webnovel

Ang Bastos Sa Kanto I (Part 19)

"Ch-chance,anong ginagawa mo?" ani ko ng bahagya syang itulak. Napalunok ako ng titigan na naman nya ako.

"Hindi ko alam,Kiji." ang mahina nyang sagot. Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan nya. Alam kong may tama na din sya ng alak,ayaw kong magsamantala. Ayokong gumawa ng ikasisira na naman namin.

Tinitigan ko sya. Napaka gwapo nga ni Chance,matangkad,sakto lang ang katawan. Ngunit halata sa mga mata nya na naguguluhan nga sya. Huminga ako ng malalim.

"K-kiji?! Nandito ka pa?" boses iyon ni Teban. Nataranta ako,naiwang bukas ang shower sa labas at nasa sink ang bag at towel ko.

"Uhm,oo. Nagbabawas lang ako! Hintayin nyo ako sa gate!" ang sagot ko naman. Napatingin ako kay Chance na wala ng kibo. Nagsisisi siguro sya.

"Aalis na tayo! Hindi na sila nagbanlaw! Pag uwi na lang daw nila sa bahay!" sabi naman ni Teban. "Nakita mo ba si Chance? Biglang nawala ang gago eh!"

"H-hindi! Sige na,patapos na ako. Hintayin nyo na ako sa gate."

Nang wala na kaming madinig na Teban ay lumabas na kami ni Chance sa cubicle. Saglit ulit akong tumapat sa shower,sya naman ay dumiretso na sa labas.

Ngayon,lalo na akong naguluhan kay Chance. Nagiging sala sa init sala sa lamig na naman sya,hindi ko malaman kung anong iniisip nya,ang sarap lang bayagan eh!

Lahat kami ay nagtrycicle lang. Pagdating sa tapat ng Batis compound ay bumaba na ako at nagbayad. Pero laking gulat ko ng bumaba din si Chance.

"Oy tol?! Bakit ka bumaba?" ani Teban na nasa backride. Nakatingin lang sa amin yung isa pa naming classmate na nasa loob. Si Khaim kasi nasa ibang trycicle,ganon din sina Aiko at Karissa.

"Kina Kiji ako matutulog." sagot ni Chance,hindi ako makapag salita. Tumingin ako kay Teban,ngumisi at kumindat ang gago.

"Ganon ba? Kita kits na lang sa Monday,ChaJi!" sigaw ni Teban na ikinalaki ng mga mata ko at ikinanganga ko. Chaji talaga? "Sige na manong,andar na!"

"Bigla bigla ka namang nagdedisisyon." sabi ko kay Chance ng naglalakad na kami papasok sa loob ng Batis.

"Nagpaalam ako sa amin. Tinext ko din ang Mama mo,pumayag sya. Tutal naman ay linggo bukas,may lakad daw sila,sakto daw para may kasama ka." nagpaliwanag talaga ang bastos.

Pagpasok sa bahay ay chinika agad sya nina Mama at Papa. Ako naman ay pagkatapos magmano kina Mama at Papa ay dumiretso sa kwarto,hinagis ko sa gilid ang bag at humiga agad sa kama.

Nakakapraning ang araw na ito. Yung simple kong buhay naging its complicated,dahil lang sa pagmamahal.

"Complicated talaga? Assuming." napalingon ako sa nagsalita. Si Chaji!

Pero syempre,joke lang yon. Sana nga pwedeng magsalita si Chaji,para may napagkekwentuhan ako. Nahihiya kasi akong magkwento kina Aiko at Karissa,mga nagiging manok kasi pag kinilig. Okay din naman si Teban,dahil sa naging pag uusap namin kanina. Lalong hindi pwede kay Khaim,masasaktan sya.

Ang tagal ko ding nakatunganga,dumapa ako at niyakap si Chaji. Narinig kong bumukas ang pinto. Pumikit ako at nagkunwaring tulog. Naamoy ko agad ang halimuyak ng sabong ginagamit ko pang ligo.

Walangyang Chance! Ginamit ang sabon ko? Ma check nga yung sabon ko bukas baka natunaw na yon.

Binuka ko ng konti ang mga mata ko. Nagbibihis na ang gago,at talagang towel ko ang ginamit!! Wala ba syang dalang towel? Anong silbi ng bag nyang dala?

