Nakabusangot akong lumapit kay Ashia. Ngayon ko lang napansin ang suot nito. Nakasando siya na white tapos loose and see through din, nakamaong shorts din siya kagaya ko.
Natawa ako, nagmumukha kasi kaming mga teenagers dahil sa party na pakulo nila. Nakakainggit pala talaga sila, they can do what they want at walang asawang pumipigil sa bawat galaw nila.
"Oh? Nasaan na yung asawa mo?" Tanong nito sa akin nang makita akong papalapit sa kanya.
"I don't know. Galing ako sa kwarto namin ni Keia. E hindi ba ang sabi niya naman kanina may kakausapin daw siya." Sagot ko.
"Naku hayaan mo na yun at magpakasaya ka na lang hanggat may oras ka pa. Baka mamaya maginarte yun at iuwi ka." Napabuntong hininga na lang ako.
"By the way where's Keia?" Tanong ko dito nang hindi ko na mahagilap sa paningin ko si Keia. Dumadami na din kasi ang mga tao at nagsisimula na ang ibang uminom habang ang mga kadadating lang ay kumakain sa may buffet area.
"Malay ko dun. Kanina may kausap lang diyan sa tabi tabi e tapos nalingat lang ako sandali pagtingin ko sa pwesto niya kanina wala na." Sagot nito at naglakad patungo sa may bar counter. Sumunod naman ako dito at nang maupo siya sa stool ay naupo din ako.
"Margarita." Sumenyas si Ashia ng dalawa gamit ang kanyang daliri.
"Hanggang ngayon ba laman ka pa rin ng mga bar dun sa Manila?"
"Hindi naman ganon pero napasyal pasyal lang." Sagot nito at sumimsim sa margaritang inabot ng bartender.
"Ikaw ba sinuko mo na yang bataan mo? Pansin ko parang ako na lang ata ang tatandang birhen sa ating magkakaibigan e." Wika ko dito at iinumin na bale ang margarita ngunit may kamay na umagaw doon.
"No drinks for you tonight wife. Your first punishment." Nangunot naman ang noo ko dito nang inumin niya ito at inubos.
Ngumisi ito at nilapit ang kanyang mukha sa akin. "I'm watching you so don't you dare do anything stupid." Umalis ito at iniwan akong nagpipigil ng galit.
"Bakit kasi lagi na lang yung demonyong yun yung masusunod. Ano bang ginawa kong mali bakit ginaganito niya yung buhay ko?" Inis kong singhal.
"Kung ako sayo sinusunod mo na lang yang si Caeruz sa ngayon. Baka hindi matuloy ang binabalak nating bakasyon ngayong linggo."
"Asa namang matuloy pa yun. Demonyo yang si Caeruz at lahat ng ikasasaya ko hindi niya binibigay sa akin." Umirap ako at nangalumbaba sa counter.
"Ang nega mo Astraea! Magbait ka na lang ngayon at sundin mo ang mga gusto niyang si Caeruz para makapagpaalam ka na magbabakasyon ka dito ng isang linggo." Kinunutan ko si Ashia at hindi makapaniwalang tiningnan ito.
"I won't do that. Magmamakaawa na naman ako dyan sa demonyong yan. Ayoko non noh."
"Ano ka ba naman Astraea. Magpapaalam ka lang naman dyan sa asawa mo. Anong gusto mo? Ipagpaalam kita?" Sarkastikong sabi niyo.
"Huwag na. Tanggapin na lang natin na hindi matutuloy yung pinaplano nating isang linggong bakasyon."
Bumuntong hininga kami parehas.
"If you say so. Aayain ko na lang kayo ni Keia next week sa condo ko para doon tayo magpakalango sa alak." Wika nito and finally admit her defeat.
"Sure. Anytime pwede naman akong umabsent e." Wika ko.
"Asawa mo kasi CEO." Napailing iling na lang ako sa pang-aasar niyang yun.
"Asawa ko lang sa papel." Mahinang bulong ko.
"Huwag mo na lang iparinig yan sa asawa mo at baka hindi ka pa makapagenjoy ngayon."
"Hindi na naman ako nageenjoy lalo pa at alam kong nasa paligid lang siya." Hindi na ito nagsalita pa at sunod sunod na ang inorder na hard liquor samantalang ako ay nakatitig lang sa kanya at inggit na inggit sa mga iniinom niya.
