webnovel

Chapter 8, part 2 : Vengeance of yhe wronged

Pumulas sa iba't-ibang direksyon ang limang mangkukulam. Malayo ang pagitan nila sa isa't-isa.

Nagulat si Clyde. Ngayon pa lang naka-encounter ang hunter ng ganitong kaso. Sa lahat ng na-aggro ni Alejandro, sila pa lang ang kumilos ng normal. Kasalungat ito sa lahat ng mga naka-engkwentro na n'ya. Sa mga nagdaang labanan, kapag nagamitan na ng duwende ng Divine pull ang mga kalaban panay sugod na lang ang ginagawa nila. Hindi na nila inaalintana ang mga natatamong atake. Si Alejandro na lang ang nakikita nila.

Pero ngayon kakaiba ang nangyari. Kung kailan pa sa palagay n'ya ay limitado lang ang oras n'ya para gapiin ang mga kalaban. Kung kailan unti-unting lumalapit ang nababagang-apoy sa paligid.

Siguro dahil nakakapagsalita sila? Intellectual type?

Sigurado naman si Clyde na hindi nakawala ang mga ito sa epekto ng Divine pull. Hanggang ngayon mapula pa rin ang mga mata nila. Ang atensyon at direksyon ng kanilang mga katawan ay nakapunto pa rin sa duwendeng tank.

Kumunot ang noo ni Clyde. Sabay-sabay nag-umpisang mag-chant ang limang mangkukulam. Ang isa nga sa kanila ay may nilabas pang manika. Isang creepy na manika. Mas sikat ito sa katawagang voodoo doll.

May isang naglabas ng broomstick. Sinakyan ng mangkukulam ang walis at dagliang lumipad. Ang isa naman ay lumuhod at hinawakan bigla ang buhangin. Bigla na lang may umusbong na mayabong na mga halaman sa tapat ng isang 'yon.

Ang isa naman at may apoy na lumabas sa tapatan n'ya. Higit sa lahat, ang pinuno ay unti-unting napaligiran ng mga insekto sa paligid.

Naalarma si Clyde sa maikling pangyayaring 'yon. Inutusan n'ya ang mga nakalabas na summon na salakayin ang limang mangkukulam.

Naging hudyat ng matinding labanan ang pagtira ng mangkukulam na nakasakay sa walis ng isang nakakasilaw na atake. Tinamaan noon ang invisible na pananggalang ng duwende, ang Iron heart. Sa pagkonekta niyon, matinding nagkabitak-bitak ang shield.

Ano? Gaano kalakas ang simpleng atakeng 'yon para mabitak ang shield ni Alejandro?

Nagitla si Clyde sa lakas ng isang tirang 'yon. Pasalamat na lang siya sapagkat hindi na muling nakatira pa ito. Masyado itong naging abala sa pakikipagtuos sa dalawang killer cockroach na gumagambala sa kanya.

Tatlong segundo pa lang ang nakakaraan simula ng itira n'ya ang Bouncing soul creepers. Ginamit n'ya ang Conceal to buy time para sa cooldown ng Bouncing soul creepers.

Sa paglalaho ni Clyde ay s'ya namang sabay na pag-atake ng dalawa sa limang witch. Sumalakay ang humahabang mga tangkay kay Alejandro. Tuloy-tuloy ang paghaba nito patungo sa duwende. Samantalang ang isang mangkukulam naman ay tumira ng kanyang mga apoy sa parehong target.

Sabay na tumama ang tira ng dalawa sa invisible shield. Wala man lang kagatol-gatol na nawasak ang shield. Akala ni Clyde na maglalaho na ang mga atake matapos masira ang shield. Doon s'ya nagkamali. Walang tigil ang mga 'yong tumama sa tank.

Nagkaroon ng nakakasilaw na liwanag sa tapat ng duwende na ikinagitla ng hunter.

No way! He vanished.

Ibig sabihin noon ay ganoon lang kadaling nagapi ng dalawa si Alejandro on its full power.

Hindi makapaniwalang turan ni Clyde.

