webnovel

Chapter 77: Reality

Tuesday morning. Habang hinihintay sina Ate Kio at Ate Ken na matapos sa pagbibihis ay nasa tapat ako ng malaking flat screen na tv. Nakabukas iyon with the morning news. Di ko alam kung si Mama ba ang nag-on ng tv o ako. In fact. Pagkagaling na namin ng Mindoro. I think I lost my sanity. Naging balisa ako't hindi kadalasan alam ang ginagawa. My Ate's tried to talk to me about the trip pero di ako nagsabi. Sa madaling salita. Tahimik lang ako buong paninitig nila sa akin. They even joked to drove me through psychiatric center to atleast check on me but of course, I refused. Bakit dun pa?. Di naman ako baliw ah. That thought triggered my mind too. Di nga ba ako baliw?.

"Depressed ka beh.." Bamby awaken me from what I'm denying. "You used to talk to some random stuff when we are going to Mindoro tas pagkauwi natin naging ganyan ka na. Tahimik.." Sumang-ayon naman agad dito si Winly na kasalukuyang nagpapaypay kahit halos tutok na sa kanya ang ceiling fan. Pareho silang nakatayo sa harap ko. Si Bamby ay nasa malapit sa bintanang nakabukas. Itong bakla naman ay sa tabi mismo ng mga bakanteng upuan. Recess time at heto sila't hindi ako maiwan. Kanina pa nila ako inaalok na lumabas para kumain subalit ilang ulit ko ring silang tinanggihan. Kaya siguro nasabi ni Bamby ang observation nya dahil kaiba ako umasta ngayon.

"True ka dyan girl. Bakit sya lang ba lalaki para magmukmok ka dyan?." di na napigilan nito ang magsalita. "Alam mo Karen. Hanggang kailan ka ba matutulog sa katotohanan na maaari ngang hindi kayo ang para sa isa't isa. You know the term. Pinagtagpo pero hindi itinadhana?. Ito to girl." I know that he's just concern about me pero bakit kailangan pa nyang ipangalandakan sakin na hindi nga kami para sa isa't isa.

Because, you're still sleeping on reality. Hindi ka naniniwala kasi ayaw mong maniwala. Or worst. You believe that you are not meant to be but you're just denying that fact.

Ang sakit diba?.

Well. That's reality. Masakit man sabihin. Minsan kailangan din nating tanggapin ang mga bagay na ayaw natin.

Paano ba tumanggap?.

I don't even know.

"Wala ba syang sinabi sa'yo after nating mag-usap sa sala noon?." Bamby still curious about what had happened. After kasi noong kaguluhang nangyari sa may sala noon. Kian didn't even tried to talk to me. Kaya nangapa ako. Sa totoo lang. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong umasa sa kanya o hindi na.

Inilingan ko lang si Bamby. "Wala na." my voice broke. Napahakbang tuloy silang dalawa palapit sakin.

"As in wala?." di makapaniwala tanong ni Winly. Tinanguan ko sya. Ako din eh. Di rin naniniwala pero nangyayari talaga na ganun sya. I guess. Totoo nga ang bansag sa kanya ni Aron. Gago!

"That's the reason why you should stop falling to things that are meant to be broken Karen." napatingala ako kay Bamby. Saan kaya nya nakukuha mga sinasabi nya?. Nababasa nya ba ito?. O sya lang mismo?. Parang ang cool ng dating nya. "Nangako sya diba?. Bakit ka naniwala?."

"Kasi, nangako sya.." mabilis kong saad.

Umiling sya ngayon. "No. Hindi ka naniwala kasi nangako lang sya. You believe in his promises because you trust him, that much. Naniwala kang iba sya sa lahat at handa syang magbago para sa'yo." How did she knew about this?. "Alam kong madali ang magbigay ng opinyon o advice kasi wala ako sa posisyon mo pero this is my observations ha. It's up to you kung anong gagawin. Your decision that matters."

Nasa sa akin na nga ang desisyon kung magpapatuloy akong ganito o mabubuhay ng naaayon sa gusto ko. "Ang kasalan nina Kian Lim at Andrea So ay magaganap sa Biyernes nitong linggo." dinig kong sambit ng reporter. Nakangalumbaba ako't titig na titig sa mukha nya sa Tv. Ang gwapo nya talaga kahit saang anggulo. Pero bakit ang gulo kapag ika'y nainvolve sa kanya?.

"Tara na, Kaka. Late na tayo." kung di pa ako kinalabit ni Ate Ken. Di ko malalaman na nakahanda na din pala sila.

Ikakasal na nga talaga sya. Siguro nga. Tama nang umasa. Hanggang dito nalang ako, at ang salitang kami dahil tapos na ang kasinungalingan na may tayo.

Pagkarating ng school. Normal ang lahat. Pati huni ng mga ibon at sayaw ng mga puno. Sobrang ganda. Bagay na di ko na-aappreciate noon. "Ang ganda nilang tignan noh?." nagulat nalang ako ng tumabi sakin si Jaden sa pagkakaupo. Sana lang. Hindi makita ito ni Bamby. Baka pati ako ay pagselosan pa eh. Tsk.

"Wala ka bang gagawin?." tanong ko nalang sa kanya. Imbes marami ang nakahilera na dapat itanong.

"Tapos na. Ikaw?. Wala ka bang balak gumalaw?. Ayun pa mga kaklase mo oh?." inginuso nito ang lugar nina Winly at Bamby na nagbabangayan. Hawak ng bakla ang walis tambo habang tingting naman kay Bamby.

"Tinatamad ako."

"Life is not beautiful when you only know happiness. Hindi magiging masarap ang pagkain kapag walang asin. Hindi rin tutubo ang mga pananim kapag walang ulan.."

Nagsalubong ang mga kilay ko dito. Kung anu-anong pinagsasabi. Ano bang mga kahulugan ng mga iyon?.

"Ano?." nalilito ko pang tanong.

"Ang ibig ko lang sabihin. Continue living. Keep going and move forward. Mukha ka kasing lantang gulay eh."

"Ano!?." napatayo ako.

Ngumisi sya. "Maganda ka Karen. Matalino pa. Hahayaan mo nalang ba ang ibang tao na kontrolin ka?."

"Of course not!."

"Hindi nga?." anya.

"Hindi nga.." Tumango tango sya. Bago tumayo.

"Well. Let me see kung nagsasabi ka nga ba ng totoo o niloloko mo lang ako. If not kasi. Ikaw lang din ang nanloloko sa sarili mo." Yumukod sya para tignan ako sa mata. "May competition ka pang sasalihan hindi ba?. Focus. Wala ka dapat ibang iisipin bukod dun." oo nga pala. Bakit ko nalimutan ang bagay na yun?. "Good luck.." ngumiti sya't ginulo ang buhok. He walk away na parang walang nangyari. Tinignan ko ang gawi nila Bamby. She's now looking at me then him. Pero bago pa sya makaalis ng tuluyan. He said something. "Tsaka. Nakalimutan ko. Tell Bamby, antayin ko sya sa library. Salamat." itinaas nito ang kanang kamay habang ang kaliwa ay nasa loob ng kanyang bulsa.

Ngumiti nalang ako. Salamat sa kanya. Bahagyang gumaan ang pakiramdam ko't nagising ang tulog kong diwa. I guess. Bagay nga sila ni Bamby. They both have this subtle words na hindi ko madalas makuha. Thanks to him, her. Them. Siguro kung di ko silang naging kaibigan. Wala na. Baka nasa mental hospital na ako ngayon.

下一章