Napatitig ako sa mukha ni Steve nang mga sandaling iyon. Habang nasa ganoon akong pagtitig, nagugulo rin ang aking utak dahil nakikita ko rin si Zachary sa kanyang imahe. Hindi na rin halos tumigil ang pagtulo ng aking luha dahil na rin sa iniindang kirot sa aking utak. Hindi ko na rin magawang makasigaw.
" Cha-chanderr.. hi-hindi!". Ang narinig kong mahinang boses ni Steve.
Doon na rin ako nawalan ng malay. Pero bago pa iyon;
Matapos ang derederetsong pagbulusok ng sinasakyan naming bus, bumangga kami sa isang malaking puno ng fine tree sa palayan. Sobrang lakas ng impact sa pagbangga ng bus kaya nawasak ang harapang bahagi nito. Masakit mang isipin, may ilang mga nasawi sa trahedya. Sobrang nakakaawa. Nagpatong patong ang ibang tao na walang malay, sugatan ang iba, ang mga nasa ilalim naman ay mga bangkay kabilang na ang kalunos lunos na sinapit ng driver at tatlong taong gulang na bata na nagkalasog lasog ang katawan. Sobrang nakakapanglumo grabe!. Bago ang pagbangga at mawalan ako ng malay ay naisiksik agad ako ni Steve sa upuan na may mataas na bahagi ng sandalan, doon ay mahigpit nya akong niyakap. Narinig ko pa ang malakas na sigaw nya noong bandang huli. Tapos iyon na, wala na 'kong malay.
-----
Halos walang nakasaksi sa aksidenteng nangyari, maliban sa iilang magsasaka sa palayan. Agad na nagreport ang isa sa kanila at mabilis na tinungo ang pinakamalapit na baranggay. Mabilis din ang rescue mobilè na dumating at mga paramedics sakay ng ambulansya, maging mga kapulisan at mga press.
Mabilis na inilabas ang mga sugatan at mga nawalan ng malay, syempre kasama kami!, nilapatan kami agad ng paunang lunas. Ang ibang malubha ay mabilis na isinakay sa ambulansya. Ang mahigit na sampung patay na pasahero ay nakakaawang iniherela lang isa isa sa inilatag na trapal at tinakpan lang ito ng tela. Di ko ramdam si Steve sa paligid, since wala akong tinamong sugat maliban sa kirot pa rin sa aking ulo. Pinilit kong idinilat ang aking mga mata upang makita sya kung saan man sya nakapwesto. Hindi ko sya maaninag, hindi ko rin maigalaw ang aking leeg dahil sinakal ako ng isang nurse gamit ang bandage na hawak nya. Haha Joke lang! Nagtamo pala ako ng pilay sa bahagi ng aking katawan dahil sa tindi ng impact sa pagkakabangga ng bus sa malaking puno, kaya hindi ako makagalaw. Hindi pa rin ako makapagsalita sa sitwasyon.
Later on.
Naisakay na rin kaming lahat sa ambulansya at mabilis na nakarating sa ospital, sa karatig lang din malapit sa taal batangas.
-----
" Baby booooy!! Oh my GOD!!!!". Rinig kong malakas na sigaw ni mommy nang nasa loob na ako ng kwarto ng ospital, nakasupporter na ang leeg ko.
Napaiyak ako nang sobra nang makita ko sya at niyakap agad nang makalapit na.
" Omg!! Anaaaak!! What happennn?". Nanginginig na tanong ni mommy, mangiyak ngiyak din sya.
" M-mom..". Ang tanging naisagot ko habang humahagulgol.
" Y-You're ok?". Si mommy.
Tumango lang ako.
" W-where's S-steve??". Pag aalalang tanong ulit ni mommy.
Hindi ako makasagot agad, muli akong nag iiyak.
" M-mommy!! S-si Steve!". Hagulgol kong sagot.
" O-ok baby boy.. it's ok! Stay here, hahanapin ko sya ok?". Aligagang saad ni mommy.
Iniwan ako ni mommy sa kwarto upang hanapin si Steve.
Makailang minuto pa, bumalik si mommy na malungkot ang mukha.
" M-ma! Si Steve?". Mariing tanong kay mommy.
" Baby boy anak? Relax lang at mag ayos ka ng sarili.. kaya mo bang tumayo?". Tanong sagot ni mommy.
" Ma, nasaan si Steve??". Pasigaw kong tanong ulit.
" Nasa kabilang kwarto lang sya..". Mahinanong sagot nya, pero kita ang malungkot na mukha nito.
Di ko maintindihan ang gustong sabihin ni mommy, parang may hindi tama at hindi nya kayang sabihin sa akin kung anong nangyari kay Steve.
" Ma, please? Nasaan sya!!!". Sigaw ko.
Hindi sumagot si mommy. Kinuha nya ang wheelchair na nasa gilid lang sa tabi ng upuan at ibinuka nya ito.
" Pupuntahan natin sya..". Si mommy.
Agad akong bumangon, kahit may iniindang sakit ang aking katawan ay buong lakas akong bumangon at bumaba sa deck na aking hinihigaan. Mabilis din akong sumakay sa wheelchair at pinaandar agad ito, lumabas ako agad at hinananap ang kwarto kung saan naroon si Steve.
Itutuloy...