NAALIMPUNGATAN siya nang makaramdam na may dumampi sa labi niya, pagkatapos sa kanyang leeg naman. Dahan-dahan siyang dumilat at nang makilala niya ito mabilis niya itong tinulak sabay balikwas niya ng bangon.
Naghahangos siya sa galit nang titigan niya ito, kasabay na kinuyom niya ang dalawang palad. "Anong ginagawa mo sa kwarto ko?!" Gulat na bulyaw niya rito. Habang ang kaharap naman niya ay nakayuko lang.
"Hindi ko napigilan ang sarili ko," mahinang sagot nito. "Nadala lang ako ng pagnanasa na matikman ka." Dagdag pa nito.
"Kasi ganyan naman talaga kayong mga bakla!" Sigaw niya rito sabay duro. "Ang gusto niyo ay puro pagtatalik! Hindi ba kayo nandidiri? O, nahihiya sa mga sarili niyo? Pumapatol kayo sa mga kapwa niyo!" Galit na sumbat niya kay Rod.
Maluha-luhang nag-angat ito ng tingin sa kanya. "Kasalanan ba namin na ganito ang naging pagkatao namin? Nagmahal lang naman kami ng totoo!" Mahinahon na sambit ng kaharap niya.
"Kahit na!" Apila niya. "Maling-mali pa rin 'yon!" Mariin na sabi niya.
Tila ba sinasampal niya sa pagmumukha nito na kahit kailanman ay di siya papatol sa ka-uri niya. Hindi agad naka-imik ang kasama niya. Gusto niyang maawa sa taong kaharap niya dahil sa pag-iyak nito ngunit nangingibabaw iyong ginawa nito sa kanya habang natutulog siya.
"Umalis ka sa kwarto ko!" Galit na sambit niya. Dinuro niya pa ang pinto ngunit tanging pag-iling lang ang nakuha niyang sagot. "Ako ang aalis!" Nauubusan aniyang pasensya.
Maglalakad na sana siya palabas ng kwarto niya nang yakapin siya nito, dahilan para matigilan siya.
"Tanggap ko naman na hindi mo ko kayang mahalin," naramdaman niya na humigpit ang yakap nito. "Ngunit ang tanging hiling ko lang ay huwag mo kong iwan!"
"Hindi ko mapapangako," malamig na turan niya.
Dahilan para maramdaman niyang unti-unting niluluwag nito ang pagkakayakap sa kanya. Tinabig niya ang kamay nito nang magkaroon siya ng pagkakataon na umalis sa harap nito.
Isa't kalahating linggo na niyang hindi pinapansin si Rod ngunit gano'n pa rin ang sistema nila. Simula kasi nung naging magclose sila ay hati na sila sa pagkain at sabay pa rin kung kumain. Kapag bibili naman ng pagkain ay si Rod ang lumalabas pati na rin sa pagkuha ng Food Pack sa 3s Center na bigay ng City Hall ay ito ang kumuha.
Umagang-umaga ay wala siyang magawa nakaupo lang kasi siya sa sofa at nagcecellphone. Binibisita niya ang page ng Mayor, patungkol lang naman iyon sa bilang ng cases sa lungsod nila. Pati narin sa pagbibigay ng Relief Goods para sa mga mahihirap. Idagdag mo pa ang nakalap niyang balita ay mayroon nang 39 patients ang nagpositibo sa COVID-19 sa iba't ibang barangay ng lungsod nila, pati na rin ang mga PUI at PUM ay magkabukod ng bilang. Wala sa sariling bumuntong hininga siya, at inisip ang kalagayan ng Mayor. Abalang-abala kasi ito sa pagseserbisyo sa buong lungsod. Hiniling niya na sana hindi ito mahawaan na kumakalat na virus.
Napalingon siya sa likuran niya nang bumukas ang pinto ng cr, lumabas mula roon si Rod ngunit ang kinabahala niya ay yung biglang pag ubo nito. Gulat napatayo siya at masamang tinititigan niya ito nang tignan siya nito.
"Relax, walang akong virus!" Anito at ngumiti.
"Paano ako makakasiguro na wala kang virus?" Pagkukumpirma niya. Nakaramdam kasi siya ng pangamba.
Muling umubo na naman ang kasama niya. "Wag kang OA mawawala rin 'to!"
Napasinghap siya. "Eh 'yan nga ang kabilang sa mga symptoms! Tapos sasabihin mo mawawala rin 'yan?" Inis na sambit niya. "Paano kung... kung may covid ka tapos mahahawaan mo 'ko! Hoy, bakla ayoko pang mamatay ha! Ayos, ayusin mo buhay mo!" Banta niya rito.
"Ano ka ba naman, Rex! Wala akong linapitan na may positive cases!" Katwiran ni Rod sa kanya.
"Kailangan mo na sigurong mamonitor," turan niya.
Nang akmang dadial na siya upang magreport, bigla siyang nilapitan ni Rod at tangkain na kunin nito ang cellphone niya. Mabuti na lang at agad niyang inilagay ang cellphone niya sa kanyang bulsa.
"Wag mo nga akong dikitan!" Bulyaw niya rito. Dahilan para mapaatras ito ng kaunti.
"Please.. Don't," pagmamakaawa nito. "Pinapangako ko sa'yo. Wala 'to kaya wag ka na matakot, okay?"
"Paano ko maniniwala? Ikaw itong madalas lumalabas satin!" Galit na sumbat niya. "Hindi posibleng may makasalamuha ka sa labas!" Pahabol na dagdag pa niya.
