AKIO'S POV.
Laro
"Sa E.K na lang."
"Ayoko."
"Eh kung patayin kaya kita?"
"Ok, sa E.K na,"
Wala na akong nagawa sa kanya. Napaka unreasonable niya kahit kailan hindi ko siya mabasa.
"Saan ang punta ng lovebirds? Sama naman kami!" Pangaasar ni Ryan. Makalipas ang isang buwan nakabalik na si Ryan, natapos na ang suspension niya. Nangako pa siya sa amin na magbabait na ang kingkong, unggoy na lang siya sa ngayon.
"Magsasama naman kayo nainggit na kami," kinurutan ni Ciro yung chicken na kakainin ko sana, nakakainis siya ang dami niyang pera walang pambili ng pagkain? Buraot ang mokong.
"I want to relax," nagsalita naman si Drei at tuluyang kinuha ang chicken na nasa kamay ko. Halos mangiyak ako dahil sa ginawa niya. Minsan na nga lang magsalita, ganito pa gagawin niya. Konting-konti na lang mapupuno na ako.
"Edi sumama kayo! Libre ko Tickets," suhesyon ni rylie na nagpatili sa mga mokong. Maging ako nabigla dahil sa sinabi niya. Pero natutuwa ako sa mga kinikilos niya.
Naging close friends na ni Rylie ang tatlong mokong, mas gusto pa yata ng mga kaibigan ko si rylie kaysa sa akin. Nagtatawanan sila habang kumakain at ako naman kapag umiimik aasarin kay rylie kaya hindi ako makapalag. Hindi ko din maintindihan kung bakit palagi nila akong inaasar sa kanya.
Gusto ko siyang kaibiganin at kilalanin pa dahil naaawa ako sa kanya yun lang. Hindi ko maintindihan kung bakit nila nilalagyan ng ibang kahulugan yun. At alam ko kaibigan lang din ang tingin niya sa akin. Sa isang buwan naming magkasama palalim na ng palalim ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko maintindihan kung awa pa ba ito o kung ano. Pero ayokong umasa alam kong impossible.
Natapos na kaming kumain sa canteen at bumalik na sa room namin para umattend ng last subject.
"Una na kayo, magc-cr lang ako," paalam sa amin ni rylie. Mukhang hindi siya okay sa lagay niya. Hindi ko alam ang nangyare ang alam ko lang nakasunod na ako kanya at hinintay siyang lumabas ng cr.
"Okay ka lang?" Mahinahon kong tanong. Sinamaan niya ako ng tingin at sabay sinuntok ang braso ko. Ang sakit niya talaga sumuntok pambihira.
"Gago, ayos lang ako," ngumiti siya at sabay naglakad papunta sa room namin. Sumunod lang ako sa kanya at nagpanggap na para walang nangyare para maramdamang wala akong pake.
"Sa space shuttle muna tayo!" Excited na banggit sa amin ni Rylie, nang makapasok kami sa loob ng E.K. Tinanggihan naman siya nina Ryan, Drei, at Ciro. Mag pa-flying fiesta na lang daw sila. Tatanggi na sana ako at sasama sa kanila nang higitin ni Rylie ang braso ko pabalik.
"Sige tol, goodluck!" Paalam ni Ryan at kumaripas na sila ng takbo palayo sa amin. Hindi man lang kami nakapagpalit ng uniform dito kaagad kami dumiretso pagkatapos ng last period.
Nakasandal ako sa railings habang siya, excited na pumipila sa pilahan. Nung una hindi pa ako kinabahan pero habang papalit na kami, isang malaking scam pala ang aking nasakyan. Mga mga lumalabas na umiiyak pagkatapos nilang sumakay yung iba sumusuka pa. Sunod kaming sasakay at hinihintay na lang namin matapos ang nakasakay dito.
"Hindi ba delikado dyan, wag na lang tayo dyan," pagmamaktol ko.
Hindi pa ako nakakasakay sa space shuttle dahil katwiran ko pag ako napahamak kawawa ang maiiwan ko. Ang pamilya ko alam kong madrama pero yung totoo. Hindi natin masasabi ang takbo ng buhay. Napunta kami dito pa minsan kapag may espesyal na araw last year ang huli kong bisita dito.
"Nandito na tayo halos isang oras ang pinila natin tapos aalis ka?" Pangangatwiran niya. Tama nga naman isang oras din kaming pumila dito tapos aalis agad kami.
Pinagtitinginan kami ng mga babae sa likod yung iba sa kanila patago kaming kinukuhanan ng pictures at karamihan sa mga lalakeng dadaan sa amin at napapalingon kay Rylie. Kahit nakauniform siya ang elegante niya tingnan ang linis-linis. Naka-ponytail pa ang buhok niyang mahaba kaya mas lalo madaming napapatingin sa kanya. Maganda siya seryoso.
Ilang minuto ang lumipas nakasakay na kami sa space shuttle, magkatabi kami nakaupo sa upuan ng sasakyan. Nang umandar na ang sasakyan hinawakan niya ang kamay ko. Kanina pang malamig ang kamay ko dahil sa kaba.
Nagkatinginan kami pero iniwas niya din yun matapos umandar ng pataas pero mabagal ang, wala pa akong masyadong naramdaman nung papataas pero ng makarating kami sa dulo parang nawala ang kaluluwa ko sa katawan ko.
Ibinalibag nito ang aking katawan hindi ako makahinga ng ayos dahil sa ganoong sitwasyon.
