webnovel

Chapter 44: I'm not okay

Nang dumating ang umaga. Si Papa ang naghatid sa akin sa school. He even asked kung anong nangyari kay Kian nung dumating ang Mommy nya. Ang nasabi ko lang ay, wala. Nag-usap lang po sila. Mahirap kasing makisawsaw. Ayokong magsalita ng masama laban sa isang taong isang pag-uusap lang ang nadinig ko mula sa kanya. Mahirap kayang maging judgemental. Ayoko sa ganun sapagkat baka isang araw biglang bumalik sakin lahat ng mga salita ko. Laking sampal nun sakin.

But maybe, as I've said. Di lahat ay ganun. Sa akin ha. Hindi dapat tayo humusga sa nakikita o naririnig lang. Saka tayo huhusga kapag tayo na mismo ang nakaharap o nakarinig na ng bagay na kailangan para humusga.

Gaya nalang kahapon. Sino ako para husgahan ang Mommy nya diba?. Oo nagkasagutan sila sa harap ng mg amata ko pero malay ko ba kung may iba pang pinaghuhugatan ng sama ng loob si Kian sa Mommy nya?. Diba?. Malay ko na may iba pang dahilan bukod sa arrange marriage nya. Kaya heto ako kay Papa. Walang ibang masabi kundi iyon lang.

Malapit nang magflag-ceremony pero wala pa akong nakikitang bulto nya. "Good morning Karen." kaway sakin ni Bryan. Nasa tapat ito ng room nila. Hawak ang walis tambo at bunot. Sya magbubunot sa sahig?. Hindi bagay.

"Good morning din Bry.." bati ko rin. Nilapitan ko sya't unang tinapunan ng tingin ang bunot sa kanyang kanang paa. Tapos nun ay tinignan ko na sya.

"Oh haha.. Please, don't laugh at me.." natatawa na nyang banta. Umiiling pa nga. Itinaas ko ang kamay kahit hawak ang walis tingting. Kasalukuyan kasi akong naglinis sa may ground floor. Mismong sa may linyahan.

"Hahaha.. I'm not." di ko maiwasan ang pagtawanan ang mukha nya. Ngumingiwi kasi ito. Nakayuko pa habang hawak ang kanyang ulo.

"But you did already. Tsk.."

"Hahahahaha.." humagalpak ako. At duon nya ako tinitigan. What's on my face?. May dumi ba?. Itatanong ko na sana ito ng biglang dumaan si Jaden sa gitna namin at tinapik pa sa braso itong si Bryan. Nginitian nya din ako bago pumasok sa room nila.

"Morning.." bati nya nang nasa loob na. Nilalagay ang bag duon.

Pinanood sya ni Bryan sa loob ng sandali bago humarap muli sakin. Saka ko lang naisip na silipin ang pwesto ng upuan ni Kian. Lumapit pa nga ako sa may bintana at duon tinignan ng mabuti ang kanyang upuan. Walang laman. Ibig sabihin, wala pa sya. Bakit kaya?.

"Si Master ba hanap mo?." tanong ni Bry. Kagat ang labi akong tumango sa kanya.

"Wala pa sya e. Baka mamaya pa yun." anya pero bakas sa mukha nyang may hindi sya sinasabi. I stare at him for a minute. Trying to study his facial expressions. Di talaga sya makatingin sa mata ko. Ano kayang tinatago nito?.

"Ganun ba?. Hehe.. Sige balik na ako duon. Pakisabing hi nalang pag andyan na sya ha. Salamat." sabi ko habang inaayos ang basa pang buhok. Nakapaloob din ang labi nya nung tinanguan ako. "Bye!." ngiti ko pa sa kanya pero kaway lang ang isinagot nya.

"He is so weird." bulong ko sa sarili nang nakabalik na sa area. Lumipas ang minuto at oras. Recess time na sya pa rin ang hinahanap ko. Pakiramdam ko kasi, may nangyaring di maganda sa kanya.