"Nakikiusap ako sa'yo. Wag mo nang ituloy ang binabalak mo!" Pagsusumamo pa nito.
Imbis na sumbatan niya ulit si Rod ay inis na umalis siya sa harap nito. Nagmadali siyang nagtungo sa kusina para maghugas ng kamay at sabunan ito. Ngunit hindi pa rin maalis ang nararamdaman niyang inis para kay Rod. Matapos niya maghugas nagtungo siya sa kwarto niya saka naman siya naglagay ng alcohol sa buong katawan niya.
KINAKABUKASAN pagpunta niya sa kusina ay walang almusal na nakahain sa lamesa, bagay na palaging ginagawa ni Rod simula nang maging close sila. At nasanay na siya sa ganong sistema. Dahil hindi nagluto ng pang-almusal si Rod naisip niyang siya na lang magluluto ng almusal nila.
Nang matapos napansin niya na hindi pa rin lumalabas si Rod sa kwarto nito kung kaya't napagpasyahan niyang puntahan ito. Nakatatlong katok siya nang marinig niya ang tinig ni Rod sa loob ng kwarto nito.
"Iwan mo muna ko!" Sambit nito.
"Kanina ka pa ba gising?" Ani niya at hindi niya nagawang pansinin ang sinabi nito.
"Sabi ko iwanan mo muna ko please!"
"Ano bang problema mo?" Nauubusan niyang pasensya.
"Lalala lang ang lahat," tugon sa kanya ni Rod. "At wag na wag mong bubuksan ang pinto!" Babala na sabi pa nito.
Bigla naman siya nakaramdam ng pag-aalala at kutob sa sinabi ni Rod. Kinalampog niya ang pinto ng maraming beses ngunit wala siyang boses na naririnig mula sa loob ng kwarto nito. Sa sobrang inis niya, gigil na pinihit niya ang seradula upang mabuksan ito ngunit kahit anong gawin niya ay naka-lock pa rin ito.
Nag-aalala siya para kay Rod at pinagsisisihan niya na mali ang manghusga agad lalo pa't wala siyang sapat na ebidensya kung may nakasalamuha itong positive cases ng COVID-19. Nang hindi siya makapagtimpi akmang sisipain na niya sana ang pinto ng kwarto ni Rod nang bumukas ito.
Natigilan siya sa bumungad sa kanya, balot na balot ang buong katawan nito ng kumot at halata sa itsura nito ang pamumutla.
"Sinabi ko na sa'yo na iwanan mo na ko, please!" Mahinang sambit nito. Nakaramdam siya ng kaba dahil sa boses ng kaharap niya. Nawala rin ang inis niya rito.
"B-Bakit nakaganyan ka?" Nanlalaking mata na sabi niya. "Ano nangyari sa'yo? M-May sakit--" di niya natuloy ang sasabihin niya nang mapansin niyang dahan-dahan bumabagsak si Rod sa kinatatayuan nito.
Naging alerto naman siya kung kaya't madali niya itong nasalo. "Hoy, bakla!" Sigaw niya rito.
Mahinang sinampal niya ang pisnge nito ngunit natigilan siya nang maramdaman mainit ito. Sinapo niya ang noo nito at nang makumpirma agad niya itong binuhat pabalik sa kama nito. Maingat niyang hiniga si Rod sa kama pagkatapos tinitigan niya ito. Sa pagkakataon niyon nawala ang pagdududa niya para kay Rod, bagkus napalitan iyon ng pag-aalala dahil sa kalagayan nito.
Akmang maglalakad na sana siya para kumuha ng gamot nang maramdman niyang may humawak sa kamay niya. Pinigilan siya nito. Tinignan niya ito na may awa sa mga mata habang nakahiga ito saka siya umupo sa tabi nito.
"Pakiusap, g-gusto kong mapag-isa," anito at umubo. "Huwag mo akong alalahanin mawawala rin 'to, kaya ko ang sarili ko!" Pagmamatigas nito.
"Nilalagnat ka, kaya di pwede!" Giit niya.
"Dalawang sintomas na 'to, Rex. Siguro nga tama ka baka may COVID-19 na ko!"
"Hindi 'yon gano'n," umiiling na sabi niya. "Huwag mong isipin yung sinabi ko sa'yo kagabi, I'm sorry." sincere na sabi niya. Nanunubig na rin ang gilid ng mga mata niya.
"Ayokong madamay kita," mahihimigan ang takot sa boses nito. "Iyon ang kinatatakutan ko," lumuluhang sabi ni Rod. Kaya pati siya ay hindi na niya maiwasan maluha. "Tanda iyon ng aking pagmamahal, kahit ano pa mangyari. Ikaw lang ang dito!" Makahulugan na sambit nito na ang tinutukoy ay ang puso nito.
Hindi agad siya nakaimik sa sinabi nito. Tinititigan niya pa ito sa mata, tila kinakalkula niya kung ano ang kahulugan ng pagmamahal para sa kanya.
"Humiling ka sakin na huwag kitang iwan, di ba?" Turan niya. Bahagyang tumango si Rod. "Mangangako ako na hindi kita iiwan." Malumanay na sabi pa niya.
"Sarap sa ears.." Birong sabi nito dahilan para mapangiti siya at punasan yung mangingilid niyang luha.
"Kaya ikaw, magpagaling ka para hindi kita iwan, okay?" Muling tumango si Rod sa sinabi niya.
Hinayaan niya lang na makatulog si Rod. Bumalik na siya sa kusina at sinimulan kumain ng breakfast. Pagkatapos binalikan niya ulit si Rod para pakainin at painumin ito ng gamot.
_____
~shitloccah