Sa pangatlong pagkakataon muling isinigaw nya ang pangalan ko kasama ng isang malutong na mura. "Lance fucking Eugenio!!." sabay na ng mga yabag nyang alam kong patungo na sa silid ng bata. Daniel suddenly cried loudly. Pati rin sya, natakot sa galit na boses ng kanyang Tito.
"Anong ginagawa mo dito?. P*tangina ka!." agad kong tinago sina Joyce sa likod nang pasugod na sya sakin. Sa isip ko. Hindi ako iilag. Hindi rin ako manonood lang. Handa na akong gawin ang lahat. Maprotektahan lang ang meron ako. Pagod na ako sa kabaliwan nya. Pagod na kami. Wag sana nyang idamay pa ang bata dahil wala na itong kinalaman sa lahat.
"Lance!?." umiiyak nang sigaw ni Joyce sa pangalan ko dahil hindi ko talaga iniwasan ang parating na suntok nya. Agad akong bumulagta sa sahig. Sandaling nahilo dahil sa lakas ng suntok nito. Maraming suntok ang pinakawalan nya ng sugurin ako maging sa sahig. Pinunasan ko lang ang tubig na nasa gilid ng labi ko. Di ko na alintana kung laway ba ang nasa labi ko o dugo. Napilitan itong tumayo ng hilahin sya ng malakas ni Rozen paalis sa katawan ko.
"Damn it Ryle!.." gigil na pigil sakanya ni Rozen. Subalit mas malakas ito sa kapatid. Ganun talaga kapag galit. Malakas ang tao.
"Walanghiya ka!.." mariin nya pa akong dinuro nang hulihin muli ni Rozen ang mga kamay nya upang pigilan sa muling pagsugod sa akin. Iwinasiwas ko pa ang ulo. Nahilo talaga ako. Kingina!
"Kuya tama na.." si Joyce ito. Yakap yakap si Daniel na umaatungal na.
"Isa ka pa!?. Walang utang na loob!." dinuro nya rin si Joyce kaya agad akong humarang sa pagitan ng daliri nya't kapatid nya.
"Pwede ba Ryle?." nakapikit kong saad. Huminto ako upang makapag-isip ng sasabihin. "Walang ibang walanghiya rito kundi ikaw." pagkatapos ay dumilat na ako. Puno ng apoy ng galit ang kanyang mga mata ng matanaw ko.
"Hindi ko kailangan ng opinyon mo!." sigaw nya sakin. Sa ikalawang pagkakataon. Di na sya napigilan pa ni Rozen. Sumugod na muli ito. Naubos na rin ang pisi ng pasensya na dala ko kaya sinugod ko na rin sya. "Mamatay ka na!." gigil na asik ni Ryle kasabay ng malalakas nyang mga suntok. Tumama ang lahat ng iyon. Sa baba. Sa panga. Sa kanang mata. Sa may ibaba ng kaliwang tainga. Sa may kilay. Lahat na yata ng parte ng ulo ko. May tama. Syempre. Hindi rin ako nagpabaya. Sa ibabang bahagi naman ako tumira. Paulit-ulit ko syang sinuntok sa sikmura. Pagkatapos sa gitna ng kanyang mga hita. Bulagta! Namilipit sa sakit na kanyang natamo.
"Wala kang kwentang kapatid!. Walanghiya ka Ryle!. Walanghiya!." sa pagitan ng paghahabol ko ng hininga ito sinambit. Pareho na kaming nakahiga sa sahig. Rozen is not here anymore. Ganun din ang mag-ina ng pasadahan ko ng tingin ang buong silid.
Walang imik ang taong nakahilata sa sahig. Humihinga pa naman sya. "Hindi mo kailangan ng opinyon ko pero bakit kinukulong mo ang pagmamay-ari ko?. Maawa ka naman sa buhay na gusto ni Joyce, Ryle. Hindi mo lang sinayang ang panahon at oras para sa sarili nya. Kinuha mo pa maging ang karapatan nyang pumili at mamili."
