webnovel

Bagong Buhay

Pagod na pagod ako sa araw ng birthday ko. Pagtapos kong ma assign an ng bagong project na pagkalaki laki, dumami pa ang trabaho ko dahil umuwi sa probinsya ang boss ko. Pero kahit ganun, ramdam ko ang gaan sa puso ko. Pagod man ang pisikal pero excited ako para sa kinabukasan kung ano pang pwede kong magawa.

Uwian na. Madami na ding tao ang naglalabasan ng building tulad ko. Mahaba habang byahe nanaman pauwi. Pero gugustuhin ko nang medyo matagal dahil ito na yung oras na kailangan kong harapin ang reaksyon ni Mama sa mga sulat na nabasa niya. Sigurado ako na nabasa na niya yun. Magagalit kaya sya sakin. Buhay ako ngayon, di ako namatay di tulad ng inaasahan ko kaya malamang mababato niya na ko ng walis sa galit sa mga rant ko sa pamilya namin.

Nang biglang tumunog ang celllphone ko. Si Mama na kaya 'to? Pero tunog messenger chat kaya tingin ko hindi si Mama dahil wala naman syang online profile.

Tumabi lang ako sa daan para tignan ang cellphone ko. Nagulat ako nang makita ko kung sinong nag chat ng "Kamusta na?"

Si Elya.

Anong isasagot ko? Bumalik sakin ang sinabi ni H:

Maaalala niyang madali kong makikita ang mabuti.

Ano ang mabuti? Iniwan niya ko. Hindi sya nagpaalam na magkaka boyfriend sya sa ibang bansa.

Pwede ko na namang hindi sya reply an. Pwede nang hindi ko sya kausapin. Hindi na ko masamang tao kung ganun. Magkukunyari na lang akong hindi ko nabasa?

Pero sa pakiramdam ko, naapektuhan sya sa pagkakaalam niyang maaalala ko ang mabuti.

Ano ang mabuti? Magpatawad.

Pinilit kong mag isip ng dapat isagot. Dapat akong sumagot.

"Hello, Elya Ayos naman ako. Ikaw?" casual reply lang, para malaman niya lang na hindi na ako galit. Hindi na ko nasasaktan sa totoo lang. Hindi na ko bitter tulad nga ng sinasabi ng iba. Masaya ako sa pagmamahal na meron na ako ngayon. Kailangan kong ibigay ang kapatawaran kay Elya.

"Salamat akala ko hindi ka magrereply! :D" ramdam ko sa chat niya na masaya syang pinansin ko sya.

"Bakit naman hindi, Magkaibigan tayo. Kaibigan mo pa rin ako." alam kong sa tagal kong nagalit, hindi ko maiwasang maisip na gusto ko pa ring maging kaibigan si Elya. Sabay kaming lumaki, naging parte sya ng buhay ko.

"Ok lang bang tumawag ako?" agad na reply niya. Pumayag naman ako. Umupo lang ako sa gilid ng hagdan na palabas ng office building namin.

Sinagot ko kaagad ang tawag niya. Agad, narinig ko ang pagsinghot niya. Pakiramdam ko naiyak sya.

"Sorry sa lahat ng ginawa ko." nakaramdam ako ng takot. Hindi ko maipaliwanag. Ang alam ko lang, kritikal ang mga susunod kong sasabihin. Alam kong importante ang isasagot ko sa paghingi niya ng tawad.

"Sorry dahil hindi ko sinabi sa'yo ang nangyari sa ibang bansa. Sorry sa hindi ko pagsasabi na uuwi ako, sorry sa paglimot ko, sorry sa.."

"Elya..." tinawag ko ang pangalan niya sa paraang kung pano ko sya tawagin para mapakalma sa mga kinatatakutan niya. Pamilyar sa kanya ang tono kong 'yun.

Alam niya ang susunod kong sasabihin.

"Ok na. Ok na lahat. Hindi ako galit.Magkaibigan parin tayo. Alam ko, magkaibigan parin tayo. At bilang kaibigan, masaya akong masaya ka. Kahit hindi ako ang dahilan ng kasiyahan na yun. Alam kong maraming nangyari, Elya, pero marami tayong oras para mapag usapan yun. Marami tayong oras bilang magkaibigan para suportahan ang isa't isa. Marami pa tayong oras para sa mga susunod na kwento." Madami pa akong gustong sabihin pero hindi ko na mapigilan ang sarili kong mapaluha. Ang daming tao, nakakahiya.

Naramdaman ko sa puso ko na namiss ko din si Elya, hindi bilang girlfriend, kundi bilang kaibigan. Sa iyak niyang narinig ko sa telepono, ramdam ko na sa mahabang panahon, kinailangan niya 'ko.

Hindi ko akalaing pinatigas ko ang puso ko ng ganun katagal. Yumuko ako para ipagdasal ang pinagdadaanan niya. Kailangan niya ng kaibigan. Kailangan niya 'ko.

Kailangan niya ng taong makakakita ng mabuti. Nasa dilim man kami pareho pero alam ko, gamit ang bago kong puso, makikita namin ang mabuti.

下一章