Nang maglaho ang tank, agarang nagpalit ng target ang lima. Saktong sa paglingon ng lima, s'ya namang pagtama ng atake ng lahat ng natitirang summon ni Clyde. Na-focus ang atake ng mga ito sa plant at flame witch. Tumilampon ang dalawa sa malayo.

Ang atakeng 'yon ang huling kumonektang atake ng panig nila Clyde. Nagkaroon ng one-sided massacre na kagagawang lahat ng pinuno nila, ang mambabarang. Libo-libong insekto ang sumalakay sa mga summon.

Naalarma si Clyde. Sa isang iglap lang, kalahati na ang nabawas sa panig n'ya.

Hindi pwedeng maubos ang mga summon ko. Summoning consumes a lot of mana. Lalo pa kung paulit-ulit silang nagagapi. Kailangan kong i-restrain ang atake ng mambabarang. Malakas ang mga mangkukulam, pero ibang level ang opensa ng mambabarang.

Sinummon n'yang muli si Alejandro. Pansamantala n'yang napahinto ang pangma-massacre ng kalaban. Nagkumpulang muli ang lima paatake sa tank.

"2 seconds." Naiinip na bulong ng hunter.

"Bouncing soul creepers!" Tira ni Clyde kasabay ng muli n'yang paglitaw. Habang umaatake, isa-isa n'yang sina-summon ang nagapi n'yang mga summons.

Muli, matagumpay na kumonekta ang kanyang tira. Bahagya s'yang napasinghap. Kahit na kumonekta sa ikalawang pagkakataon, wala pa rin s'yang nagagapi kahit isa. Ito ang unang pagkakataon.

"There are awfully a lot of first time today, eh?" Pilit na tawang saad ni Clyde.

"Earth cage!" Tira ni Clyde na tinatarget ang mambabarang. Matagumpay n'ya iyong nahuli. "Earth needle!" Muling tumama iyon sa target sa loob ng earth cage.

Kasabay ng pagtama ng tira ni Clyde, ang s'ya namang pagkonekta ng atake ng tatlong kalaban sa Iron heart ni Alejandro. Gumamit muli ng Conceal ang hunter.

Sa concealed state, inobserbahan n'ya ang maliit na espasyo ng battlefield. Habang papalit-palit ng pwesto, tiningnan n'ya ang dalawa pang witches. Ang mangkukulam na lumilipad gamit ang mahabang walis ay okupado pa rin ng dalawang ipis.

Samantalang ang mas pinangangambahan n'ya ay ang may hawak ng voodoo doll. Ito ang pinakamaliit na mangkukulam. Naningkit ang mata n'ya sa napagtanto. May nakalilitong kaganapang nasasaksihan si Clyde.

May mangilan-ngilang mga summon ang lumalaban sa kapwa nila summons. Ang mas nakakataka pa ay nakapalibot itong lahat sa maliit na mangkukulam. Para bang pinoprotektahan nila iyon.

Kumunot ang noo ni Clyde.

Ang maliit na mangkukulam naman ay parang walang pakialam sa mundo. Binubutinting nito ang manikang hawak. May kung ano itong dinampot sa lupa at nilagay sa manika. Sa sumunod na kaganapan namilog kasinglaki ng platito ang mga mata ng hunter.

Nag-transform ang voodoo doll bilang isang Laughing stallion. Sumugod iyon sa mga summon ni Clyde.

Dyoskopo!

Kung hindi lang maliit ang makikilusan ko rito kanina ko pa ginamit ang Lightning barrage. Malamang kanina pa natapos ang labanan.

Kailangan ko na talagang tapusin 'to. If not, things might go south.

Madadagdagan ng madadagdagan ang mga kalaban. Mas liliit ang makikilusan ko. Higit sa lahat, kahit sino sa limang ito can probably one-shot me.

The more I delay, the more my life might be endangered.

Lahat ng mga mangkukulam at mambabarang ay inatake ang mga summon matapos muling magapi si Alejandro.

Hindi nagtagal naubos lahat ang summon ni Clyde. Pinabayaan n'ya matalong lahat ang summons. Masasayang lang kasi ang mana n'ya kapag patuloy n'yang isa-summon ang mga ito. Minabuti n'yang hintayin ang cooldown ng Bouncing soul creepers bago kumilos. Sinamantala n'ya rin ang pagkakataon upang i-replenish ang mana at health points n'ya. Hindi n'ya rin nakakalimutang magpaikot-ikot sa lugar upang hindi matamaan ng kahit anumang surprise attacks.

