September 26 na ngayon and after class ay itutuloy pa namin ung vlog namin kase hindi nagawa nila Juliana at Violado ung dares nila. And after naming matapos magvlog ay magkikita kami ni Ashley sa grocery store na malapit sa dati naming school para isurprise si Hendric~! Eto ung first time kong magsurprise sa birthday ng iba kaya excited na ako! Dinala ko pa naman ung pera ko pambili ng cake niya mamaya. Hehehe~
Break time namin ngayon at bumaba kami nila Violado, Christina at Juliana sa field para videohan ung mga stalls pangdagdag sa vlog na ieedit na namin bukas.
"Libre mo nga ako Ibon."
Sabi sakin ni Violado habang naglalakad-lakad kami sa mga stalls at binivideohan ko ung mga un.
"Ihh! Yoko nga. May pupuntahan pa ako mamaya, eh."
Sagot ko kay Violado habang tinutuloy ko lang ung pagvivideo.
"Saan punta mo Ibon?"
Tanong naman sakin ni Juliana.
"May date ka nanaman, noh?"
Tanong naman sakin ni Christina. Ba't ba date agad ung pumasok sa isip neto?
"Wala akong date, noh."
"Weh~"
"Pupunta ako dun sa dati kong school kase birthday ng kaibigan ko."
Sagot ko sa tanong sakin ni Juliana nung natapos na ako magvideo at naglalakad pa rin kaming apat dun sa mga stalls.
"Sama naman kami, Ibon~"
Sabi sakin ni Violado sabay hawak na niya sa braso ko.
"Sino ba ung may birthday?"
Tanong sakin ni Christina.
"Si Hendric."
"Lalake?"
"Oo."
"Pogi?"
"Maputi."
"May jowa?"
"Ewan ko dun."
Sunod-sunod na tanong sakin ni Christina nung natigil na kami sa stall na nagtitinda ng mga lemonades. Blue lemonade~! My fave~!
"Isa nga pong blue lemonade."
Sabi ko dun sa tindera habang tinitignan ko na siya. Skip na tayo sa part na 'to. Dun na tayo sa part na tapos na ung klase at nasa field na kami para gawin na nila Violado at Juliana ung dares nilang dalawa at gagawa pa pala kami ng intro.
"Ano sasabihin natin sa intro?"
Tanong ni Violado saming walo nila Jervien, Masi, Micah, Juliana, Christina, Aleksa at Chin. Nagtalo-talo na sila Micah, Lara, Christina at Juliana habang kami naman nila Jervien, Chin at Aleksa ay nakikinig at tumatawa lang sakanila.
"Ung naisip na lang kase ni Masi!"
Sabi ni Micah kay Violado at ung naisip na nga ni Lara ung sasabihin namin sa intro ng video namin. Sumang-ayon na sila Violado at Christina kaya binigay na ni Chin ung phone niya kay Lara para makapag video na. Pumwesto na si Lara sa harapan namin at kami naman ay nagsipag-ayos na sa likuran niya.
"One, two, three!"
Bilang nila Lara at Christina.
"What's up mga burikats~!"
Sabay-sabay na sabi namin nila Lara, Chin, Micah, Christina, Juliana at Violado habang si Aleksa naman ay tinakpan lang ung bibig niya habang nakangiti na at si Jervien na kaninang nakasimangot ay napangiti na rin. Tawanan kaming lahat after namin sabihin un, eh.
Ginawa na nila Violado at Juliana ung dares nila at parehong success! Finally! Tapos na rin! Oras na para pumunta na ako sa grocery store kung saan ko kikitain si Ashley~!
"Kanina ka pa dyan?"
Tanong sakin ni Ashley nung naglalakad na silang dalawa ng nanay niya papalapit sakin na nakaupo sa tapat ng cashier ng grocery.
"Hindi naman."
Sagot ko sa tanong sakin ni Ashley habang nakatingin na ako sakaniya.
"Eto ba si Yvonne?"
Tanong ng mama ni Ashley sakaniya habang nakatingin na siya sakin. Nginitian ko na ung mama ni Ashley at saka tumayo na sa pagkakaupo ko sa upuan.
"Opo, ako po si Yvonne."
Nakangiting sagot ko sa tanong ng mama ni Ashley sakaniya sabay bless na sakaniya. Magalang po kasi akong bata.
"Ahh, sige, maiwan ko na kayo ni Ashley, ha."
Sabi ng mama ni Ashley saming dalawa habang nakangiti at saka naglakad na papalayo saming dalawa.
"So, ano plano mo beh sa surprise kay Hendric?"
Tanong sakin ni Ashley sabay hatak na niya ng bakanteng upuan sa lamesang kinauupuan ko kanina.
"Bibili ng cake tapos nag print pala ako kaninang umaga ng mga pictures ni Dric para ilagay dun sa kahon ng cake."
Sagot ko sa tanong sakin ni Ashley sabay upo na ulit ako sa kinauupuan ko kanina.
"May pambili ka teh?"
Tanong ulit sakin ni Ashley habang tinitignan na niya ako. Tumango ako bilang sagot sa tanong niya sakin sabay kuha ko na ng wallet ko sa bag.
