webnovel

Chapter 2: Ang Broken Hearted

Erica

Sa totoo lang hindi naman kasi talaga ako sanay na naglalasing, eh ang kaso kasi, nasasaktan ako ngayon. Gusto kong makalimutan 'yung sakit,' yung lungkot na meron sa dibdib ko.

Alam nina Francis at Vina na may gusto ako kay Karl. Pero matagal na nila akong pinagsasabihan na wala akong pag-asa rito. Eh ang kulit ko naman kasi, hindi ako naniniwala sa kanila, ayaw kong maniwala. Kaya ayan tuloy, para akong inagawan ng isang bagay na hindi ko naman talaga pag-aari.

Pagkatapos nila akong tawagan, hindi nagtagal ay agad na dumating na rin ang mga ito para sunduin ako. Ipinagpaalam pa ako ng dalawa sa mga magulang ko, kahit na nasa benti dos na ako, kailangan parin talaga na ipagpaalam ako sa kanila dahil nag-iisa lang daw nila akong anak. Since close ng mga ito sina mama at pala, kaya naman agad itong pumayag. Basta ibabalik lang daw ako ng walang galos at walang gasgas sa mga ito, okay na sila.

Hindi ko mapigilan ang hindi mapatirik ang mga mata. Ang korni talaga ng mga magulang ko kung minsan.

Kotse ni Francis ang gamit naming sasakyan papunta sa pinaka malapit na bar, at sa Timog ang destinasyon namin.

"Hoy, Francis. Ayusin mo nga yang pagmamaneho mo. Gusto mo bang madisgraya tayo?" Inis na saway sa kanya ni Vina kaya't agad na ibinaba nito ang kanyang cellphone.

"Ito naman may nirereplyan lang eh." Pagdadahilan niya.

"Ang sabihin mo, katext mo lang 'yung lalaki mo." Muling wika ni Vina. Napatawa ako, ayaw pa kasing aminin ng pamintang ito na may pusong babae siya.

"Anong lalaki?" Mabilis na depensa nito sa kanyang sarili. "Vina ha, ayan ka na naman. Gusto mo bang halikan kita ng mapatunayan ko sayo na hindi ako bakla." Dagdag pa niya. Dahil doon ay sabay na kaming napatawa ng tuluyan ni Vina.

"Sus! If I know, palagi naman na iyan ang idinadahilan mo." Bulong ko sa aking sarili.

"Teka nga lang, bakit ba ako ang naka hot seat ngayon, kausapin mo nga 'yang isa dahil mukhang iyan ang broken hearted ngayon." Bigay pansin ni Francis sa akin. Parehas kasi kami ni Vina na nandito sa back seat naka upo.

Awtomatikong na ngilid ang luha sa aking pisnge noong marinig ko ang sinabing iyon ni Francis.

"HAHAHAHAHAHAHA." Malutong na tawa naman ni Vina sa aking tabi at hindi man lamang nag-abala na yakapin o i-comfort ako. "Sinasabi ko na sayo, wala kang tatamaan kay Karl dahil hindi ikaw ang type niya. Hahahahaha."

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lamang sa aking pagdadrama. Ang bait nilang kaibigan eh, ano?

Pagdating namin sa bar, agad na dumiretso kami mayroong bakanteng pwesto, kung saan mayroong pabilog na couch at isang salamin na lamesa naman ang nasa gitna. Nag order si Francis ng isang case ng Red horse at dalawang black label.

Napalunok ako noong makita ang alak, magpapakamatay ba siya? Pero kung sabagay, ito ang kailangan ko ngayon.

"Hay naku, Rica." Wika ni Francis. "Iinom nalang natin 'yan, atsaka haleerr! Hindi naman kagwapuhan si Karl para iyakan mo ng iyakan." Dagdag pa niya habang nagbubukas ng isang bote ng Red horse.

"Oo nga naman." Pag sang-ayon ni Vina. "Sa alak mas masaya pa tayo, kaya sa alak na muna tayo."

