webnovel

Nagdidiliryo daw

Sa isang isla malayo sa Maynila, may makikitang isang kubol ng pinagtagpi tagping mga dahon at sanga ng puno.

Hindi matatawag na bahay ito pero sapat na para matulugan at hindi mabasa pagumuulan.

Sa pinagpatong patong na sanga naman na nilatagan ng mga tuyong dahon nakahiga ang isang babaeng natutulog.

"Anong nangyayari sa'yo bakit ka umiiyak?"

Tanong ng isang lalaking kararating lang mula sa paghahanap ng makakain.

Sya si Jonathan o si Ethan isang sundalo mula sa isang bansa sa Europa.

Hindi sya pinoy pero Pinay ang kanyang ina kaya marunong syang magtagalog at kaya sya nasa Pilipinas dahil pinatawag sya ng kanyang ina. May mahalaga daw silang dapat ayusin dito sa Pinas.

Pero, may nangyari kaya hindi sya nakarating at malamang hindi rin alam ng kanyang ina na narito na sya sa Pilipinas at nawawala.

Hindi ito ang unang beses na nakarating sya ng Pilipinas, bata pa sya ng una syang dalhin dito ng kanyang ina.

Hindi nya inaasahan na dalhin sya ng nirentahan nya sa isang liblib na lugar at duon iniwan. Kinuha lahat ng gamit nya.

Ang ipinagtataka nya ay kung bakit hindi sya nakalaban.

Duon sumagi sa isip nya ang mga bilin ng ina na madalas nyang balewalain.

Ang katwiran nya,

"I'm a soldier, I can take care of myself!"

Lagi nyang suot ang dog tag nya at pag tinatanong sya kung sundalo sya, inaamin nya.

Kaya lubos ang tiwala nya na iilagan sya ng mga taong mapanamantala.

Yun ang akala nya.

Matalino na sila ngayon at hindi na kailangan ng lakas para maisahan ang isang tao.

Sa sobrang kampante nya kaya sya naisahan at ngayon ....eto sya kasama ang isang babaeng biktima rin ng mga taong maiitim ang budhi.

"Anong dahilan at umiiyak ka? May masakit ba sa'yo?"

Nagaalalang tanong ni Ethan sa babaeng nakahiga.

Pero walang sagot na maririnig mula sa babae.

Matagal tagal na rin silang estranded ng babaeng ito sa isla. Dito sila napadpad ng anurin sila ng agos.

Sugatan ang babaeng ito ng sagipin nya kaya hindi nya inaasahan na magtatagal ito.

Subalit sa bawat araw na lumipas ay unti unting naghihilom ang mga sugat nito.

Hindi nya maipaliwanag kung paano pero ikinatuwa na rin nya kesa naman wala syang kasama dito sa isla.

Pero sa bawat oras na lumilipas ay pinagaalala sya nito, kinakabahan sya na baka isang araw malagutan na ito ng hininga lalo na at nagdadalantao pa ito.

Hindi nya alam kung ilang araw na ang lumipas pero natitiyak nyang lampas na ito ng isang buwan at maaring may dalawang buwan na.

Ngunit ito ang unang beses na nakita nyang lumuluha ang babae na tila nasasaktan.

"Huwag kang magalala, malapit ko ng matapos ang balsa. Malaki na ang tyan mo at hindi ko alam kung ilan buwan na yan. Kinakabahan akong baka kabuwanan mo na kaya kailangan na natin makaakalis sa islang ito as soon as possible."

Nakapikit lang ang babae habang sya naman ay dinidikdik ang kamoteng inihaw nya kanina.

Kung minsan ay isda pag sinuswerte sya.

"Mabuti pa kumain ka na para kahit papaano magkaroon ka ng lakas."

Hinahaluan nya ng tubig ang kamoteng dinikdik nya sa bao ng nyog at saka nya unti unting ipinapainom sa babae.

Matyaga nyang ginagawa ito, makailang beses maghapon dahil alam nyang kailangan din kumain ng bata sa tyan nya.

Pagkatapos nito ay paiinumin na kita ng gamot."

Ang gamot na tinutukoy nya ay ang mga gamot na nakita nya sa bulsa nito. Yung isa may nakalagay na BABY, yung isa ME.

