"Ange!" Tumatakbo habang sumisigaw na papalapit sa akin si Limuel.
Nang makalapit ay huminto siya ngunit nilagpasan ko lang siya.
"P're, anong nangyari?" Rinig kong tanong ni Limuel kay Gian. Hindi pa naman ako tuluyang nakakalayo kay Gian kaya rinig ko pa rin ang sinabi ni Limuel.
"Kunin mo 'yung bag ni Ange sa room niyo. Ako na ang bahalang magbibigay sa kanya." Sabi ni Gian.
Binilisan ko na ang lakad ko.
I was supposed to text Paul when someone grab my phone. Muntik na itong mahulog buti na lang ay mabilis ang kamay niyang nasalo ito.
"Akin na 'yan, Gian!" Bulalas ko.
Dinilaan niya ako tapos kinaladkad ulit. Mukha ba akong kaladkarin? Namumuro na 'tong Gian na 'to sa 'kin ha. Imbis na dapat umiiyak ako ngayon ay parang natatawa na lang ako dahil sa pinaggagawa ni Gian. Muntik pa siyang matisod dahil sa kakamadali.
"Ang rupok mo talaga. Bawal kang mag-cellphone!"
Hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko.
"Anong karapatan mong pagbawalan ako? Sino ka ba?" Sabi ko ngunit parang kumirot ang puso ko nang makita ang naging reaksyon niya.
"Fine. Magkita kayo ni sir pero dapat kasama ako." Sabi niya habang may tina-type sa cellphone ko.
Walang lock ang phone ko kaya mabilis niya itong nabuksan at nakapag-text. Alam kong si Paul ang tinext niya pero hindi ko alam kung anong laman ng message niya.
"Paano tayo makakalabas ng school?" Tanong ko. Gustong-gusto kong makita at maka-usap si Paul. Handa akong patawarin siya, 'wag lang siyang mawala.
Alam kong kahihiyan lahat ng ginagawa ko pero hindi ko kayang mawala siya eh.
"Sinong nagsabing lalabas tayo ng school? Sa likod tayo." Sabi niya at kinaladkad ulit ako.
Nagpahila na lang ako sa kanya dahil kahit pigilan ko siya ay hindi ko rin naman kaya, maliban sa malakas siya ay gusto ko rin namang makita si Paul.
Nang makarating kami sa likod ng buildings ay umupo si Gian sa bato. He was texting someone and I know it's Paul. I was supposed to steal again my phone pero mas mabilis pa rin ang kamay niyang iniiwas sa akin ang cellphone ko.
"Sent!" Itinaas niya ang kamay niya at pilit ko naman itong inabot.
"Akin na 'yan. Ibigay mo na sa akin 'yan." I give him a deadly gare.
"This is just for you. Wait for another five minutes. Ibabalik ko sa 'yo 'to," aniya.
Umupo ulit siya sa bato. Mukha siyang stress na stress dahil sa akin. Bakit? Kasalanan ko ba? Eh hindi ko naman hiniling sa kanya lahat ng 'to eh.
"Your phone is dying and so is my heart." Nakatitig lang siya sa cellphone ko.
Matapos niya itong titigan ng ilang segundo ay mabilis niyang inilagay sa bulsa niya ang cell phone ko. "Hays. Bakit kasi sa dami ng lalaki sa mundo, si sir pa."
"Pake mo." Bulong ko.
Bakit nga ba kasi? Bakit kasi siya? At bakit kasi laging komplikado? Parang ang pakiramdam ko ay ako na ang pinakamalas na tao sa mundo.
Buti na lang ay ang wallpaper ko at lockscreen ko ay ang 1D kaya okay lang na makita niya.
Maya-maya pa ay tumunog ang cell phone ko. Kinuha ito ni Gian sa bulsa niya. Saglit niya itong tinignan at itinago ulit sa bulsa.
"I have to go. Remember, I am watching you." Sabi niya bago ako iniwan.
Umiling na lang ako. Bakit ba siya nanghihimasok sa buhay ko? Kung ano man ang gawin ko, choice ko yun at 'yon ang gusto ko.
Ilang minuto na akong nag-aantay pero wala pa ring dumadating. Hinanap ng mata ko si Gian ngunit hindi ko ito nakita. Ano bang plano niya?
Dala pa nito ang cellphone ko kaya 'di ko alam kung may darating ba o wala. Kaunti na lang ay lalangawin na ako sa kinakatayuan ko.
"Ange..."
Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. Nang magtama ang mata namin ay bigla akong umiyak.
"Paul..." Halos pumiyok pa ako. Naiiyak ako sobra dahil sa dami ng nangyari.
Ang kinakatakot ko lang ay ang mawala siya dahil ayaw kong magsimula na naman. Ayaw kong mag-isa na naman. Nakakatakot, nakakalula at sa tingin ko ay wala na rin akong dahilan para mabuhay pa. Binigyan niya ako ng rason upang patuloy na mabuhay kahit na gustong-gusto ko nang wakasan ang lahat pero dahil sa kanya ay ginusto ko na ulit mabuhay.
"Please... B-balilan mo a-ako." Bumuhos na ang mga luha ko. Kasabay no'n ang pagbagsak ko sa lupang kinatatayuan ko at lumuhod sa kanya.
"B-bumalik ka... H-hindi ko kayang mawala ka..." Nakaluhod pa rin ako sa harap niya.
Ngunit hindi awa ang nakikita ko sa mukha niya kung hindi ay galit. Matinding galit na hindi ko alam kung saan nanggagaling o kung paanong nagkaroon siya ng galit sa akin.
"Hindi mo ba talagang kayang mawala ako?" Tumawa siya nang mapakla.
Tango lang ang naging tugon ko sa kanya. Ang sakit. Sobrang sakit na nakikita kong parang galit siya sa akin. Sobrang sakit na malamang parang hindi niya pinapahalagahan ang nararamdaman ko.
"Alam mo bang dapat lang 'yan sa iyo?" Umupo siya upang ibulong ito.
Hindi ko maintindihan kung bakit parang ibang tao siya ngayon. Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganyan. Nasasaktan ako pero bakit lalo pa niya akong sinasaktan?
"A-anong ibig mong s-sabihin? P-parang awa mo na... B-balikan mo ako. 'Wag m-mo akong iiwan..." Hinawakan ko ang mukha niya ngunit tinabig niya lang ito at tumayo.
"Please... 'Wag mo n-namang gawin sa akin ito oh? Parang awa mo na, Paul. Ikaw na lang ang meron ako. Ikaw na lang ang nag-iisang taong nagmahal sa akin at nagparamdam sa akin na espesyal ako... 'Wag mo naman akong iwan oh? 'Wag sa ganitong paraan... Papatawarin kita, kakalimutan kong may asawa ka na, h'wag mo lang akong iwan. Hindi ko kaya, ikamamatay ko." Umiiyak pa rin ako habang nakaluhod sa kanya.
Hinawakan ko ang kamay niya ngunit mabilis niya lang itong tinabig.
Tumalikod ito at inilagay sa bulsa ang mga daliri. "Hindi mo ba talaga ako naaalala?"