Caution: This chapter contains violence and self harm that may find disturbing or may not suitable for the young readers.
Readers discretion is adviced.
"Yes, I was raped by my own brother. I was raped by my biological brother."
Humagulgol ako sa mga bisig niya at wala akong pakialam kahit mabasa pa ang tshirt niya ng mga luha ko. Sinusuntok ko na rin ang dibdib niya.
Hindi ko na kaya. Siguro mas magiging masaya ang mundo kapag nawala na ako. Siguro hindi ko talaga deserve mabuhay. Wala akong purpose sa mundong ito. Hindi ako worthy.
Patuloy pa rin siya sa paghagod ng likod ko. Wala akong kahit na anong salita na naririnig sa kanya. Well, hindi ko rin naman kailangan ng advice. Wala na eh, wala na akong dahilan para mabuhay pa.
Hindi pa man ako nakakaalis sa pagkakayakap niya ay biglang nag-ring ang cellphone ko.
"D-dad?"
A single word but meaningful.
"Anak, punta ka rito. Sinugod sa hospital ang mommy m-mo." Napalunok ito.
Lalo pa akong napahagulgol sa nalaman ko.
"A-ano pong nangyari?"
"Na-overdose."
Kung pwede ko lang murahin si daddy ay ginawa ko na. Umabot na sa sukdulan si mommy at gano'n din ako. Pinatay ko na ang tawag at hinintay na i-text ni dad ang address ng hospital.
Nanlalabo man ang paningin ko dahil sa luha ko ay pinilit kong tumayo at maglakad.
Nakakailang hakbang pa lang ako nang hawakan ni Gian ang kamay ko upang pigilan ako.
Iniharap niya ako sa kanya at dahan-dahang pinunasan ang luho ko. "Shh... Tahan na. Ihahatid kita kung saan ka man pupunta."
Nanlambot ang puso ko. Sa lahat ng sakit at kalupitan ng mundo, ay may Gian na mabait at maasahan ko. Pero hindi ito magiging hadlang sa matagal ko ng plano dahil ilang oras na lang ay gagawin ko na ito.
Alam ko, nakakatawang plinano ko pa ang pagpapakamatay dahil kung gusto kong gawin ito ay dapat matagal na. Pero dumating si Paul, nasira niya lahat ng plano ko pero siya rin pala ang magiging rason kung bakit gusto ko na ulit ito ituloy. At ngayon si mom. Ano pa bang sakit ang mararanasan ko? Ito na ba 'yong todo?
Sinundan ko si Gian. Dala-dala niya pala ang motor niya kaya agad akong sumakay rito. Sinabi ko na rin sa kanya ang address, tango lang ang itinugon niya.
Wala akong ibang inisip buong biyahe kung hindi si mommy. Kumusta kaya siya, sana mabuti pa rin siya.
Pumikit ako at nagdasal. Tutal, matagal na naman akong hindi nagdadasal ay sasagarin ko na.
Lord, sana buhay pa si mommy. Lord sana buhay ko na lang kapalit ng buhay niya. Lord, nagmamakaawa ako. Hindi man nila ako piliin basta piliin mo ako, piliin mong ako na lang ang kunin. Deserve pa ni mommy na mabuhay samantalang ako hindi na. Kaya please, nagmamakaawa po ako.
Nang makarating ay agad naming hinanap ang room ni mommy. Nagbabakasaling makita ko pa siya sa huling pagkakataon.
"Room 119 po," sabi ng nurse na nagbabantay.
"S-salamat po."
Tumulo na naman ang mga luha ko. Hindi ko alam kung bakit mayroon pa rin akong inilalabas na luha kahit ang dami ko ng nailabas. Kailan ba ito mauubos?
Nakita ko si daddy na nakaupo sa seating area. Tahimik lang ito. Ang laki na rin ng pinagbago niya. May balbas at bigote na ito.
"D-dad, nasaan si mom?" Agad-agad na tanong ko.
"Nasa loob, stable na raw ang kalagayan niya sabi ng doctor."
Nakahinga ako ng maluwag.
Tinitigan ko ang signage sa labas ng room ni mom. Room 119. Nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako o hindi. Pero buo na ang loob ko, papasok na ako dahil ito na ang huling beses kong makikita si mommy.