"Hey guys bakit parang pinagbagsakan ata kayo ng langit at lupa."
Agad kaming humarap kay Keia. Nangunot naman ako ng makita ko ang itsura niya.
"Para kang hinabol ng aso ah. Saan ka ba galing?" Natawa naman si Ashia sa sinabi ko.
"Baka kamo nawala na yung bataan." Banat ni Ash na hindi ikinatuwa ni Keia.
Naupo ito sa bakanteng stool sa kaliwa ko at tinitigan kaming dalawa.
"Hindi ka umangal sa sinabi ni Ashia, totoo ba?" Pang-uusisa ko dito.
"Matagal ng nawala ang bataan ko Astraea Blaire. Ikaw na lang naman ata ang birhen dito e. Am I right Ash?" Napairap lang si Ashia at humingi ulit ng hard liquor sa bartender.
"So what happened nga? Your lipstick is smudged and look at your clothes, ang gusot." Pansin ko sa kanyang itsura na parang hinabol talaga ng aso.
"Ang inosente mo masyado Astraea. Syempre nakipagmake out yan na parang teenager kung kanino man dyan sa mga kabatch natin." Pang-aasar pa rin ni Ashia.
"Shut up. Unti na lang tatapalan ko na yang bibig mo ng tape tingnan mo." Inis na wika nito at dinuro pa si Ash.
Natawa lang si Ashia at humarap ng upo sa direksyon namin ni Keia.
"So sino nga yang kaharutan mo? Hindi ka pa magkwento e at ang dami dami mo pang dinadada dyan."
"Ang chismosa mo pa rin talaga Ashia." Ayun lang ang naging sagot ni Keia. Sumenyas si Keia sa bartender. "Whiskey."
"Gusto ko ding uminom." Litanya ko. Kita ko pa ang pagsalin nung bartender ng alak sa baso ni Keia.
Humarap naman sa akin si Keia. "Oh? Bat di ka uminom?"
"Nandyan lang sa paligid ang demonyo. Baka makaladkad ako sa Manila ng wala sa oras."
"So he's here? Akala ko ba hindi daw pupunta yun?"
"I don't know. Nagulat na nga lang ako nasa likod ko na kanina e."
"Binakuran kamo yang si Astraea." Sabat ni Ash na ilang baso na din ang naiinom. Iba't ibang alak pa. Napailing iling na lang ako.
"Balita ko nga nakay Astraea raw ang mata nung Aiden e." Napalingon naman ako dito at kinunutan siya nomg noo.
"You know him?"
"Who wouldn't know him? Ang dami na noong iba't ibang restaurants dito sa buong Pilipinas." Sagot nito at ininom ang whiskey niya.
"Tagapagmana kasi yun nung tatay niya kaya maswerte at ipagpapatuloy na lang ihandle yung mga resto nila." Sali ni Ash at inisang lagok ata yung kabibigay lang sa kanyang panibagong baso ng alak.
"Ang chismosa talaga. Hindi na talaga ako magtataka kung alam mo din kung sino ang manliligaw ko ngayon."
Natawa lang si Ash. "Ako pa. Di ko nga alam kung bakit business ang kinuha ko dapat talaga nagDetective na lang ako. Ang galing galing kon-"
"Ano namang connect ng pagiging chismosa mo sa pagiging Detective? Hindi naman chismosa ang Detective ah." Sabat ni Keia dahilan upang makatanggap ito ng irap galing kay Ash.
"Alam niyo kayong dalawa? Wala talaga kayong pinagbago noh? Ang paplastic niyo pa rin. Tuwang tuwa pa kayo kanina nung magkita kayo tapos ilang oras pa lang nakakaraan nagbabangayan at nagpipikunan na naman kayo."
"Naiinis kasi ako dyan sa mukha niyang si Ash e. Napakapangit kasi." Dahilan ni Keia at nginiwian pa si Ash.
"Ano pa yang sayo? Make up lang naman nagpapaganda sayo e."
"Atleast gumaganda e ikaw? Kahit lagyan ng make up yang mukha mo, monggoloid ka pa din."
"Tigilan niyo na nga yan. Swimming na lang tayo tutal ayun lang naman ata ang pwede kong gawin e ngayon dito."
