webnovel

Daddy Lucas (Finale: Addy)

"Huy, boss. Mukhang may bago tayong kapitbahay 'no?" wika ni Wesley habang nag-aayos ng gamit. Kakagaling pa lamang nito mula sa University. "Nakita ko kasi 'yung katabing unit natin, may naglilipat eh."

"Ahh. Ganon ba?" at ipinagkipit-balikat na lamang niya ang sinabi ng kaibigan.

"Lucho pangalan, boss. Galing siyang America. Tapos may isang anak pero wala ng asawa. Parang namatay na yata kasi may nakita akong urn sa unit nila eh." wika pa nito habang ipinagpapatuloy ang pagbibihis.

"Alam mo ikaw, ang tsismoso mo ta--- ano ba 'yan, Wes! Ang baboy mo, may CR tayo oh, dun ka kaya magbihis." reklamo ni Addy.

"Sus. Ikaw naman. Naakit ka 'no? HAHA. Sige na, aminin mo na. HAHAHA." pero irap lang ang isinagot ni Addy kay Wesley. "Tsaka ano bang problema mo, parehas naman tayong may etits. Although hindi ka straight pero para na rin naman tayong magkapatid eh, diba?"

Anim na buwan matapos ang nangyare, ito na ang buhay ni Addy. Matapos niyang mapagpasyahang umalis sa apartment nila ni Lucas, dito siya napadpad, sa condominium unit ng isa niyang teammate na si Wesley. Si Wesley ang pinaka-kaclose nito sa team bagamat mas matanda ito ng isang taon sa kanya. Laking pasasalamat niya ng malaman niya agad na naghahanap si Wesley ng kahati sa renta sa unit kaya naman hindi na siya nahirapan pang maghanap. Maganda naman ang unit, maayos, at malinis. Isang sakay lamang ang layo mula sa university.

Hindi naging madali para kay Addy ang mga sumunod na araw matapos niyang personal na makita si Lucas na umalis. Sumikip ang dibdib niya habang pinapanuod na mawala sa kanyang paningin ang kaibigan niya na nakasama niya ng anim na buwan. Ngunit ganoon talaga, ang lahat ay may hangganan. Sobrang hirap din ng sitwasyon sa gym sa tuwing magsasabay ang practice ng basketball at volleyball team. Hindi maiwasang magkatagpo sila ni Ivan.

Sa gulo ng sitwasyong kanyang pinagdaanan, hindi niya batid kung siya ba ay okay na o siya'y nasanay na lamang. Ngunit sa totoo lamang, nakatulong si Wesley upang kahit papaano ay masimulan niya ang pagsulong muli sa hamon ng buhay. Alam ni Wesley ang lahat ng nangyari at nakasama niya ang binata sa bawat pagbebreakdown at pagbangon niya. Tila nakahanap siya ng kapatid sa katauhan ng kanyang kasangga, hindi lamang sa basketball, kung hindi sa maging sa buhay.

Isang hapon, mag-isa si Addy sa kanilang unit dahil umuwi ng probinsya si Wesley, napagpasyahan niyang lumabas at gumala sa kalapit na mall ng kanilang building. Kakatapos lang ng exams at pakiramdam niya ay deserve niya na kahit papaano eh uminom ng ilang bote ng beer. Ganoon nga ang kanyang ginawa. Hindi siya nahirapan dahil malapit sa kanila ang nasabing mall. Tinatahak na niya ang daan pabalik ng kanilang unit ng makita niya ang siang batang umiiyak sa harap ng katabi nilang unit. Minabuti niyang usisain at tanungin ang nangyare sa bata.

"My teacher asked us to go home early po. Pero sarado 'yung door at kanina pa po ako nakatayo dito. I'm also hungry but I don't know how to contact my daddy because I don't have a phone." pagmamaktol ng cute na bata.

"Ohh. I see. Gusto mo, sa unit muna kita? I have some foods there and I can also call your daddy." wika naman ni Addy.

"But Daddy told me not to talk to strangers." sagot naman nito na ikinatawa ni Addy.

"Okay. Your Daddy is right." umupo si Addy ka-level ng bata at ipinatong sa kanyang tabi ang mga ipinamili. "I'm Addy. I'm your neighbor, jan lang ako nakatira sa katabing unit niyo. May I know your name?"

"Lyle..." nahihiyang sagot ng bata.

