webnovel

Kabanata 267

Kinagabihan,

Nag punta si Mimay sa kamag anak niya para makitulog pero ni isa sa mhga ito ay hindi siya tinanggap at huli na nga roon ang malapit niyang pinsan na si Nelai "pasensya na talaga coz ha? Bukas bumalik ka hindi na kasi dito matutulog si Floyd pwede ka ditong matulog pero ngayon di talaga pwede sorry talaga pero coz wag na wag mong sasabihin kila mama na may kasama ako dito sa condo ko ha?"

"O— Oo naman sige mauna na ko mag ingat kayo ha? Baka mabulabog niyo ang mga kapitbahay niyo."

"Ha?"

"Ha... Ha... nothing sige I will go ahead na have fun!"

"Have fun sana'y wag kayong mapagod. Tsss! Mga mapupusok!" Pabulong pang sambit ni Mimay.

"Ano yon?"

"Wala sige na pumasok ka na baka inaantay ka na ng laloves mo."

"Hehe... sige basta yung usapan ah? Wag mo sasabihin kila mama."

"Oo sige pangako."

Sinarado na ni Nelai yung pinto pero pabulong-bulong parin itong si Mimay "huh! Hindi lahat ng pangako tinutupad! Kala naman niya! Tsss!"

"Mims?"

Napalingon si Mimay dahil may lalaking tumawag sa pangalan niya "Dave?"

"Oh! Ikaw nga. What are you doing here?"

"Ha? A— Ano yung pinsan ko kasi dito nakatira makikituloy sana ako kaso wrong timing kasama niya yung bf niya kaya eto nga-nga ako."

"Ohhh... I see."

"Sige nice to see you here but I need to go na. Bye."

Papaalis na sana si Mimay ng tinawag siya ni Dave "Hmm?"

"Ahm... kung gusto mo dun ka nalang muna mag palipas ng gabi sa condo ko."

"Ha?"

"Ah... eh... may unit din kasi ako dito baka lang ka ko gusto mong makitulog gabi na at madilim ang daan mahirap na baka mapano ka. Delikado ang panahon ngayon."

"Ahhh... yun ba? Ayos lang ready naman ako may pepper spray naman ako tsaka I can handle myself. Don't worry about me."

"Dahil matagal ka naman ng walang pakialam sakin." Pabulong na dagdag pang sambit ni Mimay.

"Ahm... Ihahatid nalang kita sa pupuntahan mo kung ayaw mo sa condo ko."

"No need na nga! Sige bye."

Nag patuloy na nga sa pag lalakad niya si Mimay pero di sya tinigilan ni Dave "Ano bang ginagawa mo?"

"Hindi ako mapapalagay hangga't hindi kita nakikitang ayos ang kinalalagyan."

"Huh! Ano? Bakit sobrang concern mo naman ata sakin? Hindi ba at matagal na tayong tapos?"

"I know, pero hindi ko naman hahayaan na mapahamak ang kaibigan ko. Mag kaibigan pa rin naman tayo hindi ba?"

"Tsss! Whatever."

Sumakay na ng taxi si Mimay dala-dala ang kaniyang mga bagahe "sasama ka talaga?"

"Oo at hindi mo na ko mapipigilan. Sige Manong mag drive na kayo."

"San po tayo Sir?"

"Sa malapit na hotel po."

"Sige po Sir."

Pabulong bulong naman itong si Mimay "Unbelievable! Sasama talaga sya? Ano sya tatay ko? Kainis!"

Samantala napagpasyahan naman ni Kelly na umuwi na sa kanila pero kasama niya si Patrick.

"Mag dadalawang oras ng nakaluhod si Patrick sa mungo baka masakit na ang tuhod niya maawa naman kayo sa tao." Ang pabulong na sambit ni Faith kay Keith.

"Wala akong magagawa alam mo namang takot ako kay kuya tsaka hayaan mo nga para malaman niya niya di kami basta-Basta kay kaya dapat malakas siya dahil di pa yan ang huling ipapagawa namin sa kaniya!"

"Mga baliw talaga kayo! Maka taas na nga at matignan si Babysis baka gising na yon."

"Mabuti pa baka nagugutom na rin yun pag gising niya."

"Humph!"

Umalis na nga si Faith habang na nanatiling nakaluhod pa rin si Patrick sa mungo ka harap ang mga kuya ni Kelly "Bakit di ka mag salita? Wag mong sabihin na pagod ka na? Alam mo bang maning mani nalang yan kay Kelly? Kaya nakakahiya naman siguro kung ang simpleng pag luhod sa mungo ay hindi mo kaya daig ka pa ng babae." Ang sabi ni Kian na para bang ginagalit si Patrick.