"Wala kang alam!." galit pa nyang sagot. Aba! May mukha pa syang magsalita?. Ano kayang alam nyang hindi ko pa alam?.
"You hide her from me right?. Bakit?. Dahil ayaw mong sumaya kami?. Ako?. Hindi ba selfish ang tawag sa ginawa mo?. Bakit kailangang sya ang magdusa sa sarili mong problema?. Walang ibang ginawa sa'yo ang kapatid mo kundi mahalin ka ng higit pa sa sarili nya. Kinalimutan pa nga nya ang maging masaya para lang mapasaya ka. Alam mo ba ang bagay na yun?."
"Wala akong ibang hinangad kundi ang mapabuti sya. Wala sa isip ko ang magdusa sya.." he said it calmly now.
Marahan akong tumayo. "Ngunit ibang paraan ang ginamit mo?. Kahit saang anggulo mo na tignan ngayon. Nagdusa pa rin ang kapatid mo sa kamay mo at sa paraang naisip mo."
Tinignan ko sya sa gilid ng mata ko. Nakaupo na ito. Nakayuko habang hawak ng dalawang kamay nya ang likod ng kanyang ulo. "Tapusin mo na ang larong ito, Ryle. Maawa ka sa sarili mo." I didn't mean to hurt him the way he thinks but it turns out like that. Agad nag-angat ang kanyang ulo saka sinugod muli ako patalikod. Di ko iyon inasahan. Hinila nya ang braso ko saka sinakmal ang leeg ko. Tapos tinulak ng malakas upang masandal ako sa malamig na pader. Duon nya ako pinadausdos pataas. Humigpit pa ang hawak sa leeg ko.
"Anong tingin mo sa akin ha?. Tanga!?. Bobo!. Hindi mo ba ako nakikita ngayon?. Hindi ako naglalaro. Gusto ko talagang itago ang kapatid ko sa isang lalaking katulad mo?. Walang ibang pwedeng makasama ang kapatid ko kundi ako lang!."
Baliw na sya! Baliw na ngang talaga!. Sya lang daw ang makakasama ng kapatid nya habang buhay?. Kingwa! Sino ba sya?. Hindi ba nya naisip ang lumalabas na salita sa kanyang labi?. I pity him for acting this way! Tama nga si Rozen. He needs help as much as possible dahil hindi na maganda ang takbo ng utak nya.
Umubo ako. Pilit nanlalaban sa buhay na meron ako. Kingwang Rozen! Nasaan ka na!?. Ito na yata ang katapusan ko!. Hawak na ng dalawang kamay ko ang kamay nyang nasa leeg ko. Pilit humihinga kahit nahihirapan na.
"Walang ibang karapat-dapat sa kapatid ko kundi ako lang.."
"Baliw.." sa kabila ng paghihirap kong huminga. Nasabi ko pa ito. Lalo tuloy nyang hinigpitan ang hawak sa leeg ko. Kumakawag na ang mga paa. Pilit syang inaabot. Dahil hula ko, ileang sandali nalang. Baka hindi ko na kayanin pa ang lumaban. Joyce! Be happy. Rozen, fuck off!. Nasaan ka na?..
Damn! Bakit umiiyak na ako!. Hindi ko na talaga kaya!
Humihiling na ako.
Ten seconds. Piliin mo sanang maging masaya kahit may kulang na sa'yo mahal kong asawa. Mawala man ako sa mundo. Piliin mong maging matapang para sa anak ko.
Limang segundo. Unti unti ng bumibilis ang paghinga ko. Nanlalabo na rin ang paningin ko. Hindi na sya maaninag. Kahit ang mga sinasabi nya. Di ko na maintindihan.
Isang mabigat at mahabang hininga na ang ginawa ko.
"Kuya! Oh my God! Lance!!." sigaw na ni Joyce na malakas ang narinig ko.
That time. Nagdilim na ang lahat sa paningin ko.
Katapusan ko na ba talaga?.