"Bakit ka ba walang gana ha?. Anong nangyari sa'yo buong linggo at ganyan nalang kabusangot yang mukha mo?." siniko ako ni Winly sa tagiliran dahilan para magitla ako. Nasa loob kami ng kubo. Break time namin at kasalukuyan kaming kumakain ng meryenda. Nabalitaan ko lang na hindi pa sya pumasok. Tuloy, di ako mapakali kahit anong gawin ko.
"Wala." pang-dedeny ko pa subalit sya itong kausap ko. Wala kang pwedeng ilihim rito.
"Pft." ngiwi nya sa akin. Tapos tinaasan nya pa ako ng isang kilay habang ngumunguya ng kanyang pagkain. "Di mo ko matatakasan babae ka."
"Ano ba kasing meron ha?." natatawang ani Bamby. Kadarating nya lang ito at mukhang alam na agad ang naging takbo ng usapan namin. Ganyan lagi yan. Ang hula ko pa nga minsan, may iniiwan syang recorder sa paligid para malaman agad ang buong kwento. Pero sa isang banda ay di ako naniniwala na ganun dahil sa daldal ba naman ng baklang to. Mukhang sa kanya galing lahat ang nalalaman ni Bamby. Not saying na ayaw kong malaman nya. Ang weird lang kasi pag minsang darating sya tapos may ideya na sa topic. Tuloy, lihim na lamang akong natatawa sa aking isipan. Mga kaibigan nga natin minsan. Mga sutil!
"Oh ayan na! Dumating na ang Cinderella." natatawang deklara rin ng bakla. Nagtawanan kaming tatlo lalo na ng ambangan ng pekeng sampal ni Bamby ang Winly. "Ay grabe sya! Sampal agad?."
"Makalait namin kasi. Akala mo kung sinong maganda?." irap ni Bamby sa kanya.
"Ay ay... porket pinansin lang nung crush eh, nagmaganda na sya. Naku! Mga babae nga naman. Mahilig umasa. Ah! Aray!.. hahahah.." di nito naituloy ang karagdagan ng kanyang sasabihn ng piningot na sya ni Bamby. Nagpikunan ang dalawa hanggang sa sila na rin ang napagod at naupo sa harapan ko. Tahimik ko lang silang pinapanood.
"Okay ka lang?." tanong ni Bamby nang mapansin ang pananahimik ko. Di ko sya sinagot. Isang ngiti lang ang iginawad ko sa kanya. "I heard the news." she open. Nakita ko kung paano sila magsikuan ng bakla. So they knew already. "Jaden told me everything." dagdag pa nya.
I look away. Parang ayokong marinig ang kung anong nalaman nya mula kay Jaden. Masyado akong takot sa sasabihn nya ngunit may parte pa rin sa akin na nagsasabing, pakinggan ko ito. "Anong balita?." masakit sa lalamunan ko itong sinambit. Di pa rin makatingin sa kanila.
"Na nagka-allergy sya." naipaloob ko kaagad ang mga labi sa narinig. Nag-init rin ang gilid ng mga mata ko matapos nya itong sabihin ilang segundo lamang. "Dinala raw sya sa ospital at kakalabas nya lang daw kahapon." duon ko na di napigilan ang maluha. Dinala sya sa ospital?. Damn it! Parang ayoko na! Napakasakit pakinggan kahit ilang salita lamang ang binigkas nya.
"I don't know." nanginig ang labi ko. Tinakpan ko din agad ang buong mukha ko dahil di ko na mapigilan pa ang humagulgol. May biglang humawak sa likod ko't hinimas. Pinapakalma ako.
Dinagsa ng luha ang aking magkabilang pisngi. Wala itong tigil kahit pa na anong gawin kong pagpipigil rito. Tinatanong nila ako kung bakit pero di ko magawang buksan ang aking labi para magsalita. Para bang naitali bigla ang dila ko dahilan para wala akong mabigkas ni isa. Hinayaan nila akong umiyak hanggang matapos ang break time. Mabuti nalang at inanunsyo ng iba na, wala na raw pasok dahil daw may general meeting ang mga teachers. Di ko alam kung tungkol saan iyon. Basta ang tanging maganda lang saking pandinig ay ang nalamang wala ng pasok. Nag-ingay nga ang paligid at ang lahat ay mukhang pinapauwi na talaga. Ang ilang mga kaklase namin ay lumalabas na ng gate. Kaya si Winly ay kinuha na ang mga gamit namin sa room. Hinintay namin sya hanggang sa pati sina Jaden na ay napadpad na sa may kubo kung saan pareho pa kaming nakaupo ni Bamby.
