webnovel

Ang Habulan#2

Dollar's POV

Hmn....

Nakakatuwa pala dito sa faculty room, iba-iba ang table ng mga teachers. May parang tindahan ng mga libro, tindahan ng mga picture frames, tindahan ng mga pang-display at parang may dinaanan din ng ipu-ipo. At todo rin ang aircon dito. Grabe ang lamig. Siguro technique nila 'yon para kapag may gigisahin silang estudyante ay mangangaligkig sa lamig at sa takot at malaman nila kung nagsasabi ng totoo ang kausap nila.

First time ko nga pala dito at ang dahilan?

"Ms. Viscos!?" sigaw ni Prof. Cruz na kaharap ko sa table niya.

"Yes, Miss?" I smiled to her. Inosente ako kaya hindi ko kailangang mangaligkig sa takot.

"Are you paying attention? Pinag-u-usapan natin dito ang ginawa mong pag-absent kahapon sa klase ko! At dinamay mo pa ang buong klase."

"Pero Miss, hindi ko po sila niyayang um-absent din. That was their choice."

"B-in-oycott nyo ang subject ko. Biochem is one of your major subjects! At ikaw ang class chairwoman kaya naniwala sila sayo."

Grabe ang lakas ng boses ni Prof. nage-echo sa buong room lalo na at wala kaming ibang kasama dito ngayon.

"You're a consistent DL, Ms. Viscos. But I'm afraid na kung itutuloy mo 'yang mga kalokohan mo ay baka hindi ka ma-issue-han ng good moral character when you graduated."

Aw... Problema nga yun ah.

"Pero Miss wala naman talaga akong kasalanan 'di ba, you were fifteen minutes late?"

"Yeah. Pero sinabi ko sa inyo noong nakaraan na male-late talaga ako pero kailangan nating mag-meet dahil malapit na ang midterm."

Hindi ko yata narinig iyon ah. Tulog siguro ako ng panahong 'yon.

"And I'm not talking about yesterday! I'm talking about your other mischief! Ang mga hindi mo pagsunod sa mga rules and regulation ng University. I wonder kung bakit hindi ka pa din nadadala sa Discipline office."

Ako din Miss, nagwa-wonder. Napalingon ako sa bukas na pinto at nakita kong dumaan si Unsmiling Prince! Syempre, nabuhay ang hasang ko.

Tuloy-tuloy pa din sa pagse-sermon si Miss. Pero hindi problema 'yon dahil may pumasok na teacher at kinausap siya. And then she dismissed me instantly. At mabilis pa sa alas-kwatro na nakalabas ako ng room na 'yon at hinabol sa hallway si Unsmiling Prince.

Aaaah! I love this hallway!

Dito nangyari ang pagtatapat ko, ang unang pagyakap niya sakin at... Ang first kiss ko sa kanya... Pero syempre, joke lang yung huli. Soon, fellas. Soon....

"Unsmiling Prince!!!!"

Bigla akong nag-preno sa harap niya nang maabutan ko siya. And he didn't seem surprised. Sinulyapan lang ako at saka naglakad ulit. Pero dahil mas makulit pa 'ko sa anumang uri ng fungi, ay sumabay ako sa paglalakad niya.

"Unsmiling Prince, huy, saan ka nga pala galing kagabi?" tanong ko.

Remember the sexy guy na nakabungguan ko sa Billiards kagabi wearing white T-shirt, jeans and a bull cap? Feeling ko siya 'yon. Siya lang naman ang ganoon ka-cool tumindig sa bayang 'to eh. Ahaha!

"Why would I tell you? Asawa ba kita?" he asked drily.

I grinned.

"Hahahahaha, you gave me an idea! So..... Will you marry me? You know, para sagutin mo na ang tanong ko kung saan ka galing kagabi. And we will have a divorce kapag nasagot mo na. But... unfortunately for you, wala pa nga pa lang divorce sa Pilipinas. Hahaha!"

"Crazy."

"Thank you! Love you!"

Napailing lang siya. Nagtitinginan na ang ilang estudyante sa hallway. Napalakas ata ang boses ko. Pero, kiber ko sa kanila!

"Bakit mo nga pala gustong malaman?"

"Kasi parang nakita kita kagabi sa Al's Billiards. Pero hindi nga yata ikaw 'yon. Pero hindi ko matanggap na may, mas gu-gwapo pa sa likod mo kaya baka ikaw 'yon. Pero baka nga hindi ikaw 'yon, ang gulo ko ah, never mind na nga lang."

He just stole a glance at me and said nothing.

"Alam mo blessing in disguise nga yata ang pagkaka-sermon sa 'kin sa faculty room dahil nakita kita ngayon. Nakakatuwa naman."

"What's so funny about that? Anong sinermon sayo?"

Oh my! Interesado siya sa nangyari sakin?! Bago 'to ah!

"Iyon, malapit na daw akong makapamasyal sa Discipline office. Hehehe!"

