webnovel

Chapter 64: Mitch

After ng aming exam. Inalok ako ni Winly na pumunta ng canteen. Gutom raw sya dahil hindi nakakain ng agahan kanina.

"Win, yung mga notes ko.." rason ko. Di ko pa naayos iyon nang hilahin nya ako.

"Andun naman sina Bamby at Karen. Di mawawala iyon.." talagang hinila nya pa ako. Muntik pa akong madapa kakamadali nya.

"Wait lang..." nilingon nya ako. Namaywang at tinarayan.

"Bakit?.."

"Eh kasi, nakakahingal yang pagmamadali mo.. di ako makahinga. "

"Wala ka namang hika ah.."

"Kahit na.. ano. ka ba?. di naman nauubusan ng pagkain ang canteen eh.."

"Tsk.. sige na nga.. oh.." dinungaw nya ang mismong mukha ko. "Ayos ka na ba?. pwede na ba tayong tumuloy?.." hinawakan ko ang mukha nya't tinulak palayo sakin.

"Oo na.." tulak ko pa rin. Inirapan pa ako. Ang dami pang binulong. Keso, nagmamaganda lang ako. Susmi! Sya kaya hilahin ko ng walang pakundangan?. Tignan natin kung di sya hihingalin.

Kinawit nito ang braso sa akin nang kami'y nagpatuloy na, hanggang sa loob ng canteen. Marami na ang pila dahil recess time ng mga higher year.

Luminga ako ng nasa linya na kami. Wala naman akong hinahanap. Sige, itangggi mo pa gurl! Oo na. Meron akong hinahanap. Namataan ko si Aron sa di kalayuan pero ang taong gusto kong makitang kasama nya ay di ko nasilayan. Saan kaya sya?. Naglikot pa ang mata ko hanggang sa may humarang bigla.

Mga babaeng nakahalukipkip na. Matangkad ang nasa gitna nila. Maputi at maganda. May kolorete sa mukha. Teka!. Pamilyar ang mukha nya. Ang dalawa nya namang kasama ay nasa gilid lang nya. Binabantaan ako gamit ang kanilang mga tingin.

"Ikaw ba si Joyce?.." tanong nitong babaeng kaharap ko. Kumurap ako. How did she knew my name?. Taka ko syang tinignan lang. Hindi ko na kailangan pang sagutin ang tanong nya dahil parang may alam naman na sya tungkol sa kung sinong kinakausap nya.

"Bakit po ate?.." magalang na tanong ni Winly sa kanila. Binalingan nila ito na parang wala lang ang kanyang tanong. Napalunok ako ng mariin sa kung paano nila ako tignan. Tinging nandidiri sila sakin.

"Alam mo bang, my girlfriend na ang nilalandi mo ngayon?.." matapang na sabi ng babae sakin. I don't even know her name. Pero kung mag-akusa sya sakin ay para bang kilalang kilala na nya ako.

Damn! Ano itong sinasabi nya?. Wala akong alam.

"Wala akong alam sa sinasabi mo.." lumabas nalang basta iyon sakin. Talaga namang wala akong alam sa problema nya.

Natawa sya bahagya. Binalingan at binulungan ang mga kasama. Noon ko lang natanto na, nasa amin na ang atensyon ng mga taong nasa loob ng canteen. Nagbaba ako ng tingin. Hinawakan naman ni Winly ang kamay ko para palakasin ang aking loob.

"Ano pong problema ate?.." ulit nya.

"Kaibigan mo ba sya?.. Kung ako sa'yo, layuan mo na ang mga taong kagaya nya.."

"Hindi ko po maintindihan.." Ani Win.

"Alam mo bang nilalandi nya ang taong may karelasyon na?..." hindi ko maintindihan ang sinasabi nya. Wala naman akong ibang kinakausap kundi ang mga taong kakilala ko lang. So why now?.

"Wala naman po syang nilalandi.." pagtatanggol pa sakin ni Winly. Humalakhak silang tatlo.

"Talaga ba?. O isa ka ring, kinukunsinti ang kamalian nya.."

"Mitch, anong nangyayari dito?.." sumulpot ang tinig ni Aron sa di kalayuan. Agad lumingon ang mga ito sa kanya. Maging ang tinawag nyang Mitch.

"Aron, si---.."

"Nasa canteen tayo.. wag kayong gumawa ng gulo rito.." di pinatapos ni Aron ang gustong sabihin ng babae. Tapos dinedma na.

"Anong order nyo?. Ako nang kukuha, Joyce.." sa akin sya tumingin. Presko at walang bahid ng takot o kaba.

Kinagat ko ang labi ko't inosenteng tumingin sa mata nya. "Si Winly nalang tanungin mo. Sinamahan ko lang sya.."

Sinabi naman ng isa ang gusto nya. Dinamay pa ako. Agad kumilos si Aron upang bumili saka kami inalalayan palabas ng canteen.

"Ayos ka lang ba Joyce?.." tanong nya. Habang inaabot ang pinamili nyang pagkain ko sa kasamang abala na sa pagnguya.

"Ayos lang ako.. salamat.."

"Wala yun.. sabihin mo sakin pag ginulo ka ulit ng mga iyon ha.. akong bahala sa'yo.."

"Paano naman ako?.." nguso ni Winly sa kanya. Nagpacute pa ang bakla.

"Basta ba, babantayan mo sya.. akong bahala sa'yo.."

"Sure!. why not!.." masiglang sang-ayon nito dito.

Di ko makuha kung bakit kailangan pa akong ipabantay sa iba. Kaya ko naman ang sarili ko.

Humalakhak si Winly hanggang sa aming pag-uwi. Masaya raw sya dahil may lalaking handa na raw syang ipagtanggol. Inaasar sya nina Karen at Bamby pero hindi ko magawang makisali sa kanila dahil may namataan na naman ako. Yung babaeng Mitch ang pangalan. Parang modelo ito kung maglakad. Diretso sa nakaparadang kotse ni Lance. Presko syang pumasok doon.. Umawang ang aking labi. Gusto ko sanang sabihin iyon kay Bamby subalit bago pa kami makalapit sa sasakyan ay lumabas na yung babae na parang walang nangyari.

Ito ba ang tinutukoy nya?. Sila ni Lance?. Totoo ba ang sinasabi nya?.

Kunot noo akong sumakay sa kanilang sasakyan ng di sya tinatapunan ng tingin. Sa labas lang ang aking paningin dahil nagpupuyos itong aking damdamin.

Nakakagalit ang mga taong nagtatago ng sikreto! Bakit di nalang nila sabihin ng harapan?. Tatanggapin ko naman kahit masakit. Sanay na akong masaktan. At kung ang masaktan ang gamot para maghilom ang sakit na nararamdaman ko sa pangloloko ni daddy samin. I'll endure it. Tatanggapin ko ang sakit. Kahit masakit!..

下一章