"Mamaya na ako. Nag-eenjoy pa kami nitong alak e." Pagtanggi ni Ash at pinakita pa ang hawak niyang baso sa akin. Sinimangutan ko lang ito at tumingin naman kay Keia, nagbabakasakaling samahan ako nito pero mukhang wala rin itong balak.
"Oh? Ngayon ko lang napansin yang suot mo? Akala ko ba di ka magpapalit bakit nakashirt ka na?" Wika nito makailang segundo, halatang ayaw talaga nitong sumama sa akin.
"May demonyo nga kasi sa tabi tabi di ba?"
"Sinabi ko naman kasi sayo na huwag yan ang suotin mo e." Umirap lang ako at tumayo na.
"San ka na naman pupunta?" Nagkibit-balikat lang ako at naglakad na paalis. Hindi naman ako mageenjoy dito. Tumungo ako sa dalamlasigan na kasalukuyang walang katao tao dahil nasa party nga ang lahat.
Mahaba ang dalampasigan ng resort. Madilim sa kanang parte at maliwanag naman sa kaliwang parte. Tumungo ako sa kanang parte upang makapagsolo, walang makakita sa akin at para na rin walang makaistorbo.
Hinubad ko ang aking shirt at ang suot kong maong na short tsaka ko tinungo ang dagat. Sobrang lamig ng simoy ng hangin kaya halos mangatog ang kalamnan ko.
Nagdalawang isip pa ako kung tutuloy ba akong lumangoy o hindi ngunit pagtapak pa lang ng paa ko sa tubig ng dagat ay nasiyahan agad ako. Hindi kasi ganoong kalamig ang tubig lalo pa at kalulubog pa lang ng araw kanina.
"What are you wearing?" Agad akong napalingon sa pinaggalingan ng boses at kita ko si Caeruz na nakatitig sa akin at pababang tumingin sa katawan ko.
"Swimsuit? Ngayon ka lang ba nakakita nito?" Sarkastiko kong tanong dito na may kasamang pag-irap.
"I've told you to change kanina right? Bakit parang mas lumala ata yang suot mo?" Hindi niya pinansin ang pagiging sarkastiko ko.
"Sinabi ko rin kanina, my body my rules di ba? Atsaka wala namang makakakita sa akin dito dahil madilim." Dahilan ko at naglakad papalayo sa may malalim na parte ng dagat at tumigil ng hanggang dibdib ko na ang tubig.
Nilingon ko ang kinatatayuan ni Caeruz kanina at nakaupo na ito ngayon sa buhanginan. Nakaharap siya sa direksyon ko kaya paniguradong tinitingnan ako nito.
Sumisid ako sa ilalim ng tubig at pinatagal iyon. Kung pwede lang tapusin ang buhay ko dito para tapos na yung mga paghihirap ko nagawa ko na.
Nang hindi ko na kayang indahin pa ang hindi paghinga ay iniangat ko na ulit ang aking ulo at inayos ang buhok kong tinatakpan ang mukha ko. Bumuntong hininga ako dahil sa mga naiisip ko.
Tinry ko ang iba't ibang style ng paglalangoy hanggang sa magsawa na ako at umahon na tsaka binalikan ang damit kong katabi na ngayon ni Caeruz.
Ramdam ko ang titig nito sa akin at hanggang sa pagsusuot ko ng damit ay ramdam ko pa rin ang mga titig niyang iyon.
May ilang ilaw pa din kasing malapit sa pwesto namin at paniguradong malinaw pa din naman niya akong nakikita kahit papaano.
Nilingon ko ito at nakatitig pa din ito sa akin. "Don't stare too much, I can see your mouth drooling over here."
Kumunot ang noo nito at pinunasan ang kanyang bibig at nang matanto niyang niloloko ko siya ay sinamaan niya ako ng tingin.
Ngumisi lang ako at naglakad na papalayo dito. "Astraea." Tawag nito sa akin ngunit hindi ko siya nilingon at nagpatuloy sa paglalakad palayo dito.
"Astraea!" Tawag ulit nito sa akin. Nagulat ako ng may humila sa braso ko kaya hinarap ko agad ito at sinamaan ng tingin.
"What the hell?"
"Tinatawag kita pero hindi ka lumilingon, bingi ka ba talaga?" Inis nitong sabi.
Dahil doon ay pinakita kong mas naiinis ako. "Bingi talaga ako kung ikaw ang tatawag." Sagot ko dito at tinalikuran na siya.
