" Aarghh..". Mahinang daing nya, marahan din syang umayos at naupo mula sa pagkakahiga.
Nagpapasalamat naman ako't nagising na sya, kaya naman ito na ang pagkakataon kong itanong sa kanya ang mga bumabagabag sa 'king kalooban.
" M-mahal.. mabuti at maayos ka na.. kamusta na ang pakiramdam mo?". Tanong ko.
M-mahal r-relax.. a-ayos lang ako..". Utal na sagot ni Zachary.
" A-anong ayos? Ano ba kasing nangyayari sayo? Sabihin mo nga!! M-may tinatago ka ba sa akin??". Medyo napalakas kong boses sa pagtatanong. Galit kasi ako dahil GWAPO ako.
Tinitigan ko sya nang matulis, natitiyak ko na may itinatago sya sa akin.
" Te-teka a-ano bang ibig mong sabihing may tinatago mahal? Wa-wala akong tinatago..". Nagulumihanang sagot ni Zachary.
" Zach? Please?". Pakiusap ko.
" M-mahal.. wag ka ng mag alala dyan, wala ito. Baka dala lang ito ng stress at pagod hehe.. natural lang naman yun hindi ba?". Paglilihis nya at bahagyang ngumiti.
" S-sigurado ka? Eh noon ko pa yan napapansin eh! Yang pagbibiro mo na kunwari maninikip yang dibdib mo!". Mariing wika ko.
Hinaplos nya muna ang aking mukha bago nagsalita at ngumiti. " Sus! alam ko naman nagtatampo ka lang kasi iiwan na kita sa susunod na taon..". Sandali syang natahimik. " Lapit ka nga dito sakin, may ikukwento ako sayo tungkol sa dalawang taong nagmamahalan..". Pakisuyo nya.
" A-ah.. eh kung ayaw kong makinig?". Pagmamatigas ko.
Tumawa lang sya ng matipid. " Edi ikukwento ko pa din.". Nakangiti nyang sagot.
Tumalikod lang ako sa kanya at umupo ng nakakalumbaba at nakasimangot. Dun na rin sya nag umpisang magkwento.
" May dalawang magkasintahan, lalaki at babae sila. Halos magkasing edad lang sila at pareho nilang mahal ang isa't-isa. Yun nga lang ay inabot na nalang nang mahigit dalawampung taon ang kanilang pagsasama ay hindi manlang sila nabiyayaan ng kahit isang anak na kanilang pinakaaasam asam. Gayunpaman, hindi pa rin sila nagkulang ng pagmamahal sa isa't isa. Parehas silang nagpatingin sa doktor at laking gulat nila na isa pala sa kanila ay may kapansanan, ang lalaki. Hindi normal ang sperm count sa sexual reproduction ng lalaki