"WOAHHHH! AHHHH!" rinig kong sigaw ni Rylie. Bumagal ulit ang sasakyan kaya nakahinga na ako ayos. Akala ko tapos na pero may isa pa palang ikot.
"SUMIGAW KA PARA MAKAHINGA KA NG AYOS!" She shouted. Sinunod ko ang payo niya. Sumigaw ako na parang bata wala akong pake kung sino ang nakakarinig sa akin. Basta ang alam ko masaya ako.
Posible kayang siya ang dahilan?
Bumaba akong nakangiti, hawak pa din niya ang kamay ko kaya nahiya akong tingnan siya binitawan niya din yun ng mapansin niya. Nang makalabas na kami sa labas ng space shuttle, nakasalubong namin sina Ryan, Ciro, at Drei.
"Nag-kiss ba kayo?" Paninira ni Ryan.
"Oo nag-kiss kami," pambabara sa kanila ni Rylie. Nagulat din ako sa sinabi niya.
Niyakag kami ni rylie na kunin ang picture namin sa may photobooth malapit lang din sa sinakyan namin.
"Ayan, ang ganda ko dito," kinikilig na sambit ni Rylie habang tinitingnan ang litrato.
Matagal na siyang maganda barako nga lang magsalita at madalas inuugali niya pa.
"Kio, mukha kang natatae sa unang picture nangyare?" Pangaasar ni Ciro sa amin. Mukha nga akong natatae sa unang litrato hindi ko naman alam na may kumukuha pala ng picture sa ganoong kabilis.
"Magka-holding hands sila tingnan nyo," tinuro pa ni Drei ang kamay namin sa pangalawang litrato.
"Sabi ko sa inyo may relasyon ang dalawang yan!" Parang imbestigador na sabi sa amin ni Ryan.
May relasyon ba talaga kami? Normal pa bang araw-araw kaming magkasama? Ayokong maggawa ng konklusyon pero ang lumalabas sa isip ko parang meron o sa akin lang talaga may nabuo? Ang gulo basta ako masaya kapag kasama siya.
Masaya kaya siyang kasama ako?
"Mga siraulo talaga kayo!" Sabay batok ni Rylie sa tatlong mokong. Napahawak sila sa ulo nila alam kong masakit yun, proven and tested ko na sa sarili ko.
"Kumain na lang tayo," pambabasag ko sa trip nila. Walang fastfood chain dito kaya hindi din kami nabusog. Puro fries, hotdog, at cupcakes lang ang nakain namin kaya hindi rin kami nabusog. Madami pa kaming sinakyan gaya ng extreme tower, flying fiesta, at bumili ng mga souvenirs bago umuwi.
11 pm kami bago nakaalis sa E.K, kay Ciro na kami sumakay pauwi tutal siya naman ang may sasakyan. Tatlo na lang kami sa loob ng kotse niya si Rylie, Ciro, at ako. Tahimik lang kami sa loob dahil sa pagod, nakatingin lang ako sa bintana habang si Rylie tulog busy naman si Ciro sa pagdadrive. Ang sakit na nga braso ko dahil sa ulo ni Rylie. Malapit na kami sa condo ni Rylie sa Laguna kaya ginising ko siya para ipaalam yun.
Nagising naman agad siya at pinunasan ang konting laway sa labi niya.
"Panyo ko yan!" Pigil ko sa kanya gagamitin niya kase ang panyo ko na nakalagay sa bag sa pagpahid ng laway niya.
"Ano naman? Lalabhan ko na lang patayin kita jan bakla," pagtataray niya.
Malapit na akong mamatay sayo. Konti na lang.
Bumaba na siya ng sasakyan at eto na naman ang paa ko gustong sumunod sa kanya. Hindi ko na namalayan na nasa pinto na ako ng condo niya papasok na sana siya ng pinto ng mapansin niya ako.
"Gago, anong problema mo bakit mo iniwan si Ciro dun?" Tanong niya sa akin. Hindi ko alam ang sasabihin ko paano ba?
Rylie, gusto kita fuck.
Hindi ko masabi, kailangan ko pa ng lakas ng loob. Ang hirap maging torpe.
Shit.
"Wala, sige goodnight." Palusot ko. Hindi na siya umimik dahil tuluyan ng akong lumayo sa kanya.
"Ginabi ka yata baby, pinagalala mo ako," malakas na saad ng lalakeng pamilyar sa akin ang boses.
Baby? May boyfriend na siya? Hindi na ako makapagisip at pinanuod na lang silang dalawa. Nakatalikod sa akin ang lalake habang kinakausap si Rylie hindi ko marinig ang sinasabi ni rylie pero mukhang nage-enjoy siyang kausap ang lalakeng yun. Tumatawa pa ng malakas si Rylie.
"Kio..." May bumulong sa akin. Nagulat ako sa presensya ni Ciro. Napagtagal ako kaya niya ata ako sinundan.
"Anong ginagawa mo dyan bakit ka nagtatago?" Tumingin siya sa harap at niliko ko agad yun para hindi niya makita sina rylie at yung lalake.
"Wala, Tara na!" Aya ko sa kanya. Mabuti na lang hindi na siya nagtanong pa.
Tahimik lang ako habang nakasakay sa sasakyan ni Ciro. Tulala lang ako at kung anu-ano ang naiisip ko.
Tulala lang ako, pinipilit kong makaidlip pero hindi ko magawa dahil sa nakita ko.
May boyfriend na siya pero lumalapit pa din siya sa akin. Pinaglalaruan lang ba niya ako?
What the hell is this a game for her? Tell me Rylie.
#