webnovel

Synchronized

Seryoso si Eunice sa pag aanalyze ng paligid. Ayaw nyang magkamali kaya makailang beses nya itong binalikan upang pagaralan at iniisa isa ang bawat detalye na parang kinakabisado ang lahat.

Kailangan nya itong gawin para maintindihan nya ang Ate Kate nya. Sa ganung paraan nya lang makakausap at malalaman kung ano ang mga sumunod na nangyari kay Kate.

'Talk to me Ate Kate, help me find you!'

Kinakabahan sya pero pilit nyang inaalis ito kaya sya mismo ang personal na nagimbestiga.

Iniwan nya ang munisipyo dahil hindi rin naman sya mapalagay kung hindi sya kikilos.

Isa pa, alam nyang inaasahan sya ng Ate Kate.

KRRIIING!

Nagulat si Eunice ng biglang tumunog ang cellphone nya.

Si Mel tumatawag.

Kahapon pa sya kinukulit nito sa development ng paghahanap kay Kate. Every hour tumatawag ito.

"Besh hindi kita makakausap ngayon medyo busy ako, tawagan kita mamya."

"Sissy nangangamusta lang naman ako! Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko! Hindi ako mapalagay kakaisip kay WifeyLabs ko!"

"Naintindihan ko Besh pero hindi pa ako tapos sa pagiimbestiga, nakasabit pa ako sa bangin ngayon para maghanap ng clue kaya hindi ako pwedeng makipagusap ng matagal baka mahulog ang phone."

"Anong ginagawa mo dyan sa bangin? Tapatin mo nga ako Sissy, ano ba talaga nangyari sa WifeyLabs ko? Ang sabi mo sa akin dinukot sya tapos ngayon nasa bangin ka naghahanap ng clue? Juskolord pinakakaba mo ako Sissy!"

Hindi talaga ipinagtapat ni Eunice ang iba pang natuklasan nya kay Mel dahil sa kalagayan nito. Baka makasama kay Mel.

"Okey Beshy tatapatin kita, pero huminahon ka .... may possibility na nahulog sa bangin si Ate Kate kay sinusuyod namin ito ngayon."

"ANO?! Juskolord ang WifeyLabs ko! Huhuhu!"

"Beshy stop crying please! Hindi magugustuhan ni Ate Kate pag nalaman nun na iniiyakan mo sya!"

"Paano ba naman ako hindi iiyak, hindi ko alam kung nasaan ang WifeyLabs ko! Gusto kong tumulong sa paghahanap pero hindi ko magawa! Wala akong silbi! Waaaah!"

"Beshy pwede ba tumigil ka! Stop blaming yourself! Kung gusto mo talagang makatulong magpagaling ka dahil kailangan ka ng magina mo!"

Medyo galit si Eunice para maintindihan ni Mel ang gusto nyang sabihin at para hindi mahalata nito na maging sya ay natatakot na rin.

Sa natuklasan nya sa video at sa mga clue, na nagsasabing may posibilidad na wala na si Kate pero ... ayaw nyang tanggapin.

Kaya nahihirapan syang kausapin si Mel. Kilala sya ng kaibigan nya alam nito kapag nagdadahilan sya.

"Magina? Anong ibig mong sabihin sa sinabi mo Sissy?"

Napatigil si Eunice.

'OMG! Hindi pa ata alam ni Beshy Mel na buntis si Ate Kate!'

"Beshy listen, si Ate Kate ... she's three months pregnant. Magiging tatay ka na!"

'ANO? BUNTIS SI WIFEYLABS KO?'

Nagsusumigaw ang isip ni Mel.

"Hello Besh? Beshy? Anong nangyari sa'yo? Magsalita ka naman! Pinakakaba mo ako eh!"

Pero hindi na sumagot si Mel. Nahulog ang cellphone sa kamay nya.

Nakatulala ito. Na shock sa na receive na news.

"Juskolord, iligtas nyo po ang asawa ko!'

Nakatulala sya pero walang tigil ang pagagos ng mga luha ni Mel.

*****

"Mel okey ka lang? Ano bang nangyayari sa'yo?"

Gulat si Vicky ng makitang nakatulala si Mel at umiiyak.

Pero hindi ito gumagalaw.

"Jusmiyo Mel, ba't parang naninigas ka?"

Chineck nya ito baka kung napano. Tapos ay tinawag nya si James.

"Bakit, anong nangyari?"

"Hindi ko alam! Naabutan ko lang syang ganyan, umiiyak pero tulala!"

"Mel! MEL!"

Niyuyugyog nya si Mel pero tulala pa rin.

PAK!

