webnovel

Third Letter

"Can we talk to you at the office?"

Hindi kaagad ako nakasagot dahil sa kaba.

"Samson, can we talk to you at the office?"

"M-ma'am?"

"'Wag kang matakot, Samson. May itatanong lang kami." Lumapit siya at hinagod ang buhok ko.

"Okay po." Tipid kong sagot. Mabilis na pinasok ko ang gamit ko sa loob ng bag dahil natataranta na ako.

"Hinga ka muna ng malalim, Samson. Wala kaming gagawin sa'yo. After mo lang sagutin ang mga tanong namin ay pwede ka nang umuwi. Malinaw?"

"O-opo, ma'am."

Bakit ba ako kinakabahan? Alam ko naman sa sarili ko na walang mali sa ginawa namin ng teacher ko. Alam ko naman na walang nangyaring hindi kaaya-aya sa mata ng ibang tao. Pero bakit?

Nagsimula na kaming maglakad at kalaunan ay biglang bumigat ang paghakbang ko. Kaya ko bang pumasok sa loob?

Buti ay naka-uwi na ang mga estudyante kaya naman ay hindi na madadagdagan ang po-problemahin ko.

"Breathe, Samson." Aniya bago binuksan ang pinto ng guidance office. Breathe? I don't have the reason to breathe anymore.

Ito ang unang beses na nakapasok ako dito at feeling ko tuloy ay may nagawa akong malaking kasalanan.

Fck this feeling. Hindi pa man kami nakakapasok ay nasa amin na agad ang mga tingin nila. Ang mga matang mapang-husga.

Mas lalo akong kinabahan dahil maraming guro ang naririto. Guro sila, sana unawain muna nila bago nila husgahan ang isang bagay. Sana lang hindi nila kami husgahan base sa lang sa picture na nakita nila.

"Please seat down, Ms. Samson." Ani ng isa sa mga teacher sa harap ko.

Nagdalawang-isip pa ako bago umupo kaya tinapik ako ng adviser ko at pinaupo.

Sa nakikita ko ay puro teachers lang ang naririto at wala ang dean namin. Pero narito ang secretary niya.

"Meron lang kaming questions sa'yo iha. Just answer it honestly. Wala kaming gagawin sa'yo kaya huminga ka muna." Pakiramdam ko ay mga detective ang nasa harap ko at ako ang kriminal.

Pilit nilang nila-lighten up 'yong mood pero hindi iyon nakabawas sa kaba ko.

Tumango ako. Tinakasan ata ako ng dila ko.

"Ikaw ba ang nasa larawan?" Inabot sa'kin ng secretary ni Dean ang isang cellphone.

Narito ang picture namin ni sir Paul na magka-yakap.

Isang tango ulit. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makapagsalita. Parang gusto kong umiyak pero alam kong hindi pwede baka sabihin guilty ako sa ginawa namin.

"Pero wala kaming relasyon!" Depensa ni sir Paul.

"Kung wala, bakit kayo magka-yakap?"

"Ma'am, umiiyak siya no'ng panahon na 'yan. Anong gusto niyong gawin ko? Panoorin na lang siya?" Biglang kumalma si sir Paul habang nakatingin sa'kin.

Gusto nang umiyak ng mata ko.

"Ms. Samson, may relasyon ba kayo ni sir Paul?" Lahat sila ay nakatingin sa'kin at naghihintay ng sagot.

"W-wala po."

"See?" Ani sir Paul.

"Okay, Ms. Samson, you may go." Nginitian ako ng secretary ng dean namin.

Ngumiti ako pabalik. Kahit gusto kong umiyak sa harap nila ay hindi ko ginawa.

Wala naman kasi talaga kaming relasyon. Bakit ba nila pinagdidiinan 'yon? Bakit kayang imanipulate ng picture ang isang tao?

Picture lang 'yon, hindi gumagalaw at wala kang maririnig. Why they can easily judge someone without a valid proof?

Bagsak ang balikat kong sumakay ng tricycle pauwi.

Ang sama ng pakiramdam ko. Nagsisisi akong hindi ako masyadong nagsalita para depensahan si sir Paul.

Ang daming tumatakbo sa isipan ko. Buti na lang ay may blade ako sa bahay.

Dahan dahan kong sinilip ang pulsuhan ko. Medyo gumagaling na pala ang sugat ko. Pwede ko na ulit sugatan ang pulsuhan ko.

Nagbayad na ako sa tricycle driver at agad na bumaba.

Gusto ko nang umuwi. Buti na lang ay aalis ang parents ko dahil sa business trip nila sa magkaibang bansa.

Nakakarindi na kasi 'yong araw-araw nilang pag-aaway.

Hindi naman ako naging pasaway na estudyante at anak kahit binibigay na nila lahat ng gusto ko. Ini-spoil nila ako sa mga bagay, laruan at pera. Hindi nila alam na gusto kong mai-spoil sa love, time and attention.

Pero kahit na pakiramdam ko may kulang sa'kin ay hindi naman ako naging sakit ng ulo nila. Thankful pa nga ako dahil inampon at pinag-aral nila ako.

Pero, kahit na masaya akong humaharap sa kanila ay gusto kong tanungin din nila ako kung kumusta na ba ako? Kung kumakain ba ako sa tamang oras? Kung okay pa ba ako?

Alam ko namang imposible 'yon pero simpleng tanong lang. Hindi 'yong kakausapin lang nila ako kapag aalis sila. Kapag matutulog at bihira pa nga sa umaga dahil maaga silang umaalis.

Hindi pa man ako nakakapasok sa loob ng bahay ay naririnig ko na agad silang nag-aaway. Akala ko umalis na sila.

"Ano? May babae ka?!" Sigaw ni mommy.

"Hindi mo ako masisisi! Nagkulang ka. Hindi mo na ako inaalagaan tulad ng dati. Wala ka ng oras sa'kin. Sa tuwing katabi kita, parang ang layo layo ko sa'yo!"

"Oo, nagkulang ako. Pero bakit hinanap mo sa iba ang kakulangan ko? Bakit? Bakit kailangan mo akong lokohin?!" Mom said between her sobbed.

"Lalaki ako, Caira. Hindi mo ako masisisi!"

"Hindi lisensya ang pagiging lalaki para mangloko ng babae, Emman!"

"Pero may pangangailangan ako at hindi mo napunan 'yon."

"Bakit hindi mo ako kinausap? Bakit hindi mo sinabing nangangailangan ka? Bakit ka pa naghanap ng iba? Ayaw mo na ba sa pamilya natin?"

"Hindi mo na nga ako mabigyan ng anak, eh."

"Wow, Emman! Baka nakakalimutan mo, bago pa kita sagutin alam mo na na baog ako. Kung ayan lang pala ang gusto mo, maghiwalay na lang tayo!"

"I'm sorry, Ciara."

"Alam mo, hindi ako nagsisising minahal kita. Ang tanging pinagsisisihan ko lang ay 'yong pinagkatiwalaan kita. I'm trying my best not to cheat and be faithful. Pero, ikaw? Binigay ko ang lahat ng tiwala ko pero niloloko mo na pala ako. Hindi mo man lang pinahalagahan ang 18 years nating pagsasama! Ang tanda mo na, humaharot ka pa din!"

Maghihiwalay na ba sila? Paano na ako? Mag-isa na lang ba talaga ako?

Later, when I get inside I'll write my third letter for mom. 

下一章