webnovel

Chapter 6: Let's Escape the Reality

Kinabukasan gumising ako na wala na si Felix hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Bumaba ako sa sa tree house. Inilibot ko ang aking paningin pero hindi ko mahanap si Felix.

Pumunta din ako sa water falls kung saan ko siya nakita nung nakaraan pero hindi ko pa rin siya nakita. Naglakad lakad ako kahit hindi ko alam kung saan ako patungon.

Muli akong pinahanga ng Ekbasis. Marami pa pala akong hindi nakikita sa lugar na ito. Narating ko ang isang kahoy na tulay na may lawa o ilog sa tabi nito. Shuta hindi ko alam ang tawag dito

Sinundan ko lang yung tulay hanggang sa marating ko ang dulo nito. Tumingin ako sa pinanggalingan ko. Parang nalalayo na ata ako. Hindi ko  naman kasi makita kung nasan si Felix ang sabi pa niya ililibot daw niya ako sa buong ekbasis pero akong mag isa lang ata ang maglillibot ngayon.

Ipinagpatuloy ko ang paglalakad. Hindi ko alam kung bakit parang paakyat yong dinadaanan ko. Medyo nahirapan pa ako dahil naging mabato ang dinadaanan ko. Ilang minuto ang nagdaan ay nakaratig ako sa isang lugar na hindi ko inaasahang bubungad sakin.

"Wow" namamanghang sabi ko. Narating ko ang isang breathtaking view. Sobrang ganda dito halos wala akong masabi. Hindi ko alam na ganito pala ang mapupuntahan ko

Kinuha ko sa bulsa ko ang aking phone para kuhanan ng picture ang lugar at syempre hindi pwedeng mawala ang picture ko. Pati tuloy ako ay nakapag selfie ng wala sa oras. Nanatili ako sa lugar nayon ng ilang oras.

Maganda siguro kung mapapanood ko ang paglubong ng araw. Umupo ako sa damuhan saka tumingin sa malayo. Sobra akong pinapahanga ng lugar na ito

""Ekbasis" banggit ko sa pangalan ng lugar

.

Tunay ngang kahanga hanga ito

"Taga lupa!" nagulat ako ng may tumawag sa akin. Lumingon ako at nakita ko si Felix na tumatakbo papunta sakin. Hingal na hingal ito

"Bakit bigla kang nawala? Hindi mo ba alam na maaari kang maligaw o mapahamak dito. Paano na lang kung biglang mangyari yon sino na lang ang magliligtas sayo?" Nag aalalang sabi nito saka tinabihan ako

Bigla tuloy akong nakaramdam ng guilt. Eh kasi naman eh bigla bigla siyang nawawala tapos ngayon magagalit siya. Kung nag paalam muna siya sakn bago umalis edi sana hindi mangyayari to.

"Saan kaba kasi galing? Paggising ko kanina ay wala kana" sabi ko

Naghabol muna siya ng hininga bago sumagot. " Basta may pinuntahan ako tapos pagbalik ko wala kana" sabi naman niya

"Paano mo ako nahanap?" tanong ko

"Hindi kita makita kahit saan kaya naisip ko na baka sito ka napunta" kwento naman niya

Natango na lang ako saka tumingin sa malayo

"Nga pala bakit nung bumalik ako sa mundo namin ay isang araw na pala akong nawawala?"

"Magkaiba kasi ang oras dito sa ekbasis at sa mundo niyo. Maaaring nauuna ang oras sa mundo niyo at nahuhui naman dito o kaya naman ay nauuna ang ekbasis kaysa sa mundo niyo"

So ganon pala. Kaya pala nagulantang ang mundo ko nung malaman na isang araw na pala akong nawawala.

Edi kung ganon dapat na pala akong bumalik at baka mamaya ay hindi na naman ako makapasok niya

Nasaksihan naming dalawa ang paglubog ng araw. Hindi ko alam pero bigla ko na lang naisip na ang romantic ng scene nato. Natawa ako sa sarili kong naisip

Masarap siguro pagtripan yung mga katulad ni Felix. Yung feeling na wala siyang kaalam alam sa mga pinag sasabi ko. May naisip tuloy ako bigla.