Nung matyempuhan ko si Jaden na mag-isa nalang na nakapila sa may counter. Nagpaalam ako kila Winly na bibili ng tubig kahit di naman ako nauuhaw. Salamat nalang talaga at sa mismong likod ako nya napunta. May isa kasing babaeng paparating na rin nung tumayo ako. Kinalabit ko sya. Ay mali. Hinila ko ang laylayan ng damit nya. Buti nalang naramdaman nya iyon agad. "Karen?. Bakit yun?. May problema ba?." tanong nya agad na para bang nahulaan na kung bakit ako lumalapit sa kanya ngayon.

"Ahm.. Itatanong ko lang sana kung pumasok ba si Kian?." nautal pa nga ako. Susnako! Gusto ko ng magtago pero mas lamang sakin ngayon ang malaman kung andyan ba sya't pinagtataguan lang ako o hindi talaga sya pumasok.

Sinipat nya ang buong mukha ko. I wonder why. "Bakit?." huli na ng marealize kong nasabi ko na pala ito. Nakita ko kung paano sya lumunok. "Andyan ba sya?." muli kong tanong. Umiling lang sya. Para bang ayaw magsalita baka may masabi sya. "Bakit daw?." sa huli kong tanong ay nagkibit balikat na lamang sya. Nanlumo ako sapagkat hindi ko sya makikita ngayon. Isa pa. Nag-aalala ako sa kanya dahil sa naging takbo ng usapan nila ng Mommy nya. Sana lang, wag nyang gawin ang bagay na mas makakasama sa kanya. Ang tumakas sa kanila. "Sige, balik na ako duon. Salamat." paalam ko. Di na naman sya nakaimik. Ano bang meron?. Tapos inihabol ko ang, "Nga pala. Hi daw sabi ni Bamby." duon laglag ang kanyang panga. Hay... Buhay torpe nga naman.

After recess. Back to class again. Dumaan ang lunch break at duon ko nalaman na talagang absent na sya. Kinausap kong muli si Bry about why he is not here pero ang sabi nya, di ko rin alam.

Duon ako nagdesisyon na tawagan sya. First call. Ringing. I guess. A minute. But no answer. Second call. Ringing again. As usual. Didn't answer. Third call. Out of coverage na.

Nanlumo ako. Bumagsak din ang balikat ko. Naging mahapdi din ang gilid ng mata ko sa pagpipigil na wag umiyak rito.

"I hope you're okay. If not. Please let me know what's going on?." tinext ko na ito. Baka humagulgol lang ako dito bigla pag ginawa ko pang tawagan sya tapos wala rin syang sagot. "Kung kailangan mo ng kausap. Andito lang ako." habol ko pa. Inilapag ko sa mesa ang phone sak sumubo kahit na ang totoo ay di ko malunok ito. Di pwedeng ipahalata sa kanila na nawawala katinuan ko ngayon. Baka mag-alala sila't magpanic nalang bigla.

After lunch. Our classes resume. Hanggang sa last subject na namin ng hapon. At kasalukuyan kaming may quiz nang magvibrate ang phone ko sa bulsa ng bag ko. Palihim ko itong kinapa at binasa sa baba ng arm chair. Napalunok ako ng makita ang pangalan nya.

"Master." bulong ko pa. Mabuti nalang at di rinig ng guro pero itong katabi ko, sinilip ako't nginitian. Kilala nya rin kasi ang tinatawag nilang Master sa loob ng campus. Lalaki sya't parang nakikita ko ring minsang kasama nya ito.

"Basahin mo na. Wag ka lang magpahalata." isinulat nya ito sa maliit na papel saka palihim din na binigay sakin. Mabilis pa sa lipad ng ibon ko syang tinanguan. Excited ka girl?. Aba, sinong hinde?.

Ginawa ko nga ang sinabi nya. Binasa ko ang kanyang reply. "I missed your call. Sorry." ramdam ko ang lungkot sa text nyang to.

"Where are you?." agad kong tinipa ito. Bumilis tibok ng puso ko. Kabado sa susunod nyang irereply.

"I'm not okay.." yan ang tanging reply nya na taliwas sa naging sagot sa tanong ko. Ang hirap basahin ng tatlong salita na iyon. Para bang, kay bigat na higit pa sa basang semento.

"I'll find you.." reply ko sa kanya pero di na muli sya sumagot. Sa totoo lang. Di ko alam kung saan maghahanap. Kung saan magsisimula at kung kanino magtatanong. Nabablangko utak ko ng di oras. Nakakapanghina.

下一章