"Ano ba Astraea!" Hinila naman niya ang braso ko at this time ay hinarap niya ako sa kanya.
"Ano din ba Caeruz! Kung may sasabihin ka wag ka ng magpaliguy-ligoy pa, just straight to the point." Ganti ko dito at hinawi ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.
"I'm sorry about the incident last time." Tinitigan ko ito at kinunutan ng noo. Kita ko ang sincerity sa kanya ngunit hindi ko maatim na patawadin siya dahil ang dami dami niyang kasalanan sa akin at hanggang ngayon patuloy niya pa ring dinadagdagan.
"Yun lang? Atsaka alin ba doon? Ang dami mo atang nagawa na hindi ko ikinatuwa."
"And about your punishment, di ka muna papasok sa trabaho ngayong week." Hindi niya pinansin ang sinabi ko kaya sinamaan ko agad siya ng tingin lalo pa at parusa pa ang binanggit nito.
"Really? Ikukulong mo na naman ako sa mansyon?" Nilayuan ko ito at umatras.
"Simple lang ang mga instructions ko Astraea. Bakit hindi mo ba masunod sunod? Hindi naman kita hinihigpitang gumala gala di ba? Simpleng magsama ka lang ng driver mo with you hindi mo pa magawa?"
Tinitigan ko siya bago ako sumagot.
"Hindi naman sa lahat ng oras kailangan ko ng driver. Ilang beses ko na din naman dating hindi sinama sa akin yung driver 'di ba? Bakit hindi mo ko ikinulong noon sa bahay? Dahil na naman ba ito kay Yaeruz? Ang higpit higpit mo dahil ayaw mo kaming magkita? E ano naman sayo? Ano ba kita? Asawa lang naman kita dahil sa lintik na arranged marriage na yan di ba? Si Yaeruz naman talaga dapat ang pakakasalan ko hindi ikaw! Kaya lang naman tayo nandidito sa lintik na relasyon na to ay dahil dyan sa mga company ng mga magulang natin." Hindi siya nagsalita at nakatitig lang sa akin. Mukhang ninanamnam pa ang mga salitang binitawan ko.
Unti unti na namang tumutulo ang mga butil ng luha sa mga mata ko. I really had enough of this. Paulit ulit na lang.
"I love you Astraea." Mahinang wika nito na ikinaatras ko lalo.
"Lintik na I love you yan Caeruz! Fuck you! Ganyan lang ba talaga kadali sayong magbitiw ng mga salitang yan? Gago ka ba? Kung mahal mo ko bakit mo ko kinukulong sa ganitong sitwasyon, kung mahal mo ko bakit mo ko sinasaktan ng paulit ulit imbis na tulungan mo akong mahalin ka o gumawa ka man lang ng paraan para magwork tayo! E putangina ka nga naman! Ano bang ginagawa mo? Nagdadala ka ng babae sa bahay araw araw at anong ginagawa niyo? Nagsisiping kayo ng mga hudas na babaeng yan."
Tuluyan na akong humagulhul, mabuti na lang at walang tao sa paligid namin dahil paniguradong nakakahiya kung makikita nila kaming nag-aaway. Baka lumabas pa ito sa balita kinabukasan lalo pa at kilala ang mga Alcantara at ang mga Crius dito sa Pilipinas.
"I'm sorry." Mahinang wika nito at malungkot na nakatingin sa akin. Ramdam kong parang may gusto siyang sabihin pero parang may pumipigil sa kanya.
"Lintik naman Caeruz! Puro ka na lang ba I'm sorry? Anong magagawa ng I'm sorry mo? Sa tingin mo ba makakalimutan ko lahat ng kahayupan mo dahil sa paghingi mo lang ng tawad?" Giit ko dito.
"Astraea. Hindi ko naman sinasadya lahat ng to e."
"Halata ngang hindi mo sinasadya lahat." Sarkastiko kong sabi at hindi makapaniwalang tiningnan siya.
"Astraea naman."
"Pwede ba Caeruz? I have my own fucking life! Why are you always controlling it? Bakit laging ikaw na lang ang masusunod! Ang dami dami kong dahilan para umalis sa hayop na relasyong ito pero hindi ko magawa." Lumapit ako dito at pinagsusuntok siya sa kanyang dibdib.