Humarap ako sa kanya. "Sabihin mo nga 'Salamat Shopee'" sabi ko. Hindi ko mapigilang hindi matawa

Kumunot ang noo niya halatang hindi niya naintidihan kaya lalo akong natawa

"Sige na, sasabihin mo lang naman eh" pilit ko

"Ano ba ang ibig sabihin non?" takang tanong niya kaya lalo akong natawa

"Basta sabihin mo na lang" pilit ko

Tumingin muna siya sakin bago magsalita. "Salamat Shopee?" sabi niya

Natawa ako ng malakas with matching hampas pa. Jusko! Ang sarap pagtripan neto. Pisteng yawa

Naka pout lang siya habang nakatingin sakin. Wala siyang kaalam alam sa mga pinagsasabi niya. Haru jusko. Ilang minuto din akong tawa ng tawa. Grabe hindi ako maka move on. Tumayo siya at naglahad ng kamay sakin. Inabot ko iyon.

"Balik na tayo" aya niya

Hindi ako sumagot at tumingin lang ulit sa magandang view. Biglang umihip ang malakas na hangin kaya tinangay nito ang buhok ko. Nagulat ako ng lumapit si Felix sakin at siya na ang nag ayos ng buhok kong hinahangin. Inipit niya yon sa likod ng tenga ko. Napatingn ako sa kanya. Ngumiti lang siya sakin.

Sa hindi malamang dahilan ay biglang bumilis ang tibok ng puso at parang may nagsiliparan na paru paro sa tyan ko kaya nagbigay iyon sakin ng kakaibang pakiramdan. Ako na ang uanang nagbawi ng tingin dahil hindi ko na kayang tagalan iyon. Bahagya akong lumayo sa kanya.

Self kumalma ka jusko. Ano yon?

Bakit may pa ganon? Hindi tuloy ako ready. Inhale, exhale inhale, exhale. Huwag kang marupok. Si Felix lang yan. Inayos lang niya yung buhok mo at wala nang ibang ibig sabihin yon kaya kumalma ka

"B-balik na tayo" natatarang sabi ko saka nagpauna ng maglakad paalis sa lugar nayon

Napahawak ako sa dibdib kung nasan ang puso ko. Mararamdaman mong malakas ang tibok nito. Nilingon ko si Felix sa likod at nakita kong nakasunod siya sakin.

Jusko naman self huwag kang marupok

Ilang saglit pa ay nakabalik na kami sa tree house. Niligpit ko agad yung gamit ko. Iniwan ko sa lamesa yung mga pagkaing dala ko. Ibibigay ko na lang sa kanya yon. Humarap ako sa kanya.

"Aalis na ako" paalam ko sa kanya. Katulad nung nakaraan ay malungkot na naman siya at aalis na naman ako. Maiiwan na naman siya mag isa dito.

"Hatid na kita" sabi niya saka kami sabay na naglakad paalis sa tree house

Hindi nagtagal ay narating na namin ang pinto. Kumaway ako sa kanya.

"Babalik naman ako kaya huwag ka nang malungkot" sabi ko

"Alam ko naman yon sadyang ayoko lang ulit mapag isa" sabi

"Hiindi naman ako magtatagal eh sadyang may mg bagay lang akong kaylangang gawin sa mundo namin kaya ngumiti kana dahil mas bagay sayo yon sabi ko sabay pisil sa pisngi niya

"Pagbalik ko gagawin natin lahat ng gusto mo" sabi ko pa. Ngumiti na siya at tumango sakin. Kumaway ulit ako sa kanya at binuksan ang pinto saka pumasok doon

Inihiga ko agad ang sarili ko pagkabalik sa apartment. Grabe lang. Ayaw mag sink in sa utak ko yung mga mga nangyari. Hinid pa rin ako makapaniwala sa mga napuntahan ko. Parang kaylan lang na nangangarap akong makapunta sa ganong lugar tapos ngayon napupuntahan ko na at hindi lang yon may nakilala pa akong hindi inaasahan

Because of Ekbasis I met stranger that turns into a friend

下一章