webnovel

Chapter 21

Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako sa inasal kahapon ni Jacob kay Leon. Alas otso ng umaga nag-ayos na ako dahil alas onse ang klase namin sa magic class, hinihintay ko si Nadia ngayon dito sa kwarto at para makibalita na din sa lagay ni Leon.

"Alice," sa wakas dumating na din si Nadia. Isang oras kung magayos to kaya natatagalan kami minsan.

"kamusta si Leon?" umupo siya sa kama ko.

"ayun ayos na siya, nakapagusap na rin sila ni Jacob."

Tumungo na lang ako dahil mabuti ay ayos na ang dalawa.

"bakit ganoon kaya ang inakto ni Jacob kay Leon?" napatingin siya sa akin ng seryoso na tila ba hindi makapaniwala sa tanong ko.

"hindi ba't dapat ikaw ang nakakaalam niyan?" nakakaalam? Ni hindi ko nga alam bakit baliw yung isang yun.

10:58 nang makarating kami sa gubat para sa aming magic class. Nahagip ng mata ko sina Jacob at Leon na magkasama ngayon, na para bang walang nangyari kahapon. Si Rose ay nasa tabi ni jacob at noong nakita niya ko tumalim ang kanyang titig sa akin. What's wrong with her?

"ang laki nanaman ng problema sayo ni Rose, parang may kakaibang mangyayari ngayon."

Binaling ko ang tingin kay Nadia at ngayon ay parang siyang bata kung pumalakpak.

"ang activity ngayon dapat makagawa kayo ng isang bagay na unique sa mahika niyo. Pero by partner ulit ito para titingnan natin kung maganda ba ang kakalabasan ng mahika niyo,"  by partner ulit, si Nadia na ang partner ko ngayon. Mabuti na lang hindi na lumapit sina Leon at Jacob.

"pero ako ang pipili sa magiging partner niyo," nagulat ako dahil bakit kailangan siya ang mamili. Netong mga nakaraang araw kami naman ang bahala sa magiging partner namin.

"Jacob and Leon, Nadia and Joshua."

Nakita ko ang pag ismid ni Leon dahil sa naging partner ni Nadia.

Nabanggit na ang lahat nang mga may partner at ako nalang ang walang partner at si...

"at ang panghuli ay sina Alice at Rose," nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Kami? Ni rose ang magkapartner?

Ang mga estudyante ay nagsi puntahan na sa kani kanilang partner at si Nadia ay bumulong sa hangin.. Goodluck.

Goodluck? Sino bang nagsabing natatakot ako dito?

Nagumpisa na ang mga estudyante sa kani kanilang mga mahika at ipagsama ito at tingnan ang kakalabasan.

"pwede ba 'wag kang magpahalatang takot sa akin?" napantig ang tainga ko sa aking narinig. Ang lakas naman pala neto para sabihing natatakot ako sa kanya.

"ako natatakot saiyo?" bahagya akong natawa at nakita ko sa mukha niya ang iritasyon.

"diba sabi ko iwasan mo si Jacob?" jacob nanaman?

"hindi naman ako lumalapit ah? Siya ang lumalapit sa akin," nakangisi ako habang tinuro ko si Jacob sa pamamagitan ng pagnguso ko. Biglang napalingon sa akin si Jacob at agad akong umiwas nang tingin.

Nahagip nang aking mga mata si Nadia na para bang nagaalala sa akin. Chill Nadia, kaya ko ang sarili ko.

"masyadong malaki ang bilib mo sa sarili mo Alice," may lumabas na apoy sa kanyang kamay, at akala ko ay naguumpisa nanaman siya pero naramdaman kong dito na namin pwedeng umpisahan ang activity.

Nilabas ko ang mahika kong tubig at itinapat ito kay Rose, ganoon din ang ginawa niya kung kaya't ang mahika namin ngayon ay nagsasanib pwersa. Naramdaman ko ang mga mata ng kasama naming ibang estudyante na ngayon ay nakatuon sa amin.

Napairap si Rose dahil sa nangyayari ngayon, napatingin din ako at parang gusto kong umirap dahil bakit parang nasa amin ngayon ang atensyon nang lahat.

"aray!" nagulat ako sa sumigaw na si Rose, lumusot pala ang mahika ko dahilan para masugatan siya sa braso.

"Rose!" napaisgaw na din ako at nagaalala dahil sa natamo niyang sugat.

"nananadya ka talaga no?!" pasigaw at padabog na siya kung lumapit sa akin, nagsilapitan na ang lahat at tumabi sa akin si Nadia.

