webnovel

Chapter 17: Broken Promises

Kinabukasan, nagising na lang ako dahil sa sinag nang araw na tumama sa mukha ko. Hindi ko pala namalayan na naiwan kong nakabukas yung bintana dito sa kwarto. Nakatulog kasi ako agad kaya hindi ko na naisara pa. Bumangon na ako saka pumunta sa banyo. Tinignan ko ang aking repleksyon sa salamin. Namumugto ang aking mga mata at bahagya pang namumula ang aking ilong hatalang galing ako sa matinding pag iyak

Napayuko ako nang maalala ang pangako ko kay Tita na titgil na ako sa ginagawa ko. Ibig sabihin ay titigil na ako sa pagpunta sa Ekbasis. Dahil sa isiping iyon ay nagsimula na namang mangilid ang aking luha. Pinigilan ko ang aking sarili dahil ako naman ang pumayag na gawin 'yon. Kahit nahihirapan ay sinubukan kong ayusin ang aking sarili. Naghilamos ako at nag sepilyo. Inayos ko din ang aking buhok pagkatapos non ay muli kong tinignan ang sarili ko sa salamin. Ilang beses akong huminga nang malalim para kalmahin ang aking sarili.

"Magiging masaya ka ba kapag nawala ako?"

"Magiging masaya ka ba kapag nawala ako?"

"Magiging masaya ka ba kapag nawala ako?"

Biglang na lang nagpaulit ulit na parang sirang plaka ang mga salitang 'yon sa utak ko. Bigla na naman akong nanggilid luha dahil doon. Pinigilan ko agad ang aking sarili. Sinubukan kong ngumiti para mapigilan ang sarili ko pero nabigo ako at lalo lang naiyak dahil sa ginawa ko. Kahit pala ngumiti ako at magpanggap na ayos ako ay hindi parin pala mawawala yung sakit. Parang nakataga na siya sa puso at hindi muli pang maaalis

Biglang nanlambot ang mga binti ko. Unti unti akong napaupo sa sahig ng banyo. Doon ko binuhos ang kanina ang luha na kanina pa gustong kumawala sa mata ko

Sa ikalawang pagkakataon ay itatanong ko ulit sa sarili ko, kaya ko ba?

Kaya ko bang iwan ang lahat? Kaya ko bang iwan....siya?

Lumakas ang aking paghikbi. Ang hirap pumili. Hindi ko alam kung dapat ko ba talagang iwan ang lugar kung saan ako naging masaya, ang lugar kung saan ako pumupunta tuwing down na down ako, ang lugar kung saan ako pumupunta tuwing may problema ako, ang lugar kung saan never kong naramdaman na mag isa lang ako at ang lugar kung saan ko siya nakilala. Yun ang lugar kung saan kami unang nagkita, yun ang lugar kng saan ko nakilala ang lalaking hindi ko inaasahan na magiging kasama ko sa mga panahong kaylangan ko nang tao na handang makinig sakin, yung taong handang pakinggan ang mga hinanakit ko, yung taong laging nandyan para sakin at yung taong nakasama kong maglakbay at tuklasin ang natatagong ganda ng Ekbasis

Iniisip ko pa lang parang hindi ko na kaya paano pa kaya kung talagang kaharap ko na siya. Ang sakit, sobrang sakit. Hindi ko kayang iwan lahat pero 'yon ang kailangan. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya, kung paano ko ipapaliwanag

Pinilit kong tumayo Umabot pa nang oras para lang mapatahan ko ang aking sarili. Nag ayos ako bago ko napagdesisyonan na pumunto 'don. Ilang beses akong huminga nang malalim bago ako pumasok sa pinto papuntang Ekbasis.

Mabuti na lang pagdating ko doon ay agad ko siyang nakita. Nagtama ang paningin namin. Kumunot ang noo niya nang makita ang itsura ko

"Anong nangyari sayo?" yung agad ang tanong niya pagkalapit ko

Hindi ko siya pinansin. Hinaplos ko ang kanyang kanang pisnge saka tinitigan ang maamo niyang mukha. Ang kanyang magulong buhok, makapal na kilay, matangos na ilong, manipis pero mapulang labi, at ang kanyang mapupungay na mata. Lahat yan mamimiss ko

Natigilan siya dahil sa ginawa ko. Ngumiti ako kahit pilit. Hinawakan ko ang kaliwang kamay niya saka pinagsalikop ang mga kamay namin. Hinila ko siya sa lugar kung saan matatagpuan ang hanging bridge. Parang biglang nawala ang takot ko kahit na umuuga ito. Huminto kami sa gitnan nang tulay. Tinignan ko ang tanawin habang hindi bumibitaw sa kamay niya