"Hindi po ayos lang po ako hindi po ako napapagod ayoko lang po talagang mag salita para makapag concentrate po ako sa ginagawa ko. Pasensya na!"

"Huh!"

Bumulong naman si Kevin kila Kim at Keith "hindi ba parang sobra naman ata ito alam niyo namang mayaman sila Patrick at sigurado akong hindi niya pa nararanasan ang ganito."

"Let him be! Para naman malaman natin kung karapat dapat ba sya kay Kelly kung ang simpleng pag luhod lang sa mungo ay di niya kaya so that means hindi sya fit para sa kapatid natin." Ang sagot naman ni Keith.

"Pero tol, unfair parin ang ginagawa natin sakaniya isipin niyo, sya ang mag alaga kay Kelly nung na sprained ang paa niya."

"Na sure akong si Patrick rin ang may kagagawan kaya wag ka ng marami pang sinasabi diyan! Umisip ka na ng gusto mong iutos sa kaniya dahil hindi lang ang pag luhod sa mungo ang dadanasin niya satin!" Ang sabi naman ni Kim.

Kevin sighed "bahala na nga kayo! Pero oras lang na magising na si Kelly tinitiyak kong magagalit yun satin dahil sa ginawa natin kay Patrick."

"Wag kang mag alala Kevin dahil sigurado naman akong expected na yan ni babysis. Kaya chill ka lang." Ang opinyon naman ni Keith.

"Bahala kayo! Ano mang oras magigising na si Kelly mawawala na yung talab ng pain reliever na ininom niya kaya mamaya lang andito yon."

"Hayaan mo sya." Tugon nung dalawa kay Kevin.

"Hey rich kid! Totoo bang may amnesia ka nga?" Ang sabi ni Keith kay Patrick.

"Sir, yes sir!"

"Ohhh... So hindi mo kami kilala?"

Bineltukan ni Kim si Keith "paano ka naging guro? Malamang may amnesia nga paano niya tayo makikilala. Ungas!"

"Ehhh... akin lang naman baka lang may naalala siya satin kahit papano."

"Base sa report nya temporary lang ang amnesia niya but we can't tell kung kailan talaga babalik ang mga ala-ala niya." Ang sabi ni Kevin.

"Ohh... so ano lang ang naalala niya, wala?"

"Sa ngayon wala po akong maalala kahit ang mga magulang ko ay hindi ko po maalala Sir."

Nagkatinginan naman yung mag kakapatid at nakaramdam ng awa "Ahem... Ahm... kuya sa sitwasyon niya kailangan niyang hindi makaramdam ng ano mang stress para mapabilis ang pag balik ng ala-ala niya makakatulong rin kung maganda at masaya ng environment niya." Ang sabi ni Kevin kay Kian na ang sama naman ng tingin sa kaniya.

"Ah... Ahm... yun naman eh ang opinyon ko lang at ang nakasaad sa sinabi ng doktor niya."

"Sandali lang, bakit alam na alam no ang mga bagay-bagay sa kaniya? Na ospital ba sya sa DLRH?" Ang sabi ni Keith.

"Oo kuya nung nakaraan pagka dating niya na hospital agad sya."

"Ano?"

"Nahimatay kasi siya isa kasi sa mga epekto kapag nagka amnesia ang bigla-bigla nalang sumasakit ang ulo kapag may mga bagay o pangyayari siyang naalala ng biglaan."

Napatingin yung tatlo nila Kian kay Patrick matapos sabihin ang mga yon ni Kevin "at nagkataon iyon nung una niyang nakitang muli si Kelly pagkabalik niya dito sa Pinas."

"Si Kelly?" Anila.

"Ahm... wag niyo po sanang masamain pero hindi ko rin po sinasadyang makita doon sa café si Kelly at hindi ko rin po alam na siya po ang business partner ko dahil ang ate at ang kuya ko po ang gumawa ng mga documents dahil nasa US pa po ako nung ginawa nila iyon."

Sabay-sabay namang tumingin sila Kian kay Kevin na nag nod at sakto namang dumating si Kelly na inaalalayan ni Faith "totoo ang mga sinabi ni Patrick na hindi niya alam ang mga ginawa ng ate at kuya niya kahit ako hindi ko alam na sila ang business partners ko."

