Pagkaalis ko ng bahay. Traffic agad ang sumalubong sakin. Ayoko sanang gamitin itong sasakyan ni Papa kaso pinilit nya talaga. Ang sabi pa nya. "Para may rason kang umuwi ng maaga." Iyan ang pinakadiinan nya kaninang pag-alis ko. I just nodded at him with a half smile. "This is now a warning hija. Kung di ka magtitino dito. Babalik tayo ng Cagayan.." habol pa nya. Sumaludo ako sa kanya at nagpalipad ng isang matamis na halik. "Don't worry Papa. I'm a good girl now.." hirit ko kasabay na ng pagtalikod sa kanya.
Alam ko naman ang lahat ng ginagawa ko. Why is he so worried?. Wala na ba syang tiwala sa akin?. Sa akin na anak nya?. Nakakatampo naman.
But of course I'm not blaming him or anyone else. Sadyang di ko lang maiwasan ang magtampo sapagkat pakiramdam ko, masyado na akong nasasakal sa mga paalala nila. Kuha ko naman ang punto nila. Pero bakit hindi nila makuha ang point ko?. Bakit di nila maintindihan na tao lang din ako. Nagkakamali. Sumusubok muli. Bumabangon tapos lalaban muli. Bakit hindi nila makuha ang simpleng bagay na iyon?.
"Babe, nasaan ka na?.." tumawag na si Lance ngunit nasa gitna pa rin ako ng hindi umuusad na traffic.
"Kalsada pa rin babe. Ikaw?.." I asked back while letting my frustrations go.
"Andito na ako kanina pa pero bakit parang hindi ka okay?. May nangyari ba?.."
"Wala naman. Sobrang traffic lang kasi. Di ako makausad. Baka naiinip na kayo dyan.." ayokong sabihin yung tungkol sa pinagtalunan namin ni papa. Nakakahiya masyado. Atsaka, alam kong hindi lang naman si Lance ang may kasalanan noon. Ako rin naman. Kasalanan naming dalawa dahil masyado kaming nagpabaya. Lubos ang naging saya namin na sa puntong iyon ay mali na pala.
"Actually, ako lang ang andito.."
"Ha?. Bakit?. Si Bamby, ayaw nya bang sumama?.." diretso kong himig.
"Hindi sa ayaw nya babe. Alam mo naman na yun, laging abala sa taong bukambibig nya. Puro Jaden ng Jaden. Naiirita na ako.."
"Ano ka ba babe. Normal lang iyon sa mga babae.."
"Bakit babe, ganun ka din ba pagdating sa akin?.."
"Of course. Sa gwapo mong yan, sinong di mababaliw sa'yo.." I just smirked knowing what I've just said.
"Nambola na naman ang mahal ko. Bilisan mo na nga. Gusto na kitang yakapin at halikan.."
"Matuto dapat tayong maghintay babe.. hahaha.." biro ko.
"Yeah, sure. Maghihintay ako kahit gaano ka pa katagal dumating.."
"Seryoso ka?. Paano kung di ako dumating?.."
"Hihintayin pa rin kita syempre. Teka. Bat ba iba na yang sinasabi mo. Wala namang ganyanan babe.."
"Just in case lang naman babe. Ikaw talaga. Eto, umuusad na ako. Hay salamat. Wait me there okay?.."
"Yes boss. Drive safely. Mahal kita."
"Hmm.. Mahal din kita.."
Ang sarap naman pakinggan nung Mahal Kita. Di ko alam bat iba ang tama sakin kapag nagtagalog si Lance o kapag binaggit na nya ito. Lalo lamang nakadagdag sa kagwapuhan nya.
Kinse minutos ang tinakbo ng sasakyan bago ko narating ang condo unit nya. Hindi ko na kailangang umakyat pa sa itaas dahil prenteng nakasandal ito sa maangas nyang sasakyan. "Babe.." I called him sweetly. He stood up and walked towards me. Dire-diretso iyon at agad nito akong niyakap ng mahigpit. "I miss you so much babe.." bulong nya sabay halik sa buhok ko.
"I miss you more babe.." I replied. We stayed like that for more than a minutes after he loosen up.
"Napagod ka ba?. Tara muna sa taas.." agad akong umiling sa alok nya.
"Wag na babe. Kumain ako sa bahay bago bumyahe patungo rito.."
"Hmmm.." tumango sya habang patuloy na inaayos ang buhok kong dati naman nang maayos.
"Tara na.." yaya ko. Mabilis syang gumalaw at humalik muna sa pisngi ko bago kumaripas ng lakad patungo sa kulay itim nyang Wrangler. Mukhang bago ito dahil sa kintab at gulong na parang bagong lagay.
"Ganda ng rides natin babe ah.."
"Yes babe. Binenta ko yung Chevy at ito ipinalit ko.."
"Alam ba naman nila tito at tita?.." humalukipkip ako kasabay ng lakad pasunod sa likuran nya.
"Yea po. Kinunsulta ko muna sila bago ipinagbili iyon.."
"Yaman ha.. haha.." biro ko matapos nya akong tulungan sa pagsakay.
"Hindi kaya, mas mayaman ako sa pagmamahal na binibigay mo. Walang katumbas mahal ko.."
Nakangiti ko nalang syang tinanguan nang tinanguan sa mga banat nya. Hanggang sa pagtahak namin patungong Hinulugang Taktak. Bumabanat pa rin sya. Kaya I changed the topic.
"Kailan pala natin kakausapin si Bamby babe?.." duon sya natahimik bigla. Kinagat ko ang ibabang labi saka sa labas na tumingin. "Baka kasi may sabihin na si tito kapag pinatagal pa natin ang ganito.."
Pagod na kasi akong magtago. Gusto ko nang gumalaw ng naaayon sa kagustuhan ko. Gusto ko ng maging malaya sa pag-iisip ng kung anong bagay bagay.
"Ang totoo babe. Iyon rin ang kaisa-isang tanong ko na di ko alam ang sagot. Alam kong nasa paligid lang ang sagot pero ang hirap hanapin. Hindi ko alam kung paano magpapaliwanag sa kanya."
Natahimik rin ako. Maging ako'y di rin alam kung saan magsiaimula kung sakali mang magkabistuhan na.
"Tsk. Bahala na babe. Kung malaman man nya nang di tayo ang nagsabi sa kanya. Bahala na sya. For now. Let's just enjoy this moment, okay?."
Matagal bago ako sumang-ayon sa sinabi nya. May punto naman sya. Magalit na kung magalit. For now. We need to enjoy this moment. Time of being with each other's arms.