webnovel

I'm confused

Sabay na pumasok ng Trabaho si Ry at Cha

Awkward silang dalawa dahil sa nangyari kagabi

"Cha.. okay ka lang"

"Oo naman" pero hindi makatingin si cha kay Ry

"May business meeting tayo sa kabilang company"

"Okay"

Nasa lobby na nga sila Ry at cha at kinukulit ni Ry si cha habang naglalakad sila.

"Uy.. bakit d ka makatingin sakin ha?"

"Tigilan mo nga ako Ry!"

"Aminin mo hindi mo makalimutan yung halik ko no?"

"Ano kaba anong pinagsasabi mo!"

Sabay hinahampas niya si Ry gamit ang folder

"Mapanakit kana ah"

Habang nagkukulitan silang dalawa nasalubong nila si Jinho.

Nakatingin si Jinho sa kanila kaya napatigil sila at inayos ang mga sarili.

Seryosong nakatingin si Jinho kay cha kuminto lang siya at lumakad na at nilampasan sila.

Hindi alam ang gagawin ni cha nahihiya siya na nakita sila ni Jinho sa lagay nilang ganun ni Ry.

Pagkalayo ni Jinho sa kanila lumingon si Jinho ulit nakita niya na ni akbayan ni Ry si cha pero agad na tinangagal ni cha

Mukhang okay silang dalawa at nagkakamabutihan sabi ni Jinho sa isip niya.

"Sr may next meeting pa po tayo"

"Ah.. okay.."

__________________

Sa isang restaurant ang meeting ni Jinho sa vip client nila mga 5pm.

Andun na siya nakaupo at inaantay ang ka meeting niya.

Biglang bumukas ang Pinto at si Cha ang pumasok nakita siya ni Jinho pero si cha hindi niya napansin si Jinho. Daredaretso na pumunta si cha sa isang table na may naghihintay na babae.

"Hi.. mica!" Sabi nito

"Namiss kita best.."

"Ako din"

Tinitignan lang ni Jinho si Cha at pinapakinggan ang pinaguusap ng dalawa.

"Kamusta kana?"

"Okay lang naman"

"Balita ko kayo na ata ulit ni Ry ah?"

"Ah un ba? Wala yun"

"Anong wala yun! Sobrang mahal mo kaya yun halos mawala ka sa sarili mo noong umalis si Ry"

"Ano kaba tumigil ka nga wag mo na ibalik ang noon"

"Noon talaga? Bakit hindi naba ngayon? Hindi mo na siya gusto?"

"Hindi ko alam"

"What hindi mo alam? So my chance na gusto mo pa siya?"

Naririninig lahat ni Jinho ang pinaguusapan ng dalawa. Natapos nadin kumain ang dalawa at lumabas na. Dahil wala pa naman ang ka meeting ni Jinho lumabas siya para sundan si Cha bubuksan na sana ni cha ang pinto ng kotse niya ng pigilan siya ni Jinho.

Hinawakan ni jinho ang kamay niya

"Jinho.."

"Pwede ba kitang makausap"

Bumalik nga sila sa loob ng restaurant para mag usap.

"Anong paguusapan natin?"

"Mahal mo naba siya?"

"Ha? Sino?"

"Ano to maang maangan lang? Si Ry! Mahal na ba siya?"

"Bakit mo ba tinatanong importante ba sayo ang sagot ko?"

"Oo.. nakita ko kayo mukhang masaya ka"

"Hindi ko kailangan sagutin yang tanong mo. Aalis na ako"

Tumayo si cha. Aalis na si cha hinawakan ni Jinho ang kamay niya.

"Please... Cha! Bumalik kana sakin please.."

Naiiyak na si cha inalis ni cha ang kamay ni Jinho sa kamay niya.

"Hindi ako babalik sayo Jinho"

"Bakit!! Dahil mahal mo na siya ha!?"

Pasigaw ang pagsabi ni jinho kaya nagulat ang mga ibang tao doon at pinagtitinginan sila.

"Hindi ko alam."

"Hindi mo alam? Bakit? Nalilito kana ba ngayon kung sino ang mahal mo? Nakakalito naba ngayon? Ha cha?" Nakatingin ng galit si Jinho

"Aalis na ako"

Umalis nga si cha sa restaurant naiwan si Jinho sa loob pag kaalis ni Cha dumating na din ang ka meeting ni Jinho kaya hindi niya na napigilan si Cha.

___Chapter 24 end___

Author: please dont forget to vote and comment and follow me for more updates of my story.

下一章