Gusto kong mainis kay mommy dahil sa ginawa niya pero naiintindihan ko siya, alam ko kung saan siya nanggagaling at alam ko kung ano yung pinagdadaanan niya. Hindi man ito magandang huwaran sa mga kabataan katulad ko pero naiintindihan ko siya.
Minsan, ang mga nakakaranas lang din ng depresyon ang makakaintindi sa mga katulad nilang nararanasan din ito. Naiinis ako pero mas naiintindihan ko siya. Maski ako ay gagawin ko rin naman ang ginawa niya.
Pinunasan ko ang mga luha ko bago pinihit ang doorknob.
Nang makapasok ay pinagmasdan kong mabuti si mommy. Mula sa mukha hanggang sa kamay. Hinawakan ko na rin ito dahil ito na ang huling makikita at mahahawakan ko siya.
Napakaganda niya. Mabait, matalino, matulungin, maasahan, mayaman, pero kahit gano'n ay hindi pa rin pala sapat 'yon. Kahit gaano ka pa kaganda o kabait o katalino ay hindi ka pa rin magiging enough sa taong hindi marunong makuntento.
Bigla kong naalala si Gian kaya tumayo ako at lumabas ng pinto. Papauwiin ko sana siya at pasasalamatan kaya lang bigla siyang nawala.
Bumalik ulit ako kasabay ni dad sa loob ng room ni mommy.
Ilang minuto kaming walang kibuan. Pinapakiramdaman ang isa't isa. Gusto ko sanang marinig na humingi siya ng tawad sa amin pero mukhang hindi niya gagawin 'yon.
"D-dad?"
Nakaupo lang ako sa tabi ni mom habang hawak-hawak ang kamay niya.
Hindi ko siya tinitignan na nakatayo lang sa likod ko dahil ayaw kong umiyak na naman.
"Dad... Pwede niyo po ba kaming balikan? Pwede niyo po bang balikan si mommy? Pwede bang si mommy na lang ulit? Pwede bang h'wag mo na siya iiwan?" Sunod na sunod na tanong ko.
"Sorry, anak ha? Nadamay ka pa. Sorry pero hindi na eh." Sagot niya na ikinatulo na naman ng luha ko.
Akala ko todo na 'yung kahapon eh, may itotodo pa pala.
Dahan-dahan kung inilapag ang kamay ni mom bago hinarap si daddy. Todong sakit na rin pala edi itotodo ko na rin.
Lumuhod ako sa harap niya at nagmakaawa.
"D-daddy please... P-parang awa mo na po, b-bumalik ka na po."
Kung nagawa ko kay Paul ang lumuhod at magmakaawa ay kaya ko rin gawin 'to kay daddy. Kung hindi man nag-stay si Paul sana mag-stay si daddy, kahit hindi na lang para sa akin, kahit para kay mom na lang.
"Please... I'm begging you, dad. Bumalik ka na naman oh."
Patuloy lang ang pag-agos ng mga luha ko at hindi ako tatayo rito hangga't hindi sinasabi ni dad na babalik na siya at hindi na niya kami iiwan.
"Sorry, anak. Sorry pero hindi na ako pwedeng bumalik. Nahihiya na ako sa inyo, sa lahat ng nagawa ko sa inyo. Wala na akong mukhang maihaharap sa inyo. And I'm sorry for causing you a real disaster. Sorry for making you cry and making you upset about us. Hindi ko na maaayos lahat ng nasira ko sa 'yo, sa mommy mo at sa pamilya natin." Buong loob niyang sabi.
Bakit kahit anong gawin ko ay hindi ko mapapa-stay ang isang tao? Kahit anong pagmamakaawa ko o kahit anong pag-iyak ko ay walang silbi para mapastay ko sila.
No one chooses to stay dahil hindi naman ako mahalaga sa kanila. Walang pumipili sa akin, walang pumipili na manatili kahit na alam nilang masasaktan ako.
Gano'n na ba ako kawalang kwenta?
Tumayo ako at lumabas ng room ni mom. Hindi ko kayang makita pa si daddy at hindi ko na kaya pa 'yung sakit. Sobra-sobra na.
Tumakbo ako palayo at palabas ng hospital. Wala akong pakialam kung pagtawanan man ako ng kung sino mang makakita sa akin.