Hindi nagtagal ay pumasok na sila sa kanyang unit at pinakain niya ang bata. Habang kumakain sila ay maraming naikwento sa kanya ang bata. Sila ay mula talaga sa America at doon siya isinilang. Siya ay nasa nanay niya dati at siya'y binibisita lamang ng kanyang Daddy. Ngunit pumanaw ang kanyang nanay dalawang taon na ang nakakalipas dahil sa isang aksidente kaya naman napapunta siya sa kustodiya ng kanyang daddy. Nitong isang buwan ay naisipan daw ng kanyang daddy na umuwi dito sa Pilipinas at dito na lamang sila manirahan. Noong ikalawang linggo lamang sila dumating at nahanap kaagad ng daddy niya ang unit na ito. Ini-enroll din siya sa hindi naman kalayuang private school dito rin sa siyudad.

***

"Lyle... Lyle? Oh shit, Lyleeee!" at biglang kumaripas ng takbo ang bata upang salubungin ang kanyang ama. "Sorry, baby. I didn't know na maaga ka pala uuwi today."

"It's okay daddy. Kuya Addy took care of me while you're still not here. He even gave me food." at dumako ang mata ni Lucho kay Addy.

"Ahhh. Hey... umm... ano...gusto ko lang magpasalamat for looking after my son. Hindi ko kasi talaga alam eh. Wala din naman kasing phone 'to si Lucho kasi baka mawili sa mga online stuffs but I guess, I need to buy him na. Pero seryoso, salamat ha." hindi alam ni Addy kung bakit hindi siya kaagad nakasagot pero ng mapansing medyo nagtataka ang bisita, minadali niyang ayusin ang sarili at kaagad siyang sumagot.

"Gusto niyo dito na kayo kumain? I prepared some foods eh, actually medyo madami so, siguro dito na lang kayo mag-dinner?" pag-aaya ni Addy.

"Nako, hindi na. Masayado ka na naming naabala. Magpapadeliver na lang si---"

"Aiiisssht. I insist. HAHA. Isa pa, mas healthy 'tong pineprepare ko kesa sa mga foods sa fast food chain 'no. Haha." sagot ni Addy.

"Kaso baka.... kulang sa inyo 'yan nung housemate mo?" nag-aalangang sagot ni Lucho.

"Nako, si Wes ba? Wala siya dito. Sa makalawa pa balik non. Umuwi ng probinsya. Ano? Dito na kayo kumain!" pang-aaya ni Addy.

"Si... sige."

***

Ang simpleng pakiki-kainan ay nauwi sa pag-iinuman. Dahil dito mas nakilala nila ang isa't isa. Nalaman ni Addy ang tungkol sa buhay ni Lucho. Na aksidente nitong nabuntis ang mommy ni Lyle sa America, isa ring Filipina ngunit kaya sila hindi nagsasama ay sa kadahilanang hindi matanggap ng mommy ni Lyle na bisexual siya dahil sa pagiging relihiyoso nito. Makasalanan ang tingin nito at ng pamilya niya sa kanya kaya minabuti na lang nilang hindi magsama. Nalaman din niyang 36 years old na ito pero wala sa hitsura. Halata mong naalagaan ang pangangatawan at maganda ang tindigan. Ganoon din naman si Lucho. Marami siyang nalaman kay Addy. Dito nagismula ang kanilang pagkakaibigan na hindi nila napansin, sa paglipas ng panahon, ay umusbong ang pagtitinginang higit pa sa magkaibigan. Lumipas ang mga linggo at buwan at mas lalo pa silang naging malapit sa isa't isa. Wala ding problema sa anak ni Lucho ang palaging pagbobonding nila kasama ang kapitbahay. Hanggang sa isang gabi, habang umiinom sila sa unit ni Lucho.

"Ahhhh, Addy. M... may sasabihin ako." paglalakas loob ni Lucho. "Hi... hindi ko alam kung tama ba 'tong gagawin ko o kung anong magiging reaksyon mo pagkatapos mo itong marinig pero nagdesisyon na akong sabihin sa'yo kasi ang hirap nang itago."

Napalunok ng laway si Addy. Hindi niya alam kung anong irereact. Ang alam niya lang, bumibilis ang tibok ng puso niya. Huli niya itong naramdaman nung nagtapat sa kanya si... si Ivan.

"Ewan ko kung maniniwala ka pero... pero parang gusto na yata kita? Mali. Hindi yata. Gusto na talaga kita." napatayo si Lucho mula sa pagkakaupo. "Ewan ko eh. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung paano nagsimula, kung anong nag-udyok. Basta isang araw... ano... gumising na lang ako na excited kang makita, na gusto kita palagi kasama. Noong una, dinedeny ko kasi parang ang all of a sudden pero habang ibinabaon ko sa puso ko, mas lalong lumalakas eh."