"Kelly..." Ang sambit ni Patrick na parang amaze na amaze kay Kelly.

"Kanina ka pa ba diyan? Kamusta ang paa mo?" Ang sabi ni Kevin at nilapitan agad si Kelly.

"Ayos na ko pero sa tingin ko may isang hindi ayos ang kalagayan."

Napatingin si Kelly sa namumutlang si Patrick at pinag papawisan ng sobra "ah... ahm... ayos lang naman ako don't worry."

"Siguro nga ayos ka ngayon pero..." tumingin sya ng masama sa mga kuya niya at nag patuloy sa mga sinasabi niya "pero mamaya hindi na."

"Kim! Keith!" Ang sabi ni Kian.

"Tol?" Anila.

"Ahem... itayo niyo na ang isang yan." Ang pagpapatuloy na sabi ni Kian at nag walked out.

Tinulungan namang tumayo nung dalawa si Patrick at umupo sa sofa at sinundan naman ni Kelly si Kian papuntang terrace kahit na ito ay papilay pilay.

"Kuya!"

Paglingon ni Kian nagulat sya na si Kelly ang tumawag sa kaniya at dali-dali naman nya itong tinulungan para maupo "anong ginagawa mo? Dapat dun ka nalang masakit pa yang paa mo."

"Can we talk?"

Kian sighed "sige gusto ko rin naman talaga kitang makausap."

Matapos niyang tulungan si Kelly maupo gayun rin siya kaharap ang kapatid "sorry."

"Hmm?"

"Oo kuya sorry."

"No baby, ako ang dapat mag sorry kasi ako ang laging malaking hadlang sa inyo ni Patrick."

"No kuya, kasalanan ko rin alam ko malaki ang expectation niyo sakin nung grumaduate ako ng college. Pero anong ginawa ko? Tumambay lang ako sa Batangas nag farm at di na umuwi dine satin sa Manila."

"No baby, its okay nag lockdown din naman at nag pandemic kaya we understand everything kaya you don't need to say sorry."

"No kuya! Kasalanan ko kasi hindi ako nag sabi sa inyo ng mga nararamdaman ko kaya nag kakaganyan kayo. Pero kuya pangako wala po akong ginawang ikagagalit niyo nila mama kaya kuya sana mapatawad nyo sana ako at sorry pero lalabagin ko na ang gusto niyo para sakin I know sabi niyo mag aasawa ako kapag kasal na kayong lahat pero nauna pa ako sa inyo nila kuya Kim at kuya Kevin pero kuya..."

"Pero mahal mo na sya?"

"Kuya..."

Lumapit si Kian kay Kelly at niyakap niya ang kapatid "it's okay gets ko na pero once na paiyakin ka niya o may gawin ang pamilya niya sayo, lintek lang ang walang ganti. Tandaan mo nag iisa ka lang na prinsesa ng mga kuya mo kaya hindi kami papayag na may mang aapi at mag papaiyak sayo."

Kelly started to cry "kuya...."

"It's okay don't cry na payag na akong mag pakasal ka kay Patrick though kasal na kayo sa papel pero gusto pa rin naming makita kang ikasal sa simbahan at kami ng mga kuya mo ang mag hahatid sayo sa altar pero baby pwede bang dito na muna kayo tumura satin? Pagka kasal niyo?"

Kelly nodded while hugging her brother "opo kuya yun rin naman ang gusto ko kasi yun po ang gusto satin ni daddy diba? Parang gaya ng kila lolo sa Batangas."

"Um... Kaya sana gawin rin natin yun ha? Mahal na mahal ka namin lil'princess."

"Mahal na mahal ko rin po kayo kuya."

"Oh, sya pahidin mo na yang luha mo baka ma turn off pa sayo ang soon to be husband mo. Este, asawa mo na pala." He sighed "ang bilis ng panahon ang lil'princess namin bubuo na ng sarili niyang pamilya pero sana hayaan mo pa rin kami ng mga kuya mo na maging part ng married life mo ha?"

"Um... kahit sa pagtanda ko kuya ayos lang na maging part kayo basta wag niyo rin akong kakalimutan kapag kinasal na kayo nila kuya Kim at kuya Kevin ha?"

"Oo naman!" Ang sabi nila Kevin at Kim na narinig ang usapan nung dalawa.

"Ahhhh... group hug nga!" Ang sabi naman ni Keith.

At niyakap nga ng apat na tigasing prinsipe ang kanilang nag iisang babaeng kapatid na prinsesa ng may galak at pag mamahal.

下一章