webnovel

PROLOGUE

This is a work of fiction.Pure imagination,even the names and certain events that you might have seen already.Again,this is my pure imagination.

Feel free to give me a comment,a vote,and a share.

P.s: Errors ahead.

Panimula

"Nov,nasaan ka na ba?Magsisimula na ang laro ni Cliff!"bungad sa akin ni Clarisse nang tawagan ko ito.

I sighed as I pack my things inside my bag.

Nilagay ko din doon ang mga device na kakailanganin ko para sa klase ko mamaya.

"Papunta na ako."kinuha ko na ang aking gamit at lumabas na ng kwarto.

Nadatnan ko naman si mommy na abala sa mga papel na nasa lamesa sa salas.May kape din doon,sigarilyo,at alak.She looks so wasted and frustrated.

"Mom, I'm going."lapit ko sakanya saka dinampot ang ilang upos ng sigarilyo sa lamesa at ang dalawang bote ng alak.

Tinignan nya ako saglit bago tumango at nagpaka abala na uli sa ginagawa.Dinala ko naman na ang kalat nya sa aming kusina bago ako tuluyang umalis ng aming tahimik na bahay.

Nilakad ko ang palabas ng aming village para doon maghintay ng bus.Ilang minuto lang naman ay may dumating na kaya agad akong sumakay doon.

"Damn life,huh."umiling ako at nakipagsiksikan sa loob ng bus na punong-puno.Wala akong magagawa kundi ang tumayo ng thirty minutes or else ay hindi ako makakapunta sa klase at laro ng aking kaibigan.

Umandar na ang bus at saglit uling tumigil nang may sumakay pa na pasahero.

Rinig na rinig na ang angal ng ilang pasahero dahil sobrang sikip na nga ay dagdag pa ng dagdag ng pasahero!

"Baka gusto nyang sumakay na tayo sa lagayan ng bag!"

Gusto kong matawa dahil sa sinabi ng matandang babae pero pinili ko nalang manahimik dahil baka madamay pa ako sa init ng ulo nito.

"Nako,lola,ayos lang naman na pasakayin ang ganyan kakisig na pasahero!"sabi naman ng katabi nitong babae na medyo bata pa kaya napalingon ako sa tinitignan ng mga ito.

Nangunot ang noo ko nang makita ang matangkad na lalake na kakasakay lang at nakatayo lang din.Sobrang seryoso nito at nakatitig sa akin na akala mo ay hindi ako aware sa titig nya!

Nakasuot ito ng itim na maong jacket na may white vneck shirt sa loob.Naka pantalon itong kulay itim at high cut na sapatos na itim rin.Katamtaman ang haba ng buhok nito na jet black.

Napunta ang tingin ko sa kanyang itim na itim na makakapal na kilay.Ang mata nito ay itim na may pagka kulay abo.Masyadong lubog ang mata nya.Kitang-kita ang kulay ng mga ito.Ang ilong naman nito ay saktong sakto ang tangos at ang kanyang labi ay kurbado din at at maninipis lang.Pulang pula ang mga ito na para bang nakipag halikan sa babaeng may makapal na lipstick!Ang hugis naman ng kanyang mukha ay panglalaki talaga.The jaw line are perfect—

"Why are you staring at me?"natigil ang pagsuri ko sakanya nang nasa harap ko na pala sya nakatayo!

Gulat na gulat ako sa napakabilis  nyang paglapit at napanganga pa  kaya hindi ako nakaimik.

"B-but...you were there..."

"San Lazaro College!Meron ba?!"biglang sigaw ng kundoktor kaya doon ako napatigin at umiling saka lumayo sa weird na lalake na ito.

"Baka naging abala lang ako."bulong ko."By the way,you were the one who stares at me first!"bulyaw ko dito saka umirap at nagmamadaling bumaba na ng bus.

Muli kong nilingon ang bus at nakitang nakatingin parin sa akin ang lalake nang may pagtataka hanggang sa tuluyan nang makalayo ang bus.

"That was weird."usal ko saka sinilip ang oras.

Simula na ng laro ni Cliff! It's already 6:30 at kanina pa iyon nagsimula panigurado.May klase pa ako nang alas otso hanggang alas dies kaya kaylangan kong magmabilis!