Kahit nagkakata ay hindi na lang siya nagsalita. Ramdam niyang may gumugulo sakin kaya siguro ay tumahimik na lang siya

Maya maya pa ay binitawan niya ang hawak sa kamay ko saka pumunta sa aking likod at don ay niyakap ako. Kanyang ipinatong ang baba niya sa kaliwang balikat ko. Ramdam ko ang kanyang paghinga sa tenga ko

"Salamat dahil lagi kang nandyan para sakin" sabi niya

Agad akong naluha sa sinabi niya. Pitong letra, isang pangngusap. Yon lang ang sinabi niya pero napakalaki nang epekto sakin. Bumuhos na naman ang luha ko. Hindi ko na napiglan pa ang aking sarili. Siguro mas mabuti nang ilabas ko lahat kaysa pigilan ko dahil mas masasaktan lang ako kapag pinigil ko yung nararamdaman ko.

Ramdam at alam niyang umiiyak ako kaya lalong humigpit ang pagkakayakap niya sakin. Wala siyang kaalam alam sa nangyayari. Nagpahid ako nang luha bago humarap sa kanya. Tumingkayad ako para maabot ko. Sa ikalawang pagkakataon ay nagtama ang mga labi namin. Siya naman ang natigilan. Ipinikit ko ang aking mga mata. Ipinalupot ko ang aking mga braso sa leeg niya.

Nang makabawi siya ay naramdaman kong hinapit niya ang bewang ko para mapalapit ako sa kanya

Hindi ko kaylan man naisip na dadating yung panahon na kaylangan kong umalis at iwan ka. Ikaw na lang ang meron ako kaya wala sa plano ko ang iwan ka pero heto ako umiiyak dahil sa parehas na dahilan

Matapos maghiwalay nang aming mga labi ay agad akong yumakap sa kanya. Nakahawak parin siya sa bewang ko. Matapos ang ilang minutong nasa ganong posisyon ay inaya ko naman siya sa lugar kung saan kami lagi pumupunta para masilayan ang paglubog nang araw

Wala ni isa samin ang nagbalak na magsalita. Tahimik lang kaming dalawa na nakamasid sa paglubog nang araw. Eto na siguro ang huling pagkakataon na masisilayan ko ang napaka gandang lugar na ito. Sobrang daming alaala ang nabuo. Masaya man o malungkot. Mga harutan man o iyakan. Hindi man lang namin namalayan na ang dami na palang nangyari. Ang dami na pala naming naranasan at kaming dalawa ang magkasama sa mga panahong iyon. Sa ilang buwang pananatili ko dito ay marami akong natutunang mga aral na maiaaply ko sa pangaraw araw kong buhat ay kasama na doon pagsasakripisyo na iwan ka. Hindi ko gusto pero kaylangan kong gawin

May mga panahon talagang kaylangan nating bumitaw at umalis pero hindi yon mawawala at habang buhay mananatili sa puso natin

Pasimple kong nilingon si Felix. Nakita kong pipikit pikit na ang kanyang mga mata at halatang inaantok na

"Tara na" aya ko sa kanya. Lumingon naman siya sakin saka ako nginitian bilang sagot

Tumayo siya saka naglahad nang kamay sakin. Ilang segundo kong tinitigan yon bago abutin. Isa yon sa mga mamimiss ko dahil siya lang ang gumagawa sain non. Gabi na dito na dito kaya madilim na. Umakyat agad kami sa taas pagdating namin sa tree house

"Dito ka matutulog?" tanong niya nang makahiga siya sa higaan. Umiling lang ako bilang sagot

"Bakit hindi ka pa bumabalik sa inyo kung ganon"

"Gusto ko munang manatili kahit saglit dito" sagot ko naman

Bumangon siya nang malamang hindi pa ako aalis

"Matulog kana mukhang inaantok kana eh" sabi ko sa kanya

"Ihahatid muna kita"

Napayuko ako. Pinigilan ko ang aking sarili na umiyak ulit

"Hindi na kaylangan" lang ang sabi ko

Magpupumilit pa sana siya pero sinabihan ko na siya na matulog na kung ayaw niyang magalit ako sa kanya.  Kahit nag aalangan ay wala siyang nagawa. Nahiga na siya at nag simulang ipikit ang kanyang mga mata para matulog. Naupo ako sa tabi niya para bantayan siyang matulog

"Babalik ka diba?" biglang tanong niya habang nakapikit ang kanyang mga mata

Hindi ako kumibo. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Dumilat siya at tininan ako nang hindi ako sumagot

"Babalik ka diba?" ulit niya sa tanong

Kahit nahihirapan ay pinilit kong makasagot

"Oo babalik ako"

Lie

"Talaga?"