"I'm sorry Astraea." Sinalo niya ang mga suntok ko at nagpaubayang sapak sapakin at pagsasampalin ko siya. Tumigil lang ako ng mapagod ako at nang mapansin kong parang wala lang sa kanya ang ginagawa kong panununtok at pagsampal.
"Kung tutuusin kulang pa yan sa sakit na dinulot mo sa buhay ko e. Gustong gusto na kitang patayin ngayon sa sobrang panggigigil ko sayo." Pinunasan ko ang mga luhang patuloy sa pagpatak sa mukha ko. Naghahalo na din ang maalat na tubig ng dagat at ang mga luha ko sa mukha ko.
Lumayo ako at tinalikuran siya. Lakad takbo kong tinungo ang kwarto namin ni Keia. Agad akong dumiretso sa banyo at agad naligo, binuhos ko din ang mga luhang naipon nitong mga nakaraang araw habang tumatama sa balat ko ang malamig na tubig na galing sa shower.
Nang mangalay ako sa pagkakatayo ay agad ko ding dinalian ang paliligo dahil baka magkasakit na ako. Kanina pa kasi akong basa at nagbabad pa sa tubig.
Pagkalabas na pagkalabas ko ng banyo ay nag-ayos na ako ng mga gamit. Napagpasiyahan ko na din kasing umuwi bukas ng Manila.
Aayain ko ng umuwi si Keia bukas tutal hindi niya din naman planong magstay dito ng isang linggo. Matutuwa pa siya kapag sinabi kong bukas na bukas na din kami uuwi.
Nahiga ako sa kama ng matapos kong ayusin ang gamit ko pati na rin ang gamit ni Keia. Nakakalat kasi ang mga damit na pinagpilian nito kanina at nakabuyangyang pa ang maleta sa kanyang kama.
Ipikit ko ang mga mata ko. Nagbabakasakaling makalimutan ang nangyari ngayong araw at mas lalong nagbabakasakaling malimutan ko na lang lahat.
***
Nagising ako ng maramdaman ko ang init ng araw na tumatama sa akin mukha. Dahan dahan akong bumangon habang kinukusot kusot pa ang aking mata. Sinilip ko ang kama ni Keia kung nandodoon siya.
Napailing iling na lang ako ng makita ko din sa tabi niya si Ash. Magkayakap ang dalawa na animoy hindi nag-aaway kapag dilat ang mga mata.
Bumangon ako at lumapit sa dalawa. Tinapik tapik ko sila at nang ayaw pa ring gumising ay niyugyog ko na.
"Ano ba! Antok pa ako." Tamad na tamad ni Ash tinanggal ang pagkakayakap kay Keia at kinapa ang kumot at nagtalukbong doon.
"Gutom na ako atsaka anong oras na oh! Baka mamaya wala ng breakfast sa baba. Gumising na kayo at wala akong kasabay kumain." Patuloy ko silang niyugyog, rinig ko naman ang pag-ungot ni Keia at ramdam ko ang inis sa ungot niyang iyon.
"Ayain mo yung asawa mo." Inis pang sabi ni Ash at mas lalong itinalukbong sa kanya ang kumot.
Hindi na lang ako nagsalita at tumigil na lang. Dumiretso ako sa banyo para maghilamos, kinuha ko din sa maleta ko ang toothbrush at nagsipilyo.
Inayos ko ang sarili ko at nagpalit din ng damit. Nang matapos ako ay hindi ko na inaya pa ang dalawa at lumabas na agad ng kwarto para bumaba sa dining area.
Buti na lang at may breakfast pa, anong oras na kasi. 10:30 na din. Buffet style din dito kaya pumili na agad ako ng kakainin ko at nilagay iyon sa plato ko.
Pumili agad ako ng mauupuan ng matapos ako. Napili ko sa tabi ng glass wall para kita ko ang labas at ang dagat.
Nagsimula na akong kumain pagkaupong-pagkaupo ko. Tinitingnan ko din ang dagat sa tuwing nanguya ako, isa sa mga nakakapagpakalma talaga sa akin ay ang dagat.
Sobrang peaceful kasi nitong tingnan at nakakagaan talaga ng pakiramdam.
"Astraea, is this seat taken?" Bumaling ako ng tingin sa nagsalita. Nang matanto ko kung sino ito ay umiling iling ako.