"Really? Bakit ang tagal? Kung ako sa kanila sa rehabilitation center kita ipapatapon."

"Talaga! How sweet of you naman. Basta ba ikaw ang magdadala sa 'kin doon at saka dapat magkasama tayo sa iisang cell. Ayiieee!"

Napailing lang siya. I really love this feeling na magkasama kaming naglalakad sa hallway ni Unsmiling Prince. Wala akong pakialam sa mga taong nagkakandabuhol-buhol na sa pagtaas ang mga kilay.

"Unsmiling Prince?" tawag ko sa kanya. "Pssst!" tawag ko ulit, ayawniyang tumingin.

"Hmmn?"

"May mga nagtatakbuhan o, baka madapa ako."

"So?"

"Nakakainis ka!" Hinampas ko siya sa braso niya. Feeling close lang? "Di ba dati s-in-ave mo ko? Bakit ngayon?" Niyakap mo pa nga ako eh. And your broad chest served as my haven.

"Alam mo na palang may nagtatakbuhan, di umilag ka." He snapped.

"Ha? Hindi ko kaya alam! Wala nga akong nakikita! Unsmiling Prince, nasaan na ba tayo?" pumikit pa ko.

"Crazy."

Iyon lang at huminto na siya sa isang room at binuksan ang pinto. Hmn....

Room 309. Room 309. Room 309. Room 309. Iyon ang room niya. 30-9, Treinta-nuwebe.

"Pwede bang hintayin kong matapos ang klase mo? Ha, Unsmiling Prince?"

"No, wag kang magpakalat-kalat dito. Umuwi ka na." at naglakad na siya sa upuan niya at umupo.

Nilawit ko na lang ang ulo ko sa pinto at nakisilip na lang ako sa loob. Wala pa ang Prof nila. Mga tahimik sila. Mukhang matatalino silang lahat. Pero syempre, angat sa lahat ang Unsmiling Prince ko. Parang naging gintong trono ang inuupuan niyang hard plastic armchair. Iba talaga ang arrive ng lalakeng 'to. Nilibot ko ang tingin ko sa loob at nakita ko si Shamari na nagbabasa.

"Shamawi! Shamawi!!!!" Kaway. Kaway. Pero inirapan lang niya ako. O di ba? Pang best friend material talaga siya.

Bumalik ang tingin ko kay Unsmiling Prince na prenteng naka-upo sa sulok.

Pero kahit nasa sulok siya...iba pa din talaga ang dating. He seemed spying everyone in the room. Nandoon talaga lage ang dangerous aura.

Aalis na sana ako pero gusto ko munang tingnan niya ako bago man lang ako umuwi. Panghimagas lang ba kahit hindi pa 'ko nagtatanghalian. Kaya naman todo-todo ang ginawa kong pagtitig sa kanya. Sabi nila, pag tinititigan mo daw ang isang tao, mararamdaman daw ng taong yun ang weight ng stare mo kaya titingin din siya sa 'yo.

♫♫♫ 'Can you feel the weight of my stare....You're so close but still so far away...And I'm dying to say... That I am crazy for you...'♫♫♫

Pero natapos na lang akong kumanta sa isip ko pero hindi pa rin niya 'ko tinitingnan. Kainis talaga 'to kahit kelan. Sa kanya lang hindi tumatalab ang pagiging irresistible ko.

Hmp! Next time na nga lang.

^^^^^^^^

Alas-tres na, mga dalawang oras na din akong naghihintay na matapos ang klase ni Unsmiling Prince.

Pero ok lang, I can wait forever... Corny, I know.

Sasandal sana ako sa railings nang makita ko sa gilid ng mga mata ko si Stacy. Remember him? Yung humahabol sa 'kin tuwing umaga? Papunta siya sa way ko kaya siniksik ko ang sarili ko sa poste na malapit sa railings. Huminto siya sa likod ko at nakipag-tsismisan sa ibang mga estudyante. Kaya naman pumuslit na 'ko palayo. Hindi ako ready na makipaghabulan sa kanya.

Mainit pa 'ko sa mata ng Discipline office.

Halos liparin ko ang hagdan pababa pero napatigil ako sa second floor nang makita ko ang ilang umpok ng mga estudyante na nakatingala sa isang bulletin. Nakisiksik ako sa kanila. Umiral na naman ang pagka-uzi ko, as in uzisera. At nakita ko kung ano ang pinagaawayan nila. Picture ni Unsmiling Prince ko!

Kuha iyon ng mga SSC officers. At mukhang bias ang photographer dahil doble ang size ng close-up picture ng President. 'Can't blame these girls kung mag-salivate sila ng todo-todo. Gwapo ni Rion kahit hindi nakangiti.

Nagulat na lang ako ng mawala sa paningin ko ang poster ng SSC officers at may nag-agawang mga babae sa harap ko.

"Akin 'to!" Girl 1.

"Hoy, mukha mo! Ako ang unang humawak kaya akin 'to!" Girl 2.

"Mga bruhaaaa! Akin yan!" Girl 3.