Nakita ko ang papalapit na din na si Jacob, ilalayo na niya sana ako ng bumitaw ako dahil ayokong may masaktan dahil sa akin. Nagtataka ang mukha niyang ibinaling sa akin.

"look Rose, hindi ko sinasadya. Hindi ko alam na lulusot ito at masusugatan ka," paliwanag ko sa kanya na umaasang maiitindihan niya pero mukhang wala na akong dapat asahan.

Nagulat ako sa hindi niya pagpansin sa akin at nagsimula ng lumabas ang apoy sa kanyang kamay at sa katawan. Nagsimula ng mabalot nang apoy ang paligid at narinig ko ang pagsinghap nang mga tao sa paligid.

"Rose, kumalma ka hindi ko sinasadya!" kahit sa lakas ng pagsigaw ko wala itong epekto sa kanya. Nagpatuloy pa rin siya sa pagkalat ng kanyang mahika sa paligid at ang mga puno ay nasusunog na ngayon.

"hindi sinasadya? E halata naman sayo na natutuwa dahil nasugatan ako!" nagulat ako sa pagbato niya sa akin ng apoy mabuti na lang hinila ako palayo ni Jacob. Kung hindi e malamang nasunog na ang mga paa ko.

Hindi na ako nakapag timpi dahil kung hindi ko pipigilan si Rose ay tuluyan ng masisira ang gubat.

Nagsimula akong huminga ng malalim at ang mahika ko ay lumabas sa aking mga palad. Hugis bilog ito at handa ng patamaan ang sino mang magbabalak lumapit sa akin. Lumayo ang mga nasa paligid namin ni Rose at kami na lang ngayon ang nasa gitna.

Naging pula ang mata ni Rose at ang aking mata ay naramdaman kong malamig ang gilid na bahagi.

Itinapon ko sa harapan niya ang mahika ko dahilan upang siya ay matumba. Itinulak ko siya buong lakas ko upang matigil siya sa kanyang ginagawa ngunit hindi ito nagpatinag. Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Jacob at Nadia pero hindi ko ito pinansin.

Ang ngiti ni Rose ay nakakatakot, tumawa siya ng malakas tila ba isa itong kulog na handang sirain ang lahat na kanyang nakikita pero hindi ako nagpatinag.

Nawalan siya ng balanse habang papalapit ako dahil ginagamitan ko siya ng aking mahika, nadulas siya ngunit pilit pa ring tumayo. Itinapat ko ang aking palad sa mga puno para mawala ang apoy dito at hindi tuluyang masira.

Habang ito ay tinatanggalan ko nang mga apoy nagulat ako sa biglaang pagsakal sa akin ni Rose, iniangat niya ako habang sinasakal ako. Nakalutang na ang aking mga paa sa hangin, hindi ako makahinga.

Napatingin ako sa paligid ko at nakita kong papalapit na si Jacob para pigilan si Rose pero pinigilan siya ni Leon.

"Ro..rose.. Hin..di ako maka..hinga," pilit kong pinapalo ang kanyang kamay para bumalik siya sa kanyang wisyo dahil kahit mismo ako.. Hindi ko na siya makilala.

Wala na akong makuhang hangin, nawawalan ako nang pagasa para makakuha ng lakas pero hindi ako magpapatinag.

Binuhos ko ang lakas ko upang makawala sa pagkakasakal sa akin, at nang mahanap ko ang paraan para makawala agad kong pinalupot ang braso niya patalikod at sinipa ko ito nakatalikod dahilan upang mapadapa siya ngayon sa lupa.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko, nakita ko ang mga puno ngayon na sira at ang iilan ay mababali na dahil sa apoy.

Ang mahika ko ay binuhos ko sa kanya ng may pwersa nagsimulang bumaha sa lugar kung nasaan siya ngayon, umagos ang tubig papunta sa akin at sa estudyante.

Nagsitakbuhan ang estudyante ngayon dahil bumabaha na. Nakaramdam ako nang pangingirot sa aking leeg dahil sa sugat na natamo ko kay Rose.

Nasa bewang na ang tubig ngayon at patuloy itong nadadagdagan.

"Alice! Alice! Tama na, halika na!" tsaka ako nakabalik sa wisyo ng may tumawag sa pangalan ko. Si Jacob.

Nanlaki ang mata ko dahil sa nakita, hindi ko namalayan na dahil sa mahika ko ay baha na ngayon dito sa gubat at si Rose, pilit na itinatayo ang sarili. Ang matang mapula kanina ay napalitan na ng kulay itim, bumalik na sa normal.

Binuhat ako ni Jacob kasama si Rose, at inilipad kami papalayo sa gubat na nababalot ngayon ng aming mahika.

Ito ang kinalabasan nang aming mahika.

下一章