Nang tatlong segundo na lang ang hinihintay n'ya, kumuha s'ya ng isang bote ng mana potion. Nang dalawang segundo na lang ang natitira, hiwa-hiwalay n'yang sinummon ang karamihan ng mga summon. Nagtagumpay ang plano n'ya. Ang bugso ng paglitaw ng mga summons ay nag-attract ng atensyon ng mga kalaban. Pinaulanan nila ang mga summon ng walang lubay na pag-atake.

Sa paglitaw ni Clyde ang s'ya ring pag-summon n'ya sa tank na si Alejandro. Pinagamit nito ang Divine pull. Nahatak ulit ang mga kalaban. Nagbunga na rin ng magandang resulta ang ikatlong Bouncing soul creeper. Ang plant at flame witch ay sabay na bumagsak at hindi na bumangon pa.

"Earth cage!" Tira ni Clyde sa mambabarang. Nahuli n'yang muli ito. Pero sa pagkahuli n'yang iyon, s'ya namang pagkatalo ni Alejandro sa kamay ng tatlong witch.

Tinawag ni Clyde ang kanyang personal mount, si Sylvester. Sa pagdating nito sa tabi n'ya, bumunghalit ng tawa ang kulay pilak na kabayo.

Sinakyan ito ni Clyde. Pinatakbo n'ya ang Laughing stallion. Matinding pagkakakapit ang ginawa ni Clyde sa leeg nito. Matulin ang takbo ng kabayo. Pakiramdam n'ya malalaglag s'ya anumang oras. Sa totoo lang, hindi s'ya marunong mangabayo. Pero dahil may isang Laughing stallion na clone ng isa sa mga summon n'ya ang humahabol sa kanya, wala s'yang nagawa kundi sumakay sa likod ni Sylvester. Wala s'yang choice. Naka-cooldown pa ang Conceal.

Summon s'ya ng summon sa mga summons n'ya. Ginamit n'ya ang mga ito bilang obstacle sa mga kalabang tumitira o humahabol sa kanya.

Tumalon s'ya mula kay Sylvester. Sa pagtalon, s'ya rin namang pagkamatay ng kulay pilak na kabayo. Nagpagulong-gulong ang hunter sa mainit na buhanginan. Paghinto, inangat n'ya ang ulo. Nakita n'ya ang kasunod na tira ng mangkukulam na nakasakay sa malaking walis. S'ya ang target.

Sinummon n'ya ang isang higanteng bulate sa harapan. Gumulong s'ya palayo sa lugar. Sa muling paglingon sa pinanggalingan, nakita n'ya ang paglalaho ng higanteng bulate. Pero bago 'yon, hindi nakawala sa paningin n'ya ang malaking butas sa katawan nito.

"Sylvester!" Tawag n'ya sa sinummon na mount. Madali itong lumapit sa kanya. Pagkasampa sa likuran, muli silang nagpaikot-ikot sa labanan.

Summon dito. Summon doon. Takbo sa kaliwa. Takbo sa kanan.

Mas naging alerto si Clyde. Mas dumadami na kasi ang nakakalusot na atake na tinatarget s'ya. Mas naging aktibo ang mambabarang. Tumatakbo ito na may intensyong pumunta sa blindspots n'ya. Hinaharass s'ya nito gamit ang sunod-sunod na tira.

Napansin na lang ni Clyde na mula sa tatlong angulo na s'ya nakakatanggap ng mga pag-atake.

Mula sa harapan, ang mga insekto. Mula sa likuran, ang mga clone ng summons n'ya. At maging sa taas, mga nakakasilaw na pag-atake ng lumilipad na mangkukulam.

Kinuha ng mambabarang ang atensyon n'ya para maisakatuparan ang sariling plano. Dahil sa walang-lubay na pagkilos nito para atakihin ang blindspot ng hunter, masyadong naokupa ang utak ni Clyde kung paano hindi madali ng mambabarang. Dahil doon masyado s'yang na-conscious sa mambabarang, nakaligtaan n'ya na ang maliit na mangkukulam.