"Oo, pangako"

Another lie

Damn. This is so hard. That question really breaks my heart. I don't know how to respond to that

Napakagat labi na lang ako sabay iwas nang tingin. Napakahirap para sakin na sabihin sayo ang mga salitang 'yon. Alam kong masasaktan ka sa ginawa ko pero kaylangan kong 'tong gawin. Baka mas masaktan lang kita kung sasabihin ko sayo yung totoo. Mas pinili kong magsinungaling sayo dahil sa ganoong paraan ay hindi kita masyadong masaktan. Mainam na yung ganito na ako lang ang may alam kaysa parehas tayong masktan. Mas gugustuhin ko pang solohin lahat kaysa masaktan kita

I hope you can forgive me for what I did but I think this is the best way I can do for the both of us

Not seeing you is making me cry but leaving you really breaks my heart

Hindi na niya namalayan na nakatulog na pala siya. Sa huling pagkakataon ay hinawakan ko ang mukha niya. Hinaplos ko ito. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi kumawala ang aking mga hikbi at baka maging dahilan pa iyon para magising siya. Sinigurado kong hindi siya magigising kapag umalis ako. Tahimik akong lumabas ng tree house. Pinasadahan ko nang tingin ang buong lugar. Muli ay napaiyak na naman ako. Hindi ko naisip na dadating ay araw na 'to. Na kaylangan kong iawan ang lugar na'to. Kaylangan kong iawan ang mga alaalang nabuo at kaylangan kong iawan ka. Sobrang sakit para sakin sa gawin ang lahat nang 'to nang mag isa. Sana maintindan mo ako kung bakit ko 'to ginagawa

Just live your life to the fullest. Hinihiling ko na sana maging masaya ka padin kahit wala na ako sa tabi mo. Pasensya na kung aalis ako at maiiwan ka ulit na mag isa. Sana makabalik ka sa mundo niyo, kahit iyon lang ay masaya na ako

Naglakad ako sa papunta sa lugar na gusto kong makita bago ako umalis. Kahit madilim ang aking nilalakaran ay sinikap kong makarating sa lugar nayon

Pagdating ko don ay agad kong nakita ang mga dalagas na dahon na nakapalibot sa puno. Unti unti akong naglakad palapit don

Hinawakan ko ang puno pagkalapit ko dito. Isa ito sa mga nagpamangha sakin sa Ekbasis. Isa din ito sa nagbigay nang alaala na hindi ko malilimutan kaylan man at dadalhin ko sa aking pagtanda. Hindi na natigil ang aking pag iyak. Mugtong mugto na ang aking mata at magsisimula nadin akong mahirapan sa paghinga pero hindi ko talaga mapigilan ang aking sarili 

Ilang beses akong huminga nang malalim para kalmahin ang sarili ko

"A-aalis ako dahil m-may mga b-bagay ako k-kaylangang g-gawin" panimula ko. Kahit nahihirapan ay pinilit kong makapag salita. Pinahid ko ang aking mga luha

"Paki bantayan muna si Felix habang wala ako" sa lahat siguro nang sinabi ko dito ako pinakanasaktan

Patawarin mo ako kung aalis ako. May mga bagay lang talagang kaylangan kong ayusin at isa na don ang sarili ko. Pangako ko na kapag ayos na ang lahat ay babalik ako at sa pagbalik ko ay sisiguraduhin kong makakasama na ulit kita

Pagkatapos non ay naglakad na ako palabas nang Ekbasis. Nanginginig na hinawakan ko ang doorknob nito saka dahan dahang pinihit ito para bumukas.

Sa huling pagkakataon ay nilingon ko ang lugar na malaki ang naging parte sa aking buhay

"Ekbasis..."

That's the only place where I can escape the harsh reality

Inalala ko ang nag iisang tao na nandito sa Ekbasis at naging dahilan kung bakit nagkaroon nang kulay ang boring at tahimik na mundo ko

"Felix...."

You are the most important person to me in my entire life. I hate goodbye becaese saying goodbye means going away and going away means forgetting

Kahit umiiyak ay pinilit kong ngumiti bago lumabas sa pinto

"Until we meet again"

下一章