"Anong cake pwede bilhin?"
Tanong ko kay Ashley habang tinitignan ko na rin siya. Tinuro na niya ung bilihan ng cake malapit sa puwesto namin. Lumipas ang ilang minuto ay nakapag decide na rin kaming dalawa ni Ashley kung anong cake ung bibilhin para kay Dric.
Naghintay pa kami ni Ashley ng isang oras bago maglakad papunta sa dati naming school kasi nag chat na samin sila Kiyoshi, Andrea, Yohan, Joaquin at Anna na pumunta na kami dun sa waiting shed ng dati naming school.
Pagkadating namin ni Ashley dun sa entrance ng waiting shed ay naglalakad na rin papunta dun sila Kiyoshi, Yohan, Andrea at Joaquin. Nagtaka ako bakit wala si Anna kaya tinanong ko sila Kiyoshi kung nasaan siya.
"Siya na raw bahala kay Dric."
Sagot ni Kiyoshi sa tanong ko sakaniya. Napatango na lang ako sakaniya habang pinupunasan ko na ung papel na may picture ni Dric kasi nabasa. Umaambon kase, eh.
"Bayaran niyo raw si Yvonne para sa cake."
Sabi ni Ashley kila Joaquin, Kiyo at Yohan habang si Andrea naman ay hindi un narinig kasi nagtapon siya ng basura. Medyo malayo pa naman ung basurahan dito sa entrance ng waiting shed.
"Ba't kami magbabayad?! Hindi naman kami nagpabili ng cake, ah!"
Reklamo agad ni Joaquin nung makaupo na siya sa tabi ng cake. Ang sarap lang ingudngod ng pagmumukha neto sa semento! Gusto ko siyang pagmumurahin kaso ung new year's resolution ko ngayong taon ay hindi na magmura, eh! Nakakairita kang nilalang! Nagtataka na ako ba't nagkagusto ako sayo.
"Sa susunod na lang kita bayaran, pamasahe ko na lang 'to pauwi, eh."
Sabi ni Kiyo sakin habang nakaupo na siya sa tabi ni Joaquin.
"Wala ako ngayong pera bunso, eh. Sa susunod na lang rin kita bayaran, ha?"
Sabi naman ni Yohan sakin sabay hawak sa kamay ko habang nakaupo na rin siya sa tabi ni Kiyo. Ano pa nga ba aasahan ko sa mga 'to? At least sila Kiyo at Yohan malumanay lang ung pag sabi sakin na hindi sila makakabayad. Hindi tulad ng bugok na unggoy na un! Pisting Joaquin yan! Arghh!
"Sige."
Yan na lang ang nasabi ko sakanila Yohan at Kiyo. Hindi ko na lang pinansin si Joaquin kase ayokong masira ung mood ko ngayong gabi. To be honest, kanina pa nagtetext sakin si mama kung anong oras ako uuwi kasi maga-alas siyete na ng gabi, eh, kaninang alas tres pa ung uwian namin ngayong araw.
"Nasa parking lot na raw sila."
Sabi ni Ashley samin habang nakatingin na siya sa parking lot ng school. Agad kaming nagsi tinginan sa parking at nakitang naglalambingan sila Anna at Dric dun. Totoo nga siguro na sila na. Kaninang umaga pa nila sinabi sakin na sila Dric at Anna na kaso hindi ako naniniwala kase lagi nila ako inuuto pero ngayong nakita ko na sila… wow… hindi pa rin ako makapaniwala.
"Tara na!"
Sabi ni Kiyo sabay tayo na sa pagkakaupo niya. Nagsitayuan na rin sila Yohan at Joaquin at kinuha ko na ung cake dun sa upuan.
"Sila Hendric at Anna na talaga?"
Tanong sakin ni Andrea habang nauna na sila Ashley, Kiyo, Yohan at Joaquin at kaming dalawa ung nahuli. Buti hindi na umaambon.
"Hindi ko rin sigurado, eh."
Yan na lang sinagot ko kay Andrea at saka sumunod na kami kila Ashley. Nung malapit na kami sa kinatatayuan nila Anna at Dric…
"Happy birthday Hendric/Dric!"
Sabay-sabay na bati naming pito kay Dric dahilan para mapangiti siya at saka isa-isa na niya kaming tinignan.
"Kala ko di ako babatiin ni Yvonne! May pasurprise pala!"
Sabi ni Dric samin habang nakangiti pa rin siya. Hindi ko na rin mapigilang ngumiti at tumawa. Makita ko lang na masaya ung mga kaibigan ko masaya na rin ako para sakanila. Sobrang importante na nila sa buhay ko at ayokong may mawala sakanila sa buhay ko.
~Some people can really mean the world to you, making you do everything to make them happy.~
Hello po~!! Please vote and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ito, may iba pa po akong works: "Love Yourself: Wonder", BTS Fan-Fic po siya; at "Runaway With Me", Fantasy naman po siya. Sana po magustuhan niyo!! Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!
THIS IS BASED ON A TRUE STORY.