Nagkatinginan lang sila. Hindi maialis ni Lucho ang tingin kay Addy at si Addy naman ay tila na-estatwa sa narinig.

"Aish. Fuck. Sinabi ko ng aba. Sorry. Sorry, kalimutan mo na lang. Alam k---"

"Gusto na din kita."

"A.... anong sinabi mo?"

***

Hindi akalain ni Addy na muli niyang mararamdaman ang ganitong klaseng pagmamahal. Akala niya ay matatagalan bago niya muling buksan ang kanyang puso pero heto, may isang tao muli siyang pinapasok sa buhay niya. Akala din niya magiging kumplikado dahil may anak si Lucho ngunit naintindihan nito ang sitwasyon. Tunay ngang magandang pakikipag-usap at ugnayan lamang ang kailangan upang masolusyunan ang maraming bagay.

Bago umuwi ng araw na iyon ay hindi niya alam kung bakit hinihila siya ng kanyang mga paa patungong simbahan. Pagpasok na pagpasok pa lamang niya ng simbahan ay nakita niya ang postura ng isang lalaking nakatayo sa harapan ng tirikan ng mga kandila. Alam niya kung sino ang taong iyon dahil minsan din niyang itinatak sa isip ang lahat lahat ng tungkol sa taong iyon. Napatigil siya sa harap ng simbahan, at lumingon sa altar.

"Lord, may gusto ka bang sabihin sa'kin? Ito na ba 'yon?" pagkatapos nito'y muli niyang nilingon ang lalaki at tila ito'y nahihirapan, may pinagdadaanan.

Iyon na ang naging hudyat upang lapitan niya ito.

"A...Addy?" nakita niyang pinunasan nito ang mga luhang nag-uunahang pumatak sa mga pisngi nito. "A...anong ginagawa mo dito?"

"Wala. HAHA. Bakit? Gusto ko lang pumunta dito sa simbahan kasi kapag nandito ako feeling ko safe ako eh, parang may peace of mind." sagot naman ni Addy. "Kumusta ka na?"

"Heto... kinakaya naman ang buhay. Ikaw? Pa-third year ka na diba? Bilis lang ng panahon ah." oo, pa-third year na si Addy. Mahigit isang taon na din ang nakalipas simula noong mga nangyare sa kanila.

"Oo nga eh." maya-maya ay biglang tumunog ang cellphone ni Addy at may kinausap. Mukhang kailangan na niyang umalis. "Sorry ha? Urgent lang sa school. Kailangan ko na agad umalis." Isang makahulugang ngiti lang ang isinagot ni Ivan at matapos ay muli itong humarap sa imahe sa harap ng tirikan ng mga kandila. Aalis n asana siya ngunit ewan ba niya kung bakit pakiramdam niya ay may kailangan siyang sabihin.

"Masaya akong nakita ka ulit. Okay na ako. Napatawad na kita. Sana napatawad mo na din ako. Kung ano man 'yang hinihiling mo sa Diyos, hiling ko na sana pakinggan niya. Malalagpasan mo rin 'yan. Babalik din ang masasayang araw. Deserve mong maging masaya. Tiwala lang."

***

"Hello, baby? Heto na pauwi na ako. Ano bang urgent itong sinasabi mo?" pagtatanong ni Addy.

"Tulungan mo naman akong mag-ayos, baby. Aayusin natin 'yung kwarto nitong malikot na bata. Sa kwarto muna natin siya matutulog." sagot ni Lucho sa telepono.

"Ha? Teka, bakit?" pagtataka ni Addy.

"Biglaan din kasi eh. 'Yung kuya kong kinekwento ko sa'yo? Nagpasabi na makikituloy muna daw siya sa unit ko ng kahit dalawang linggo. May aasikasuhin langd aw siya sa main office nila. Eh pumayag na ako, isa pa... ang tagal na rin naming hindi nagkikita. Miss ko na 'yon eh."

"Ahhh, ehh sige, ikaw bahala."

Hindi nagtagal ay dumating na si Addy sa unit at nag-umpisa na silang mag-ayos. Nag-lipat na sila ng kanilang mga gamit at inihanda ang kwarto na tutuluyan ng kapatid ni Lucho. Hindi nagtagal ay natapos rin sila. Kapwa sila pawisan at napahiga na lang sa sahig. Saglit silang nagkatinginan at nagkatawanan.

"Excited na akong ipakilala sa Kuya ko, baby." malambing na wika ni Lucho.

"Talaga ba? Ako... kinakabahan ih. Tingin mo magugustuhan niya ako?" nag-aalangang sagot ni Addy.