Boxer at sando lang ang suot nya. Naglakad sya palapit sa akin kaya pumikit ulit ako. Naramdaman kong dahan dahan nyang kinuha si Chaji sa akin.

Tama din muna 'to. Mananahimik muna ako. Bigla kong naisip yung kagagahan kong ginawa,sobrang nakakahiya pala talaga.

Gumalaw ang kama,nahiga siguro sya o umupo,hindi ko alam. Basta nagpipigil akong lingunin sya. Pero tungunu! Nagdidribol dribol na naman ang puso ko. Bakit kaya ganito pag malapit si Chance sa akin? Normal ba ito o sintomas na nagiging alien na din ako? Oh well,that means anak nga ako nina Mama at Papa,walang duda.

Nakatulog na din ako sa sobrang pagod. Nagising ako na umaga na pala at wala na din si Chance sa tabi ko. Agad akong bumangon at lumabas ng kwarto,naabutan ko si Chance na nanonood ng Tv.

Hindi ko muna sya pinansin. Dumiretso ako sa banyo para maghilamos at mag sipilyo. Nang matapos ay pumunta naman ako sa kusina,may mga pagkain na sa mesa at may sulat pa. Paniguradong kay Mama ito galing.

"Chance,kumain ka na ba?" ang tanong ko dito,tumango lang ang timawa at binalik agad ang tingin sa Tv.

Nagiging bipolar na naman sya. Hindi ko sya masisisi,iniisip nya siguro yung kahapon at nandiri sya,nawala siguro ang pagiging bastos nya dahil dun,narealized siguro nyang mali ang pagiging bastos nya sa bakla,dahil syempre sa akin. Paniguradong may mag iiba na naman.

Kumain na ako kahit pa nawala na ako sa mood dahil sa mga iniisip ko. Nakakainis,dati hindi ko naman iniisip ang mga ganito.

Pinatay ni Chance ang Tv saka tumayo at nilingon ako.

"Mag DoTa lang ako. Uuwi na din ako mamaya pagdating nina Tito at Tita." aniya,tumango ako at lumabas na sya.

Parang nanikip ang dibdib ko. Obligado syang manatili dahil kina Mama at Papa. Hindi ganito ang gusto kong mangyari sa amin ni Chance. Alam kong ako ang dahilan ng pagiging ganyan nya bigla. Sinabi naman nya kahapon diba? Na kung anong kulam ba daw ang ginamit ko sa kanya?

Jusme! Mukha ba akong mangkukulam? Sana naman kung may pinagdadaanan sya huwag nya akong idamay. Sana din pala hindi na kami naging okay para hindi umabot sa ganito. Mas gugustuhin kong nag aaway kami,kesa ganito bigla na parang ewan,okay nga kami,magkasama nga kami,pero parang ang layo nya naman.

Hayst! Kasalanan ko talaga ito eh! Sana pala pinigilan ko ang puso ko na mahalin sya,sana hindi ko na sya hinalikan at sinamantala.

My gowwd! Hindi ganito gusto ko?! Bakit nagiging madrama ang kwentong ito?! Dapat after this happy na ulit! Ayokong matulad kina Yuri,Yuweh,Lai,Lyle,Eiko,Meekz,lalong lalo na kay Winji na naging book pa ang story at pwede pang madownload sa playstore at iba pang beki characters sa wattpad na napraning dahil sa love! Happy na dapat ulit,okay?

This time papanindigan ko na,hindi ko na bibigyang pansin ang nararamdaman ko kay Chance. Pag hindi ako tumupad,ipakain nyo ako sa alaga ni Eiji na buwaya na si Bogart o ipadurog nyo mga buto ko sa alagang polar bear ni Keeyo na si Polar.

Kinabukasan,new day ito para sa akin,naka set na sa utak ko ang mga pinag isipan ko kahapon. No more love,no more drama!

Kahit hingal na hingal eh masaya akong nakarating sa room namin.

Pagpasok pa lang ay natawa na ako,halos lahat pala ay nangitim. Ayan kasi,magbabad ba naman sa pool? Ayan tuloy.

"Kiji! Bakla! Tingnan mo ang upuan mo!?" kilig na kilig na sabi ni Karissa.