Nagulat si Vicky ng biglang sampalin ni James si Mel.

Tila nagising naman si Mel sa sampal na iyon. Malakas kasi.

Tiningnan sya ni Mel habang sapo sapo ang pisnging nasampal.

"Ano bang nangyayari sayo?"

Singhal ni James.

"Kuya Bayaw, iuwi mo na ako! Gusto ko ng umuwi!"

"Pero wala kang kasama dun, walang magbabantay sa'yo!"

"Pero Kuya Bayaw please, kailangan kong makauwi, kailangan kong makaligo sa talon! Kailangan kong gumaling agad para mahanap ko si WifeyLabs ko! Kailangan kong gumaling para sa magina ko! Kaya nagmamakaawa ako, Kuya Bayaw, iuwi mo na ako! Please! Huhuhu!"

Magtatatlong buwan na ng mabaril si Mel na ikinaparalyze nya pero malaki na ang naging improvement nito.

Nagagalaw na nya ang leeg mga kamay at mga binti nito at natitiyak ni James na may posibilidad na makalakad ito ulit.

Sa ngayon ay nakakaupo na sya kaya pwede na syang isakay sa wheelchair pero hindi pa rin nya kaya ang magisa, kaya paano nya ito papayagan na umuwi sa Secret?

"Hindi pwede, mahirap na! Mas okey kung narito ka kaya manatili ka dito!"

Matigas na sabi ni James.

"A-Alam mo na?"

Gulat na tanong ni Vicky.

Sila lang ni Kate ang nakakaalam na buntis ito at plano sana nitong sorpresahin si Mel sa darating nilang Monthsary sa isang linggo.

"Bakit Ate Vicky alam mo na rin ba?"

Tanong ni Mel sa pagitan ng pagiyak.

Tumango lang si Vicky.

"Waaaaah! Kate MyWifeyLabs! Asan ka na? Waaaaah!"

"Anong sinasabi nya hindi ko maintidihan? Bakit sya nagkakaganyan?"

Tanong ni James kay Vicky na naririndi na sa pagatungal ni Mel.

Napakunot ang noo ni Vicky.

'Haaay, hindi ko maintidihan ang taong ito, matalino naman bakit hindi nya agad makuha?'

"Si Kate buntis, three months, kambal!"

Sagot ni Vicky.

"ANO?! Waaaaah!"

This times si James naman ang umatungal dahil hindi nya matanggap na nangyayari ito sa kawawa nyang kapatid. Nakausap na nya si Joel at maging ito ay hindi makumpirma kung buhay ba o patay na si Kate.

Pero sa tono ng salita nito maliit ang chance na buhay pa si Kate.

At si Mel...

Muling natulala ng madinig na kambal ang pinagbubuntis ni WifeyLabs nya.

*****

Sa Senate hearing.

Matapos mapanood ng mga senador ang video, agad silang bumalik sa Session Hall kung saan nagaganap ang hearing.

Naruon ang lahat matyagan inaantay sila.

Pagpasok ni Sen. Reyes, sinulyapan nya agad si Gen. Pasahuay ng matalim.

'Anong nangyari, bakit ganun ang mukha ni Eddie Boy?'

Hindi kasi matantya ni Sen. Reyes kung nasaan na ang panig ng mga senador matapos mapanood ang video.

Pero batid pa rin ni Sen. Reyes na hindi pa rin ito maganda sa moral ng isang sundalo na may mataas ang katungkulan at yun ang pinanghahwakan nya sa ngayon.

Lihim na napangisi si Sen. Bathan ng mapansin ang sulyapan ng dalawa.

'Wow, ang sweet talaga nila sa isa't isa! May something lagi ang mga tingin nila!'

'Bakit kaya? Hmmm!'

"Okey let's proceed! The Senate hearing is again in session!"

"Mr. Dante, sabi mo si Gen. Santiago ang huling lalaking nakasama ng anak mo, andun nga si Gen. Santiago pero, hindi naman nito mapapatunayan na sya nga ang huling nakasama ni Angela. Kaya paano mo nasabi ito?"

Agad na tanong ni Sen. Bathan.

"Dahil sinabi nya po sa akin."

"Ha? Ano daw?"

"Sino raw ang nagsabi?"

"Baka yung anak nya, sinabi sa kanya bago nawalan ng bait."

Pero dinig na dinig ni Sen. Reyes at Gen. Pasahuay ang sinabi ni Dante at alam nilang ang tinutukoy nito na nagsabi sa kanya ay si Jaime.

Kita ang pagkalukot ng mukha ng dalawa.

'Grabe, pati paglukot ng mukha synchronized!'

下一章