Liquid ang gamot na nababalot ng isang malambot na bagay.

Ito ang matyaga nyang pinaiinom sa kanya simula ng mailigtas nya ang babae.

"Pero sana magising ka na para sa baby mo. Malaki na ang tyan mo at kailangang kailangan mo na ng duktor na titingin sa'yo at sa baby mo. Saka, mas bibigat ang balsa kung isasama pa natin ang kama mo na ito, baka lumubog tayo!.

Kaya pakiusap, gumising ka na! Mabubuwang na ako na walang nasagot sa akin!"

Nakakaramdam na sya ng depresyon sa kalagayan nila na stranded sa isang isla na walang sinumang naroon kundi sila at mga hayup sa gubat.

Pagkatapos nyang pakainin at painumin ng gamot ang babae nahiga na rin sya para magpahinga.

"Salamat na rin at kahit hindi mo ako sinasagot, andyan ka! Huwag mo sana akong iiwan, Elise!"

*****

Samantala.

Sa Tambayan Restaurant.

Hindi mapalagay si Lara. Hindi nya alam ang gagawin.

Sabi kasi ni Raymond sa kanya, hindi maaring istorbohin ang may ari kaya mas mabuting umuwi na muna sya at tatawagan na lang pag nakausap na nya si Mel.

'Hindi ako makakapayag na mawala ang trabahong ito sa akin!'

Sa lahat ng naging trabaho nya, ito ang may malaking pasahod at benipisyo kaya bakit sya aalis dito?

Hindi ako uuwi hangga't hindi ako nakakasigurong pumayag na ang mayari!'

'Kasi naman, bakit hindi sya nagpakilala agad?'

Pero sa totoo lang kahit nagpakilala pa si Mel sa kanya, hindi rin ito maniniwala.

Si AJ lang ang alam nyang mayari ng restaurant at wala syang kaalam alam na may isa pa palang mayari. Hindi sa walang nagsabi sa kanya, sadyang wala lang syang pakialam. Si AJ ang lagi nyang nakikita kaya sya lang ang kinikilala nitong mayari.

'Kailangan kong makagawa ng paraan! Kailangan kong makumbinsi ang may ari na huwag akong paalisin dito! Pero paano?'

'Sa tingin ko dapat ako na mismo ang makipagusap kay Sir Mel. Balita ko kamamatay lang ng asawa nun kaya malamang nalulungkot pa yun!'

'Pupuntahan ko sya, tutulungan ko syang makalimot!'

Nakangiti ito at buong pagasang umakyat sa taas patungong opisina ni Mel.

Sa loob ng opisina, naroon si Mel nakaupo sa upuan nya at mukhang nakatulog na sa kakaiyak. Mapapansing may luha pa rin sa mga mata nito at hawak nya sa dibdib ang larawan ni Kate.

Dahan dahang pumasok si Lara, ni hindi ito kumatok.

"Sir..."

Napansin agad ni Lara na nakatulog ito sa inuupan nyang swivel chair.

"Sir ....."

Pero nanatiling tulog ito.

Dahan dahan syang lumapit at pinagmasdan ang natutulog na si Mel.

'Sa itsura ng lalaking ito, mukhang madaling mauto!'

Ngunit habang pinagmamasdan nya si Mel, pakiramdam ni Lara may nakakatitig sa likod nya at parang galit.

Bigla syang napalingon.

"Huh?"

"Wala namang tao dito ah!"

Pero sigurado sya sa naramdaman nya.

"Guni ko lang siguro!"

Muli nyang binalikan si Mel.

Ngunit habang nakatingin ito ay nagmulat ng mata si Mel.

"MyLabs!"

Bulalas ni Mel.

Nagulat naman si Lara ng bigla itong magdilat ng mata at tinawag pa syang 'MyLabs!'

'Nagdidiliryo na ata ang isang 'to sa sobrang kalungkutan!'

'Ayos! Masakyan nga!'

Lumapit pa ng mas malapit si Lara kay Mel.

"Yes Mylabs dito na me!"

Buong ngiti si Lara habang papalapit ang mukha kay Mel pero ikinagulat nya ang susunod na ginawa ni Mel.

Sinipa sya nito ng malakas.

下一章