"Dali! Kyaaahh! Dinaig mo pa kami!!" kinikilig ding dagdag ni Aiko kaya agad akong pumunta sa upuan ko.

May lunchbox at isang rosas. Agad kong naisip si Khaim,kaya lumingon ako sa paligid pero wala sya.

"Kanino galing to?" ang tanong ko naman. Nagkibit balikat lang ang dalawang bruha. "Wala man lang letter kung kanino galing."

"Yaan mo na,baka nahihiya pang magpakilala." sabi ni Aiko. Sakto dumating si Teban kasabay si Carlo,ang ingay lang ng dalawa.

Naupo na ako at ipinasok ko sa bag ang lunch box. Inamoy ko yung rose. Kanino kaya galing to? Malakas ang hinala ko na si Khaim ang may pakulo neto eh.

Hanggang sa magka sunod na dumating sina Khaim at Chance. Hindi ko muna sila pinansin dahil sa kabilang pinto naman pumasok ang first subject teacher namin.

Nang lunch na ay dumiretso na kami sa canteen. Nang maka order na ang lahat ay inilabas ko na ang lunch box.

"Nagbaon ka?" gulat na tanong ni Khaim. So,hindi sya?

"May nagbigay nyan sa kanya,hindi nagpakilala." ang pagsingit ni Aiko.

"Ang ganda ganda na kasi ng baklang yan,kaya may secret admirer na." dagdag pa ni Karissa,hindi nakakibo si Khaim. Si Chance naman ay pokerface na naman.

"Oh boy,masaya to dude!" ani Teban at humagikgik. Hinampas ko nga sa braso.

"Ano ba kayo. Huwag nyo ng pagchismisan kung sino ang nagbigay. Kumain na lang tayo." sabi kong ganyan. Pero ang totoo nyan ay napapa isip na din ako kung sino ang may pakana nito.

Kinabukasan naman,pagkadating palang sa room ay may tumawag ng babae sa akin,nasa labas sya ng room kaya lumabas ako at lumapit.

"Para sa lunch mo ulit." naka ngiting sabi nito at may iniabot na plastic bag na may mga lamang junkfoods.

"Teka teh. Kanino ba galing ang mga yan? Tanggap ako ng tanggap hindi ko naman kilala." pagpigil ko sa babae kasi aalis na sya dapat.

"Secret! Basta ning,ang swerte mo. Dinaig mo pa ang mga babae." anito at nanakbo na palayo.

Pumunta ako sa upuan ko at naupo. Tiningnan ko yung mga junkfoods. Napapaisip na talaga ako kung sino ang salarin.

"Mukhang hindi mo na kailangang gumastos pag lunch ah?" ani Chance at naupo na din.

"Ewan ko ba? Share na lang tayo ng tropa mamaya sa mga ito." sagot ko naman.

"Ayoko. Ubusin mo yan mag isa,tutal galing yan sa admirer mo." aniya,tumayo at lumapit kina Teban.

"May karibal na pala ako sa panliligaw sayo." ang biglang dating naman ni Khaim.

"Khaim.."

"I know,I know. Na gusto mong magkaibigan lang tayo kasi dun tayo tatagal. Kaya nga Im trying to divert my feelings. Naisip ko din kasi na tama ka." aniya at ngumiti. Sasagot na sana ulit ako pero dumating na ang teacher. Nanakbo si Chance pabalik sa upuan nya.

Nilingon ko si Khaim at nginitian. Sana makahanap na sya ng karapat dapat para sa kanya. Hindi para sa baklang gaya ko ang kagwapuhan at kabaitan nya,he deserves better than me.

Sunod naman ay kay Chance ako napatingin. Napabuntong hininga ako. Itong gagong to? Mawawala din ang pagmamahal ko sa kanya,tiwala lang!

"Anong tinitingin tingin mo? Hinahalay mo na naman ako sa isip mo? Hindi pa ba sapat yung mga nangyari,Kiji?" mahinang sabi ni Chance na sa teacher pa din nakatingin kaya nanlaki ang mga mata ko at napanganga ako.

"Sinasabi mo dyan? Tinitingnan ko lang ang tenga mo kung malinis ba!" mahina ko ding sabi pero may diin.

"Tigilan mo na ang pagpantasya sa akin,dun ka na sa manliligaw mong ayaw magpakilala."

下一章