Dahil worried s'ya sa mas malaking banta, nakalimutan n'ya ang isang growing danger. Ang kalabang may kakayahang gumawa ng isang army. At ang posibilidad na walang limit ang pag-rereplicate nito sa mga summon n'ya.

At nangyari na nga ang kinatatakutan n'ya. Na-annihilate ang kanyang holymancer army. Sabay-sabay s'yang dikertang inatake ng tatlo. Walang mga balakid na summon. Patingkad ng patingkad ang nakakasilaw na kulay ng atake mula sa taas habang ito ay papalapit. Ang swarm naman ng mga insekto ay nagfo-form ng wall habang mas nagdidikit-dikit at nag-uunahan sila sa pagsugod. Papalakas ng papalakas na mga yabag papalapitang nauulinigan ni Clyde sa likuran.

Gahibla na lang ng buhok ang layo ng mga atake ng umilag s'ya. Maswerteng natapos ang cooldown sa panahong 'yon. Sa pagkakailag, s'ya namang pag-counterattack n'ya.  Sinummon n'ya ang tank. Pinagamit ang OP na crowd control skill at nagpakawala ng ika-apat na Bouncing soul creepers.

Sa pagkonekta ng Bouncing soul creepers n'ya ay ang pagbagsak ng lumilipad na mangkukulam. Para itong isang saranggolang napatiran ng sinulid. Walang patawad na bumulusok ito padiretso sa mabuhanging lupa. Lumikha ito ng maingay na tunog ng paglagapak.

Naubos din ang mga clones ng summon n'ya. Namatay din ang maliit na mangkukulam. Maging ang mga insekto ng mambabarang ay naubos.

Sa concealed state, sinummon n'ya ulit ang mga summon. Nang muling lumabas, makikita mo ang mga sugat n'ya sa katawan. Nagulanit ang kanyang mga damit. Mas punit-punit at mas marami s'yang sugat sa bandang kaliwa ng katawan. Tumutulo ang dugong nanggagaling sa mga sugat n'ya.

Noong ginamit n'ya ang Conceal kanina, masyado ng malapit ang mga atake ng kalaban. Hindi n'ya perpektong naiwasan ang mga atake.

A split second bago n'ya nagamit ang Conceal, isinipa n'ya sa lupa ang kaliwang paa n'ya para umiwas pakanan. Naiwasan n'ya ang atake mula sa itaas. Ngunit kahit na sa biglaang pagliko, hindi n'ya pa rin nagawang mapalis ang mga insekto. Lumiko at sumunod sa kanya ang mga 'yon. Umabot nga sa puntong inabutan na s'ya ng mga insekto. Dumikit ang unang pulutong ng mga ito sa balat n'ya. Naghahanda na para pagpyestahan ang kanyang katawan. Mabuti na lang at mas mabagal ang mga clones ng isang mangkukulam.

Mabuti na lang rin at nagamit n'ya ang Conceal bago pa mahuli ang lahat. Daplis lang ang natamo n'yang sugat sa mga insekto. Kung nagkataon, butas-butas na ang katawan n'ya ngayon at nakahandusay.

Nakalupaypay at wala ng enerhiya ang kaliwang braso ni Clyde. Hinihingal man at naghahabol ng hininga nagawa n'ya pa ring ngisian ang mambabarang.

Hindi nakalampas sa sugatan ding katunggali ang nakakatuyang ngisi. Sumigaw ito ng pagkatinis. Napapikit ang isang mata ng hunter habang napatakip sa butas ng kanang tenga.

Sumakay s'ya kay Sylvester. Sapagkat isa na lang ang inaalala, mas na-relax na ang hunter. Dahil doon wala ng suspense ang laban. Sa pagkakataong nag-cooldown lahat ang skills n'ya, maingat n'yang tinapos ang laban. Pagka-Conceal, hindi muna agad s'ya umatake. Hinayaan n'yang kalabanin ng mga summon ang mambabarang. Nang may makitang opening, sinunggaban n'ya 'yon. Ginamit n'ya ang Earth cage. Na sinundan ng earth needle. At tinapos gamit ang Bouncing soul creepers.