"Ngayon ka lang din kakain? By the way where's Caeruz?" Luminga linga sa paligid si Aiden ngunit ng bigo siyang makita ang asawa ko ay binalik niya ang tingin sa akin.
"Yup. Late na din kasi ako nagising e." Sagot ko sa una niyang tanong.
"Nawala na kayong mag-asawa sa party kagabi ah. Ang daming naghahanap sa inyong dalawa pero hindi namin kayo nakita." Sabi nito at nagsimula na ding kumain.
Ngumiti lang ako ng pilit at tiningnan ang pagkain ko. Hindi pa ako nakakakalahati ay pakiramdam ko busog na ako. Ayoko talagang dinadaldal ako kapag kumakain ako, hindi ko alam pero nakakawala talaga ng gana.
"You know what? Bakit hindi kayo dumalaw minsan sa resto ko sa Manila. Treat ko na din sa inyo, hindi man lang kasi ako nakadalo nung kinasal kayo e."
"I'll tell Caeruz about it." Ngumiti ako at sumubo ng pagkain.
"Oh ito na pala ang asawa mo e." Tiningnan ko si Aiden at sinundan ko ng tingin ang tinitingnan nito. Kita ko namang papalapit sa pwesto namin si Caeruz. Patago akong napairap at pinagpatuloy ang pagkain.
"Hey wife good morning." Bungad nito at nagulat ako ng humalik pa sa pisngi ko. Kinunutan ko naman ito ng noo.
"Good morning Caeruz." Bati ni Aiden dito. Ngumiti ito at serysong tiningnan si Aiden.
"Good Morning din bro." Pinatong ni Caeruz ang pinggan na dala dala niya sa tabi ko. Hinila niya din ang upuan sa tabi ko at naupo roon.
"Wife namiss kita. Bakit kasi kailangan mo pang matulog kasama ng mga kaibigan mo e." Pinanliitan ko ng mata si Caeruz.
Ngunit sinenyasan lang ako nito umarte at makisabay sa kanya. I had no choice kaya sinabayan ko siya tutal I really don't like Aiden being so feeling close to me. Pakiramdam ko kasi nagtatangka talaga itong dumamoves sa akin e.
"Namiss ko din naman kasi sila Keia Hon atsaka ngayong gabi lang naman. Araw araw naman kitang katabi ah." Ipinatong na naman ni Caeruz ang kanyang braso sa upuan ko.
"Ano ka ba naman Hon, alisin mo nga yang braso mo sa likod ko at kumain ka na." Inalis ko ang pagkakalagay ng braso nito sa likod ko ngunit ibinalik niya din agad iyon.
"Subuan mo ko Wife." Nagpacute ito sa akin at halos ingudngod ko na siya sa pinggan niya dahil hindi na ako natutuwa sa inaakto naming dalawa.
"Agang aga naglalandian agad ang lovebirds ah." Dumating ang dalawang kaibigan ni Caeruz, may mga dala din itong sarili nilang mga pinggan at naupo sa natitirang bakanteng pwesto.
"Inggit lang kayo! Hindi niyo kasi bitbit ang mga girlfriend niyo e." Nagtawanan lang sila.
"Sige una na ako ha tapos na din akong kumain e." Napatingin kaming lahat kay Aiden ng magsalita ito. Tapos na nga siyang kumain. Ang bilis naman ata nito samantalang hindi ko pa nakakalahati ang pagkain ko.
"Sige see you later." Paalam ko dito.
Nang makaalis ito ay tuluyan ng nagsiupo ang dalawa niyang kaibigan.
"So may balak ka pang kitain ang mokong na yun?" Inis na wika ni Caeruz at humarap sa akin. Akala ko ay magpapanggap din kami sa dalawa niyang kaibigan. Buti na lang at hindi, kasi hindi ko na talaga kayang sikmurain ang arte niya.
"Fuck off Caeruz." Hindi nagulat ang dalawang kaibigan ni Caeruz sa ginawa ko. Mukhang inaasahan na din nila ang attitude kong iyon.
Sumeryoso ako at nagfocus sa pagkain ko. Walang nagsasalita sa mga kaibigan niya at mukhang mga nakikiramdam ang mga ito.
Nang makakalahati ako ay tumayo na ako. Tinatawag pa ako nito pero hindi ko siya pinapansin at umalis na doon at tumungo sa kwarto namin ni Keia.
***