Carlhei Andrew POV
"See you in three weeks, Architect. Enjoy ka doon." Saad ko
"Pwede naman tayong mag video call eh." Saad niya at tumingin pa sa relo niya, "I need to go."
Kumaway ito sa akin at ngumiti bago pumasok sa loob. Siya lang ang mag isang mag pupunta sa U.S dahil nauna na raw ang mga magulang niya. Napadesisyunan kong ihatid siya para makapag paalam rin ako ng personal.
Nang makabalik sa bahay ay gabi na rin. Wala parin akong natatanggap na chat kay Ellaine. Iniisip ko nalang na baka busy siya sa flight. Parang gusto ko tuloy mag pabook rin ng flight papunta doon. Ang kaso nga lang ay magugulo ko ang leisure time niya with her family.
"Dinner is ready!" Sigaw ni Mama sa tapat ng kwarto ko
Kaagad akong tumayo sa kinauupuan ko at sinabayan si Mama na bumaba. Napansin kong wala parin si Neomi sa table. Hindi kasi kami kumakain ng wala ang kapatid ko.
"San si Neomi?" Tanong ko
"Puntahan mo nga doon sa gate. Kanina niya pa kasi hinatid iyong senior niya eh hindi parin bumabalik." Saad ni Mama
Napatayo ako sa upuan ko at nag lakad patungo sa gate. Natanaw ko si Neomi na nandoon sa gate at mukhang may kinakausap.
"Visit ka nalang sa place ko kapag gusto mo. Okay lang naman sa akin." Saad ng boses ng babae mula sa labas
"Okay po, Ate! Bye bye! Ingats!" Masiglang sabi ni Neomi
Her tone disgust me. Para kasi iyong masayahing bata na inabutan pa ng candy.
Nang masara nito ang gate ay gulat na gulat ito ng makita ako.
"Ano na naman?" Inis na tanong nito
"Kakain na kasi ang dami mo pang daldal doon." Saad ko at nauna nang bumalik sa dinning area
Nang makarating sa mesa ay agad na rin naman akong umupo. Sinundan rin iyon ng pag upo ng kapatid ko.
"Mama I think I need to help my senior." Saad ni Neomi
Hindi ko na piniling pakinggan ang usapan nila dahil nag focus nalang ako sa pag kain at pag iisip sa kalagayan ni Ellaine.
…
Kinabukasan ay naging maganda ang umaga ko. Nagising kasi ako dahil may nag rerequest ng video call. Si Ellaine. Kaagad ko iyong sinagot kahit hindi pa ako nag hihilamos.
"Good morning!" Bati nito sa akin
Napangiti ako ng makitang ayos ang kalagayan niya. Nakatulugan ko na kasi kagabi ang pag aantay ng chat niya sa akin.
"What time is it there?" Tanong ko
Ipinakita niya ang mga city lights na tanaw mula sa kwarto niya. Gabi na doon at sa tingin ko mahihirapan kaming dalawa.
"Sorry ngayon lang ako nakapag video call. Pag dating ko kasi inayos ko muna 'yung mga gamit ko." Saad ni Ellaine
Nakita ko itong humiga sa kama niya. Mukhang pagod na pagod na talaga dahil sa haba ng byahe niya.
"You should sleep first. You look so tired." Saad ko
Tumango tango ito sa akin. Nang mapatay niya ang ilaw at lampshade ay hindi parin nito pinapatay ang tawag.
"Carlhei…" bulong nito
Unang beses niyang tinawag ang pangalan ko dahil palagi nitong tawag sa akin ay "Engineer." Naalarma tuloy ako dahil doon.
"Bakit Ellaine?" Tanong ko
"I just want you to know that you are the most amazing person that I've ever met. Can you grant me a wish?" Saad ni Ellaine
Hindi ko maiwasang hindi kiligin doon. Sa tingin ko ay nakakabakla ito pero iyon talaga ang nararamdaman ko.
"Thank you for that compliment, Architect. You're amazing too." Saad ko, "What wish? I will definitely grant that."
"I'll save it when I come back. For now, goodnight." Saad ni Ellaine
Pakatapos noon palang ay namatay na ang tawag.
…
Hindi ko inakalang iyon na ang una't huli naming tawag. Madalas ay nag chachat nalang kami. Puro late replies pa. Medyo naiintindihan ko iyon dahil iniisip kong baka busy siya sa birthday ng Lola niya.
Pero nang dumating ang susunod na sem ay doon na ako nag umpisahang kabahan. Simula noong nag pasukan ay hindi ko ito nakita.
"I saw Ellaine ealier. Nag punta siya sa clinic." Saad ni Steven
Walang ano ano ay kaagad akong nag punta sa Architecture Building. Kaagad akong umakyat papunta sa room nila at maigi nalang dahil naabutan ko itong nag aayos palang ng bag.
