webnovel

Chapter 24: Trust me

After lunch. Naglaro pa ang mga ito sa man cave na tinatawag nila. Para itong silid o hall na pampalipas ng oras. May malaking billiards sa gitna. Kasalukuyang naglalaro roon sina Aron at Jaden. Sila lang ata marunong. Yung iba, interesado sila pero walang alam rito. May sofa sa kaliwang bahagi kung saan kaharap nito ang malaking tv na hindi gumagana. Duon naman nilagay ng iba ang dala nilang gamit. Sa kanan naman ay may iilang stool na upuan at high island bar na kung saan pagliko mo rito ay may mga nakadisplay sa dingding na mga alak. Sa tantya ko ay hindi lang sampu ang mga ito. Higit pa sa dalawampu. Take note. Di sya basta basta na alak. Mukhang mamahalin. Sa timog na bahagi naman ng billiard table ay may nakasabit na dart board. Puti at itim ang kulay nito na hugis bilog. Doon nag-aagawan sina Billy, Bryan at Ryan. Sumisingit pa tong bakla.

Tsansing!. Tsk!.

"Wanna watch some movies?." nakasandal ako sa billiard table ng itanong nya ito. Kian is currently holding a cue stick. Nilingon ko sya at eksaktong tumira naman ito. Pasok lahat sa butas ang mga bola.

"Wag na."

"I can accompany you." dagdag nya. Naglakad sya sa gilid ko. Di ko alam kung sadya ba nyang idikit ang braso nya sakin o guni guni ko lang ang iniisip ko. Gawa ng sobrang panonood ko sa mga galaw ng mga tao ay nagiging praning na ako. Hayst! Ewan sa'yo Karen!.

"Ayaw nya nga kasi Master. Wag ipilit." eto si Aron na kumindat pa sakin.

Hindi sya umimik. Pinanood ko na muna syang sumalgo at muli, pasok na naman ang mga iyon. "Psh! Pasikat. Hahaha." bulong pa ni Aron.

"Gusto mong itry?." dagdag na tanong sakin ni Aron. Iniabot pa ang hawak na cue stick. Umiling ako agad. Sumabay pa nga pati mga kamay ko sa pagtanggi.

"Hindi ako marunong. Kayo nalang."

"E di tuturuan ka namin." ngisi nya na para bang may gusto syang sabihin pero di masabi sabi. Ano kaya yun?.

"Wag na. Masasayang lang oras nyo eh." giit ko pa.

"Hindi yan. Mas enjoy kaya pag madami. Diba Master?." hinging pahintulot nya sa isa. Hanggang ngayon, di ko maintindihan bat naging Master ang tawag nila sa kanya. Di kaya Prinsipe sya?. Hay... Ayan ka na naman Karen! Unmute mo nga yang isip mo.

"Sige. Basta ba kampi kami tas ikaw lang kalaban?." singit ni Kian. Nakayuko ito at kasalukuyang tumitira ng bola.

"Oh, bat dalawa kayo tas ako lang?. Maduga yata pag ganun?. Tsk. Wag na nga lang. Kayo nalang maglaro. Dun muna ako sa kabila." iritado nyang himig saka iniabot sakin ang hawak nyang stick. Nangunot ang noo ko. Hindi ba parang nasaktan sya?. Mali e. Bat biglang nagalit yun?

"Huy, Aron?." tawag ko sa kanya. Itinaas nya lang ang kamay sa akin saka nakipag-usap na kay Jaden na lumingon pa sa aming gawi.

"Nagalit ata sya Kian?." di pa rin maalis sa grupo nila Aron ang paningin ko. Hindi ko kasi maintindihan. Hindi sya sumagot hanggang sa nadinig ko na lang ang pagsalgo nito sa mga bola.

"Wag mo nalang syang pansinin. Let's just play." he sound offering. Di na ako nagdalawang-isip pa na gawin ang sinasabi nya kahit pa na di ako marunong.

"Paano, di ako marunong?." rason ko pa. Inalis na sa kabilang grupo ang atensyon. Totoo naman na di ko alam ito laruin. May nalalaman ako tungkol dito pero ang kung paano laruin ay yun ang hinde.

"I'll teach you." paniniguro nya. Tinuro nya sa akin kung paano ang tamang pagtira ng bola. Kung anong mga teknika rito upang pumasok lahat at kung paano sumalgo ng sunod sunod. Hindi lang pala bastang laro ang billiards. Kailangan rito ang talino at matinding pagpaplano upang masigurong maipaaok lahat ang bola. Ang akala ko noon, basta ka nalang titira. At basta pasok na ang bola ay panalo ka na. Di pala. Dahil kapag nasa loob ka daw pala ng isang kumpetisyon. Talino at focus ang kailangan mo, hindi lang lakas at kumpyansa dahil kapag tsumansang tumayo ang kalaban mo mula sa kinauupuan nya't ikaw ang umupo. Baka maging bangko ka nalang hanggang sa sya na ang manalo. Ganun pala iyon. Now I know.

Naglaro kami. Nagpaturo ako ng todo.