"Oo naman 'no. Wala kang dapat ipag-alala. Mabuti kang tao, Addy. Wala kang dapat ipag-alala." napangiti na lang si Addy.

"Ay oo ng apala, baby. Kanina, nung tumawag ka nasa simbahan ako. At... nakita ko 'yung ex kong kinekwento ko sa'yo... si Ivan."

"Oh? Anong nangyare? Nag-usap ba kayo?"

"Hmmm. Konti lang. Medyo nag-aalala nga ako kasi mukhang may pinagdadaanan siya nung nakita ko siya sa tirikan ng mga kandila. Umiiyak. Hindi ko naman na tinanong kasi... it doesn't feel right eh. Pero ano... pinatawad ko na siya." nakangiting banggit ni Addy. "Wala, feeling ko kasi 'yun na lang 'yung pwede kong itulong sa kanya. Kung titingnan, parang ang bigat bigat ng pinagdadaanan niya and I think makakatulong kung 'yung issue niya sa ibang bagay, issue niya sa'min eh magkakaroon na ng closure."

"Ang swerte ko talaga sa'yo, baby. Pogi na, mabait pa." sagot ni Lucho.

"Bolero." sagot ni Addy. "Pero seryoso, baby. Ang sarap pa lang magpatawad 'no? I mean, ang sarap magpatawad hindi dahil kinailangan mo, pero dahil ready ka na. It really amazes me how time can heal all wounds na akala natin dati wala ng katapusan 'yung sakit? And siguro gift ko na rin sa sarili ko. Ang hirap magmove forward kapag mabigat 'yung mga dala-dala mo. Dadating at dadating ka rin pala sa puntong mararamdaman mong kaya ng maglet-go ng sarili mo sa mga bagay na akala mo, hindi na mawawala sa'yo. Yes, it takes time pero dumadating siya sa bawat tao sa kanya kanya nitong tamang oras."

Nasa ganoon silang sitwasyon ng biglang tumunog ang doorbell. Pareho silang napabalikwas. Dali-daling pumunta si Lucho sa pintuan at pinagbuksan ang pinto.

"Kuya Lucas!"

***

Si Addy ang halimbawa ng isang tao na nagkamali, nasaktan at muling nakabangon. Sa panahong tayo'y lugmok at may pinagdadaanan, parang ang hirap paniwalaan na balang araw, sasaya ulit tayo. Parang ang hirap maniwalang makakaahon pa tayo kasi hindi na natin makita kung paano. Nabulagan na tayo ng sakit at galit kaya hindi na natin makita ang daan palabas. Pero ipinapaalala sa atin ni Addy na deserve nating maging masaya. Oo, minsan, nakakagawa tayo ng mga bagay bagay na parang nag-aalis sa karapatan nating maging masaya pero hindi naman tayo ang mga pagkakamali natin. Ang pagkakamali natin ay mga aksyon, at kailanman, ang pagkakamali ay hindi isang tao. Oo nagkakamali ka, pero hindi ka maling tao.

Ang pagpapatawad ay pagpapalaya. Sa pamamagitan ng pagpapatawad, pinapalaya mo ang lahat ng sakit at galit na naipon sa puso mo. Pero ako, naniniwala naman ako na hindi naman masama ang magalit. Emosyon iyan. At iyan ang dahilan kung bakit tayo tao. Ngunit kagaya ng mga gamot, ang lahat ng emosyon ay healthy hanggang hindi pa ito na-eexpired. May takdang panahon lamang kung hanggang kailan magiging healthy ang mga emosyong ito dahil kapag ito ay na-expire, kagaya din ng mga gamot, ito ay nagiging toxic, nakakalason.

Sabi nga nila, madali ang maghiganti kapag nasaktan ka. Kaya i-try naman natin 'yung mas mahirap, 'yung mas challenging, i-try nating magpatawad. Ngunit ang pagpapatawad ay hindi minamadali. Forgive at your own pace. Hindi ito obligasyon,

At kung akala natin ay itinodo na ng buhay ang kanyang mga pasabog sa atin, nagkakamali tayo. Matatapos mo lang ang isang problema pero hindi ibig sabihin non ay magiging magaan na. Hindi natin maintindihan kung minsan kung bakit may kailangang bumalik, kung bakit may kailangang dumating. Ang tanging magagawa lang natin ay maging matapang at gamitin ang mga natutunan natin sa nakaraan upang mas maging matalino sa pagharap sa hamon ng kasalukuyan.

Mapagpalayang Araw!

下一章