Nang makalabas ay agad kong nakita ang motor ni Gian kaya agad akong pumunta roon. Hindi pa pala siya nakakaalis.
"Ange?"
Naglalakad papalapit sa akin si Gian. May bitbit siyang plastik na may dalang pagkain. Sa kanang kamay naman niya ay bitbit niya ang bote ng tubig.
Habang ako ay patuloy pa ring umiiyak.
"Anong nangyari? Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong niya.
Inabot niya sa akin ang bottled water at agad ko naman itong ininom. Saglit na natigil ako sa pag-iyak.
Matapos no'n ay binalik ko sa kanya ang bote.
"Si d-daddy..." Lumunok ako. Naiiyak na naman ako.
"Si daddy ayaw mag-stay..."
Para akong batang umiiyak dahil naagawan ng candy.
Punong-puno na ng luha ang mukha ko. Walang minuto ata akong hindi umiiyak dahil sa sunod-sunod na sakit.
Ang pinakamasakit na sakit ay hindi 'yung sakit sa katawan bagkus ang sakit sa puso.
Niyakap niya ulit ako. "Shh... Someday someone will chose you and will keep on choosing you everyday."
Humihikbi ako sa dibdib niya.
"May aaminin ako sa 'yo, h'wag ka sanang magagalit, okay?" Mahinahon niyang saad.
"Hmm." Sagot ko.
"Alam ko lahat. Alam ko..."
Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Hindi ko alam kung ano yung alam niya.
"Alam ko lahat dahil ako ang kumuha ng letters mo." Pag-aminin niya na ikinagulantang ko.
Bigla ko na naman naalala ang letters na isinusulat ko.
Lumayo ako ng bahadya sa kanya. "Ikaw?"
Tumango ito. "Kaya sana huwag kang magalit. Sorry, Ange."
"So, aalis ka na? Iwan mo na lang ako." Tumalikod ako at tumingala. Lintek na luha 'to!
"Alam ko ang plano mong gawin kaya sana h'wag mong gagawin lahat ng binabalak mo."
Agad akong humarap sa kanya. "Binabalaan kita, h'wag na h'wag mong ipagsasabi ito sa iba. Hindi nila ako maiintindihan, walang makakaintindi sa akin. H'wag mo na rin ipagkalat lahat ng nalaman mo sa akin at kay Paul. P-parang awa mo na."
I trust Gian pero gusto ko pa rin makasiguradong hindi niya sasabihin ito sa iba. Sirang-sira na ako.
"One day, you will meet someone who will understand your past and protect you because they won't want you to suffer the same pain again... That someone is me." Ngumiti ito.
Pinagmasdan ko lang siya habang may kinukuha sa motor.
Nagulat ako nang ilabas niya ang mga letters ko. Matagal ko na itong hinahanap, nasa kanya lang pala. Ngayon, tuloy na tuloy na ako.
"Here. Isasauli ko na. Pasensya na kung kinuha at binasa ko 'yan. Sorry dahil pinakialaman ko ang privacy mo."
Pinunasan ko ang mga luha ko at ngumiti. "Okay lang. Salamat, Gian."
Salamat sa lahat. Sa wakas, sa lahat ng nakasakit sa akin, may nag-iisang nag-sorry sa akin kahit hindi ko hiningi o hiniling. Salamat Gian, ngayon pwede na akong umalis.
Pwede na talaga akong mamatay.
"Uuwi na muna ako sa bahay."
Ipapamigay ko na ang letters ko. May mga natirang letters pa naman sa bahay kaya ipapadala ko na lang ito sa kanila.
"Hatid na kita. Kain ka na muna." Inangat niya ang plastik na dala niya na may lamang pagkain.
Siguro ito na rin ang huling kain na magkasama kami kaya sasaluhan ko na siya. Sa dami niya ba namang nagawang mabuti sa akin ay hindi sapat ang salamat lang.
"Sige."
Napagdesisyonan naming sa playground na lang kumain. Kaya bumalik ulit kami roon.
Tahimik lang ang biyahe, pero ang daming tumatakbo sa isip ko. Sobrang gulo.
Gusto ko ng matulog at magpahinga. Gusto ko na lang mawala sa mundo.
