aaral at ang hangaring matupad ang mga pangarap sa buhay. Utang ko ang lahat ng pagtulong mula kay Tita Sonya, sisiguraduhin kong susuklian ko ang lahat ng naitulong nya sa amin at hindi ko sya bibiguin at ipapangakong mag aaral ako ng mabuti. Nakangiti lang ako sa ganoon sitwasyon. At nakatulog ako.

Naalimpungatan ako ng makarinig akong may tumatawag sa aking pangalan. Si Christian, gusto nya akong yayaing maglaro ng Xbox. " Bro, hindi ako marunong nyan!." . Ang saad ko ng bumangon ako sa pagkakahiga. " Oh sige! Tara sa balcony..". Sambit ni Christian. Di na ako nakasagot ng bigla nya akong hinila pababa ng kama at saka inakbayan ang aking balikat at direktang isinama pababa ng bahay.

Nang nakarating kami sa balcony, may nalatag na alak sa lamesa at maraming pulutan. Nakita ko doon ang dalawa sa barkada ni Christian, si Jervi at Jeros na nag iinom na. Di ko pa sila kilala pero alam ko na sasabihin ito ni Christian sa istorya at magpapakilala pa ang dalawa. " Bro! Si Jeros. Turo nya sa kanan. At ito si Jervi.". Turo nya sa kaliwa. Nakipagkamay ako sa dalawa. Si Jervi at Jeros ay talaga naman ding mga gwapo. Mga nakasuot pa ng jersey uniform at mukhang kakagaling lang sa pagbabasketball. Napansin ko naman ang umbok ni Jervi sa kanyang harapan na parang nanigas at bakat na bakat. Bahagya naman akong napalunok sa nakita ko, inilihis ko ang aking mga mata bago pa may mangyaring kung ano sa aking isipan. Minuwestrahan ko si Christian, sinabi kong hindi ako umiinom ng alak. Ngunit hindi sya pumayag, pawelcome party raw nya ito sa akin kaya wag na daw akong kj. Wala akong nagawa kundi ang sumabay sa kanila.

Itutuloy...

下一章