webnovel

Chapter 36: I wish

Nilapitan ko sina Winly at Karen nang may mapait na ngiti. Basta itinuro ko na lamang sa kanila ang labasan ng canteen saka dumiretso na doon. Naging bastos ako sa biglaang pagtalikod agad sa kanila. Di ako makapag-isip. Kahit na sinabi ko kanina saking sarili na ayos lang kung di nya ako kausapin o di kaya'y inasbin ay mas masakit pala pag totoo nang nangyari. Yung binuo kong plano saking isip na balewalain ang malamig na pakikitungo nya ay di ko napagtagumpayan. Ganun pala talaga noh?. Doon mo lamang mararamdam ang totoong sakit kung andun ka na sa mismong sitwasyon na sinasabi nila. I didn't know na it will turn this way. Naniwala ako sa sinabi ni Winly na magiging maayos kami pag kinausap ko sya. Na babalik na kami sa dati pero nadismaya lamang ako. Nadismaya ako sa sarili ko mismo. Umasa ka matapos mo syang saktan?. Ano ba sya sa tingin mo, bato?.

Nalungkot ako sa naisip.

Napalunok ako ng mariin ng lampasan ang nagbubulungang mga tao sa loob ng canteen. Gustuhin ko mang tumakbo hindi ko kaya. Nangangatog itong mga binti ko't parang may nakasabit na ilang sako ng buhangin. Hirap kong ihakbang ang mga paa ko. Nangingilid na maging aking luha ng masulyapan ang isang bulto sa di kalayuan. He's standing firm sa exit ng canteen. Looking straight to me. Seryoso.

Lalo lamang akong nagkaroon ng lakas ng loob na tumakbo.

"Hey!.." anya pa sakin ng lampasan ko sila ng barkada nyang si Aron. Naiwan sa ere ang kamay nyang iaabot nya sana sakin. Iniwasan ko iyon kaya naging ganun. Kita ko pang umawang ang kanyang labi saking ginawa. Napahiya ko sya duon. Damn!

Nakayuko akong lumabas ng di nalalaman na umuulan pala. Ganun ako kalutang. Hindi napansin ang mabibigat na patak ng ulan sa bubong. Pero kahit ganun. Nagpatuloy pa rin akong naglakad papunta sa di ko alam. Malakas ang ulan, na parang tanga kong sinugod nalang iyon.

Sa malalaki kong hakbang. Mainit na luha rin ang bumubuhos saking pisngi. Hindi iyon halata dahil sa malakas na ulan.

"Fuck!.." isang mura nalang ang narinig ko kalaunan. Di ko naramdaman ang presensya nya ng naupo ako sa likod ng library. Kung saan walang gaanong tao. Natagpuan ko na lamang na hindi na ako nababasa. Takip pa rin ang mukha ko't nagpatuloy sa pag-iyak. Di ko na kailangan pang alamin kung sinong sumilong sakin. Sa gamit palang nitong pabango. Nilalango na ako! DAMN baby!!

Hindi na sya muli nagsalita pa matapos ng ilan pa nyang mura. Hiya ang namutawi sakin ng di nya ako iniwan. Baka hinahanap na kami sa room. Maging sya sa kanilang klase. Pero damn! Basang basa na ako. Paano ako ngayon?.

Tumahan ako't inayos ang sarili. Tiningala ko sya kahit alam kong nakakadismaya ang aking itsura. Tinignan nya lang ako. Walang namutawing salita sa kanyang labi kahit bahagyang gumalaw iyon. "Baka hanapin ka sa klase nyo.." nag-aalala kong sabi. Ayos na sakin ang umabsent na muna. Sya, ang hindi dapat.

"I won't leave you here.." matigas nyang sabi. Desidido.

"Pumasok ka na. I'm okay.." nagbaba ako ng tingin. Di ko kayang tumitig ng matagal sa mata nya.

"I don't want to, 'coz I know, you are not.." kinagat ko ang aking dila dahil nanginig ito bigla. Nagbabadya na naman ang luha saking mata. Para itong sirang gripo na di mahinto.

Bakit ang tigas naman ng ulo neto? Sabi nang okay lang ako eh.

"Di ko man alam bat ka umiiyak.. I wish.. di mo ako papaalisin sa tuwing kailangan mo ng kausap.."

Natahimik ako.

"I am just here if you need someone who can talk to.."

"Bakit ganun?. I already apologized to her, said sorry pero hindi pa rin sapat?.." huli na ng matanto kong nasabi ko na pala ito.

"Give her time baby.. she's been thinking of you since that day.. umiyak pa kay mama..let her think.. please.." iyon nga rin sinabi nya eh. Give her time to think about it.

Bumuntong hininga ako. Okay. Anong magagawa ko kung iyon ang gusto nya. It's my fault tho. I need to endure it.

"Magiging okay din kayo. trust me..."

Ang hirap namang kumapit sa 'trust' na yan!

下一章