" may mga sumundong lalaki kay Sylvan kanina... "
[ Lindoln ]
Ugk!!! Nabigla ako sa sinabi ni Lliane,... Naku naman!??? Bakit ba hindi nag iingat itong si Sylvan?...
Sinubukan kong itago ang expressyon ko na " wala lang yun " dahil mukhang nag aalala siya kahit pa nga hindi naman siya tumitingin sa akin habang nagsasalita...
" magkasama kami kanina nung may mga sumundo sa kanya... "
" ahm?... Napansin mo ba kung anong symbol o something ang meron sa kotse nila?... "
" paano mo nalamang nakakotse sila!?... "
Sa wakas tumingin na rin siya sa akin yun nga lang...
" err... Medyo,... Hula ko lang. ( smile ) "
Dapat pala mag ingat din ako sa sasabihin ko...
" siya nga pala,... Alam mo ba kung saan sila pumunta? "
" hindi eh,... ( look down ) "
Medyo napansin ko na parang may iniiwasan si Lliane na topic na pwede naming masagasaan dahil sa kilos niya...
" kung ganun... Ano bang ginagawa natin dito?... "
" naisip ko lang na sundan sila... "
Halata ngang may iniiwasan siyang masabi...
" paano naman natin sila masusundan?... Saka bakit ako pa ang sinama mo?... "
" ( look away on the opposite side ) wala,...? Ano,...? Naisip ko lang... "
" nakakapagtaka naman yun?... Iniiwasan mo ako tapos ako pa talaga ang naisip mong isama...? "
" ( over protective look ) wala nga,... Naisip ko lang na baka alam mo kung sino ang mga lalaki na yun,... Di ba magkaibigan kayo ni Sylvan?... "
" at kelan pa ako napabilang sa isang gang??? Isa pa, parang ayaw kong maniwala na biglang naisip mo lang thinking na hindi mo alam kung saan sila pumunta tapos bigla mo na lang akong isinama na parang alam mo talaga na alam ko kung saan sila maaaring pumunta, ano??? "
[ Lliane ]
Sinusubukan ako ng tono niya,... Malamang na pinaghihinalaan na niya akong may nalalaman,... Pero mukhang hindi pa naman niya nalalaman kung anong alam ko eh... Magkukunwari na lang ako...
" naisip ko nga lang yun... Bakit ba ayaw mong maniwala... "
" oo na,... Pero hindi pa rin ako naniniwala sa sinasabi mo, may nililihim ka pa rin sa akin, pero bakit ka ba nag aalala ata masyado kay Sylvan?... "
" wala lang,... Natural na mag aalala ka kapag may mga lalaking naka itim ang sumundo sa kaibigan mo... "
" hmmm... Parang nagdududa na ako... "
" saan naman?... "
Tinignan ako bigla ni Lindoln ng isang tingin na inaasar ako...
" wag kang magsasalita!... "
" grabe, ang bilis mo naman maka pick up... "
" wag mo akong itulad sayo,... Nawala lang si Sylvan sa tabi ni Nina eh ikaw naman ang— "
Napatigil ako sa pagsasalita ng tignan niya ulit ako ng kagaya kanina.
" ano ulit yun Lliane?... Pwede mo bang ulitin ulit?... "
" wag mo nga akong tignan ng ganyan!... Nakakairita!... "
" nagseselos ka ba sa nakita mo sa amin ni Nina kanina?... "
" haha!... At bakit naman!?... "
" selos ka??? "
" tumigil ka nga!... Wag kang tumabi sa akin,... Hindi tayo close!... "
" sa pagkakaalam ko eh ikaw itong humawak sa kamay ko kanina at hinila ako pasakay dito,... Hah! You kidnap me... "
" shut up!... "
Lumingon ako palabas sa bintana ng bus pero siya eh ngiti pa rin ng ngiti...
HIDDEN SMILE....
_______________
[ Sylvan ]
Nandito ako ngayon sa isang mansion na pag aari ng pamilya ni Emia. Dito ako dinala nung tatlong laaki kanina na naka itim.
Sa totoo lang eh hindi ko naman ikinagulat na malaman na galing sa isang mayaman na pamilya si Emia... Marami naman kasi talagang nag aaral sa Epsilon Academy ang galing sa mayayamang pamilya at itinatago ang kanilang social status... Three of those i would name were Lindoln, Nina, and Elliot...
Sinabi na rin sa akin ng laaking kaharap ko ngayon which is ang lolo ni Emia kung sino talaga siya...
Pero sa totoo lang eh wala naman akong pakialam sa mga bagay na nalaman ko...