Saktong pasok ko sa gate ng school ay bumuhos na ang napakalakas na uli kaya napairap nalang ako at tumakbo sa hallway kung saan may bubong.Agad kong pinunasan ang aking katawan na nabasa na saka ako nagmadali na dumeretso sa gymnasium na malayo palang ay rinig na ang sigawan kahit napakalakas ng ulan.

"Go,Lopez!"una kong narinig na sigaw ng mga tao para kay Cliff nang makapasok ako ng tuluyan.

Saglit kong pinunasan uli ang aking braso at ulo bago tinahak ang daan papunta sa malapit sa court at maya't maya na ang sulyap sa akin ng mga kapwa estudyante ko.Siguro ay mga nagtataka kung bakit ngayon lang ako at basang basa pa.

"Another three for The Beast!"anunsyo ng barker matapos makashoot ni Cliff.

Umiling ako at napangiti dahil wala syang kupas.

"Nov,here!"binalingan ko si Miguel na nasa bench kasama ang mga kaibigan namin kaya doon ako nagmamabilis na lumapit.

"Oh my!What happened to you?"gulat na tanong ni Clarisse at agad kinuha ang kanyang panyo sa bulsa at pinunas sa akin.

"Thank you."saad ko at kinuha na sakanya ang pamunas."Medyo natagalan at nagligpit pa ng kalat ni mommy."ngumiwi ako at tumango naman sya.

"Maupo ka na para makapagpahinga ka."

"Uh...patapos na?"tanong ko at naupo na.

"Nako,girl,three minutes nalang!Pero okay na yan at least kumpleto na tayo."si Basha naman.

"Galing,pare!"salubong nila Ethan at Jigs kay Cliff nang mag time out ang kabilang team.

Friendly match kasi ito against na kabilang school.

"Thanks,bro!"nakipag fist bump dito si Cliff saka ako sinulyapan at tanging tango ang ginawad sa akin bago ako sinuro ng tingin.

"Kaunti nalang at panalo nanaman!"si Lauren ay nakipag apir dito kaya dito na bumaling si Cliff.

"Another win for the San Lazaro College's Tornadoes!"anunsyo uli ng barker nang matapos ang laro at manalo ng aming basketball team.

Nabuo ang sigawan at selebrasyon sa court kaya lumabas na ako sa kumpol ng tao doon at pumunta na sa bench para kuhanin ang mga gamit ko dahil magsisimula na ang klase ko na pang gabi.

"Bakit basang-basa ka?"binalutan ako ni Cliff ng isang malaking towel kaya nilingon ko sya at tinanguhan.

"Biglang umulan nang papasok na ako."tipid kong sagot saka pinunas sa buhok ko ang towel.

Tumango naman sya saka ako muling pinagmasdan.

"I have an extra shirt in my locker.You can use that."he offered na agad ko namang inilingan at nangunot naman ang noo nya."Are you still avoiding me?"bigla nyang hinawakan ang palapulsuhan ko kaya kinabahan ako at mabilis iyong inalis bago pa kami makita ng iba at kung ano nanaman ang isipin sa aming dalawa.

Malinaw sa akin na matalik na magkaibigan lang kami mula bata.Akala ko din ay malinaw din sakanya iyon pero nitong mag college na kami ay biglang nag iba ang pakikitungo nya sa akin.Masyado na syang over protective at nakakasakal iyon dahil kaibigan lang ang tingin ko sakanya.

Aware naman ako sa feelings nya na never nyang inamin.

"Ikinakahiya mo na ba ako?Dahil ba sinuntok ko ang manliligaw mo?"he smirks.Seems so proud of himself.

Tinitigan ko sya bago ko dahan dahang inalis ang towel sa aking balikat at marahang binalik iyon sakanya.

"Dahil ayaw ko na kung ano ang iniisip sa atin ng iba.I made myself clear from the very beginning of this stupidity of yours,Clifford."deretsahan kong sagot pero nagkibit balikat lang sya.

"Doon din ang punta natin—"

"We're just friends and we'll stay that way."paglilinaw ko kaya tumango sya pero parang hindi naman sya nakikinig sa akin kaya bumuntong hininga akonat di na umimik dahil dumating na ang ilang kaibigan namin.

"Paalis ka na agad?"tanong ni Clarisse.Tumango ako at sinabit na sa aking balikat ang aking bag.