Nagkagulo na sila. Iyong ibang girls nagchi-cheer pa. 'Yong iba naman nakihalo pa. Hello? Pinag-agawan pa nila kahit sobrang gusot na! Mga baliw! Pero, come to think of it, parang gusto kong maki-agaw sa kanila kapag naaalala ko ang mukha ni Rion...

"Akin to!!!" sigaw nong isang girl at itinakbo palayo ang nakuhang poster.

Ok din iyon ah, tuwang-tuwa pa kahit mukhang na-salvaged na sa sobrang gusot ang poster. Pero parang gusto kong ma-inggit. Buti pa siya, may picture na ni Unsmiling Prince, ako may pagkakataon na dati kaso pumalag pa ang pini-picture-an ko. *Sigh

Nakababa na ako ng building nang makasalubong ko si Moi. Bothered si Moi. Babae 'to sigurado.

"Hep,hep,hep, Dukesa! Bakit nandito ka pa?" he asked me lazily.

"Wala lang, trip. Tara Moi, meryenda tayo."

"Mabuti pa nga. Tara sa canteen."

"Ang kuripot mo talaga. Wala na bang mas mamahal na kakainan natin?'

"Ako na nga ang magbabayad sa kakainin natin, nagrereklamo ka pa."

"Kuripot mo kasi eh! Paano kapag may date ka? Saan mo dinadala ang mga ka-date mo?"

"Kung saan nila gustong pumunta."

"Katulad ng?"

"'Wag mo ng alamin, hindi pang-bata."

I cringed. Kung magsalita naman 'tong si Moi ay parang mas matanda siya sa 'kin samantalang isang taon lang ang tanda niya.

"Kare-kare, chicken, chopseuy at 2cups of rice ang sakin." Sabi ko sa babaeng nasa counter. Inulit ko ang mahaban kong order dahil medyo napatunganga kasi siya kay Moi ng ilang segundo. " Moi, sa 'yo?"

"Tubig lang."

"Hindi ka ba nagugutom? Bakit tubig lang?"

"Ang dami mo kasing in-order eh. Masaya na 'ko kapag nakikita kong busog ka."napakamot siya sa batok.

"Sus, drama mo. Sige na dagdagan mo ang order mo kahit isang candy lang. Kuripot mo talaga."

Parang hindi siya anak ng isa sa mga mayayamang babae sa kalupaan.

"Tama na yan. Sige na kumain ka na. Ano ba yan? Late lunch o early dinner?"

"Both."

After 20 minutes...

Hay ang sarap ng kain ko. Habang si Moi ay busy sa pakikipag-text sa kung sino at hindi maalis ang pagkakunot sa noo niya.

Cute naman talaga ang loko kahit mukhang bothered. Magdiwang! Dahil may iniiwasan na namang babae si Moi. Umiinom ako ng tubig nang mag-ring ang phone ni Moi. At parang napaso naman siya kaya ibinaba niya sa table namin ang phone niya. Dinampot ko iyon at pinindot ang answer button.

"Hello? I'm Moi's girlfriend. Pwede bang huwag ka ng tumawag dito. Yes. I think you're a good girl kaya makakahanap ka pa ng mas matino sa kanya, ok? Don't take it too hard, girl. You'll get by. Bye!!!!"

Narinig ko ang pag-iyak ng isang babae bago ko pindutin ang end call button. Nakatingin lang sa 'kin nang seryoso si Moi. Alam kong kahit playboy si Moi, ayaw pa din niyang may malalaman na may umiiyak na babae dahil sa kanya. Kaya nga hirap siya laging makawala sa isang relasyon. Boys!

"You owe me one, Moises."

"I know. So what's the catch?"

Ano nga ba? Wala akong maisip na ipagawa kay Moi. Napalingon ako sa entrance ng canteen at nakita ko ang babaeng nagwagi sa pagta-thug-of-war sa poster kanina. And an idea hit me. Aha!

"Take pictures of Marionello Flaviejo. Kahit mga limang pose lang, hehehe!"

"No way!"

"Iyon ang gusto ko. At hindi pwedeng hindi, see that group of girls, Moi? Kaya ko silang sabihan ng kung anu-ano and you will see yourself running dahil mapipikot ka nang wala sa oras."

"Ugh! How could you be so manipulating! Gumawa ka na dati ng ganyang gulo!"

"Sige na kasi, Moi!"

"At ang tigas ng ulo mo! Hindi pa din ba lumilipas yang infatuation mo kay Rion! You're one desperate girl!"

"Kaya nga hinihiling kong bigyan mo 'ko ng pictures ni Unsmiling Prince. Iyon na lang ang kababaliwan ko."

*Pout at pleading eyes.

"Hindi mo na siya hahabul-habulin kapag nagawa ko 'yon?"

"Ahmn, yeah." Sagot ko na lang nang mahina. Pero churva ko lang yun. Hehehe! Hindi naman ako nag-promise.

Moi looked at me suspiciously. "Bahala na."

下一章