webnovel

Chapter 21

Loey.

"Ano nang score niyo ni Rose?"

Tanong ni Sean sa'kin kagabi habang pinagsasaluhan namin ang in can beer sa bar table ng bahay namin.

I smiled and I quite can't help it.

"Wala bro. We're good friends."

"But you like her don't you?"

I laughed. 'Yong score nila ni Yeri ang pinag uusapan namin tapos biglang napunta sa'kin.

"Rose is like a miracle to me. Parang binigay siya sa'kin ni Zoey."

Ngumiti ako habang iniisip ang unang beses naming pagtatagpo sa cruise ship.

I was sinking in the pool.

Honestly, wala na talaga akong pakialam kung malunod man ako n'ong time na iyon.

But she came just in time. She saved me.

And because of her. I began to dream again.

And I began to realize that dream.

"You didn't answer my question." Sean murmured.

"Good morning po," Nakangiting bati ko sa bumungad na si Yaya Shirley mula sa pinto ng unit ni Rose.

I came to fetch her para sabay na kaming pumunta sa studio. Magshoshoot kasi kami ngayon ng acoustic session ng kanta namin. At mag eedit na rin kami ako n'ong Music video na ni shoot namin.

"Pasok ka," nakangiting sabi ni Yaya Shirley habang ginigiya ako papasok ng bahay nila.

Naupo ako sa couch at hinintay si Rose.

"Gusto mo ba ng kape?" Pag-aalok ni Yaya. Umiling-iling ako. "Okay lang po Yaya, sinusundo ko lang po si Rose para hindi na siya mag commute."

Ngumiti si Yaya na para bang kinikilig.

"Naku, matagal talaga mag ayos itong alaga ko, mauubos mo pa yata ang isang cup ng coffee."

Nakumbinsi na rin ako ni Yaya kaya pumayag na ako na ipagtimpla niya ako ng kape.

Sabi nga sa lumang kasabihan, bawal tumanggi sa grasya.

Totoo nga, matagal mag prepare si Rose, naubos ko na nga ang kape ay hindi parin siya nalabas.

"Sorry."

Narinig ko na rin ang boses niya na kumabas galing sa kwarto niya.

Parang nag slowmo ang lahat habang papalabas siya.

She was just wearing a large pink shirt and ripped jeans. Her wavy light brown hair are tied down with some hair covering the sides of har face. She wears a baby pink shade lipstick.

I can't help but be stunned by her.

She was just simple yet so beautiful.

Hindi ko manlang napansin ito noon.

Napatanga yata ako kaya hindi ko napansing nasa harapan ko na siya at nakatayo.

"Shall we go?" Aniya.

"Ahh. Yeah. Let's go."

Tumayo na ako at lumakad na kami papunta sa sasakyan. Bumiyahe kami papuntang studio.

Pagkarating namin, wala pa si Harvey roon. Kami pa lang dalawa.

Nagsimula na akong mag set up sa mga musical instruments.

"Loey, nakita mo ba 'yong notebook ko? 'Yong sinusulatan ko ng lyrics? Nakalimutan ko kasi kung naiwan ko ba rito. Wala rin kasi sa bahay eh."

"Ah. Oo, naitabi ko iyon sa shelf."

Yung matayog na shelf na may malapit sa window 'yong tinuro ko sa kanya.

Tinungo niya iyon at bumaling ako muli sa pagseset up ng instruments. Naalala ko, mataas pa pala sa'kin iyon at sa pinakataas na row ko nailagay ang notebook niya kaya paniguradong hindi niya ito maabot.

Tiningnan ko siyang muli na ngayon ay hirap na hirap na inaabot 'yong notebook sa itaas.

Agad ko siyang nilapitan at inabot iyon habang nakatayo ako mula sa likuran niya.

Kinuha ko 'yong notebook at iabot sa kamay niyang nakataas parin.

Lumingon siya bigla sa akin. Natapat ang mukha niya sa dibdib ko, at napayuko naman ako sa kanya.

Inangat niya ang ulo niya kung kaya't nagtama ang mga mukha namin.

It was so close, mga 5 inches nalang yata ang pagitan n'on.

We both freeze into each other's gaze. And no one had that strength to escape from it.

Hindi ko na namamalayan ang pagkukusa kong lumapit pa sa mukha niya.

I want to kiss her.

I badly wanted it.

I am slowly getting near.

It's now almost 3 inches nearer.

"But you like her don't you?"

I think, I already know the answer to Sean's question.

I like her, I definitely like her.

下一章