"May klase na ako."tipid kong sagot kaya kahit nagtataka ay tumango sila.

"Dumeretso ka sa dorm namin mamaya ha!Inuman daw!"si Miguel naman na tinanguhan ko lang din saka ako tuluyang umalis at iniwan silang nagtataka sa gym.

"So today, we'll identify wich is the good and the bad between these two bacterias."pag iinstruct ng aming propesor kaya kumilos na kaming magkakaklase.

Suot ang aming lab gown,gloves, at mask ay nag umpisa na kaming sumilip sa aming microscope.

"Huy,totoo ngang nanliligaw palang sayo si Cliff?Akala ko kayo na?"biglang bulong sa akin ni Gigi kaya kunot noo ko syang binalingan at tinaasan ng isang kilay .

"And where did you get that stupid news?"masungit kong tanong.She shrugged and flipped her long,black,wavy shiny hair.

"Kalat naman sa buong campus iyon.So ano nga?"pag usisa nanaman nya na inilingan ko.

"Santos and Matozzi, care to share?"tanong ng aming propesor kaya napairap ako kay Santos saka bumaling sa aming prof.

Natahimik ang lahat at napatingin sa amin nang may pagtataka.

"Not so important,Ma'am.She's just scooping news about my relationship with Lopez.The news is still fake as it is,Ma'am."pag amin ko kaya nagkabulungan ang buong klase at si Gigi naman ay napayuko nalang sa kahihiyan.

Estupida.

Alas dies nang matapos ang aking klase at gaya ng sabi ni Miguel kanina ay pumunta nga ako sa dorm nila.

"Kahit isang shot!"si Lauren na kanina pa ako pilit na pinapainom.Umiling lang uli ako at hinayaan na sila doon.

Si Cliff naman ay tahimik na nakikipag inuman habang nasa tabi ko.

Nang mag alas onse na ay tumayo na ako kaya gulat na gulat silang napalingon sa akin.

"Seriously,may boyfriend ka na ano?Kaya puro tanggi kana?"napipikon na puna sa akin ni Lauren.Pinaningkitan ko lang sya ng mata.

"I'll send you home."biglang tayo din ni Cliff.Tinitigan ko sya saka umiling.

"I'll let you if you're not yet drunk but you are.Thanks for the offer."sagot ko at hindi naman na sya nakaangal maging ang ilang kasamahan namin.

Sa halip na umuwi na ay pumasok muna ako sa isang coffee shop na madalas kong puntahan pag may pang gabi ako na klase.Inuubos ko ang aking oras sa paghihintay dito kay daddy na lumabas sana sa mansyon nya na nakatayo sa tapat ng shop na ito.

Sa ilang beses na pagpunta ko ay dalwang beses ko palang sya nakikita.Lagi pang kasama ang bagong asawa.That shit hurts though.

Nang lumagpas na ang oras na palugit ko sa aking sarili ay umalis na ako sa shop at saktong ulan nanaman!

"Seriously?!"inis ko nang bulong saka sinugod ang ulanan papunta sa bus station.

Nakarating ako sa side walk at tumigil nang mag red light nang patawid na sana ako sa pedestrian lane.

May tumayo sa tabi ko at hindi ko na pinansin iyon dahil nanginginig na ako sa lamig!Wala manlang akong payong!

"Hindi ba talaga uso sa mga tao ang pag iingat?"biglang salita ng aking katabi kaya kunot noo ko syang tinignan.

Nagulat ako dahil sya yung makisig na lalake na nakasabay ko kanina sa bus!Hindi lang iyon ang nakapag pagulat sa akin,dahil kahit sobrang lakas ng ulan at wala din syang payong ay tuyong tuyo sya at tila hindi nababasa!

"H-how..."

"Tsk!Minsan matuto din kayong alagaan ang sarili nyo!"bwelta nya saka naglakad sa gitna ng kalsada.

"T-teka!"pigil ko sakanya pero huli na at nasagasaan na sya ng ten wheeler truck!

It's because the light is still on red!

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko at nagkagulo naman na ang lahat ng sasakyan sa kalsada at nagbabaan para makitulong sa malakas na pagkakabangga doon sa lalake.

Hindi ko alam ang iisipin ko nang isigaw ng nakabangga na...

"Wala dito yung nabangga ko!"

What the hell?!

下一章