Nag tago muna ako sa pader upang gulatin ito. Hindi ako nabigo dahil ng gulatin ko ito ay nagulat nga ito. Sa puntong limang segundo na itong nakatitig sa akin.
"Alam kong gwapo ako, Architect." Biro ko
Doon palang ito natauhan at bahagyang ngumiti. Nag umpisa na itong mag lakad kaya naman pinantayan ko ang lakad nito.
Inaasahan kong mag kwekwento ito ng mga nangyari sa U.S o kaya ay sa nangyari sa buong araw niya ngunit hindi ito nag salita hanggang sa makarating kami sa bus stop. Nilingon ko ito at nakitang nakafocus lang ito sa kaniyang cellphone.
"Do we have a problem, Ellaine? Or do you?" Tanong ko
Napahinto ito sa pag scroll niya ngunit hindi ako tinignan. Nang dumating ang bus namin ay nauna siyang sumakay kaya sumunod nalang ako.
Kakaiba ang kinikilos niya pero ang nasa isip ko lang ay pagod ito sa mga gawain.
Ngunit ng makababa kami sa bus ay nag mamadali itong mag lakad. Nilampasan niya iyong mga streetfoods kaya naman nag madali ako ng pag lalakad at hinawakan ang kamay niya.
"Anong problema, Ellaine? Maybe I can help you. Is it for Acads? Your family?" Sunod sunod na tanong ko
Iniiwas nito ang tingin sa akin at ibang kaba ang idinulot sa akin noon.
"You." Maikling tugon niya
Tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya at muling nag lakad paalis. Tatawadin sana ito ngunit kaagad ko itong hinila dahil mayroong papadaan na motor.
"Ellaine tell me what I need to do. Let's fix this." Saad ko
Humarap ito sa akin at ngumisi. Nakikita ko ang namumuong luha niya ngunit hindi ko iyon nagawang punasan dahil hinawi niya ang kamay ko at pinakatitigan ako ng masama.
"May ex-girlfriend ka pala?" Tanong niya
Niminsan ay hindi ko ito nabanggit sa kaniya. Hindi dahil tinatago ko pero dahil sa mga oras na kasama ko siya ay hindi ko naalala si Missai. Ganoon kalalim ang pagkagusto ko sa kaniya.
"I'm so sorry. I forgot to mention it. Hindi ko na binigyang pansin dahil sayo lang nakatuon ang buong atensyon ko. Ni-hindi ako umisip ng kung sinong babae nitong mga nakaraang buwan dahil sayo. Ganoon kita kagusto." Paliwanag ko
Tuluyan nang tumulo ang luha niya na kalaunan ay siya rin ang nag punas. Hindi makakalma ang puso ko dahil kakaiba ang kaba na nararamdanan ko. Sinasabi nitong may mas malalim pa itong dahilan para kagalitan at iwasan ako.
"Do you remember my wish?" Tanong niya
Kinakabahan man ay sumagot parin ako.
"Oo. Tell me and I will definitely grant it." Saad ko
Tuloy tuloy ang naging pag luha nito at hinayaan niya lang iyong umagos pa.
"Itigil na natin 'to." Saad niya
Halos matuyuan ako ng lalamunan dahil sa sinabi niya. Parang lahat ng sistema ko ay huminto sa pag gana dahil sa sinabi nito. Hindi ko inaakala iyon.
"Pero bakit? Ayos naman tayo ah? Bakit ngayon mo pa ako patitigilin kung kailan malayo na ang narating natin? Bakit ngayon pang gustong gusto na kita? I need a reason, Ellaine. I will not grant that wish." Saad ko
Inilabas nito ang kaniyang cellphone at may hinanap doon. Nang makita niya iyon ay tinapat niya agad sa mukha ko ang litrato ni Missai at ang bago niyang boyfriend.
"I'm Kervon's cousin." Saad niya
Kunot noo ko tuloy itong natignan sapagkat hindi ko naintindihan kung nasaan doon ang matibay na rason para bitawan ko siya.
"I don't care if you're his cousin, Ellaine. Wala akong pake sa kaniya." Saad ko
Itinago nito ang kaniyang cellphone at inilabas ang isang sobre. May laman iyon ng napakaraming US dollar.
"It is just a bet, Carlhei. I won. May pera na ako para makapagtayo ng pangarap kong Art Gallery." Saad nito, "I guess that's an enough reason for you to stop this. Pasalamat ka dahil hindi ko ito pinaabot sa parteng tayo na."
Matapos niyang sabihin iyon ay tunalikod na ito tyaka nag umpisang lumayo.
Muli, sa pangalawang pag kakataon ay nabigo akong hanapin ang pag-ibig.