kaya hindi sila magkaroon ng anak, labis itong dinamdam ng lalaki pero kahit na ganoon pa man ay mahal parin sya ng babae kaya kahit ano pa man ang maging kapansanan ng lalaki ay hinding hindi nya ito ipagpapalit at iiwan. Masayang masaya parin sila kahit na wala silang anak, nangako sa isa't-isa na magsasama habang buhay. Mas naging masaya pa sila dahil sa isang milagro, nalaman nilang may pag asa pa silang magkaroon ng anak sa tulong ng isang kaibigang doktor na nagtatrabaho sa amerika. Iyon nga lang ay ang tanging lalaki lamang ang pupwedeng magpunta sa amerika dahil mahaba daw ang proseso ng therapy, mga pitong buwan. Hindi din naman pupwedeng sumama ang babae dahil sa trabaho nito bilang isang manager. Nalungkot ang babae dahil maiiwan lang syang mag isa sa kanilang tirahan, pero para sa magiging resulta naman ay naging matatag sya at gayundin ang lalaki. Sumapit ang araw ng pag alis ng lalaki. Nangako naman silang dalawa na walang araw na hindi sila magsusulatan, sa panahon kasi na iyon ay hindi pa uso ang social media. May iilan naman na telepono pero ang kaso ay mahal ang bayad kapag araw araw silang mag uusap. Lumipas ang ilang araw ay wala namang mintis ang pagpapadala nila ng sulat sa isa't isa. Narito ang isang liham na mula sa lalaki;
𝙳𝚎𝚊𝚛 𝙼𝚊𝚑𝚊𝚕,
𝙼𝚒𝚜𝚜 𝚗𝚊 𝚖𝚒𝚜𝚜 𝚗𝚊 𝚔𝚒𝚝𝚊. 𝙸𝚕𝚊𝚗 𝚊𝚛𝚊𝚠 𝚙𝚊𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚊𝚗𝚐 𝚗𝚊𝚔𝚊𝚔𝚊𝚕𝚒𝚙𝚊𝚜 𝚙𝚎𝚛𝚘 𝚜𝚘𝚋𝚛𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚒𝚜𝚜 𝚗𝚊 𝚔𝚒𝚝𝚊. 𝙰𝚔𝚘? 𝙰𝚢𝚘𝚜 𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚗𝚊𝚖𝚊𝚗 𝚍𝚊𝚑𝚒𝚕 𝚖𝚊𝚋𝚊𝚋𝚊𝚒𝚝 𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚍𝚘𝚔𝚝𝚘𝚛 𝚗𝚊 𝚗𝚊𝚐 𝚊𝚊𝚜𝚒𝚜𝚝𝚊 𝚜𝚊 𝚊𝚔𝚒𝚗. 𝙰𝚕𝚊𝚖 𝚖𝚘 𝚋𝚊 𝚊𝚗𝚐 𝚜𝚒𝚗𝚊𝚋𝚒 𝚗𝚒𝚕𝚊? 𝙷𝚒𝚗𝚍𝚒 𝚗𝚊 𝚍𝚊𝚠 𝚖𝚊𝚐𝚒𝚐𝚒𝚗𝚐 𝚙𝚒𝚝𝚘𝚗𝚐 𝚋𝚞𝚠𝚊𝚗 𝚊𝚗𝚐 𝚒𝚕𝚊𝚕𝚊𝚐𝚒 𝚔𝚘 𝚍𝚒𝚝𝚘 𝚔𝚞𝚗𝚍𝚒 𝚕𝚒𝚖𝚊𝚗𝚐 𝚋𝚞𝚠𝚊𝚗 𝚗𝚊 𝚕𝚊𝚖𝚊𝚗𝚐, 𝚜𝚘𝚋𝚛𝚊𝚗𝚐 𝚜𝚊𝚢𝚊 𝚔𝚘 𝚖𝚊𝚑𝚊𝚕.. 𝙼𝚊𝚋𝚒𝚕𝚒𝚜 𝚍𝚊𝚠 𝚊𝚗𝚐 𝚒𝚖𝚙𝚛𝚘𝚟𝚎𝚖𝚎𝚗𝚝 𝚜𝚊 𝚙𝚊𝚐𝚙𝚛𝚘𝚍𝚞𝚌𝚎 𝚗𝚐 𝚜𝚎𝚖𝚒𝚕𝚢𝚊 𝚔𝚘. 𝙼𝚊𝚑𝚊𝚕? 𝙴𝚡𝚌𝚒𝚝𝚎𝚍 𝚗𝚊 𝚊𝚔𝚘𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚐𝚔𝚊𝚊𝚗𝚊𝚔.. 𝚎𝚡𝚌𝚒𝚝𝚎𝚍 𝚗𝚊 𝚊𝚔𝚘𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚢 𝚖𝚊𝚝𝚊𝚠𝚊𝚐 𝚗𝚊 𝚓𝚞𝚗𝚒𝚘𝚛 𝚔𝚊𝚙𝚊𝚐 𝚕𝚊𝚕𝚊𝚔𝚒. 𝙰𝚝 𝚔𝚊𝚙𝚊𝚐 𝚋𝚊𝚋𝚊𝚎 𝚗𝚊𝚖𝚊𝚗 𝚊𝚢 𝚒𝚜𝚞𝚜𝚞𝚗𝚘𝚍 𝚔𝚘 𝚜𝚊 𝚒𝚢𝚘𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚗𝚐𝚊𝚕𝚊𝚗. 