"Hindi ka ba iniinitan?" Basag ni Gian sa katahimikan.
Umiling lang ako. Ayaw kong makita niyang puro sugat ang wrist ko, lalo na ngayong fresh pa ito. Naka-jacket kasi ako upang matakpan ang mga sugat ko.
Nang makarating ay umupo agad ako sa swing. Inayos muna ni Gian ang motor niya bago umupo sa tabi ko.
"I know you're tired of everything. Just take a rest. Everything will be alright soon." He asured me.
Medyo magulo nga ang araw ko. Nakakapagod. Sobrang daming gumugulo sa isip ko. Hindi ko na alam kung paano ito pagsasabayin o kung paano ko maalis lahat ng sakit sa puso ko.
Sa tuwing naaalala ko 'yung nangyari kanina ay hindi ko maiwasang maiyak. Kaya sa kaunting pagpatak ng luha ko ay pinunasan ko ito upang hindi niya makita.
Pakiramdam ko tuloy sa tuwing magmamahal ako ay lagi na lang nila akong sasaktan, intensyon man nila o hindi.
I've learned that not all people who are nice to you had good intentions. So, don't trust too much.
I really regret putting my faith in the wrong man.
"Done!" I give him a warm smile.
"You sure?"
Tumango ako.
"Thank you pala ha? Salamat sa lahat."
"Wala 'yun. Sinabi ko naman sa 'yo na nandito ako lagi."
"Basta, thank you. Gusto ko na rin umuwi at magpahinga muna saglit."
Tumingala ako. Tinignan ko ang kagandahan ng langit. Alam ko namang hindi ako diyan mapupunta eh.
"Hatid na kita?"
"Hm. Sige Gian, salamat."
Ngumiti lang ito at pinasakay ulit ako sa motor niya.
Although, malapit lang naman dito ang bahay namin ay pumayag na ako dahil may hihingiin naman din akong pabor sa kanya eh.
Medyo nagdadalawang-isip pa ako kung sasabihin ko sa kanya o hindi pero dahil nandiyan na rin naman siya ay sasabihin ko na.
Pinagmasdan ko ang dinadaanan namin. Parang nagsslow motion ang paligid.
Maybe I'm just tired of everything.
Nang makarating ay agad akong bumaba sa motor niya. Bitbit ko ang mga letters na isinauli sa akin ni Gian.
"Pwede ka nang umuwi. Salamat, Gian ha?" Tumalikod na ako rito.
Hinihiling ko na pigilan niya ako. Sana ay pigilan niya ako.
Pero nakailang hakbang na ako ngunit hindi niya man lang ako pinigilan. Kaya may tumulo na namang luha sa mata ko. No one here to stop me.
Walang gustong pigilan ako sa gagawin kong pagpapakamatay.
Humarap ako at ngumiti ulit sa kanya. "Bye, Gian."
Kumaway ako at gano'n din siya. Nakangiti siya sa akin pero hindi pa rin siya umaalis doon sa pwesto niya.
Pumasok na ako sa loob. Dumiretso sa kwarto upang ilagay sa box ang mga letters. Dadalhin ko ito sa LBC at ipapadala ko sa kanila.
Masakit iwan sila pero mas masakit yung walang nandito para sa akin. Walang nandito upang pigilan ako. Walang pumapansin sa kalungkutan ko. Walang nakakapansin sa akin.
Gusto ko ng huminto ang pag-ikot ng mundo ko. I want to stop the pain. I want to stop people from hurting me.
Ibinalot ko ang mga letters ko. Umupo ako sa lamesa ako upang magsulat ng tula. Probably, my last letter.
Inisip ko lahat ng ginawa ni Paul sa akin. Simula bata ako. Naulila ako sa magulang. Inampon nga ako at dahil sa akin ay naging maayos ang pamilya ng umampon sa akin. Pero ngayon, wala na. Nasira na. Wala na akong magagawa para mabuo ulit. Lumuhod man ako o umiyak ng dugo, wala na. Wasak na.
Nagmahal ulit ako, natutunan ko ulit magmahal. Sumaya ako. At kung kailan sobrang saya ko na, kung kailan pakiramdam ko lumilipad ako sa langit, saka naman ako babagsak. Doon naman babawiin ang kasiyahan. Doon naman ako lolokohin.
