webnovel

Eight Letter

"Yayayain kasi sana kita sa simbahan." Ngumiti ito.

Parang sure na sure siya na papayag ako sa pag-aaya niya ha?

"Pwede ka ba?"

"Pwede ka bang pakasalan?" He chuckes. "Charot with a silent c."

Hindi ko na nasagot kasi nga dumating na ang tricycle at sumakay na ako. Hindi na rin kami magkasabay na nakasakay dahil hanggang sa 'kin lang ang inabot.

Hindi ko na siya binalingan pa nang makaalis na kami. Hindi naman kami close pero bakit ang feeling close niya sa 'kin?

Sinalpak ko ulit ang earphone ko. Natapos na pala ang kantang paborito ko.

Inilabas ko ang wallet ko dahil mabilis lang naman ant biyahe at hindi traffic. Halos lahat kami ay hindi pa nagbabayad dahil nga agad na umalis ang driver.

I salute drivers. Sobrang hirap ng ginagawa nila araw-araw. Pabalik-balik. Mainit, maalikabok at nakakapagod ngunit kahit na hindi naman gano'n kalaki ang kita nila, kumakayod pa rin sila.

Sobrang hanga ako sa kanila kasi minsan may nakakausap ako sa kanila and they're really kind and jolly. Alam mo 'yung pagod sila pero nagagawa pa rin nilang ngitian ako, samantalang 'yung ibang tao hindi man lang makangiti sa iba.

"Manong, para po."

Saglit na huminto kami at bumaba ang katabi ko. Naghintay ang driver sa katabi ko ngunit dire-diretso lang ito. Really? 123?

Ilang segundo lang ay napansin na ng driver na wala na ito kaya napakamot na lang siya ng ulo. Batid ko ang inis sa kanya pero nanatili lang siyang tahimik at hindi man lang nag-rant.

It's really painful to see them hurting because of 9 pesos. Alam kong sa iba, maliit na halaga lang 'yun pero sa kanila, napakalaki no'n. Para sa kanila, sayang 'yun.

Hindi ko naranasang magutom dahil sa mga umampon sa 'kin. Pero alam ko 'yung hirap na nararanasan nila dahil kahit na mayaman ang umampon sa 'kin ay hindi ako umarteng mayaman dahil mas gusto ko lang maging simple. Hindi naman din sa 'kin 'yung perang binibigay nila sa 'kin eh.

Hindi ako bulag para hindi makita ang panghihinayang ni manong driver sa isang pasaherong hindi nagbayad. Marunong siyang umarte na okay lang pero mas magaling akong umarte sa kanya kaya alam kong maiiyak na siya.

Hindi natin alam kung anong pinagdadaanan ng bawat tao kaya sana mas piliin nating maging mabuting tao sa lahat ng oras.

Nang makarating ay agad na nagbayad ang mga pasahero. Nagpahuli na ako dahil ayaw ko rin namang makipagsisiksikan.

"Bayad ho, dalawa." Nagbayad ako ng bente at umalis na.

Sana kahit sa simpleng bagay lang ay may napangiti ako.

Inayos ko na ang sarili ko at ngumiti. Ang sarap sa feeling.

Kapag talaga yumaman ako, isa sa mga gusto kong tulungan ay ang mga drivers.

Gusto ko ring yumaman gaya ng mga foster parents ko.

"Good morning po." Ngumiti ako sa guard na nagbabantay sa gate.

"Good morning ma'am," aniya. "Salamat." Dugtong pa nito.

Sinuot ko ang I.D. ko at pinasok ang earphone sa bag na kanina'y nasa bulsa ko dahil hindi ko na ginamit.

"Ange!" Isang pamilyar na boses ang tumawag sa 'kin na agad kong nilingon.

"Faith!"

"Hi." Lumapit siya sa 'kin at niyakap ako.

Tanging ngiti na lang ang nagawa ko. No, wrong move. Baka masaktan siya kapag tuluyan ko na siyang iwasan. Tina-try kong maging invisible sa kanila pero ang hirap.

"Thank you nga pala ha? You the best!" Niyakap niya ulit ako.

"Tutal, friday naman ngayon at aalis na rin sina tatay at nanay papuntang abroad, okay lang ba kung mag-dinner tayo mamaya sa bahay? Ni-request kasi nila nanay at tatay na makilala ka dahil ikaw ang bukang bibig ni ate Hazel." Ngumiti siya. Ramdam ko ang saya sa boses niya.

"Sure. I have to go, see you around." Naglakad na ako papuntang classroom. Wrong move again.

Buti na lang at wala pang tao sa room, ito naman kasi talaga ang dahilan kaya pumasok ako ng maaga, para makaiwas sa tsismis.

Naglakad na ako papunta sa desk ko at inilapag ang bag ko. Inilabas ko na rin ang papel at ballpen ko dahil isusulat ko na ang 8th letter ko for Rose.

Siya 'yong tipong mala-princess sa disney. Kulang na lang ay prince charming na mag aalaga sa kanya. Masyado kasi siyang dependent sa taong nakapaligid sa kanya, iyon naman ang kaabihan namin.

Mabait siyang kaibigan. Ang ayaw ko lang sa kanya ay 'yong wala siyang tiwala sa sarili, sa mga desisyong gagawin niya at kailangan pa niyang hingin ang advice namin.

Kaya kapag may magtatangkang manligaw sa kanya ay kailangan muna niyang dumaan sa 'min.

"Ano 'yan?"

"Ay butiki!" Sigaw ko dahil sa gulat.

"Hindi ako butiki ha!" Sabi niya habang tumatawa.

Tinago ko 'yong paper na sinusulatan ko ng letter ko para kay Rose.

"You're still a mystery to me."

"And you are my misery." Dugtong ko sa sinabi niya.

"Grabe ka naman! Curious lang kasi ako sa 'yo."

"Did you know that curiousity kills?"

"Do you believe in that?" He chuckles.

"Yeah, it will kill you."

"Like you do?"

"What?" Is he knew that I always tried to kill myself?

"You are killing me by your eyes." Inilapag niya ang gamit niya at umupo na sa tabi ko.

"By the way, here's the invitation." Inilapag niya ito sa lamesa ng upuan ko.

"I will fetch you at exactly 8am."

Binalingan ko ang invitation na binigay niya.

"Don't worry, hindi 'yan invitation sa kasal natin. Pft."

Hindi rin naman 'yan ang iniisip ko. Iniisip ko ang nakalagay sa invitation na binigay niya.

#LivePureMovement

Live Pure. Live Like Christ.

Hindi ko alam kung paano ulit kakausapin si God. Natatakot ako kasi baka galit siya sa 'kin. Sa lahat nang ginagawa ko.

And how can I live pure? How? If I knew that I'm not pure anymore.

How can they wash away all my sins?

Nahihiya na akong harapin si God. Kung alam lang ng taong 'to kung ano ako ay baka siya mismo ay iwasan ako.

Kung alam lang niya.

下一章