Kaya naman agad na sinumulan namin ang aming inuman, at dahil sa hindi ako sanay uminom kaya naman, mabilis din akong tinamaan. Nakakatatlong bote na kami ng Red horse at isang bote ng black label nang siya namang bigla akong hinila ni Vina papunta sa dance floor.

"Vina, anong gagawin natin dito?" Tanong ko sa kanya na halos sumigaw na dahil sa lakas ng sounds system.

"Sira, ano pa nga bang dapat ginagawa rito?" Pagtanong din nito sa akin atsaka nagsimula na sa kanyang pag indak.

"Ayoko, baka mabastos tayo." Pagtatanggi ko bago napatingin sa paligid. Agad na nahagip naman ng aking mga mata si Francis na ngayon ay masayang nakikipagtawanan na sa isang stranger na lalaki. "Halika na, nahihilo lang ako lalo rito eh." Dagdag ko pa pero mas makulit ito kaysa sa akin.

"Huwag ka ngang OA dyan, sumayaw ka ng mawala yang bigat sa dibdib mo." Sabi pa niya. "Ganito oh, sige na, gayahin mo ako." Hanggang sa huli, nagwagi ito at tuluyan na nga niya akong napasayaw.

At tama nga si Vina, gumaan ng konti ang pakiramdam ko ngayon. Medyo nahimasmasan din ako mula sa pagkahilo kanina, lalo na noong mapagpawisan ako. Ngunit sa huli, mag-isa na lamang akong naglakad pabalik sa aming puwesto dahil iniwanan din ako ni Vina, bumalik ito sa dance floor at ayaw ng paawat pa. Hilig talaga 'non ang mag disco.

"Rica?"

Narinig kong pagtawag sa akin mula sa kilala kong boses. Hindi lang pala kilala, kung hindi, kilalang kilala. Dahan-dahan na napalingon ako sa kanya at kung minamalas ka nga naman, magkasama pa sila.

Mabilis na nagbawi ako ng paningin noong makita na magkahawak kamay pa silang dalawa, mga walang hiya! Hindi ba nila alam na nasasaktana ako?!

"Karl!" Pagbanggit ko sa pangalan niya. "Joanne." Sabay ngiti ko sa kanilang dalawa. "Congratulations! Sa wakas couple na kayo. Hehe." Parang tanga lang na pagbati ko habang kinukuha ang bote ng black label na ngayon ay kalahati nalang ang laman.

Napatawa sila pareho. "Thank you, Rica." Pagpapasakamat ni Joanne. Hayy. Maganda naman kasi talaga siya, kaya hindi ko masisisi si Karl.

"May kasama ka ba?" Pag-iiba ng usapan ni Karl.

Napatango ako. "I'm with Francis and Vina." Sagot ko sa kanya at hindi ko alam kung saang lupalop na ng bar na ito sila naroroon.

"Mabuti naman. Pano, mauna na kami." Pagpapaalam niya. "Ingat nalang." Atsaka ako nito nginitian at muling ibinalik ang mga mata kay Joanne.

"Let's go, munch." Pag-aya nito kay Joanne dahilan upang mapa inom ako ng maraming alak mula sa bote na hawak.

Ano raw? Munch? Hahahahahaha. Hindi ko mapigilan ang hindi mapatawang muli sa sarili habang iiling-iling pa, ang jeje naman ng tawagan nila. Munch, tss!

Hindi ko namalayan na, naubos ko na pala ang laman na kalahating bote ng alak na iyon. Hindi ko rin napansin dahil patuloy lamang ako sa pag-iyak habang tinutungga ang alak.

Hindi parin nakakabalik mula sa dance floor si Vina, habang si Francis naman ay hindi na mahagilap pa ng aking mga mata.

Awtomatiko akong natigilan at mabilis na muling napatayo noong may maramdaman na kakaiba sa aking sikmura. Kahit na umiikot na ang aking paningin, pinilit ko parin na hanapin ang cr dahil sa totoo lang, nasusuka na talaga ako.

Thank God, dahil mayroon pang bakante na cubicle kaya doon ako pumasok at agad na nasuka. Nakakadiri! Mabuti na lang din at may tissue napkin rito. Kumuha rin ako ng extra dahil paglabas ko ng cubicle ay naisipan kong maghilamos, gusto ko kasi sana na muling mahimasmasan. Tiyak na malalagot ako sa magulang ko kapag nakita nila ang ganitong itsura ko.