𝙼𝚊𝚑𝚊𝚕? 𝙼𝚊𝚐 𝚒𝚗𝚐𝚊𝚝 𝚔𝚊 𝚙𝚊𝚕𝚊𝚐𝚒 𝚍𝚢𝚊𝚗 𝚑𝚊? 𝚆𝚊𝚐 𝚔𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚜𝚢𝚊𝚍𝚘𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚕𝚞𝚗𝚐𝚔𝚘𝚝 𝚍𝚊𝚑𝚒𝚕 𝚙𝚊𝚛𝚊 𝚗𝚊𝚖𝚊𝚗 𝚒𝚝𝚘 𝚜𝚊 𝚊𝚝𝚒𝚗𝚐 𝚍𝚊𝚕𝚊𝚠𝚊, 𝚊𝚝 𝚗𝚐𝚊𝚢𝚘𝚗 𝚙𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚐𝚒𝚐𝚒𝚗𝚐 𝚝𝚊𝚝𝚕𝚘 𝚗𝚊 𝚝𝚊𝚢𝚘. 𝙼𝚊𝚑𝚊𝚕? 𝙺𝚞𝚖𝚊𝚒𝚗 𝚔𝚊 𝚙𝚊𝚕𝚊𝚐𝚒 𝚜𝚊 𝚝𝚊𝚖𝚊𝚗𝚐 𝚘𝚛𝚊𝚜 𝚊𝚝 𝚠𝚊𝚐 𝚖𝚊𝚜𝚢𝚊𝚍𝚘𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚐𝚙𝚊𝚙𝚊𝚐𝚘𝚍 𝚜𝚊 𝚝𝚛𝚊𝚋𝚊𝚑𝚘 𝚑𝚊? 𝙶𝚞𝚜𝚝𝚘 𝚔𝚘 𝚙𝚊𝚐 𝚞𝚠𝚒 𝚔𝚘 𝚊𝚢 𝚖𝚊𝚐𝚊𝚗𝚍𝚊 𝚔𝚊 𝚙𝚊 𝚛𝚒𝚗. 𝙿𝚎𝚛𝚘 𝚊𝚢𝚘𝚜 𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚗𝚊𝚖𝚊𝚗 𝚔𝚊𝚑𝚒𝚝 𝚊𝚗𝚘 𝚙𝚊𝚗𝚐 𝚒𝚝𝚜𝚞𝚛𝚊 𝚖𝚘, 𝚖𝚊𝚑𝚊𝚕 𝚗𝚊 𝚖𝚊𝚑𝚊𝚕 𝚙𝚊𝚛𝚒𝚗 𝚔𝚒𝚝𝚊. 𝙺𝚊𝚑𝚒𝚝 𝚗𝚊 𝚖𝚊𝚍𝚊𝚕𝚊𝚜 𝚝𝚊𝚢𝚘𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚐 𝚊𝚠𝚊𝚢 𝚊𝚢 𝚑𝚒𝚗𝚍𝚒𝚗𝚐 𝚑𝚒𝚗𝚍𝚒 𝚔𝚘 𝚙𝚊 𝚛𝚒𝚗 𝚒𝚙𝚊𝚐𝚙𝚊𝚙𝚊𝚕𝚒𝚝 𝚊𝚗𝚐 𝚒𝚜𝚊𝚗𝚐 𝚔𝚊𝚝𝚞𝚕𝚊𝚍 𝚖𝚘𝚗𝚐 𝚠𝚊𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚔𝚊𝚝𝚞𝚕𝚊𝚍. 𝚄𝚞𝚕𝚒𝚝𝚒𝚗 𝚔𝚘, 𝚖𝚊𝚑𝚊𝚕 𝚗𝚊 𝚖𝚊𝚑𝚊𝚕 𝚔𝚒𝚝𝚊. 𝙿𝚊𝚕𝚊𝚐𝚒 𝚔𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚐𝚍𝚊𝚜𝚊𝚕 𝚜𝚊 𝚙𝚊𝚗𝚐𝚒𝚗𝚘𝚘𝚗 𝚑𝚊? 𝙻𝚊𝚐𝚒 𝚗𝚊𝚖𝚊𝚗 𝚗𝚢𝚊 𝚝𝚊𝚢𝚘𝚗𝚐 𝚍𝚒𝚗𝚒𝚍𝚒𝚗𝚒𝚐 𝚊𝚝 𝚑𝚎𝚝𝚘 𝚗𝚊 𝚊𝚗𝚐 𝚔𝚊𝚗𝚢𝚊𝚗𝚐 𝚛𝚎𝚐𝚊𝚕𝚘 𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚐 𝚊𝚜𝚊. 𝙾𝚑 𝚙𝚊'𝚗𝚘 𝚖𝚊𝚑𝚊𝚕, 𝚠𝚊𝚕𝚊 𝚗𝚊 𝚊𝚔𝚘𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚜𝚊𝚋𝚒. 𝙸𝚙𝚊𝚐𝚍𝚊𝚍𝚊𝚜𝚊𝚕 𝚔𝚘 𝚗𝚊𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚍𝚒𝚗 𝚜𝚊 𝙳𝚒𝚢𝚘𝚜 𝚗𝚊 𝚖𝚊𝚜 𝚖𝚊𝚊𝚐𝚊 𝚙𝚊 𝚊𝚗𝚐 𝚛𝚎𝚌𝚘𝚟𝚎𝚛𝚢 𝚔𝚘 𝚙𝚊𝚛𝚊 𝚖𝚊𝚜 𝚖𝚊𝚊𝚐𝚊 𝚊𝚔𝚘𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚔𝚊𝚞𝚠𝚒. 𝙼𝚒𝚜𝚜 𝚗𝚊 𝚔𝚒𝚝𝚊 𝚜𝚘𝚋𝚛𝚊..
𝙸 𝙻𝙾𝚅𝙴 𝚈𝙾𝚄 𝚂𝙾 𝙼𝚄𝙲𝙷!
𝙰𝚗𝚐 𝙸𝚢𝚘𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚑𝚊𝚕,
******
Ang sweet sweet nila, masaya ang lalaki sa mabilis ng recovery nya. Lumipas pa ang ilang araw ay ganoon parin na wala silang palya sa pagsusulatan, sobrang saya din ng babae na mabibigyan na sila ng isang anghel. Minsan din silang nagtatawagan sa telepono pero yung angkop na oras lamang dahil napakamahal ng singil sa long distance.
" ZzzZzzz...". Di ko namalayan na nakatulog na pala ako sa pakikinig dejk! Haha!.
Lumipas naman ang isa-dalawang buwan, madalas na silang walang sulatan. Pinag usapan naman din nila dahil masyadong busy na ang babae sa trabaho. Wala naman silang pagtatalo dahil doon, sobra parin nilang namimiss ang isa't-isa.
Itutuloy...