Sa pagbagsak ng huling kalaban, ay s'ya ring pagka-suspend ng kilos ng apoy. Para bang naging larawan na lang ito sa isang canvas.

Sumigaw ng pagkalakas si Clyde. "Natapos na rin!" Sumalampak s'ya sa buhanginan. Tumawa ng pagkalakas ang hunter.

Pansamantala n'yang ninamnam ang pakiramdam ng tagumpay. Humiga at dumipa ang hunter sa buhanginan. Marahas n'yang ginalaw pataas-baba ang nakadipang mga braso. Pakaliwa at kanan naman ang sa mga binti. Napahigop s'ya ng malamig na hangin. Nakalimutan n'yang sugatan ang kaliwang braso. Hininto n'ya na lang ang paggamit sa kaliwa at pinagpatuloy ang ginagawa.

Sumisigabo ang pinong mga buhangin. Para itong isang batang nag-eenjoy sa paglalaro sa buhanginan.

...

Hindi lumampas ng isang minuto ang naging labanan. Ngunit hindi 'yon nangangahulugang madali ang nakamit n'yang panalo.

Nandyan ang time pressure. Sa simula hanggang sa dulo, hindi nawaglit kahit saglit sa isip n'ya na paliit ng paliit ang kinikilusan n'ya. Na maaaring habang tumatagal, mas lumalaki ang tyansang masunog s'ya sa nagngangalit na apoy.

Isama mo pa ang lakas ng mga kalaban. Hindi rin ito nag-iisa. Bawat miyembro nila ay kayang basagin ang dependa ng tank sa isang iglap. Kung wala ang mga summon n'ya na humarang sa mga pag-atake ay malamang ay namatay s'ya.

Bandang dulo, hindi na rin kinaya ng mana n'ya ang frequency ng pagkagapi ng mga summon. Hindi na n'ya nasusummon lahat ang mga ito. Mas marami na ring muntik ng kumonektang atake sa kanya.

Nakumbinsi ang hunter sa naisip. "Hindi ako pwedeng ma-satisfy rito. Kulang pa. I'm not strong enough yet. Kailangan ko pang pumasok sa mas maraming dungeon para magpalakas."

Tumayo si Clyde ng humupa na ang matinding kasiyahan.

Nilapitan n'ya ang limang bangkay. He start the usual. Nag-initiate s'ya ng soul cleansing.

Isa-isang nagliwanag ang mga ito. Kalaunan, bumangon ang mga kaluluwa mula sa kanilang mga katawan. Nasilayan ng hunter ang kahali-halinang orihinal na anyo ng lima.

Sa palagay ni Clyde ang edad ng mambabarang ay naglalaro ang trenta hanggang kwarenta anyos base sa itsura nito.

Ang mangkukulam naman na gumagamit ng apoy ay isang babaeng may probotakibong pananamit.

Samantalang ang mangkukulam na gumagamit ng halaman ay isang dilag na may maganda at maamong mukha.

Nagtatago naman ang pinakamaliit sa likuran ng mambabarang. Kita mo sa inosente nitong mukha ang pangamba. Ang maliit na mangkukulam na gumagamit ng manika ay isa palang bata.

Sa tingin ni Clyde wala pa itong sampung taong gulang. Meron itong hanggang balikat, maalon at itim na buhok, na mas lalong nagpapaangat sa kagandahan ng itsura ng bata. Meron din itong Pilipinang-pilipinang kutis. Matingkad ang kulay tsokolateng nitong balat. Maamo at bilugan ang maliit nitong mukha. Manipis ang mga labi. Pero ang pinakanag-standout na katangian ng bata ay ang nangungusap nitong bilugang mga mata.

Napaisip si Clyde. Kung mas matanda ito ng labinlimang taon pwedeng-pwede itong maging isang artista o beauty queen.

Ang babaeng lumilipad gamit ang walis ang huli. Isa itong babaeng maputi na ang buhok. Bahagyang nakahukot ang likod. Kulubot ang balat. Isang matandang uugod-ugod ang tunay na katauhan ng mangkukulam na malayang lumilipad sa himpapawid kanina lang.

下一章