"Pupunta kami kila Kian. Gusto nyong sumama?." diretsong tanong na ni Jaden. Kay Bamby sya unang tumingin tapos tumagos iyon at napunta sakin.
"Ayos lang ba kung sasama kami?." Bamby asked back.
"Oo naman. Actually, gusto nya rin kayong makita." he said not looking at her but at me. "Gusto ka nyang makita." pag-uulit nya sa naunang nasambit. Dinedeklara na ako talaga ang gusto nyang bumisita sa kanila.
My heart skip a bit. Parang biglang nagkaroon ng himala. Lumpo ako dati na di makausad tapos ng marinig ang magandang balita, bigla nalang akong nakalakad. Nabigyan ng buhay at heto't naging normal muli ang paghinga. Nangilid na naman ang luha saking mata. Lihim kong muli na pinunasan iyon. Kahit pa makita ng mga taong nakapaligid sakin. Wala na akong pakialam. Ang mga lalaki ay hindi na nagtanong pa. Mukhang alam din ang dahilan kung bakit ako ganito. Bamby, comfort me. Kahit na maingay pa ang lahat sa pupuntahan.
Maging sa loob ng sasakyan ni Aron. Walang nangahas na nagtanong kung bakit wala pa ring tigil ang pagpatak ng luha saking mata. "I hope you are fine." ani Ryan sa akin.
"Wag ka ng umiyak Karen. Maayos na sya. Pwede mo na syang bangasan mamaya.. hahaha." biro pa ni Bryle. Natawa naman sina Billy, Bamby at Jaden.
"Kaya nga. Kung pwede rin. Sipain mo pwet nya. hahaha." dagdag ni Jaden.
"Ahahahaha.. tama. Para mabawasan katigasan ng ulo nya." sang-ayon ni Billy.
Pagkarating ng gate ng subdivision ay pinapasok kami agad. Kilala nila rito si Aron. Dito rin kasi yata sya nakatira. At ng marating namin ang bahay nila Kian ay mabilis ring bumukas ang gate. Pinasok ni Aron ang kanyang sasakyan kaya sumunod din ang isa. Dalawang sasakyan lang ang ginamit namin para mas mabilis ang lahat. Mahirap pa kasi pag traffic at paisa isa kaming darating. Yung matandang nakita ko na noon ang sumalubong sa amin. He even greeted everyone. Ganun din ang lahat sa kanya. Pero ako?. Nakayuko lang ako saking mga paa.
"Tuloy ka hija." napatalon ako sa gulat ng tabihan nya ako't bulungan. "He's inside. Kanina pa naghihintay sa pagdating ninyo."
"Magandang umaga po." halos mautal pa ako ng batiin ko ang matanda.
"Magandang umaga rin sa'yo." ngayon. Nakangiti na sya sa akin. Doon ko lang rin napansin na wala na ang mga kasamahan ko. Nauna na sa loob. Dinig na ang boses nila mula sa kinatatayuan namin. "Pumasok ka na. Kanina pa nauna ang iba." halos matawa rin sya. Nahihiya akong tumango sa kanya bago dahan dahan naglakad papasok.
Nagrambulan ang kaba sa dibdib ko ng unang hakbang ko pa lamang papasok ay naamoy ko na ang lavander. Wala namang halaman o bulaklak sa paligid pero ang bango nito ay nanuot agad sa ilong ko.
"Hoy babae! Bilisan mo na. Kanina pa naghihintay ang Prinsipe." agaw pansin ni Winly sa di kalayuan. Dinig ko pang nagtawanan ang iilan at dinagdagan ang pagbibiro ng bakla. Di noon natinag ang mata ko sa nakikita. Ang entrance hall ay kay lawak na halos kalaki na ng aming bahay. Sa gitna pa nito ay ang napakalaking hagdanan na may pulang tela sa gitna. Kingwa! Bahay ba talaga ito o mansion. Naglakad ako't hindi pa rin maiaalis ang pagkamangha sa mukha.
"Hi." sa likod ko ay may nagsalita. Nanigas ako't hindi makagalaw sa kinatatayuan. Gustuhin ko mang lumingon sa kung nasaan sya. Hindi ko magawa dahil bigla akong nanghina. Gaano man katigas ang katawan ko't di makagalaw ay ganun din kalambot ang puso ko't di na napigilan pa ang maluha. Masyadong mababaw ang luha ko ngayon. Kagat ko na ang labi para di humagulgol nang bigla ay nasa harapan ko na sya. Bahagya pa syang nagulat nang makita ang luha saking mga mata. "Hey, why are you crying?." tunog nag-aalala ang boses nya. Hinawakan nito ang magkabila kong balikat. I want to utter some words pero kingwa! Bakit di ko magawa. Then suddenly, he hug me. "Stop crying. I'm okay now." he reassured.