"Say cheese." mabilis na kumislap ang camera sa kung saan habang kami ay kasalukuyang naglalaro. Cellphone ni Bamby iyon at sya rin ang kumuha. May hawak rin na cellphone si Winly pero hindi iyon kuminang.

"Ano yan ha?." tanong ko sa kanila.

"Documentary lang bes. Alam mo na. May maipost.. hihi.." Winly winked at me. I know that sign. He's teasing me. Yaa...

"Ano!?. Hoy Win ha?." napatayo ako sa sinabi nya. Si Kian ay lihim na natawa.

"Gurl naman. Parang di ka na mabiro." bawi nya agad. Sinamaan ko sya ng tingin hanggang sa nagkibit balikat na lang na umalis saking paningin.

"Ayaw mo nun baby ko, maexpose tayo." nakakakiliting boses bigla ang narinig ko sa kaliwang tainga mula sa kanya.

"Ano!?.." tumaas ng bahagya ang boses ko sa ibinulong nya. Nasa likod ko sya't nakaharap sa table. Nakatagilid naman ako doon.

"May stalker kasi ako at gusto kong huminto na iyon." bigla ay paliwanag nya. Nagtaka ako syempre. Anong malay ko sa taong yun.

"At anong kinalaman ko naman sa stalker mo?."

"Gusto kong malaman nung taong yun na may girlfriend na ako at ikaw yun." proud pa syang tumango sabay ngiti sa labi. Kayganda pang tignan ang pagkibdat nya. Susnako! Wag naman ganyan lagi pogi!

Sa isang iglap, parang may sumabog sa puso ko. Wala akong ibang marinig kundi ang tibok lang ng aking puso. Ni hindi ko maigalaw ang mga kamay at paa ko. Para itong biglang nilagyan ng kakatimplang semento. Wala akong maulinigan kahit nakikita kong bumubuka ang kanyang mapupulang labi. Ang tanging bumubulong sa loob ng tainga ko ay ang buong salitang sinabi nya kanina lang.

ANO DAW!!!....

"Hey!.." niyugyog nya ako ngunit wala pa rin akong naririnig. "Hey." ulit nya. Di ko mabilang kung ilangh beses nyang sinabi ito o may karugtong ang mga iyon. Noon lang ako natauhan ng yakapin nya ako. Hindi sya nagsalita. Basta niyakap nya lang ako kahit pa tinutukso na kami ng aming mga kasama.

Isang minuto, dalawa, tatlo hanggang sa umabot yata sa sampu empunto ang bilang ko saka sya kumalas at tinitigan ako. Inayos pa nga buhok sa noo ko. "Nagulat ba kita?. I'm sorry." bakas ang pag-aalala sa buong mukha nya.

"Anong nangyayari dyan Master?. Ayos lang kayo?." si Aron to. Andun na sa may high island bar. Nakaupo at may hawak na puting bowl. Ngumunguya sya kasama nina Billy, Bamby at Winly.

"Ah yeah. Wala naman. We're good." duon lang din bumalik sa dati ang lahat ng pakiramdam ko.

"Good. Just continue. Don't mind us. hehe." ani Aron pa without knowing na may nangyari nga.

Nagpakawala sya ng malalim na buntong hininga bago nagpasyang magsalita.

"I'll explain it to you. Magpapanggap lang tayo na tayo sa school para malaman nyang taken na ako. After nun, pag huminto na sya. Well. Ganun din tayo."

Ano itong sinasabi nya?. Nagbibiro ba sya?. Bakit kailangang magpanggap?. Mas lalong hindi sya tatantanan nung tao kapag nalamang may gf na sya?. At ako?. Ako pa ang napili nya?. Bakit naman?. Hay. Ewan. Bahala na lang.

"Still, I don't get it." kunot ang noo kong sambit.

"Just, go with the flow with me at ako nang bahala sa lahat." noon lang din ako tumitig sa kanyang mga mata ng matagal. Kinaya ko iyon ng walang anumang pag-alinlangan. I don't know how it happened. Basta nalang nangyayari. Ganun ba talaga kapag nag-aalala ka para sa isang tao?.

"Paano kung mapahamak ako dyan?." ito ang unang tanong na pumasok sa utak ko matapos manahimik ng ilang minuto.

"Hindi iyon mangyayari. Trust me." he even assured. Nagdalawang-isip ako. Syempre, sino namang hinde diba?. Paano nga kung ikapahamak ko ito?. Tulungan nya ba ako?. O gaya ng nakikita ko sa tv ay iiwan nalang basta ang bidang babae?. Susnako! Ang hirap mag-isip kapag nasa ganitong sitwasyon. Tipong lamang sa'yo ang gustong pumayag pero may parte pa rin sa utak mo ang ayaw at natatakot sa papasukan.

But he said I trust him. Should I trust him?. Or not?. Maybe, maybe not. Wala naman sigurong mawawala kung susubok ako diba?. Tsaka walang nakakaalam kung anong mangyayari sa susunod. Ako man o maging sya. Gaya nga ng sabi ko, bahala na. Kaya walang anu-ano'y umoo na ako sa kanya.

It's like, now or never!

下一章