Pagkatapos kong maghilamos, nanghihina ang mga tuhod na napasandal ako sa sink, kulang nalang din ay pumikit na ang mga mata ko. Pero, pilit na nilalabanan ko parin ang pagkahilo.

"Ms. Are you okay?" Rinig kong pagtanong ng isang babae. Napalingon ako sa paligid, walang ibang tao sa loob kung hindi kami nalang dalawa.

Pero teka...parang pamilyar ang boses nito, saan ko na nga ba 'yun unang narinig? Napahawak ako sa aking noo bago napa hinga ng malalim.

"Yes. *hik* I'm okay." Sagot ko sa kanya, pero sa totoo lang gusto ko ng mahiga sa sahig na ito. Hanggang sa mapadako ang mga mata ko sa kanyang itsura.

Shit! Hindi ko mapigilan ang hindi mapatulala. As in, literal na nalaglag ang panga ko sa sahig. Charot! Pero hindi ko maiwasan ang hindi mapanganga, kahit halos dalawa na ang paningin ko sa kanya, ang ganda-ganda parin niya!

"No. I think you're not okay." Sabi nito bago lumapit sa akin pero humakbang ako papaatras.

"K-kukunin mo na ba ako?" Tanong ko rito. Nagtataka naman na napatitig siya sa aking mukha.

"What do you mean?" Tanong pa niya.

"Ang ganda mo kasi....mukha kang *hik* anghel na bumaba sa lupa." Komento ko dahil kulang nalang magkaroon siya ng pakpak. Tapos napatawa ito, iyong tawa niya na ang sarap din sa tenga, na tila ba isang napaka gandang musika na kay sarap pakinggan.

At sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang akong nanghina at mas lalong nahilo, mabuti na lamang at mabilis ako nitong nasalo. Pero hindi iyon nagtagal dahil tuluyan parin akong bumagsak sa kanyang katawan, napasandal ito sa sink habang ang aking katawan naman ay nakadikit sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang katawan at pati na rin ang kanyang paghinga. Isama mo na rin iyong pabango na gamit niya, na tela ba kumapit pa sa aking balat.

Napalunok ako noong mapansin kung gaano kalapit ang aming mukha sa isa't isa. Awtomatiko naman na nakaramdam ako ng pang-iinit sa katawan at agad na pinagpawisan. Ramdam ko rin ang pamumula ng mga pisnge ko sa mga sandaling ito.

Grabe! Alam kong lasing na ako, nahihilo na ako at anytime soon, pwede nalang akong mawalan ng malay pero dahil sa magandang babae na ito, para bang bigla akong nahimasmasan.

Hanggang sa hindi ko namalayan, bigla ko na lamang inilapat ang aking labi sa kanya. Napasinghap pa ito dahil sa aking ginawa. Ilang segundo kaming nagtagal sa ganoong posisyon, hanggang sa unti-unti ko na lamang na naramdaman na gumalaw na ang mga labi nito at marahan na kinagat pa ang dulo ng aking labi dahilan upang masaktan ako. Noong una ay hindi ko alam kung ano ang aking gagawin at hanggang sa unti-unti ko narin itong nasabayan na tila ba nagsasayaw ang aming mga labi sa musika.

Ang lambot ng mga labi niya na para bang isang marshmallow na naka dikit sa aking labi. Hindi naghiwalay ang aming mga labi sa loob ng ilang minuto. Tila ba biglang nakalimutan ko ang lahat ng ipinangako ko sa aking sarili, ang lahat ng bagay na ipinangako kong hindi ko gagawin tulad ng mga magulang ko.

"OH. MY. GHAD!" Rinig kong boses ni Francis kaya naman mabilis akong humiwalay sa labi at katawan ng babae.

Nakita ko ang gulat na mukha nito at pati na rin si Vina habang nakatayo sa may pintuan ng cr. Hindi ako kaagad nakapag salita, pagkatapos ay bigla na lamang nawalan ng malay....

下一章