Ano bang ginawa ko sa mundo?
Ano bang ginawa kong masama?
Kinuha ko ang papel at ballpen upang magsulat ng tula. Umaagos ang luha ko.
The important people always leave.
Deal with it.
And this time, she was the one who'll leave.
She always flash a beautiful smile to them.
But behind that, was a face that crying for help.
Help! Help me.
They see that but no one dare to help.
Help? What's that word for them?
Someone crying for help
But they see that someone as an attention seeker.
But the truth is, she is a seeker.
Not an attention seeker, but a love seeker.
She was just seek for love.
A love that she give.
But the return was pain.
Pain that slowly kills her.
They say, 'She killed herself'.
But the truth is, you all killed her.
Day by day,
Piece by piece.
She fix you.
You broke her.
She the difference?
She will keep on breathing as long as she can.
But forgive her if she don't.
Matapos kong isulat ang tula ko ay inilagay ko na ito sa box. Inaayos ko ito. Nagdadalawang-isip man ay tumayo na ako upang maglakad palabas ng bahay.
Bumuntong-hininga muna ako bago tuluyang nilisana ng bahay.
Nilakad ko ang pinaka-malapit na LBC dito sa bahay. I know, I shouldn't do this. Pero, sobrang sakit na.
Nilalamon na ako ng kalungkutan at ayaw kong mabuhay na puro sakit na lang. Ayaw kong mabuhay na parang patay na.
Masakit para sa akin na iwan na lamang ang lahat. Pero, mas masakit sa akin na mag-umpisa na naman ulit. Masakit mag-isa na naman.
Nandito na ako. Papasok ba ako? Ibibigay ko na ba talaga ito sa kanila?
Nag-antay ako ng ilang minuto, baka may makita akong kakilala ko upang makausap lang sandila. Baka kasi mapigilan niya ako eh.
Pero ilang minuto na ay wala pa rin kaya nagdesisyon na akong pumasok na sa loob.
Isinulat ko ang pangalan ko, ang pangalan ng pagdadalhan ko at ang address nila.
Matapos no'n ay lumabas na ako. Pumunta ako sa tindahan upang bumili ng blade.
This is it. Ito na talaga. Wala ng atrasan 'to.
Umuwi na ako at agad na dumiretso sa cr. Gagawin ko na ba talaga ito?
Huminga ulit ako ng malalim. Naiiyak na naman ako.
Tumingala ako upang pigilin sana ang pag-agos ng luha ko ngunit wala itong nagawa upang huminto.
Nakatulala ako sa kawalan bago tuluyang inilabas ang blade.
"I'm sorry. Sorry kung hindi ko na kaya. Sorry kung hanggang dito na lang ako. Sorry kung iiwan ko na kayo," sabi ko sa kawalan.
"Ang sakit na! Ang sakit sakit!" Sigaw ko.
Unti-unti kong binaon ang blade sa wrist ko dahilan upang umagos ang malapot kong dugo.
"Ahhhhhh!"
Ramdam na ramdam ko ang sakit ng pagbaon ng blade sa pulsuhan ko. Habol-habol ko ang paghinga ko.
Ilang segundo lang ay ginawa ko na rin sa kabila kong pulsuhan.
"Ahhhhhh!!!" Muli kong sigaw.
Sobrang sakit. Kahit na lagi ko itong ginagawa ay masakit ito dahil fresh pa ang sugat dito.
Hinihingal ako habang umiiyak. Sobrang sakit physically, mentally at emotionally.
"Ange!" May narinig akong sigaw mula sa labas. Boses ito ni Gian.
Hindi ko ito pinansin at patuloy lang sa pag-iyak. Nakatingala at hinahabol ko ang hininga ko habang patuloy lang sa pag-agos ang dugo ko.
"Ange! Ange, papasok na ako ha?" Muli nitong sigaw.
Unti-unti ng lumalabo ang paningin ko. Bumabagal ang paghinga ko.
Bumibigat na ang talukap ko pati na rin ang paghinga ko.
Pumikit ako. Ito na, dito na nagtatapos ang kwento ko. Dito na magtatapos ang lahat ng sakit. Pagkatapos nito, wala na akong mararamdamang sakit. Pagkatapos nito, wala na.
"Angeeeeeee!"