" ahm,... Pasensya na po pero ano po bang dahilan kung bakit niyo ako pinapunta rito?... "
" well,... Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa... Dahil sa apo ko si Emia ay delikado ang walang nagbabantay sa kanya. Hindi makakapasok ang mga sikretong bodyguard nya sa loob ng eskwelahan kaya gusto kong kunin ka na magbantay sa kanya sa loob... Wag kang mag alala, sinisiguro kong hindi mo matatanggihan ang ini o-offer ko sayo... "
" ayoko ho sanang maging bastos sa inyo dahil sa paraan ng pagsasalita ko at tutal naman po ay ginawan niyo na ako ng background check ay magiging pranka na ako... "
" sige lang, wag kang mahihiya iho... "
" ahm,... Ang gusto niyo po ba talagang sabihin sa akin eh wag akong magkakaroon ng iba pang relasyon kay Emia maliban sa pagiging kaklase niya?... "
" ha ha ha!... Nakikita kong matalino kang bata at may pride pa... Hindi ko na siguro kailangang mag bait baitan pa kaya tatapatin na din kita... Ganun na talaga ang gusto ko pero gusto ko rin na ikaw ang maging mata ko sa loob ng eskwelahan... "
" pwede niyo hong sabihin na mali ako pero base sa dami ng nalalaman niyo sa amin ni Emia eh siguradong may nagbabantay na sa kanya sa loob ng academy... Naniniguro lang po ba ayo na wala akong ibang gagawin?... "
" bata?... Binibiyan mo ba ako ng isang business proposal?... Anong pinapalabas mo?... Patuloy mong lalapitan ang apo ko dahil mas marami kang makukuha sa kanya kaysa sa ini o-offer ko sayo... "
" hindi naman po pero sapalagay ko mukhang nagkamali po kayo sa pagkakakilala sa akin... "
" nabasa ko na ang lahat tungkol sayo, pero mukhang nagkamali nga ako sa pag analyze... Mukhang hindi rin sayo gagana ang intimidation kaya sige... Dadagdagan ko ang ini o-offer ko sayo,... You really are good at doing business but unfortunately you were just a kid with nothing,... How i wish to have a grandson with a wit like you but apparently i don't have... "
" thanks for the compliment but i think it was best that you have someone who was loving like— "
" Lolo?... "
Napatigil ako ng biglanv bumukas ang pinto sa likod ko kaya napalingon ako at nakita doon ng pumasok si Emia na may hawak na pasalubong na para sa lolo niya...
Halata sa mga mata niya abg pagkabigla at takot na makita ako sa lugar nila...
Nahalata ko rin na ganun ang expressyon ng lolo,... Takot siyang makitang magalit sa kanya ang nag iisa niyang apo...
Pero... Si Emia,... Matapos niyang ma-realize ang sitwasyon na kanyang iniimagine eh agad na tumalikod at umalis.
Nakita ko pa ang galit sa mga mata niya ngunit kasabay nun eh may nakita rin akong patak ng luhang umaagos dito...
She's mad definitely, pero hindi sa kanyang lolo,... Palagay ko mas naiinis siya sa akin... Pero bakit kaya sa akin??? Ano kayang ginawa ko?...
I have a feeling that she doesn't really understand the situation right...
Magsasalita na sanna ang lolo niya sa akin ng biglang mav ring ang telephone s desk niya kaya naman sinagot niya muna ito...
Mukhang nakilala na niya kaagad ang boses pa lang nito at wala pang labing limang segundo ay ibinaba na niya ang telepono...
" sapalagay ko po eh yun a a g hinihintay kong tawag,... Bale, kailangan ko na rin pong umalis... Humihingi po ko ng paumanhin at sa ganitong paraan po tayo nagkakilala... "
[ Lolo Rain ]
Kaya naman pala ganun ang kilos niya...
" yun ba ang dahilan kung bakit sinabi mong nagkamali ako ng pagkakakilala sayo?... Anong meron at kilala ka ni Mr.— "
" palagay ko po eh hindi ko dapat sagutin yung tanong niyo... Isa pa wala rin naman siyang sinabi tungkol sa akin... Malamang na kita musta niya lang ako... "
_______________
[ Lindoln ]
Matapos naming bumaba sa bus eh nagsimula na kaming maglakad ni Lliane ng walang patutunguhan...
Nagpasya akong kuhanin ang cellphone ko at tawagan muli si Sylvan. Kanina kasi habang nasa byahe pa kami ni Lliane eh hindi ko siya makontak. Buti na lang at ngayon eh nagri-ring na ang cellphone niya...
" hello,... Sylvan?... Ano, kumista ka na?... Kasama ko si Lliane ngayon... "
Pinapanuod lang ako ni Lliane kaya naman ni loud speaker ko na ang cellphone ko para naman mawala na ang pag aalala niya...
" ayos naman ako, wag niyo na akong alalahanin,... Pauwi na ako ng bahay... Nasaan ba kayo ngayon baka sakaling malapit labg ako diyan... "
" nandito lang kami malapit sa mall, isang sakay mula sa school... "
" ah malayo pa ako,... Oh pano?... Magkita na lang tayo bukas... "
" oo sige... "
" nga pala, pwede ko bang makausap si Lliane?... "
Iniabot ko kay Lliane ang cellphone ko na naka loud speaker pa rin at mukhang wala rin siyang balak na i-off iyon...
" Lliane?... "
" oh bakit?... "
" mag enjoy kayong dalawa,.. At nasa mall pa talaga kayo ngayon ah— "
" siraulo ka talaga! "
Ini-off na ni Lliane ang phone at syempre pa eh nagkahiyaan tuloy kami dahil sa sinabi ni Sylvan...
" ahm?... So paano? Wala ng dapat problemahin... "
Hindi siya tumingin sa akin sa alip ay nanatiling nakatalikod habang nasa kanya pa rin ang cellphone ko... Nakayuko siya habang hawak niya yun banda sa dibdib niya...
" mauna naako sa iyo... "
Sabi ni Lliane na nagmadaling naglakad palayo ng hindi man lang ako nililingon.
" ui!... Sandali?... "
Sinubukan ko siyang tawagin kaya ang mukhang ayaw talaga niya akong lingunin...
" ingat...! "
Pahabol kong sabi sa kanya... Ang totoo, kaya ko siya tinawag ay dahil nasa kanya pa ang cellphone ko... Di bale na nga...